ROXY CITY SERIES 3 (THEN ALONG CASSIE CAME) Chapter 19

Tila isang nakakapanghinang bagay ang kumalat sa kanilang lahat dahil kanya-kanyang silang hanap ng makakapitan. Nakita niyang nagyakap sina Amber at Cleo. Humagulgol ang lola ng dalaga at niyakap ito ng kabiyak. At siya naman at nanlulumong sumandal sa pader. Hindi biro ang sinabi ng doktor. Ibig sabihin ay hindi pa maayos ang dalaga. Muli niyang naikuyom ang kamao. Hindi niya alam kung si Amanda o ang sarili ang sisisihin.

“Huwag kayong mag-alala. Magigising din s’ya. We only need to give her time. Babantayan namin ang lahat ng vital-”

“Damn it!” hindi niya napigilang sabi at galit na hinarap ang doktor.

“Lourd, stop.” Mabilis namang nakadalo ang kanyang ina at pigil siya sa akmang pagsugod sa doktor.

“Dapat ginawa n’yo ang lahat. Bakit kailangang ma-coma s’ya? Hindi n’yo ba kayang gamutin ang sugat? Ano pa’t naging doktor ka?!”

“I said stop it!” Pigil ni Carmela at biglang dumapo ang kamay nito sa pisngi niya. Natilihan siya. Hindi siya kaagad nakakilos sa ginawa nito.

“Walang magagawa ang galit mo. Hindi ikaw ang nagagalit dito kung tutuusin.” Sabi pa nito at mabilis na nangilid ang luha niya. Taas-baba ang dibdib niya marahil dahil sa galit at lakad-takbo siyang lumayo. He even punched the wall in anger. Pinaulit-ulit pa iyon. He shouted. Tila iyon lamang ang paraan upang mailabas ang galit na nararamdaman niya.

Hindi niya kayang tanggapin ang nangyari kay Cassie. Hindi dapat iyon nangyari. They were so happy. Ngunit dahil sa isang babae ay nagulo ang lahat at nameligro pa ang buhay ni Cassie.

Narinig niya ang pagtawag ng kanyang ina ngunit hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy ang paglayo. Hindi na alintana ang nag-uumpisa nang dumugo niyang kamao.

“Hindi mo ba ipapagamot ‘yang kamay mo?” anang tinig ng kanyang ama kay Lourd na lumapit sa kanya. Napansin niya ang dala nitong envelope. Marahil kagagaling lang nito sa presinto.

Naroon siya sa labas ospital at nakaupo sa isa sa mga benches na naroon. Doon siya nagpalipas ng galit at sama ng loob.

Tiningnan niya ang mga kamay. May sugat ang bawat likod ng darili niya. Natuyo na rin ang dugong naroroon ngunit hindi iyon pinansin. Ni hindi nga niya ininda ang sakit. Mas nagpapabigat ng kalooban niya ang kalagayan ni Cassie.

“What now?” tanong niya sa ama. Naramdaman niya ang paghawak nito sa balikat niya.

“Ako nang bahala sa lahat. Kung kinakailangang makulong si Amanda ay mangyayari. Kailangang lang ng official statement mo at ni Cassie.” Sagot nito.

“Nasaan s’ya?” muli niyang tanong.

“Detained.” Anito.

“Gusto ko s’yang makausap.” Aniya.

“Huwag na.” pigil ng kanyang ama. “Galit ka at hindi maganda ‘yan. Maaaring makaapekto sa kaso. Don’t worry I’ll handle everything.”

Hindi na siya tumugon at nagbuga na lang ng hangin. Nakaramdam siya ng kirot sa kamay niya dahilan upang mapangiwi siya. Nanginginig na rin ang kamay niya.

“Pumasok ka na muna sa loob at ipagamot mo ‘yan.” Utos nito ngunit hindi siya sumunod.

“Pa’nong nangyari ang lahat ng ‘to, ‘Pa? Bakit kailangang mangyari ‘to?” he asked in weariness.

Tumabi ito sa kanya at narinig ang malakas nitong pagbuntong-hininga. “This is my entire fault.”

Nilingon niya ito. Hindi dahilan ng malamlam ang ilaw na naggagaling sa mga poste doon upang hind niya maaninag ang lungkot sa mga mata nito. He also seemed troubled. Halata ang pagod. Naawa siya dito.

“Hindi ko alam kung ano ang unang dapat maramdaman. Kung ano ang dapat unang sabihin. Who to confront. Who to ask. Litung-lito na rin ako. I am devastated as you. Lalo na’t wala pang kasiguraduhan ang paggaling ng anak ko.” Sabi nito.

Marahas siyang napatitig sa kanyang ama. Sabay sikdo ng kanyang dibdib. Hindi niya alam kung paano iintindihin ang sinabi nito.

“What exactly do you mean?” nagbabadya ang galit niyang tanong.

Nagbaba ito ng tingin. “Hindi ko pa ito nasasabi sa inyong magkakapatid. I…I had an affair few years back. Wala ka pa sa buhay namin ng mama mo. Her name is Elaine. Cassandra’s mother.”

“‘Pa!” hindi makapaniwala niyang bulas. Parang umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang ulo kaya tila nag-iinit iyon. Anumang oras ay alam niyang sasabog na siya.

“I’m sorry, anak. Iyon ang totoo. In fact, ito ang ilang linggo na namin pinagtatalunan ng mama mo. Hindi namin alam kung paano sasabihin sa inyo. Matagal na panahon na itinago namin ‘to. Dahil nag-alala ako na magbago ang tingin n’yo sa’kin. Na isipin n’yo na wala akong kwentang magulang.”

Marahas siyang tumayo. Nagpabalik-balik siya sa harap ng kanyang ama. Gigil na sinabunutan niya ang kanyang sarili.

Nagpatuloy ito. “Matagal nang panahon na wala akong balita tungkol Elaine. Itinago s’ya sa’kin ng daddy n’ya. Nagsisi ako. Malaking kasalanan ang nagawa ko. Nasaktan ko ang mama mo at nakasira pa ‘ko ng buhay.

“After almost twelve years na wala akong balita, nakarating sa’kin na kailangan nila ng tulong. Doon ako nagkaroon ng pagkakataong makitang muli si Elaine. Pero bigo ako. She’s gone. All was left was Cassandra. Take a look at this.”

Iniabot nito sa kanya ang hawak nitong envelope. Dagli niya itong kinuha at nagtatakang binuksan iyon. It was a file. Maraming papel. Inisa-isa niya iyon at binasa. At ganoon lang ang pagkunot ng noo niya. He saw pictures, diagnosis, therapy reports, case file.

‘Mara Cassandra S. Dillan.’ Nabasa niya ang pamilyar na pangalan sabay tingin sa mga larawan. He almost broke down. Hindi na niya kayang tingnan ang kalunus-lunos na larawan na alam niyang si Cassandra. Tumingala siya. Parang mauubusan siya ng hangin.

“Biktima ng child abuse at domestic ang violence si Cassie at Elaine.” Ang ama pa rin niya. “She was twelve when her mother died.”

“S-sinong gumawa nito sa kanila?” he asked.

“Ang kinilala niyang ama.” Sagot nito. Nanlulumong nagbaba ng tingin si Lourd. Parang hindi na niya kakayanin ang sasabihin pa ng kanyang ama.

“Ako ang humawak sa kaso. Ayaw noong una ng lolo n’ya pero nagpumilit ako. Gusto kong bigyan ng justice ang pagkamatay ni Elaine lalo na si Cassie. Ginawa ko ang lahat para mailigtas si Cassie. It was hard, Lourd. Seeing her almost dying. Hindi ko magawang tingnan ang mukha niya. At twelve, she had bruised like a useless being. Hindi tao ang naging pagtrato sa kanila. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na gagawin niya ang lahat. Walang lugar sa’kin ang kapatawaran. Sinaktan ng gagong ‘yon ang anak ko at pinatay pa si Elaine.” Mahabang saad ng kanyang ama.

“Sino si Cassie sa buhay mo?” nagngingitngit niyang tanong. Sana’y mali ang nabubuo sa isip niya. Sana.

“She’s my daughter.” Sabi nito.

“Oh, Jesus Christ! Bakit?!” sigaw niya. Parang nagsikip ang dibdib niya. Mabilis na namuo ang luha niya. Halos malamukos na niya ang mga hawak na papel dahil sa ngitngit.

“Pa…” tawag niya dito saka tiningnan ito. Umiiyak na ito.

“Forgive me. K-Kasalanan ko. Hindi ito mangyayari kung pinrotektahan ko lang s’ya. Hindi na sana siya nasaktan ni Amanda. Mas inisip kong hindi dapat malaman ni Amanda na pinaiimbetigahan ko s’ya. Matagal na akong may duda sa kanya. Pero dahil empleyado ko s’ya, inirespeto ko ang privacy n’ya.

“Hindi dapat mawala ang focus n’ya sa’yo habang isinasagawa ko ang plano ko. I’ve heard about the break up. Natuwa ako sa totoo. But I did nothing. Dahil baka isipin n’ya pinaglalayo ko kayo. Then the restaurant scene. Naramdaman kong pinagseselosan n’ya si Cassie. Kaya naisip kong madali kong mapapatunayan ang hinala ko kung hindi ako makikialam sa inyo. Hindi magdududa sa’kin si Amanda. But I was wrong. Hindi ko akalain na aabot sa ganito si Amanda. Na muling masasaktan si Cassie.” Basag na ang tinig nitong sabi.

“Do you have any idea how I feel right now?” hinang-hina niyang tanong.

“Betrayed.” Anito.

“Useless. Stupid. Heartless.” Pagtatama niya. “Alam n’yo bang pinagdudahan ko kayong may relasyon sa kanya? I thought of many malicious things about you. Kaya ko s’ya dinala sa ranch house. Dahil gusto kong ilayo s’ya sa inyo. That she doesn’t deserve you. That I deserve her! Akala ko pinuprotektuhan ko ang pamilyang ‘to. Pero mali ako. Maling-mali.”

“Ako ang nagsabi kay Cassie na ‘wag na munang sabihin sa’yo ang totoo. Alam kong may namamagitan na sa inyo. Hindi ka magkakagano’n sa restaurant kung wala kang pagtingin sa kanya. Gusto kong magkasama kayo at magkaintindihan. Gusto kong tumibay ang pagtitinginan ninyo. Dahil panatag ako kung ikaw ang magmamahal sa anak ko. Sigurado akong hindi s’ya masasaktan sa’yo. We raised you with love. At gusto kong maramdaman din ‘yon ni Cassie. She deserves happiness.” Tugon nito.

Muli siyang naupo. He badly needed air and every space in the world. Hindi na niya alam kung paano mag-iisip nang oras na iyon. Subalit sa lahat ng nasabi at nalaman niya, iisa lang ang ayaw mawala sa kanya, si Cassie at tanging ito lang.

“Kung alam ko lang sana. Kung alam ko lang…” anas niya habang nakatanaw sa kawalan.

“Anak.” Noon tumayo ang kanyang ama. “Halika na at baka maimpeksyon na ‘yang sugat mo. At aayusin natin ‘to. Pangako, aayusin ‘ko ito.”

Tiningnan niya ito habang lumalayo at muling pumapasok ng ospital. His world was so dusky. At kung ang madagdagan pa ang sugat niya ang paraan upang gumaling na si Cassie ay susuntukin niya lahat ng pader alang-alang dito. Alang-alang sa babaing mahal niya.

May isang oras nang nakaupo si Lourd sa single chair sa gilid na kama ni Cassie ngunit hindi pa rin siya kumikilos. Naroon lamang siya at tigtig na titig sa himbing na dalaga. Nakapatong sa gilid ng upuan ang mga siko haggang magkadaop ang dalawang kamay na pulos band-aid ang likod ng palad niya. At hawak noon kamay ng dalaga. Sa paghawak niyang iyon ay nasasalat niya ang pilat nito. He kissed her hands. Nagbabakasaling kikilos ito.

It has been ten days ngunit hindi pa rin nagigising si Cassie. Lahat ay sila ay inip na inip na dala ng pag-aalala. Hindi nila masisigurong ligtas na nga ito hangga’t hindi nila ito nakikitang nagmumulat ng mga mata.

Naroon siya lagi sa ospital. Bago pumunta at pagkagaling sa studio ay dumadaan siya sa kwarto nito upang makibalita o kaya’y silipin ito. He missed her terribly.

Pinilit niyang ibalik sa normal ang lahat. Nakakulong na si Amanda at marahil hindi na ito maabswelto dahil sa pag-amin nito. Hindi na rin niya ito tinangkang kausapin. Baka hindi niya mapigil ang sarili at masaktan niya itong muli. It was such a waste of time talking to her.

Napalingon siya sa malaking bouquet ng bulakalak na nakalagay sa asul na vase sa side table ng kama nito. Siya ang may dala noon. Pangpitong bulaklak na niya iyon. Nagbabasakaling maamoy iyon ng dalaga at magising na ito. Ngunit tulad ng anim na nauna, walang nangyari. Himbing pa rin ito.

Hindi na itinuloy ang anniversary party ng kanyang mga magulang. Hindi kayang magsaya ng kahit sino dahil sa nangyari. Pinasabihan na lang ang lahat ng guest. Nagpadala ng regalo bilang paghingi ng paumanhin sa nangyari.

Dumalaw na rin ang mga kapatid niya sa ospital. Matinding emosyon ang dumaan sa pamilya niya dahil sa gulat ng mga ito. Hindi madaling tanggapin ngunit nakakaintindi pa ring tumanggap ang mga kapatid niya.

But things will never be the same again. Hindi na maaaring ibalik ang lahat. At kahit na anong pilit niya sa sariling maging maayos ay nahihirapan siya. Dahil iisa lamang ang nais niyang mangyari. Ang makitang muli ang ngiti ni Cassie.

“Cas.” Aniya. Nagbabasakaling kumilos ito. “Ang sabi ng doktor nakakarinig kahit pa’no kahit tulog ka. Patawarin mo ‘ko sa nangayari. I…really didn’t expect it. Hurting you would be the last thing na gagawin ko sa buhay ko. I’m really sorry.”

He breathed out. Tila naninikip ang dibdbi niya dahil sa bigat ng nararamdaman. Inalapit niya ang silya sa kama nito at isinubsob ang mukha niya patagilid sa kama nito. Parang gusto na naman niyang lumuha.

“Wake up. Miss na miss na kita.” Halos pabulong niyang sabi dito. Umasa siya ng kahit na anong tugon. Kahit paggalaw man lamang ng daliri nito. Kahit pagkilos ng kilay o pagdiin ng hawak nito. Ngunit lahat iyon ay hindi nangyari. She remained still. No response. Just always in deep sleep.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Inayos niya ang sarili at hinintay ang paglapit ng kung sinong pumasok.

“Anak.” Tinig ng kanyang ina iyon.

“Ma.” He acknowleged her. Umayos siya. Lumapit ito at hinawakan ang balikat niya.

“Try to get some sleep. Masyado ka nang napapagod.” Sabi nito.

“Okay lang ako, ‘Ma.” Hindi kumikilos niyang sagot.

“Nag-aalala na kami sa’yo. Napapabayaan mo na ang sarili mo. Don’t worry. Andito naman kami.”

“Paano mo tinanggap, ‘Ma, ang lahat?” wala sa sarili niyang tanong.

Matagal itong hindi nakasagot. Tumingin ito kay Cassie saka bumaling sa kanya. Saka umupo sa gilid ng kama malapit sa kanya. Huminga ito nang malalim.

“Hindi naman nagdalawang-isip ang Papa mo na aminin sa’kin ang lahat. Nagalit ako noon s’yempre. Nasaktan ako eh. Walang kasing sakit. Ilang linggo, buwan ko s’yang hindi kinausap. Umalis ako ng bahay. Nag-stay kami ni Andrea sa bahay ng lola mo. Pero sinuyo n’ya ako. Paulit-ulit s’yang humingi ng tawad. May mga araw pa nga na sa labas na s’ya ng bahay natutulog. Sa loob ng kotse n’ya. Ginawa niya ang lahat para mapatawad ko. ‘Yon ang pinakamahirap na pagsubok na pinagdaanan namin ng papa mo. Pero dahil mahal namin ang isa’t-isa, tinanggap ko s’yang muli. I asked him about the woman but he said wala na s’yang alam kung nasaan ito kasi itinago sa kanya ng pamilya nito. At itinago namin ang sekretong ‘yon sa pamilya natin nang twelve years. At sa loob ng maraming taon, Anak, pinatunayan n’ya kung gaano niya tayo kamahal.”

Ngumiti ito sa kanya. “Panahon. Panahon ang tumulong sa’kin para matanggap ang lahat. And besides, Cassie is a wonderful child. Napalaki s’ya nang maayos at mabuti sa kabila ng lahat ng pinagdaanan n’ya. She has a good heart. A forgiving one.” Dagdag pa nito saka siya niyakap mula sa likuran. Nakagaan iyon sa pakiramdam niya.

“Thanks, ‘Ma. Sa lahat-lahat.” Sabi niya. Naramdaman niya ang paghalik nito sa ulo niya.

“You’re welcome. Please rest, okay? Nasa labas lang kami.” Sabi nito saka siya tumango.

Muli niyang pinagmasdan si Cassie nang makalabas ang mama niya. Saka tahimik na nanalangin. Nahiling niya na sana ay magising na ito.

‘Bukas sana, makausap na kita at makayakap na. At masabi ko na sa’yo na mahal na mahal kita.’ Pagsusumamo ng puso niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.