ROXY CITY SERIES 1 (MARRY A SONG) Chapter 13

Umasa si Kathryn na magkikita sila ni Jared. Na pupuntahan siya nito upang suportahan. Ngunit hanggang matapos ang song festival at makuha niya ang silver prize ay walang Jared na nagpakita. Pati si Lourd ay hindi alam ang isasagot sa kanya.

Nasa dressing room sila at halos mapuno ang kwarto ng bulaklak para sa dalaga. All saying, congratulations. Naging masaya ang festival. Naroon ang mga magulang niya pati na rin sina Amber.

“I’m so proud of you, sweetie.” Sabi ng Papa niya habang yakap siya.

“Thanks, Papa.” nakangiti niyang tugon. Ang mama naman niya ang kasunod nito. Pati ng mga kaibigan niya. Everybody was there for her. She felt so overwhelmed. Pero parang kulang pa rin.

Nakabihis na siya at papunta sa sila ng victory party na inihanda ng Roxy City nang may lumapit sa kanya at nag-abot ng bulaklak.

“Ma’am, para po sa inyo.” sabi nito.

“Thank you.” tinanggap niya ang bulaklak. Out of instinct ay binasa niya ang card na kasama nito.

I know how you really wanted to perform for the world,

That I cannot grab you and have you for myself.

But still, Congratulations.

Jared

“Dumating siya.” biglang nataranta si Kathryn. Nilingon niya ang binatilyong nagbigay ng bulaklak.

“Nasaan ang nagbigay nito?” tanong niya. Napakamot ito sa ulo at saka sumagot.

“Eh, ma’am hindi ko na po alam. Kanina po nang ibigay niya ‘yan sumakay na po ng kotse.” sabi nito.

Nanlumong bigla si Kathryn. Ano bang gustong mangyari ni Jared at ayaw magpakita sa kanya?

“Sige. Salamat.” sabi niya at iniwan na ang binatilyo.

Humahangos namang lumapit sa kanya si Lourd. Nag-aalala ang mga mata nito.

“What?”

“Nagkausap kami ni Jared. He’s leaving for US tomorrow. Kailangan mo s’yang pigilan.” Sabi nito sa humihingal na paraan.

Gustong manlumo ni Kathryn sa narinig. Nabalewala ang natanggap niyang tagumpay. Ano pa ang dahilan niyang magpatuloy kung mawawala naman si Jared nang tuluyan sa buhay niya?

“Ang sabi n’ya mag-aaral s’ya. Ilang taon din s’ya do’n. Stop him.” Sabi nito.

Ngumiwi siya. “Pa’no ko gagawin ‘yon?”

He snorted. “Come on, Kat. Eh ‘di sirain mo ulit ang kotse n’ya. Do something. Ilang taon din s’ya do’n. Hihintayin mo na lang ba s’ya? Pa’no kung pagbalik n’ya may iba na o iba na ang mga mundo n’yo? Hahayaan mo lang bang sa ganito lang kayo mauuwi, Kathryn? Try to fight for him naman.”

“Lourd-”

“Tutulungan kita, namin. Pero sagutin mo muna ako.” Sabi nito.

“Huh?”

“Mahal mo ba s’ya?”

“Oo.” Tangi niyang sagot ngunit pakiramdam niya ay kulang ang salitang iyon upang ipagsigawan ang pagmamahal niya para kay Jared.

“Good. Mauna na kayo sa Roxy. Maghanda ka. You have to stop him. Mukhang gusto n’yang kalimutan ka na. Hindi pwedeng mangyari ‘yon. I want my cousin to be happy. At ikaw ang kaligayahang ‘yon. Naiintindihan mo?”

“Yeah.”

Tumango ito saka nilingon ang kanyang ama. “Tito Harold, kayo na po bahala sa kanya.”

“Alright.” Sabi nito at mabilis na umalis si Lourd.

Tiningala ni Jared ang malaking electric signage. Nagbuntong-hininga siya at muli niyang tiningala at hinuling silip ang pangalan, Roxy City. Hindi niya alam kung tama ang lugar na pinuntahan niya. Alam niyang naroon si Kathryn.

He must be crazy. Pinuntahan siya ni Lourd sa unit niya at pinilit na na umatend sa victory party ni Kathryn. Of course, he refused. Hindi nga siya nagpakita sa dalaga kanina pagkatapos ay pupunta siya sa party para dito?

But there he was. Standing and counting. Dapat ay nag-iimpake na siya dahil paalis na siya kinabukasan. Nakapagdesisyon na siya. Doon muna siya sa Amerika at mag-aaral. He wanted to forget and be okay. Dahil sa unang pagkakataon ay hindi siya sigurado kung kakayanin niyang makalimutan si Kathryn.

Isang buga ng hangin ang ginawa niya saka lumakad papasok. Ngunit sa main entrance pa lang ay nagtaka na siya. Wala ang receptionist. Wala ring robing bouncer. Tanging nakita lang niya ay ang guard. Ngumiti ito sa kanya. He nodded.

Tumuloy siya hanggang sa loob. Nagtaka siya nang walang katao-tao. Bukas na bukas naman ang ilaw sa labas kaya ang akala niya ay maraming tao. This was supposed to be Kathryn’s party. Ngunit nasaan ang lahat? Mukhang ginu-good time siya ni Lourd. Nainis siya.

Nakakapagtaka. Akmang lalabas na siyang muli nang bigla kumilos ang mga ilaw at effects nang bar. Nagulat siya. Nilibot niya ang paningin sa paligid. May tao pala.

Lumakad upang puntahan ang control room. Ngunit habang naglalakad siya ay lumabas ang usok mula sa flooring sa paligid ng dance floor. Iyon ang ginagamit kapag may special na pagtatanghal. Nadagdagan ang mga effects.

‘Nasaan na ba sila?’

Pikong sambit ng utak niya. Nag-aksaya lamang siya ng oras sa pagpunta doon. Dapat ay hindi na siya nakinig kay Lourd. O tamang sabihing sa kanyang sarili. He was just making fool of himself.

‘Forget her and move on!’ sigaw ulit ng isip niya.

Nasa kalagitnaan na siya ng club sa harap ng Cat bar nang bigla siyang nakarinig ng tugtog. Muling gumalaw ang mga ilaw ng tila nagsasayaw nang mabagal.

Napalingon siya sa dance floor dahil nakakita siya ng pagkilos. Nakita niya si Kathryn na mabagal na naglalakad at pumuwesto sa gitna noon. Nasa harap ang isang mic stand. She looked radiant at stunning in her black dress. Napakaganda nito. It was like she was going to perform on a big ball.

Nagpatuloy ang tugtog ng tila orchestra. Kumunot ang noo niya kasabay ng pagkabog ng dibdib niya. May kakaibang nangyayari sa palagay niay. Anong balak gawin ni Kathryn?

“You are so beautiful…to me…You are so beautiful…to me…Can’t you see? You’re everything I hoped for…You’re everything I need. You’re so beautiful to me…”

Kathryn sang beautifully. Nakatitig ito sa kanya at tila ayaw siyang pakawalan ng tinging iyon. At habang binibigkas nito ang lyrics ng kanta ay tila naluluha ito. Nakahawak ito sa mic stand ngunit pakiradam niya ay nakakabot hanggang sa kanya ang hawak nito. Pakiramdam niya ay mauubusan siya ng hininga.

“Such joy and happiness…You bring...Like a dream…A guiding light shines in the night …Heaven came to me…

Napahawak si Kathryn sa kanyang dibdib dahil sa sobrang kaba. Nakatutok ang tingin ni Jared sa kanya na tila nagtatanong. She was gaping while singing the song. Nanginginig ang tuhod niya. Mabuti na lang ay may stand ang mic kaya may nahahawakan siya. Her emotion was overpowering her. She missed Jared completely. At ang makita ito nang mga oras na iyon ay dahilan upang maluha siya.

Hindi na niya nagawang tapusin ang kanta dahil tuluyan na siyang napaluha. She cannot even moved a foot. Ito na ang lumapit sa kanya. He smiled but never reached his eyes. She almost fainted on that gorgeous smile.

“You suppose to finish your song. Sayang naman ang pakana n’yong prod.” Sabi nito na pilit itinatago ang panginginig.

“Jared, I’m sorry.” Sabi niya.

“Para saan?” he asked softly.

“Naging duwag ako.” Muling napaluha niyang sagot. “At ngayon, aalis ka.”

Tumango ito. “I need to do it. Mag-aaral ako. Gusto ko preparado na ako kapag tumakbo ako bilang senador. I don’t want to let people down.”

“Pero…pa’no tayo?” lakas-loob niyang tanong.

Nagsalubong ang kilay nito. “You broke up with me. You said hindi mo kaya. Kaya wala nang tayo. Bakit, Kathryn? Nagbago ba isip mo?”

She sounded anticipation from his voice. Nakatitig ito sa kanya. Gustung-gusto na niya itong hawakan at yakapin.

“Sabihin mo na ang dapat mong sabihin. Hindi ako pwedeng magtagal. May kailangan pa ‘kong gawin bago umalis.” Sabi nito na biglang may lamig.

Nagbuntong-hininga siya. “Patay ako kay Lourd kung hindi magtatagumpay ang plano ngayon. Ang laki ng nagastos n’ya ngayong gabi.”

Malalim ang naging kunot ng noo nito. He even snorted. “Damn it! Kung wala kang sasabihing matino, aalis na ‘ko.”

Mabilis itong nakatalikod at akmang lalayo sa kanya. Naalarma siya.

“Jared, ‘wag kang umalis!”pigil niya.

“Bakit?!” iglap itong muling humarap sa kanya. “Kaya mo ginawa ang lahat ng ‘to ay dahil mo ‘kong pigilan akong umalis? Bakit?”

“Answer me!” may giit sa tono nito nang hindi siya kaagad nakatugon.

“God…” usal niya.

“Kathryn, please. Don’t waste our time.” Dagdag nito.

Tiningnan niya ito. “M-May sasabihin ako. Kaso medyo mahaba.”

“Kat-”

“Okay, okay. Heto na.” agap niya at tumalikod siya. Lumapit siya sa DJ booth at may kinuhang papel. Dalawang page iyon. Saka siya muling bumalik at pumuwesto sa may mic.

“Layo ka ‘konte.” Sabi niya at sumunod naman ito.

Tumikhim siya bago tinungo ang papel saka tumapat sa mic.

“Ramon Jaime Fortes de Veyra,

Ano ba ang dapat kong unang sabihin? Paano ko ba gagamitin ang nararapat na salita? Hindi ko na mabilang ang nagawa kong buntong-hininga. Kung ilang beses na akong pumaling sa aking kama para lamang maisip ang aking nadarama. Napakarami kong nasasabi kapag usapan ng iba ngunit pagdating sa sariling damdamin. Tumatakbo ang mga ugat ko sa utak at nawawalan ako ng alam.

Kung pagbabasehan ang mga kilos ko at galaw, aakalain mo na ako ay nagmamahal,

Marahil totoo nga, subali’t nagrerebolusyon ang bawat tulo ng dugo sa aking katawan, Ewan ko ba, dapat ay hindi ako nag-iisip ng kung anu-ano at sinusunod lamang ang aking nararamdaman pero heto nga’t para akong timang na laging naglalaro ng mga imahe ng mga maling akala na maaaring kahinatnan ng aking nararamdaman.

Sapat ba ang mga salitang nagmumula sa labi mo upang maibsan ang aking kalituhan? Na sinabi mong ako’y iyong mahal at handa mong ibigay ang lahat sa akin. Masarap pakinggan, masarap alalahanin at ibalik sa aking tanaw. Nakakataba ng puso, lalo namang nadagdagan ang dahilan ko upang lalong matakot sa pagpasok sa mundo mo.

Aaminin ko, hindi ko mailarawan ang nararamdaman ko para sa’yo. Ang alam ko lang, lagi kitang naiisip, pakiramdam ko apektado ako kapag may nangyari sa’yo at gusto kong nakikitang nakangiti ka. Saksi ang mga taong nakapaligid sa pagbabago sa akin magmula ng makilala ka.

Ngayong binuksan ko ang aking sarili sa pinakamasaya ngunit pinakakumplikadong hamon sa buhay ko, idadamay ko ang langit at hihingi ako ng tulong, sabihin mang kahibangan wala akong pakialam basta’t itutuloy ko ito. Tatanggapin ko ang hamon ng aking sarili, na magmamahal ako, wala akong nanaisin kundi ang maging masaya sa piling mo. Hindi ako perpekto, pero sisiguraduhin kong ako ang nararapat para sa’yo.

Maraming sana ang nakakabit sa damdamin ko para sa’yo. Na sana maging tunay na tayong dalawa na, na ang bukas nating dalawa, sana ay nakalaan para sa isa’t isa. Marami akong nais matutunan kasama ka, maraming bagay ang gusto kong matupad mo para sa akin at para sa sarili mo. Hindi tayo naghahabol ng panahon at hindi rin natin hawak ito pero sana hindi mawala ang tiwala natin sa isa’t isa.

Kung maaari lamang na hawakan ko na ang puso mo at itago lagi dito sa tabi ko ay ginawa ko na. Sana ay ikaw na ang sinasabi nilang nakalaan para sa akin, mag-aalaga at magpapahalaga sa akin. Hindi kita maaaring angkinin, sana nga ay pwede pero hindi. Sana lamang hayaan mo akong makapasok sa mundo mo. Gusto kong gumawa ng masayang paraiso kasama ka dahil sa tingin ko, ikaw ang habang buhay ko. Magulo ang mundo at marumi ang paligid, puno ng tukso at mapagsamantalang tao. Nguni’t ikaw lang ang nakikita ko.

Sana, ako ang magsilbing anghel mo na magbabantay at magsasabing ‘ingat ka dahil mahal kita, magwawala ako kapag nasaktan ka.’ Siguro ipinanganak ako para sa’yo, nakakatawa hindi ba? Mabubuhay ako para sa ating dalawa, ikaw at ako, puso mo at puso ko tumitibok para sa isa’t isa.

Hindi naman talaga kailangan ng dahilan kung mahal mo kita o mahal mo ako, nararamdaman lang naman ito, hindi ba? Kung minsan nga lang ay nagkakamali ka ng taong minamahal at umiiyak tuloy ang puso mo. Na kung minsan nasasabi mong ayaw mo nang magmahal. Sa akin, hindi ko alam kung bakit mahal kita, basta ang sabi ng isip ko ‘masaya ka naman eh,’ dikta naman ng puso ko, ‘nakita mo na siya.’

Natatakot ako, natatakot sa maaaring idulot sa akin ng pagmamahal na ito. Kung ako lang ang masusunod, mas gusto kong maging manhid na lang at bulag sa lahat ng bagay. Masyado nga lamang epal ang puso ko at tumibok para sa’yo. Hindi ako kagaya ng iyong dating pag-ibig, maraming wala sa akin, hindi ako kasing lambing sa salita man o sa gawa. Nguni’t kung kinakailangang mag-aral at magpakadalubhasa ako dadayuhin ko para sa’yo.

Maaari mong masabi na kawalan lang ng magawa ang mga sinasabi ko hahayaan kitang tumawa dahil totoo namang nakakatawa. At hindi kita pipiliting maniwala pero totoo lahat ng sinabi ko. Kahit ako sa sarili ko, ayaw maniwala na nagawa ko ang mga ito. Basta, kung mayroon mang paglalaanan ang salitang ‘mahal kita,’ iyon ay ikaw na. Kung may nanaisin man akong makasama at makausap hanggang sa aking pagtanda, iyon ikaw at ikaw lamang. At kung nakakasawa mang pakinggan, uulitin ko pa rin, Mahal na mahal kita.”

Luhaan si Kathryn nang muli niyang itupi ang papel at tingnan si Jared. Hindi niya alam kung anong kahihinatnan ang ginawa niya. Wala na siyang pakialam kung magalit man ito. Basta’t nagawa niyang isiwalat ang buo o totoo niyang nararadaman.

“’Yan ba ang duwag? Kelan mo ginawa ‘yan?” tanong niya sa kanya habang lumalapit dito.

“K-kanina lang. Kanta ‘yong gagawin ko kaso humaba na eh. Di ‘ko na alam kung paano ko paiiksiin.” Sagot niya habang panay ang singhot.

“I love you.” Anito at nagulat siya. Her heart was filled with so much happiness. Sana’y hindi siya nagkamali ng dinig.

“I want to give you everything. If only I can move places for you. I don’t know but every pieces of my heart are missing you when you went away. Halos araw-araw kitang itinatanong kay Lourd. I could kill anyone who would do any harm on you. Magseselos ako kapag may ibang humawak sa’yo, unless it is your dad. And…I want you for myself that I could die if it doesn’t happened.” sagot nito sa kanya. Long enough to confess a love.

“I want to make you happy. Ano ang dapat kong gawin?” malapit na malapit na ito sa kanya ngunit hindi siya hinahawakan.

“Mahalin mo lang ako.” bulong niya dito.

“I love you Katharina, please marry me because I want to spend my life with you. But I promise I will not be a hindrance to your dream.”

“Agad agad?” She said softly laughing.

Napangiti ito na tila napahiya. “I-ikaw. Kasi kung tatanggi ka aalis na lang ako bukas.”

Napatawa siya. “Ikaw naman. Hindi ka na mabiro. Syempre oo.”

“I love you so much.” saad nito.

“Is it forever?” she started to tease. Hinapit siya nito sa baywang and started to kiss her everywhere his lips landed.

“Until my death. I love you Kathryn, I’m so in love with you.” bulong nito at tuluyan na nitong narating ang labi niya at tuluyan na niyang niyakap ang kaligayahang nararamdaman.

***Wakas***

ROXY CITY SERIES 2&ROXY CITY SERIES 3 ay inilabas na sa Novelnow, maaari mong ipagpatuloy ang pagbabasa

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.