CHAPTER TEN
Sinalubong si Amber ng umiiyak na si Geri nang marating niya ang rooftop ng Roxy City kung saan naroon ang isang espesyal na suite para sa ‘Xquizit. Doon sila madalas tumambay kapag libre at hindi abala sa kanyan-kanyang buhay.
“What happened?” nag-aalalang tanong niya kay Cleo nang makalapit sa mga kaibigan niya. Ginulat siya ng tawag ni Cassie at sinabing may nangyari kay Geri.
“Nangyari na ‘yong kinatatakutan natin.” Sabi nito.
“What?” aniya sabay sulyap kay Geri. Katabi ito nina Cassie at Thia. Naroon din si Kathryn at tahimik na nakamasid sa umiiyak na si Geri.
“Nakidnap si EJ. Kahapon-”
“Ano?” gulat na gulat siya ngunit pinigil siya nito.
“Makinig ka muna. Ganito ‘yon. Remember ‘yong tita ni Geri? Si Naida? S’ya ang nagpakidnap kay EJ. ‘Tong bruhang kaibigan nating ‘to eh, hindi nagsasabi sa’tin. May gano’n na pa lang nangyayari sa kanya hindi pa natin alam. Kaya pala sila nagpakasal ni Jershian ay dahil si EJ pala ang pinsan ni Jershian. At tagapagmana ng mga Lagdameo. Nagkasundo daw sila na hindi ilalayo ni Jershian si EJ sa kanya kapalit pakasalan s’ya. So, our hint was true. Hindi totoo na nagligawan sila. They were not a couple when they got married. Kuha mo? Nagawa n’yang maglihim nang gano’n sa’tin. And look at her now. Nasasaktan s’ya kasi wala na s’yang nagawa. Pinalayas s’ya ni don Emman.” Mahabang kwento nito.
“How’s EJ?”
“Hindi na n’ya nakita pero sigurado naman daw s’yang safe na. Baka nga daw nasa mansyon na. ‘Yon ang naging kasunduan nila ni Don Emman. Maililigtas ang kapatid n’ya kapalit ng paglayo n’ya.” Sagot nito.
“Si Jershian. Alam ba n’ya?” muli niyang tanong. Umiling ito. “Wala si Jershian nang umalis s’ya do’n.”
Napalingon sila kay Geri. Panay ang pagluha nito. And seemed like that she was in pain.
Great pain.
“I think she has her reason why she didn’t tell us.” Naiintindihan si Geri niyang sagot.
Dahil ganoon din siya. Mayroon din siyang hindi sinasabi sa mga kaibigan niya.
“Sabi n’ya, alam n’ya kasing pipigilan natin s’ya. At isa pa, biglaan daw ang naging desisyon ni Jershian. At alam mo kung anong mahirap sa nangyari?”
Napalingon siya kay Cleo. “Ano?” “Mahal na n’ya si Jershian.”
Napabuntong-hininga siya. Saka lumapit kay Geri. Lumuhod siya sa harap nito. She grabbed her hands and held it tightly.
“Hey.” Maluha-luha niyang tawag dito. Puno ng luha ang mukha nito kahit panay ang abot ng tissue ni Cassie dito.
“I’m sorry…h-hindi ko nasabi a-agad sa in…yo.” Hirap nitong sabi sa gitna nang pag-
iyak.
“That’s okay.” Tangi niyang nasabi. Napatingin siya sa mga kaibigan niyang nag-aalala rin para kay Geri.
“Anong plano mo ngayon?” tanong niya.
“Hey! What happened?” hindi na siya nasagot ni Geri dahil sa biglang dumating.
Lumingon sila at nakita ang humahangos na si Roxanne. Kaagad itong lumapit sa kanila.
“Hi.” Bati nito sa kanya at nagawang pang hawakan ang pisngi niya. Saka siya kumilos patayo upang bigyan ito ng espasyo. Ito naman ang tumabi kay Geri.
Hindi naiwasan ni Amber na makaramdam ng lungkot sa nakikita. Geri was so weak. Hindi maikakaila na nasasaktan ito. She badly needed them. Hindi madali ang pinagdaanan nito. Ang gusto lamang naman nito ay maprotektahan ang kapatid nito.
Lumipad ang tingin niya kay Roxanne. She was calm and so nurturing while consoling her friend. Naisip niya kung may nabanggit si Jeuan dito tungkol sa kanila. She wanted to come to her and ask for some advice. Ito ang nakakakilala kay Jeuan. Gusto niyang may mapagkwentuhan ng saya niya sa tuwing nakakasama si Jeuan. Kung paano niya ito kinasasabikang makita sa araw-araw. Three weeks had been past. At kahit paano ay nairaraos nila ang kanilang lihim na relasyon. Nagpipilit pa rin itong pumunta sa bahay nila upang kausapin si Andrei o kahit ang mommy niya. Ngunit siya ang mariing tumatanggi.
Nakita niya ang pagyakap nito kay Geri. She felt envious. Alam kasi niyang kailangan din niya ng ganoong pagdamay. Hindi rin madali ang pinadadaanan niya.
Ngunit kaagad din naman niyang sinaway ang sarili. Wala siyang karapatang maramdaman iyon dahil siya ang pumili sa sitwasyon niya. Maaari naman niyang sabihin ang lahat sa kanyang mga kaibigan. Kahit pa kay Roxanne. Ngunit ilalagay lamang niya sa panganib ang buhay ng mga ito kung makikialam ang mga ito kasaling magkagulo na ang lahat.
“You can stay here if you want. Pwede ko rin kausapin si Lourd para bigyan ka ng suite sa ‘Lou Room’d.” Ani Roxanne.
“Hindi s’ya pwede dito o kahit sa suite. I have this feeling na pupuntahan s’ya ni Jershian.” Si Thia.
“Pwede s’ya sa farm n’yo sa Isabela, Thia.” Suhestiyon ni Kathryn. “Sure, why not.” Mabilis naman nitong sagot.
“H-Hindi na. Ayoko sanang lumayo. Gusto kong makita ang kapatid ko.” Pagtanggi naman ni Geri.
“Sa condo unit ko.” Sabad niya. “Wala namang gumagamit no’n.” Umiling muli si Geri. “Wag na. Nakakahiya na sa inyo.”
“Ano ka ba? Para ka naman iba d’yan kung makadrama ka.” Ani Kathryn. Pilit itong ngumiti. “Ayoko lang makaabala. Dati n’yo pa ‘kong tinutulungan.” “You did not ask for it.” Si Roxanne.
“Okay.” Si Cassie. “Sa bahay ka na lang. Wala nang tatanggi. At least hindi ka mapupuntahan ni Jershian kasi kasama mo ‘ko.”
Wala nang kumontra sa sinabi ni Cassie. May punto naman ito. Kung mag-isa lang ito sa uint niya at makarating kay Jershian na naroon ito ay madali itong mapupuntahan. Hindi tulad kung na kay Cassie ito.
“Maaayos din ang lahat, okay? We’re here.” Ani Roxanne at gumala ang mata nito sa kanila. Huli dumapo sa kanya. Nagtagal iyon. Then she smiled.
“Salamat.” Saad ni Geri at muling napaluha. Niyakap ito ni Roxanne.
Natuwa siya kay Roxanne. Siya na marahil ang pinakamalambing na employer na nakilala niya. Nakikita niya ang kanyang ina dito. Mapagmahal at totoong matulungin. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit hindi pa rin ito kasundo ni Jeuan. Kung bakit hindi pa rin nito napapatawad ang sariling ina. Mabuting tao naman si Roxanne kaya alam niyang naging mabuti naman itong ina.
Tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at tiningnan kung sinong tumatawag. The name registered, ‘Mio Amore.’
“Mio Amore?” nagulat siya nang marinig si Cleo sa kanyang likuran. Stunned siyang napatingin dito. Mabilis siyang nag-isip ng alibi. Sabay cancel sa tawag.
“Who’s your new love, my dear?” tanong naman ni Roxanne. Nakatingin ito sa kanya at tila may ibig ipakahulugan ang tanong na iyon.
“So mio amore was an Italian word.” Makahulugang sabi ni Cassie. “Mukhang kilala ko na.” Si Kathryn.
Sumipol si Thia. “Did I miss something?”
Tumawa si Geri saka namamaga ang mga matang tumingin sa kanya. “Kayo na pala.” Kunwa’y nagtaka siya. “Nino? You know very well that I’m single.”
“Ows?” si Cleo. “Mio Amore?”
She winced. “Pangalan ng restaurant ‘to. Kakilala ni Ah hiya ang owner. May iniutos s’ya sa’kin.”
“But why did you cancel it?” Ani Cassie.
“Because we’re talking.” Mataas ang tinig niyang sagot. “Come on, Amber.” Si Roxanne.
She breathed harshly. “Hay naku. Ang lilikot ng imagination n’yo. You know?” Nagtawanan ang mga ito. Umikot naman ang mga mata niya.
“Whoa. New necklace?” ani Kathryn at lumapit sa kanya.
“A-Ah…yeah. I just bought it. Actually it’s…Gio.” Pagsisinungaling niya. “Really?” si Roxanne. Kinabahan siya. “You should have told me you want Gio.”
Lumapit din ito at pinagmasdan ang kwintas. Hinawakan pa nito at sinipat-sipat pa. Lumakas ang kaba niya nang kumunot ang noo niya na tila kilala nito ang kwintas. Saka tumingin sa kanya.
“Amber-”
Muli namang tumunog ang cellphone niya. Nakahinga siya nang maluwag. Nasa timing ang dahilan niya.
“Excuse me.” Aniya at lumayo sa mga ito. Hindi siya titigilan ni Jeuan ng tawag kung hindi pa niya sasagutin ito. Naitext kasi niya na papunta siya kay Geri dahil may nangyaring masama dito.
“Hi.” Bungad niya nang sagutin ang tawag.
“Kumusta? Is Geri alright?” may pag-aalala nitong tanong.
“Ahm, she’s okay. Pero…I think hiwalay na sila ni Jershian.” Tugon nito. “Ano?”
She sighed. “EJ was kidnapped. Pero ang sabi safe naman na daw. I think you better call Jershian. Baka kailangan ka n’ya. Paki-kumusta na rin si EJ. Nag-aalala kasi si Geri. Can you do it, please?”
“Sure. Balak ko talagang puntahan si Jershian. How ‘bout you? Are you okay?” anito.
Napangiti siya kasabay ng pag-iinit ng mukha niya. Napakalambing ng tinig nito sa pagtatanong nito. Bigla tuloy niya itong na-miss.
“I’m good.” Sagot niya sabay hawak sa kwintas. Naging mannerism na niya ang paghawak doon sa tuwing kausap ito.
“Ako hindi.” Saad nito.
“Huh? Why? What’s wrong? Baka naman kasi lagi kang puyat. Take some rest.” Pagsita
niya.
Narinig niya ang pagtawa nito. “Anong nakakatawa?”
“Praning ka kasi.” Sago nito.
Suminghal siya. “Ang sabi mo hindi ka okay-” “Because I missed you, Mio amore.”
Napahigpit ng hawak sa cellphone niya si Amber kasabay ng impit na tili. Tuwan-tuwa ang puso niya. Kahit na anong gawin at sabihin ni Jeuan ay nagpapaligaya sa kanya.
“I-I missed you…too.” Pag-amin niya.
“Let’s meet later. Magkukwento ako pagkagaling ko kay Jershian.”
Na-excite siya. Ilang araw na rin silang hindi nagkita ng binata. Text at tawagan lang ang communication nila. And she missed her badly.
Ngunit,
“I can’t.” pilit niyang sabi.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “Hanggang kailan ba natin gagawin ‘to? Daig ko pa ang kalaguyo sa ginagawa mo sa’kin, ah. Ayaw mo pang malaman nila ang tungkol sa’tin. Aren’t you worried that your friends might get mad kung hindi pa natin sasabihin?”
Napakamot siya sa kanyang noo. Hirap pa rin siyang kumbinsihin ito. Hindi naman niya masabi ang buong katotohanan.
“Alam mo ang sitwasyon di’ba? Kung tutuusin hindi nga dapat naging tayo pero…dahil
sa…”
“Dahil sa ano?”
Hindi niya maituloy ang nais sabihin. “Ahm…” “Amber…” inip nang saad ni Jeuan.
She sighed. “D-Dahil sa mahal kita kaya…” Nagbuga siya ng hangin. Naiilang siya. “Look-”
“I love you.” Anito. “Aren’t that enough for me to be the deserved one? I’m willing to fight what we have.”
Parang may malambot na kamay na humaplos sa puso niya Amber dahilan upang mapangiti siya. Napakasarap pakinggan ng mga sinasabi nito. His voice was so sincere.
“Magkita na lang tayo mamaya. Sa’n ba?” Abut-abot ang pagtahip ng dibdib niya dahil excitement. Kung maaari lamang ay hilahin niya ang oras upang makasama na ito.
“How ‘bout at your house?” tugon nito. “Jeuan.” Paninita niya.
“Alright, alright. You tell me where?” Anito. He sounded upset. Alam niyang masama ang loob nito.
“Let’s go back to Villa Carmen.” Sagot niya. Espesyal para sa kanya ang resort na iyon.
Doon malaya niyang maipapahayag ang pagmamahal niya para dito. “Sige. Pero…may event kami sa Makati-”
“Don’t worry. Mauuna na ‘ko do’n. Sumunod ka na lang.” nakakaintindi niya sabi. “Okay lang naman siguro sa kaibigan mo di’ba?”
“Oo naman. Tatawagan ko si Jed para maitawag niya sa resort na darating ka.” Napangiti siya. “That sounds great.”
“I have to hang up, mio amore. Dumating na sina Mike.” Anito. “Sige. Bye.”
“See you later. I love you.” Sabi nito.
Alam niyang dapat siyang tumugon. “Me too.”
Hindi ito nagsalita. Naghintay siya ngunit wala siyang narinig. Saka nagpasyang i-off na iyon sa pag-aakalang wala na ito sa linya. Ibinalik niya ang cellphone sa bulsa niya. Saka nagpasyang bumalik sa loob.
“It’s Jeuan’s design.” Napaigtad siya nang bumungad sa harap niya si Roxanne. Napatigil siya saka ngumiti.
“Rox, okay na ba sa loob?” pagmamaang-maangan niya. Kunwa’y hindi naintindihan ang sinabi nito.
“Come on, Amber. Stop pretending. Bakit hindi mo sinasabing kayo na ng anak ko? May problema ba tayo?” tila hindi nasisiyahan nitong tanong.
“Rox, no. Wala.” Pilit pa rin ang iwas niya. “Then why?”
Umismid siya kunwa’y nainis. Kailangan niyang panindigan ang desisyon niya. “I-I don’t understand.”
“Nakita ko ang draft ng design nang pumunta ako sa unit ni Jeuan. At kilala ko ang gawa ng anak ko, Amber. Alam ko ring sa’yo n’ya ibibigay ang ginagawa n’ya. I know everything. Ina ako. At kilala ko ang anak ko.”
Naumid si Amber. Hindi na niya alam kung ano pang idadahilan niya. Lumapit ito sa
kanya.
“I know how my son feels about you. Kahit hindi niya sabihin sa’kin. Nakikita ko kung paano ka n’ya tingnan when he thought no one is looking at him. Maaaring magaling s’yang magtago pero hindi sa’kin. And that necklace only showed much he loves you. Passion ni Jeuan ang pagdi-design ng alahas. Itinigil lang n’ya nang…nang magkagulo na kami. Akala ko hindi na
s’ya gagawa ulit. Until I saw that one. It’s a sign na unti-unti na s’yang bumabalik sa dati. Para sa’kin maganda ‘yon. Pwede na rin kami sigurong maging okay. Amber…”
“Rox, I’m sorry.” Mangiyak-ngiyak niyang sabi dito. Hinawakan niya ang kamay nito. “Hindi ko naman intention na maglihim sa’yo, sa inyo. I’I…I’m really sorry.”
Ngumiti ito. “So, umamin ka rin.”
Nagbuntong-hininga siya. “Magkikita kami mamaya.”
Tumawa ito. Nahawa na rin siya. Hindi niya alam kung tama ang ginawa ngunit nakagaan naman sa kanya. She wanted to say how happy she was having Jeuan in her life. Gusto niyang ibulalas kung gaano siya kasaya.
“Lagot ka sa mga kaibigan mo. You better tell them.” Sabi nito habang tumatawa.
Nalusaw ang ngiti niya. “Rox, I mean….paano na ba kita tatawagin ngayon? I hope you understand. H-Hindi ko pa kayang sabihin sa kanila. Please?”
“Rox will do for now. Nag-uumpisa pa lang naman kayo. And about your friends. Sige.
Pero ‘wag mong patagalin.” sagot nito at nagawa pang hawakan ang buhok niya. She felt good. “Thank you.” Aniya sabay yakap dito. Tinugon naman nito nang mahigpit na yakap.
Masaya siya kahit nakaabang ang kaba dahil sa maaaring kahantungan nila ni Jeuan.