Royal Secret/Royal Engagement Duology Chapter 30

GRAND PIANO. Ladies in elegant and colorful chiffons and glitter and silk. Gentlemen in smart and obviously expensive suit. Orchestra (orchestra?!).

Reporters. Businessmen. Celebrities. Politicians.

Even President Zarragossa and his three beautiful daughters were there!

Kung hindi siguro kumakain si Cassy ng chocolated-covered strawberry na pinilahan niya sa chocolate fountain kanina, baka nalaglag ang panga niya dahil sa kilala at bigating mga tao na nakakalat ngayon sa grand ballroom. Kung hindi lang nga din nakakahiya, baka kanina pa siya nag-selfie, lalo na nang nakita niya ang paboritong veteran actress ng mama niya.

Nakakasilaw ang magagandang nilalang sa party na `to!

Kanina, pinakilala ni Madam Serranilla (in an elegant long flowing teal dress with lace cap sleeves) si Brooklyn sa mga guest sa well-organized stage sa harap ng grand ballroom. Kasama rin ng ginang sa stage sina Roarke at Nikita na masakit mang aminin ay ang gandang tingnang magkasama.

Roarke looked regal in his posh maroon suit. Nikita looked like a goddess in her lovely white and rose-patterned off-shoulder dress that hugged her body elegantly. Standing side-by-side, the two were shining and blinding like royalties gracing the commoners with their overwhelming presence.

Ngayon naman, lumilibot si Madam Serranilla sa buong ballroom kasama sina Brooklyn, Roarke, at Nikita na ipinapakilala nito sa lahat ng bisita.

Social butterflies.

“Hindi ko alam kung bakit nagpunta ako rito.”

Nalingunan ni Cassy si Koji na guwapo at stylish sa suot na black tux. Pero nasasayang ang kaguwapuhan nito dahil sa pagsimangot. “Gusto mong makita si Blossom, `di ba?”

Bumuntong-hininga ang lalaki at tumingin sa direksyon kung nasa’n si Blossom na busy naman sa pakikipagkuwentuhan sa ilang female teen celebrities. “Akala ko, magiging enough na for me ang makita siya. But now that I saw her, I want more. A dance, perhaps?”

Tatapikin sana niya ang balikat ng lalaki kung wala lang siyang hawak na pagkain. “You are an idiot, Koji. Kung ganyan pala ang mararamdaman mo, sana hindi mo na lang siya ni-reject.”

“Look at her, she’s shining,” bulong nito na parang ang sarili na ang kausap. “Do I deserve to even stand beside her?”

Natahimik siya. Bigla siyang napatingin kay Roarke na napansin niyang malapit nang manigas ang ‘polite smile’ nito habang nakikipagkamay sa isang kilalang business tycoon. Saglit silang nagkatinginan ng prinsipe pero mabilis din itong nag-iwas ng tingin dahil humalik sa pisngi nito ang isang ginang na nakilala niya bilang asawa ng isang senador.

Bright world. People that twinkle like stars. He himself is shining.

Napabuntong-hininga siya. Naka-relate siya bigla sa sentiment ni Koji. May karapatan nga ba ang isang ‘commoner’ na gaya niya na pasukin ang nagliliwanag na mundo ng prinsipe?

Nakakasilaw.

“Koji-kun. Cassy-chan,” masiglang bati sa kanila ni Yuki na nakasuot ng white tuxedo na lalong nagpaliwanag sa mukha nito. Natuon ang atensiyon ni Yuki kay Koji. “Hey, buddy. Nakita ko `yong apo ng favorite Filipino comic artist mo. Chase said he’ll introduce us. Let’s go.”

Tumaas ang kilay ni Koji at binigyan ng nagtatakang tingin si Yuki. “Kailan pa kayo naging close ni Chase Serranilla?”

“Oo nga,” pagsang-ayon niya. “Mabait na ba siya sa’yo?”

Nakangiting tumango si Yuki. “Tumatanaw lang siya ng utang-na-loob kasi kahit binu-bully niya tayo noon eh tinulungan pa rin natin siya no’ng lumindol. I guess naging turning point `yon ng buhay niya. Saka ang mahalaga naman, sinusubukan niyang magbago kaya hayaan na lang natin siya.”

“Sure,” mabilis na pagpayag ni Koji. “Mas gusto ko naman ang Chase na nakikita ko ngayon.”

Ngumiti lang si Yuki. “So let’s go?” Nang tumango si Koji, siya naman ang binalingan ni Yuki. “Cassy, gusto mo bang sumama sa’min?”

“Hindi na, okay na ko dito,” sagot naman niya. “Nag-e-enjoy naman akong i-observe ang mga celebrity na nakikita ko from here.”

“You sure?” paniniguro ni Koji.

“Hundred percent.”

Nang masiguro nina Koji at Yuki na okay lang talaga siyang mag-isa, umalis na ang mga ito.

Hindi naman siya nagsisinungaling nang sabihin niyang nag-e-enjoy siya mag-observe sa sulok ng ballroom kasama ang dessert niya. Nakikiliti ang imagination niya sa mga nakikita niya kaya na-i-inspire siyang gumawa uli ng nobela.

“I’m relieved you don’t look too shabby.”

Nagulat si Cassy nang makitang papalapit sa kanya si Brooklyn.

Huminto ang prinsipe sa harap niya at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Mukha namang nakuntento ito sa suot at ayos niya. Dapat lang dahil hindi man sing mahal ng ibang dress ang damit niya, malaki pa rin ang ginastos ng mama niya sa pagbili ng vibrant off-shoulder dress niya ngayon.

“You may not be as gorgeous as a royalty but you look pretty decent,” nakangising sabi ng psycho prince na thankfully, sa mukha na niya nakatingin.

“Thanks,” sabi niya lang, sabay subo sa natitirang portion ng chocolate-covered strawberry niya.

Napangiwi ang aroganteng prinsipe, sabay agaw sa platong hawak niya na mabilis nitong nilagay sa tray na hawak ng dumaang waiter. “I have something important to tell you, Cassy Hart.”

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. “What is it?”

“It’s about your parents,” nakangising sabi nito, saka yumuko para bumulong sa tainga niya. Hindi siya nakakilos dahil kinabahan siya para sa mga magulang niya. “Listen carefully and don’t tell anyone what I’m about to say if you want to see them…”

Napalunok siya sa takot para sa parents niya. Labag man sa kalooban niya ang maging ganito kalapit sa psycho prince ay tiniis pa rin niya. Pakiramdam niya ay maiiyak na siya habang pinapakinggan ang mga sinasabi nito tungkol sa sitwasyon ng mga magulang niya. Sa totoo lang, nag-pa-panic na siya pero kinalma niya ang sarili. Kailangan niya ng malinaw at alertong isipan lalo na no’ng ibigay na ni Brooklyn ang mga instruction at kondisyon nito.

“Prince Brooklyn…” Nag-angat si Cassy ng tingin sa aroganteng prinsipe pagkatapos nitong humiwalay sa kanya. She glared at the smirking prince. “Ang gago mong hayop ka.”

“I don’t speak Filipino but I’m pretty sure that was a cuss,” natatawang sabi ni Brooklyn, saka umangat ang kamay nito na parang hahawakan ang pisngi niya. “A pretty girl like you shouldn’t speak foul language–”

“That’s Cassy’s charm,” putol ni Roarke sa mga sinabi ni Brooklyn na gaya niya ay halatang nagulat sa pagdating ng prinsipe. Ang mas nakakagulat pa, hinawakan ni Roarke ang pulsuhan ni Brooklyn para pigilan ito sa paghawak sa pisngi niya. Masama ang tingin ni Roarke sa psycho prince. “And you don’t have the right to tell a girl what she should or should not say.”

Hindi tinuturing ni Cassy ang sarili niya bilang ‘damsel-in-distress’ dahil confident siyang kaya niyang protektahan ang sarili. Pero ng mga sandaling `yon, na-relieve siya sa pagdating ni Roarke. Hindi lang dahil pinoprotektahan siya nito. Gusto lang talaga niya ang presensiya nito.

“Chill, Prince Roarke,” nakangising sabi ni Brooklyn, saka binawi ang kamay nito mula kay Roarke. Pagkatapos ay binalingan siya ng psycho prince. “I just said hi to your princess.”

Lalo lang tumalim ang tingin niya sa baliw na prinsipe. Malayong-malayo sa ‘hi’ ang ginawa nitong pagbabanta tungkol sa mga magulang niya!

May sinabi si Brooklyn sa French na hindi niya naintindihan. Pagkatapos ay yumukod ito kay Roarke na mukha namang kalmado na at ngumisi sa kanya bago ito tahimik na umalis at nakisalamuha sa ibang mga bisita.

“Ano daw?” tanong ni Cassy nang mawala na ang psycho prince.

Tiningnan siya ni Roarke ng masama, saka hinawakan ang kamay niya. “Humingi lang siya ng insincere apology sa pakikipag-usap sa’yo.”

“Psycho prince talaga `yong Brooklyn na `yon,” iiling-iling na sabi niya habang hinahayaan ang prinsipe na akayin siya. Wait, saan ba sila pupunta? “Saka bakit parang naiinis ka sa’kin? Ano na naman ba ang ginawa ko para mainis ka?”

Hindi sumagot ang prinsipe hanggang sa makarating sila sa dance floor kung saan may ilang pares nang nagsasayaw. Humarap ang binata sa kanya at ipinatong ang kanan niyang kamay sa balikat nito. `Yong isa nitong kamay, pinatong nito sa baywang niya.

Then he clasped their free hands together. Ohh. They were dancing.

Pakshet.

“Relax,” bulong sa kanya ni Roarke, nakatingin sa mukha niya. Mas kalmado na ito kaysa kanina. “Hindi halata pero sigurado akong pinapanood tayo ng mga guest. You may not know it but people from the high society also like talking about other people– especially when it concerns juicy details of a young prince’s high school romance.”

“Feeling important,” nakasimangot na sabi niya pero pasimple niyang tiningnan ang mga guest sa paligid. Wala naman siyang nakitang bisita na deretsang nakatingin sa kanila pero napansin niyang kumikiling sa direksyon nila ang ulo ng marami. Napangiti siya at napatingin sa prinsipe na mukhang natuwa nang makita siyang nakangiti na. “Well, tama ka naman.”

Pumalataktak lang ito at nagpakaseryoso na uli para ‘sermunan’ siya. “Anong sinabi sa’yo ni Prince Brooklyn? Nakita kong may binulong siya sa’yo kaya nga lumapit ako sa inyo.”

Pinilit niya na huwag magpakita ng pag-alala o takot dahil masyadong observant ang prinsipe. Sumimangot na lang siya at umiling. “Wala namang bago,” pagsisinungaling niya. Na-gi-guilty din naman siya sa pagsisinungaling niya kay Roarke pero kailangan niya `tong gawin para sa mga magulang niya. Ang tanging nagpapakalma sa kanya ay ang katotohanang ligtas ang mama at papa niya hangga’t wala siyang ginagawang gagalit sa baliw na Brooklyn na `yon. “Pinipilit pa rin niyang ako si Princess Cassiopeia. Umamin na raw ako kung ayaw kong kulitin niya ko araw-araw.”

Bumuntong-hininga ito. “Dapat sinapak mo siya no’ng in-invade niya ang personal space mo.”

She would have, but he threatened her.

“Ayokong gumawa ng eksena,” sabi na lang niya dahil totoo naman `yon. “Saka ayoko ring ipahiya ako. May rumors na ako si Princess Cassiopeia kaya makakasama sa image mo at ng pamilya mo kung makikita nila na reformed gangster pala ang hinihinala nilang prinsesa.”

“Hindi mo kami kailangang protektahan,” giit ng prinsipe. “Kahit masira ang image ko o ng pamilya ko, gusto kong protektahan mo ang sarili mo kapag ginulo ka uli ni Prince Brooklyn. Hindi ako papayag na malapitan ka niya kapag magkasama tayo. Pero nag-aalala ako kapag malayo ka sa’kin kaya please, please, please. Mangako kang lalaban ka o tatawagin mo ko kapag nasa panganib ka dahil sa baliw na prinsipeng `yon. Promise me, Cassy.”

Na-touch naman siya sa concern na ipinaparamdam ng prinsipe sa kanya. Pansamantala niyang nakalimutan ang tungkol sa problema niya. Tumango siya para i-assure ang binata. “Promise.”

Bumuntong-hininga si Roarke na parang na-relieve, pagkatapos ay huminto ito sa pagsasayaw para yakapin siya at isubsob ang mukha sa buhok niya. “You drive me crazy, Cassy.”

Nag-init ang mga pisngi ni Cassy dahil sa pagkakataong `yon, nilingon na talaga sila ng mga guest. Pero kung walang pakialam ang prinsipe, wala rin siguro siyang dapat ipag-alala. Yumakap siya sa baywang nito dahilan para humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

Mag-re-relax na sana siya pero nang lumagpas ang tingin niya sa mga balikat ng prinsipeng kayakap niya, sumalubong naman sa kanya ang isa pang prinsipe na nagtatago sa dim part ng hall.

Brooklyn smirked at her and signaled her to follow him.

Buwisit ka!

NAPANGITI si Nikita nang makita si Roarke. Sa tangkad nito at nag-uumapaw na charisma, hindi naman imposibleng hindi ito makita agad. `Yon nga lang, nakakaalarma na makitang naglalakad ito ng mabilis papunta sa exit ng grand ballroom. May balak ba itong umalis at `wag tapusin ang party?

You’re not going anywhere, Prince Charming.

“Prince Ro-ar-ke,” playful na sabi ni Nikita, saka siya yumakap sa braso ng prinsipe na halatang nabigla dahil huminto ito sa paglalakad at kunot-noo siyang nilingon. Binigyan niya ito ng pinaka-sweet niyang ngiti. “Let’s dance, Your Highness.”

“I’m sorry,” mabilis at cold na sabi nito, saka marahang inalis ang mga braso niya sa braso nito. Naging formal at seryoso ang hitsura nito. Well, buong gabi na itong sobrang stiff at ngumingiti lang kapag may ipinapakilala sa kanila si Tita Margarette. ‘Polite smile’ nga lang ang mga `yon. “I need to go somewhere.”

“You’re looking for Cassy, aren’t you?”

“Pa’no mo nalaman?”

Oh, right. Must speak Filipino.

“Kanina ko pa napapansin na parang may hinahanap ka sa crowd,” sagot niya, pasimpleng umaakyat uli ang mga kamay sa braso nito. “Si Cassy Hart lang naman ang nawawala sa friends natin na nandito ngayon. Sobrang vibrant ng red dress niya kaya madaling mapansin na nawala siya.”

“Ngayong alam mo na, puwede na ba kong umalis?”

Nag-freeze ang mga kamay niya sa ere. Ang cold pala ng prinsipe kapag hindi ito naka-‘business mode.’ Pero bakit kanina, no’ng nakikipagsayaw ito kay Cassy, kapansin-pansin na nag-relax ito at ngumiti pa sa babae?

You know why.

“A dance won’t hurt, son.”

Napangiti si Nikita nang malingunan si Tita Margarette na naglalakad palapit sa kanila. My fairy godmother!

“The night is young, Roarke,” nakangiting sabi ni Tita Margarette. “Go and take the Polaris Princess to the dancefloor. Ayaw mo naman sigurong ma-disappoint si Nick.”

Si ‘Nick’ ay si Nicholo Lao na daddy niya– ang owner ng Polaris Academy.

“Fine,” pagsuko naman ni Roarke na bumuntong-hininga naman. Pagkatapos ay tumingin ito sa kanya. Then, much to her delight, he offered his arm to her. “Just one dance.”

“It’s more than enough, my prince,” nakangiting sagot niya, saka siya kumapit sa braso nito. Pagkatapos ay nilingon niya si Tita Margarette para bumulong dito. “Thank you, fairy godmother.”

Ngumiti lang ng maluwang ang ginang at binigyan siya ng playful wink.

Ang cliché pakinggan pero talagang bumilis at lumakas ang heartbeat niya no’ng nasa dancefloor na sila at magkaharap. Nakapatong ang kamay niya sa balikat nito at nasa baywang naman niya ang kamay ng prinsipe. Magkahawak naman ang libre nilang mga kamay habang nag-i-sway sa mellow music na nasa background. Pakiramdam niya, nasa fairytale siya.

“I’m dancing with a real prince,” hindi makapaniwalang bulong ni Nikita, nakangiti habang nakatingin sa prinsipe na blangko lang ang mukha. “This feels like a fairytale.”

Roarke scoffed. “Disney probably messed you up. Hindi sing sanitized ng napanood mong Disney ‘fairytales’ ang buhay ng mga royalty.”

Nag-pout siya. “Pero you have glamorous life. That’s not ‘sanitized.’”

“Everyone shows a glamorous life outside, especially on social media.”

“Sinisira mo ang fantasy ko.”

“Ginigising lang kita sa reality,” cold na sagot nito, deretso ang tingin sa kanila. His green eyes were beautiful but they told her he was remotely interested in her. “Polaris Princess, stop looking at me like I’m a book character.”

“I won’t deny that,” matapat na sagot niya. “Pero you can’t blame me. Aside from you being a prince and the stories I heard from Blossom and Tita Margarette, wala na kong alam tungkol sa’yo. I tried to get close to you, pero lumalayo ka, eh. Even now. Kahit ganito na tayo kalapit sa isa’t isa, you still seem so distant.” `Yong kamay niya na nasa balikat nito, bumaba sa dibdib nito. Ah, his chest was solid and he could feel the beat of his heart on her palm. “What do I have to do to get inside here?”

“Nothing. That place is already occupied by someone else.”

“Cassy Hart?”

“Cassy Hart.”

Thirteen years old pa lang si Nikita, gusto na niya si Roarke kaya natural lang na masaktan siya.

Aksidente lang niyang nalamang prinsesa si Blossom. Namamasyal sila sa isang shopping mall no’n no’ng biglang pasukin ng mga magnanakaw ang jewelry store kung saan kapapasok lang nila. Kasama nila no’n si Xia, ang ‘bodyguard’ ng dalaga, at ito ang nag-knock out sa dalawang magnanakaw na martilyo lang ang dala himbis na baril. Pero nasaktan si Xia mula sa ‘labanan’ dahilan para umiyak si Blossom at sisihin ang sarili nito sa nangyari.

Narinig niya nang sabihin ni Xia kay Blossom na karangalan nito ang ibuwis ang buhay para sa prinsesa ng Elestia. French ang salita ng babae pero naintindihan niya `yon dahil may foreign language class siya. Madalas silang nasa France ng mommy niya para sa mga fashion show kaya pinag-aral siya nito ng France.

The next thing she knew, kaharap na niya si Tita Margarette na nakiusap na itago ang identity ni Blossom kahit pa mula sa mga magulang niya. Siyempre, nangako siya na poprotektahan ang sekreto ng best friend niya.

Simula no’n, parati na silang nagkukuwentuhan ni Blossom tungkol sa Elestia. Nang makilala niya si Roarke na kakambal nito sa pamamagitan ng pictures at stories ng best friend niya, hindi na naalis ang prinsipe sa isipan niya kahit hindi pa niya ito nakikilala ng personal. Five years later, heto pa rin siya at may special feelings para sa lalaki. Mukhang higit na ito sa ‘crush’ lang.

“That hurts,” pag-amin ni Nikita. “I like you a lot, Prince Roarke.”

“I know. You make it obvious,” deadpan na sagot ng prinsipe. “But I’m sorry. I don’t feel the same.”

“It’s okay if you like Cassy now. It won’t last long anyway,” deklara niya, deadpan din. “Between Cassy Hart and me, I’m pretty sure your family will choose me as your bride.”

“Bride?” kunot-noong tanong ni Roarke, halatang iritado. “It’s too early to talk about marriage–”

Nikita shut the prince with a kiss on the lips.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.