ROXY CITY BOOK 5 (LOVE OR NOTHING) Chapter 19

CHAPTER NINETEEN

Napangiti si Geri nang makita ang tumatakbong si EJ palapit sa kanya. She immediately felt excited kaya tumayo na siya sa kinauupuang bench.

“Ate!”

“Hi.” Maluha-luha niyang sinalubong ito ng mas mahigpit na yakap nang yakapin siya nito. “I missed you.”

“Ako din ate.” Tila basag ang tinig nito kaya hinarap niya ito. He was crying.

Sinubukan niyang tawagan si Lyka upang makiusap dito na kung maaari ay makita niya ang kapatid niya. Halos tatlong linggo na niyang hindi nakikita si EJ at para na siyang mababaliw sa kaiisip. Alam naman niyang ligtas na ito ngunit hindi naman niya ito nakita nang mailigtas ito mula sa kanilang Tita Naida. Dahil iyon ang mismong araw na umalis siya ng mansyon ng mga Lagdameo.

“Oh, EJ. Ba’t ka ba umiiyak?” pilit na pinipigil ang luha niyang sita dito. Pinahid niya ang luha nito.

“Naiinis ako sa’yo.” Panay ang hikbi nitong sagot. “Iniwan mo ‘ko.”

Napangwi siya. “EJ, h-hindi naman sa gano’n. May mga nangyari lang. I’m sorry hindi na ‘ko nakapagpaalam sa’yo. Sorry na, please.”

“Ba’t ka ba umalis?” tanong nito habang nagpapahid ng luha. “Iniwan mo din si Kuya Jershian. ‘Yan tuloy laging malungkot.”

Hindi siya nakahuma kaagad nang matigilan siya sa narinig. Her heart skipped a beat just hearing his name.

“A-ah…halika upo nga tayo.” Aniya at hindi pinansn ang sinabi nito. Panabay silang naupo sa bench.

“Kumusta ka na? Hindi ka ba pasaway kay Ate Lyka?” tanong niya. Umiling ito. “Hindi ‘no. Ate, kelan ka ba kasi babalik sa’tin?”

Muli, hindi siya kaagad nakatugon. Paano ba niya ipapaintindi sa kapatid niya totoong sitwasyon niya. Nagbuntong-hininga siya.

“EJ, di’ba sabi ko naman sa’yo na hindi naman tayo buong magkapatid. Ang sabi ko magkaiba ang mga tatay natin.”

“Tapos?” tila hindi naman nito naiintindihang agap. “Hindi naman ako pwede sa mansyon.”

EJ winced. “Eh di’ba asawa mo si Kuya Jershian.”

“EJ.” Pigil niya sa ano pa mang sasabihin nito. “Makinig ka sasabihin ni Ate, okay? Sa ngayon, hindi mo maiintindihan. May mga bagay, EJ, na hindi pwedeng mangyari. Hindi ako kasama sa pamilya mo. Pwede nating sabihin na magkaiba ang pamilya natin. Hindi tayo pwedeng magkasama. Pero…ako pa rin naman ang ate mo. Hindi naman na magbabago ‘yon. Kaya lang, kailangang lumayo ni Ate.”

“Ano? Saan ka pupunta?” malungkot ang tinig nito. “Magtatrabaho ako sa medyo malayo.” Tugon niya.

Parang gusto niyang maiyak nang makita na namumuo muli ang luha nito. Hindi niya kayang pagmasdan ang sakit sa mga mata nito. Alam niyang nasasaktan ito sa nangyayari ngunit kailangan niyang sabihin dito ang totoo. Kahit pa mahirap iyon sa kanya.

“Sa’n nga?” tanong nito. Nagsimula na itong umiyak. “Sa Singapore.” Sagot niya.

Inalok siya ni Amber na magtraining sa Singapore kung saan naroon ang main branch ng isa sa mga kumpanyan ng pamily Sih-Chua. Isang coal mining iyon na nakasentro sa buong Asya

ang operasyon. Magtatayo ng planta sa Pampanga at magkakaroon ng remote office sa Maynila kaya nangangailangan ng mga staff. Isa siya sa ini-rekomdenda mismo ni Amber upang maging accounting staff.

“Malayo ‘yon. Aalis ka dito sa Pilipinas.” Anito.

“Oo pero pwede naman tayong magtawagan.” Mabilis niyang sagot. Inabot nito ang kamay nito. Ngunit umiwas ito.

“EJ...” tawag niya nang bigla itong tumayo. Sinundan niya ng tingin ito at akmang susundan ngunit natigilan siya nang makita niya kung sino ang nilapitan nito.

“Aalis daw s’ya, Kuya.” Puno ng lungkot na sabi ni EJ kay Jershian na nakatayo pala malapit lang sa kanila. Hindi niya ito napansin na nakalapit dahil sa pakikipag-usap niya sa kapatid.

Hindi tumugon si Jershian bagkus binuhat nito si EJ. Kaagad na yumakap si EJ dito at nakita na lang niyang yumugyog na ang balikat ni EJ. Her brother was crying. Parang piniga ang puso ni Geri.

“Shhh, it’s alright.” Ani Jershian habang hinahagod ang buhok nito. Ngunit ang mga mata ay nasa kanya.

It was unexplainable. Ayaw magpakita ng emosyon ang mga mata ni Jershian. He must be trying to hide or it can be just blank. Dahil wala naman itong dapat ipakita. Marahil katulad niya ay tinanggap na rin nito ang nangyari sa kanila. Kahit sa kaibuturan ng puso niya ay umaasa pa rin siyang may pagkakataon pa sila.

“EJ.” Aniya habang lakas-loob siyang lumapit sa mga ito. Kumilos naman ito at lumingon sa kanya. Puno ng luha itong tumingin sa kanya. Mabilis na namuo ang luha niya.

“Babalik naman ako. Kailangan ko lang mag-train do’n para sa trabaho ko.”

“P-pero hindi ka naman na uuwi sa mansyon.” Umiiyak nito sagot. Hindi niya napigilang lingunin si Jershian. Parang tinutunaw siya ng tingin nito. Wala itong sinasabi ngunit tila kay lalim ng nais sabihin. Nag-iwas siya ng tingin.

“Basta, EJ, promise mo sa’kin magpapakabait ka.” Hirap at pigil ang emosyon niyang sabi dito. “Mag-aaral ka nang mabuti, ha. ‘Wag mong bibigyan ng sakit ng ulo sina Lolo. Mahalin mo sila.”

Hindi ito tumugon bagkus umangat ang mga braso nito na nagpapayakap sa kanya. Bumigay na siya. Kinuha niya ito mula kay Jershian at mahigpit na niyakap. Mabilis na tumulo ang luha niya. Kung siya lang ang masusunod ay isinama na niya ito kung saan man siya pupunta. Ngunit hindi maaari.

“I love you, Ate.” Sabi ni EJ sa gitna ng pag-iyak.

“I love you, too.” Tugon niya na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napatingin siya kay Jershian.

“Alagaan mo ang kapatid k-ko.” Sabi niya dito.

“I will.” Tanging nitong tugon. Ibinalik na niya si EJ kay Jershian.

Pinahid niya ang kanyang luha. “Alis na ‘ko. Mamaya na kasi ang flight ko.” “Bye, Ate.” Anang umiiyak pa ring si EJ.

“Bye-bye.” Tugon at nilapitan ito upang halikan. Ngunit palibhasa’y dala ito ni Jershian ay hindi niya naiwasan mapakapit sa braso nito upang maabot si EJ. Naramdaman naman na bahagyang yumuko ito upang mahalikan niya ang kapatid niya. Kaya hindi niya napigilang maramdaman ang hininga nito. She felt the familiar shiver.

“Ingat.” Narinig niyang sabi nito at sa pagkabigla niya ay lumapat ang labi nito sa pisngi nito. “Magkikita pa tayo. Ipinapangako ko.”

She glanced at him. But that glance turned into stare. Tumagal iyon ng ilang segundo bago niya nagawang umalpas sa braso nito. Parang biglang nanginig ang mga tuhod niya.

“Alis na ‘ko.” Sabi niya pilit na iwinaglit ang mga salitang binitawan ni Jershian.

Alam niyang hindi naman iyon ang huli nilang pagkikita kaya natural na mabanggit nito iyon. Ngunit bakit tila may ibang nais maging kahulugan ang puso niya? Nais ba siya nitong paasahin? Siya na rin ang sumaway sa sarili niya. Mali nang pahintulutan niyang muling umasa. Nasaktan na siya.

“S-sige.” Paalam niya habang kinakawayan si EJ. Paatras siyang naglakad. At sa bawat atras niya ay kahulugan ng pagbigat ng dibdib niya. Tumalikod siya saka binilisan ang paglakad. She must be a fool thinking to go back.

Lumakas pagluha niya. That moment must be really her goodbye.

Singapore, two months later

Suot ang kanyang trench coat dahil malamig ang panahon noong gabing iyon ay pumasok si Geri sa isang dessert restaurant sa Holland Village. Tinawagan siya ni Amber at pinakiusapan siyang i-meet ang potential client sa Pilipinas. Naroon daw iyo sa Singapore para sa isang bakasyon.

Ayaw sana niyang pumunta doon at harapin ang sinasabing kliyente. Bukod sa pagod siya galing sa training ay tinatamad siyang lumabas dahil malamig ang hangin. Mas gusto sana niyang ubusin ang nalalabing oras sa gabing iyon sa pagpapahinga. Ngunig pinilit siya ni Amber dahil isang malaking pagkakamali kung mapapalampas ang pagkakataon dahil mahirap hagilapin sa Pilipinas ang naturang kliyente. Kaya kung maa-accommodate niya ito habang naroon ay magiging kampante ito at lalakas ang posibilidad na makuha nila ito.

Hindi na nabanggit ni Amber kung sino ang ka-meeting niya. Ito na daw mismo ang nagpa-reserve sa naturang restaurant. Basta’t sabihin na lang daw niya ang kanyang pangalan.

“Good evening, Madam.” Bati ng attendant sa kanya.

Ngumiti siya. “I have a reservation. I’m Geraldine Laura de Claro.” “This way, Madam.” Anito at pinasunod siya.

Halos puno ang buong restaurant ng mga patrons nito. Sa likod na bahagi siya dinala ng attendant at sa dulong couch kung kita ang magandang view ng lugar. Holland Village was five minutes away from Singapore Business District. Doon siya nagte-training kaya hindi siya nahirapang hanapin ang naturang restaurant.

Ngunit nang mabungaran niya ang naghihintay sa kanya ay natulos siya at natigil sa paglalakad. Pakiramdam niya ay namulta siya dahil pakiramdam niya ay bigla siyang nanlamig. It was not because of the weather.

“Madam?” anang attendant na nagtaka nang makitang natulala siya. Tila naman nagising siya at kumurap.

“Yeah?” tila wala sa sarili niyang saad. Ngumiti ito at inilahad ang kamay na sinasabing lumakad siya. Muli siyang napalingon sa dulong couch. Naroon pa rin ang kakatagpuin niya. Napabuga siya ng hangin.

Wala na siyang nagawa kundi ituloy ang paglapit at hindi pa man lubos ang pagpatid niya sa distansya ay nakita na siya.

“Mr. Lagdameo.” Anang attendant at tahimik na tumalikod nang tumango si Don Emman.

Siya naman ay nanatiling nakatayo sa harap nito. Ang totoo ay hindi niya alam kung ano ang dapat maging reaskyon. Hindi niya alam kung ngingiti o kung magsasalita siya. She was

really surprised and shocked. Ito na marahil ang kahuli-hulihang taong aasahan niyang makita sa lugar na iyon.

“Come, sit.” Biglang ngiti nitong sabi sa kanya. Parang natilihan si Geri. Tila hindi na galit sa kanya si Don Emman.

Tahimik pa rin at nag-iisip siyang naupo sa katapat nito. Hindi niya maintindihan kung bakit pumayag si Amber na siya ang humarap kay Don Emman kung totoong business matters ang pag-uusapan nila.

“Surprised?” saad nito sa kanya. Nagpapakatotoo siyang tumango saka nagbuntong- hininga.

“H-hindi ko po maintindihan pero…”

“Don’t worry. Ako mismo ang nagsabi kay Amber na papuntahin ka dito.” Agap nito habang kinuha ang menu. Ganoon din ang ginawa niya.

“A-Ano pong ibig n’yong sabihin?” kumunot ang noo niyang tanong muli. Hindi niya lubos na maisip kung bakit bigla bigla itong magpapakita sa kanya at talagang nagtungo pa ito sa Singapore.

“Just order, first.” Anito kaya napilitan siyang tumingin sa menu.

Wala siyang masyadong maintindihan sa menu bukod sa alam niyang lahat iyon ay dessert. Most were ice cream, cakes and sorbets. Ang totoo ay hindi pa siya nakapunta sa lugar na iyon kahit pa dalawang buwan na siya sa Singapore. She found the area to expensive. Hindi naman siya nagpunta doon upang magwaldas na pera. Trabaho ang ipinunta niya doon at upang makalimot.

“One Araguani H-two-o. Geri?” Ani Don Emman. Mula sa menu ay umangat ang tingin niya dito. Hindi pa siya nakakapili. Wala naman kasi siyang alam kung ano masarap.

Pakiramdam niya ay pare-pareho lamang iyong cake at ice cream. She also find the product ridiculously expensive. Na kung iisipin ay hindi naman matatawag na main course iyon.

“Mimosa.” Aniya sa waiter at ibinalik ang menu. Sa bahay na siya kakain.

“Not hungry?” tanong niya. He looked amazed. Nilingon nito ang waiter. “Give her Amedei Chilli Chocolate cake.”

“Ah, hindi na po.” Pigil niya. Tama na sa kanya ang cocktail drink na order niya. “No, I insist.” Agap nito.

Pinilit niyang ngumiti kahit na naiilang siya. “Sir, ‘wag na po talaga. Kung okay lang po pag-usapan na natin ang kailangan nating pag-usapan.”

Tila unti-unting nalusaw ang ngiti nito saka tinanguan ang waiter. Muli itong tumingin sa kanya. She saw him sighed. Bumalik bigla ang kaseryosohan nito. Kinabahan siya. Mukhang bumalik ang pader na namagitan sa kanila.

“I know you’re really wondering why I’m here. As I said, ako mismo ang nagsabi sa kaibigan mo na tulungan ako para makausap ka.” Saad nito. Muling kumunot ang noo niya.

He chuckled in her surprised. “I know. It’s…It’s unusual. Pagkatapos nang nangyari sa mansyon. I know you are distant now. Hindi mo rin inasahan na mangyayari ‘to.”

“Oo nga po.” Napatango niyang tugon.

“Alright.” Anito. “This…may sound awkward, Geri. Pero hindi na ‘ko liligoy pa. I’m here to talk about my boys.”

Naningkit ang mga mata niya upang mas lalo itong maintindihan. Nalilito na talaga siya saka samu’t-saring ang tumakbo sa isip niya. Lalo siyang kinabahan.

“M-may nangyari po ba kay EJ?” puno ng pag-aalala niyang tanong. Umiling ito. “No. Wala naman, hija.”

‘Hija?’

“Look, Geri. Hindi ito madali para sa’kin. To come here and talk to you. Alam naman natin pareho na hindi naging maganda ang huli nating pag-uusap. But if this is the way I need to do para maging maayos ang mga apo ko, I would try.” Mahaba nitong saad.

“Sir, may problema po ba? Akala ko po nagkasundo na tayo? Sinunod ko naman po kayo.

Lumayo na ‘ko, ‘di po ba?” gulung-gulo niya tugon.

“Yeah, I know. My presence here was really unexpected. Pero mabigat ang dahilan ko para makausap ka. Tungkol ito sa kapatid mo at kay Jershian.”

“Sir, pakilinaw naman po.” Namumuo ang irita niyang agap.

“My boys were never been the same since you left, Geri. Parang lalong nagulo ang buhay nila lalo na si Jershian.” Sagot nito.

“Sir-” natigil siya nang biglang dumating ang order nila.

“I came here to settle our issue. Ginagawa ko ito para sa mga apo ko. Gusto kong ayusin natin ang anumang hindi magandang mangyari. I want to…apologize, hija, for the rudeness. It was, unbelievably on my part, to say this to you. Pero sa nakikita ko kina EJ. Wala na ‘kong magagawa kundi kausapin ka.

“Malaki ang pinagbago ni EJ nang umalis ka. Hindi na s’ya masayahin. Bigla siyang naging tahimik. Ayaw na niyang makipagkwentuhan sa’kin. I tried to buy him gifts but nothing happened. His appetite even change. And one night, napadaan ako sa kwarto n’ya, I heard him crying. Pumasok ako at tinanong ko s’ya. He said he misses you so much. Hindi na raw naririnig ang lullaby mo kaya hindi na s’ya nakakatulog.”

Tahimik si Geri. Nakatitig lang siya kay Don Emman na tila mabigat ang mga binitawang salita. Alam niyang nahihirapan at nasasaktan ito. She felt him for the first time. Dahil pareho silang nag-aalala para kay EJ. They both love that kid.

Nagbuntong-hininga siya saka sumandal sa upuan. Naninikip ang dibdib niya. Naramdaman niya bigla ang pangungulila. She also felt guilty. Iniwan niya kasi si EJ. Nagawa niya itong layuan dahil lamang sa nasaktan siya. Dahil lamang nagmahal siya.

“Ano pong gusto n’yong mangyari?” tanong niya.

“Geri, I want to clear some things about me that you know. Naging masama ang imahe ko sa’yo dahil sa mga nangyari noon. Marahil iniisip mong ako nagpahirap kay Randel dahil sa pagtatakwil ko sa kanya. I admit. It was my fault. Hindi ako naniwala kay Carissa. Inisip kong masama s’yang babae at sasaktan lang ang anak ko. But I was more than hurt when he decided to went away. Ama ako, Geri, at maagang nawalan ng asawa. Kaya sa mga anak ko ako humugot ng lakas para magpatuloy sa buhay. I hope you blame me less for keeping my reputation and wealth for my children. I thought I have good intentions. Mali lang siguro ang paraan ko. But I love my family. Ito ang dahilan ko kung pinayabong ko nang ganito ang kayamanan ko. Lahat ito ay para sa kanila. Para sa mga anak ko, para kay EJ, kay Jershian.

“I’m really sorry. I misjudged you. Naging madamot ako sa pang-unawa. Akala ko, ang mailayo ka kay Jershian ang magiging solusyon pero nagkamali ako. Lalo ko lang nasaktan ang apo ko. He was never a good man when you left. You are his happiness, Geri. Ikaw ang ngiti na kailangan nila. Miss na miss ka na nila.”

Hindi alam ni Geri ang dapat maramdaman nang mga oras na iyon. Tila matutunaw siyang hindi. Parang gusto niyang maiyak ngunit gusto rin niyang pigilan iyon. Si Don Emmanuel Lagdameo ang kaharap niya.

“I want to ask you to go home. Gaganapin ang introduction party ni EJ sa El Grande Hotel sa isang linggo. Sana’y makapunta ka. I’m hope this is not too much for you. Alam kong naiintindihan mo ‘ko. Sa’yo nakasalalay ang kaligayahan ng mga apo ko.”

Napaigtad si Geri nang biglang abutin nito ang kamay niya na nakapatong sa mesa. She then saw his eyes sparkled like crystal. Saka niya napansin na luha pala iyong nagbabadya sa mga mata nito. She cried.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.