Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 10

MAGKATABI silang nakaupo ni Max sa sofa habang nanonood ng telebisyon. Nagkaroon sila ng pagkakataong magkatabi dahil as usual, Michaela had to go out to have a good time with friends. Ganoon naman si Michaela, mahilig lumabas-labas kasama ng mga kaibigan na tulad nitong mayaman. Noong nakaraang buwan nga, dalawang araw itong nagliwaliw sa Malaysia.

Wala pa yatang tatlumpung minutong nakaalis si Michaela ay nakita na niyang lumabas ng kuwarto si Max at tinabihan siya roon sa sofa. Hindi siya kumibo at nagkunwaring seryoso sa panonood kahit pa ramdam niya ang biglang pag-akbay nito sa kanya. She held her breath and anticipated his next move.

Pero wala itong ginawa. Nang bahagya niya itong tapunan ng tingin, abala lang ito sa panonood ng telebisyon. Aba, isang himala, nasabi niya sa sarili.

She had the itch to make the first move. He’s been away for almost a month and she really missed his presence in the house and of course, she missed his touch and kisses.

“Na-miss mo ba ako?” mahinang tanong ni Max nang hindi tumitingin sa kanya. “Kasi ako, na-miss kita,” sabi pa nito. May dinukot ito sa bulsa ng pantalon at iniabot sa kanya ang isang maliit na kahon. “Oh, para sa iyo.”

Atubili iyong kinuha ni Sahara. “A-ano ‘to?”

“Buksan mo.”

Hindi pa man ay napangiti na siya. Kahit ano pa ang laman ng kahon na iyon, itatago niya at pangangalagaan. “P-para saan ito?”

“Para nga sa iyo, kasi na-miss kita masyado.”

Namula si Sahara dahil sa narinig. Hindi niya maitatanggi na kahit na ano yatang sabihin at gawin sa kanya ni Max ay ikina-pupula ng pisngi niya. Nang tuluyan niyang buksan ay kahon ay napatingin siya kay Max na noon pala ay titig na titig sa kanya.

“Pinalagyan ko pa ng pangalan mo ‘yung pendant niyan.”

It was a simple heart-shaped silver pendant, with ‘Sahara’ in the middle. Bakit siya binigyan ng ganoon ni Max? Ano ang ibig sabihin noon? May namamagitan na ba sa kanila?

“Akin na, ako nang magsusuot sa’yo.”

Pinatalikod siya ni Max at hinawi ang mahaba niyang buhok para isuot ang kuwintas sa kanyang leeg. The feeling of his warm hands touching her nape immediately made her shiver.

“Palagi mong isusuot ‘yan, ha. Para hindi mo ko makalimutan.”

Pabulong iyong sinabi ni Max sa kanyang tainga na sinundan ng pagdaiti ng labi nito sa gilid ng kanyang leeg. She wanted to refuse but just as she started opening her mouth to protest, he delved his tongue into her ears. Parang may malakas na boltahe ng kuryente na dumaloy mula sa kanyang tainga papunta sa buo niyang katawan.

“M-Max…“

Hindi dapat niya pinapayagan si Max sa mga ginagawa nito pero wala siyang kakayahang tumanggi. Bukod kasi sa talaga namang nag-e-enjoy siya ay unti-unti na ring napamahal sa kanya ang binata. Totoo iyon, mahal na nga yata niya talaga si Max at siguro, kahit ano ang gawin nito sa kanya ay malugod niya iyong tatanggapin.

““Hmmm…ang bangu-bango mo, Sahara…”

Tuluy-tuloy lang ang pagtatanim ng mumunting halik ni Max sa kanyang batok, balikat at likod. She had the itch to start the ‘real’ kiss but it seems like Max was determined to torture her with pleasure.

“May iba na bang humahalik sa iyo habang wala ako?”

Habang abala ang mga labi nito sa leeg niya ay ganoon rin ka-abala ang dalawa nitong kamay sa kanyang dibdib. Hindi niya napigilang mapaungol nang humigpit ang kapit nito doon.

“May humahawak ba sa iyo nang ganito habang wala ako?”

Umiling siya at dahil doon ay lalo pang naging mapangahas ang mga palad nito sa dibdib niya.

“Good. Huwag ka munang magbo-boyfriend, ha. Ako lang muna sa ngayon. Ang gusto ko, ako ang magturo sa iyo ng lahat ng dapat mong malaman tungkol dito… marami pa akong ituturo sa iyo…tulad nito….”

Nakaupo pa rin siya nang nakatalikod kay Max doon sa sofa. Naroon pa rin sa malulusog niyang dibdib ang mga kamay ni Max at hinahalikan pa rin nito ang kanyang balikat. Maya-maya pa, naramdaman niya ang mga kamay nito na kinuha ang laylayan ng kanyang pang-itaas para hubarin iyon, at saka isinunod ang kanyang panloob. Nagpaubaya naman siya.

“Sabihin mo lang kung hindi mo gusto ang ginagawa ko,” mahina nitong sabi sabay haplos sa kanyang tuhod, pataas sa kanyang hita. Maiksi ang suot niyang shorts na gawa sa malambot na tela kaya ramdam niya ang tila nagliliyab nitong palad.

“T-teka lang, Max,” sabi niya sabay pigil sa kamay nito.

“Hmm…”

“Totoo ba ‘yung sinabi mo sa akin noon na…gusto mo ‘ko?”

“Totoo. Gusto kita, Sahara. Gustung-gusto kita.”

Bahagyang napangiti si Sahara sa narinig at pinakawalan na ang kamay ni Max para ituloy nito ang naudlot na gagawin. Muli, unti-unti nitong hinaplos ang kanyang maputi at makinis na hita. Ibinuka nito iyon nang kaunti para lalo nitong madama ang kanina pa nito gustong damahin. Hanggang sa makarating iyon sa bahagi na hindi dapat.

“Max!”

“Sshhh. Okay lang ‘yan. Promise, magugustuhan mo ‘to.”

At totoo nga ang sinabi ni Max. As soon as his hands moved down there, she felt something – something unexplainable, burning inside her. “Oohh…” impit niyang ungol. Napaliyad siya at napakapit nang husto sa braso ni Max.

Tila naman musika piyon sa pandinig ni Max kaya mas naging malikot ang kamay nito. “Nagsisimula pa lang tayo, Sahara.”

~~

ABALA si Sahara sa pag-aayos ng mga readings niya sa loob ng bag nang bigla siyang mabangga. Nagliparan ang lahat ng papel na hawak niya, maging ang laman ng kanyang malaking bag ay nagkalat rin.

“Shit!” mahina niyang sabi habang pinupulot ang mga gamit. “Kung kailan naman nagmamadali, tsaka pa-“

“Sahara.”

Napaangat siya ng tingin. Kahit hindi pa nga niya tingnan iyon ay alam niya kung kanino galing ang boses na iyon. Kay Baste. Tinulungan siya nitong pulutin ang mga gamit at halos magkauntugan pa sila nang sabay silang tumayo.

“Sahara, sorry na.”

“Okay na ‘yon,” simple’ng sabi niya kahit pa hindi naman talaga. Mabilis siyang naupo sa gutter para maiayos nang maigi ang laman ng kanyang bag. Agad naman siya nitong tinabihan doon sa gutter kahit pa mukha na silang tanga doon na dinadaan-daanan ng mga tao.

“Pero-“

“Please. Marami akong iniisip ngayon. Male-late na ako sa susunod kong klase, kailangan ko pang pumunta kay Del Mundo para- basta, Baste, tsaka na tayo mag-usap.” Tumayo na siya at lumakad palayo pero alam niya na nakasunod pa rin si Baste sa kanya.

“Teka, pupunta ka kay Del Mundo? Bakit? Para saan? Akala ko ba tatanggapin mo na ‘yung offer ko para sa summer class mo?” pagkadaka’y narinig niya sa kanyang likuran. Pero tuloy lang siya sa paglakad hanggang sa makarating sila sa hagdan. “Sahara!”

Nagulat siya nang biglang humarang si Baste sa harapan niya, dahilan para hindi siya makaakyat. At dahilan para mabangga sila ng mga taong umaakyat-panaog sa hagdan.

Hinila siya ni Baste sa gilid. “Uy, alam ko may problema. Sabihin mo sa akin kung ano ‘yon.”

“Wala nga.” Dahil wala naman talaga. Kung tatanungin kung sino ang may problema sa kanilang dalawa, si Baste iyon at hindi siya. Pagkatapos ng nangyaring ‘kiss in public’ at ang komprontasyon nila tungkol doon, nag-iba na ng pakikitungo si Baste sa kanya. Hindi na ito ang dating Baste na makulit, masayahin at parating handang magpatawa sa kanya.

Kaya naisip niyang ituring na lang na isang parte ng nakaraan niya si Baste. Mananatili pa rin ang pagkakaibigan nila pero hindi na niya kayang maging masyadong malapit rito. Lalo na ngayon na kailan gusto lang niya ng katahimikan at alam niyang hindi siya matatahimik kung kasa-kasama niya si Baste.

At lalo na ngayon na ang dami-dami niyang iniisip. Ang tungkol kay Max na ayaw siyang tantanan, kay Prof. Del Mundo na naka-ilang tawag at text message na kanya dahil gusto siyang muling makita, tungkol sa iba pa niyang klase na kailangan niyang maipasa. At tungkol kay Baste, na nasa harap niya ngayon.

“Sasamahan kita kay Del Mundo.”

“H-hindi na,” mabilis niyang sabi. Muli siyang umakyat ng hagdan, na kasunod pa rin si Baste.

“Sahara, kausapin mo naman ako.”

“Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin?”

“’Yung tungkol sa…atin.”

Huminto si Sahara sa paglalakad at sumandal sa balustrade. Ipinatong niya roon ang dalawang siko at tumanaw sa malawak na campus ground. Sa totoo lang, nakalimutan na niya ang tungkol roon dahil may iba pang mas mahahalagang bagay siyang iniisip. And that thing about Baste is just the least of her worries right now.

“I’m sorry…sorry kung na-offend kita sa mga nasabi ko.”

“P’wede bang kalimutan na lang natin?”

“Pero hindi ko makalimutan eh. Tapos, ngayon, iniiwasan mo pa ako.”

“Hindi kita iniiwasan, Baste.”

“Eh bakit hindi mo ako pinapansin?”

“Wow, sino kaya ang hindi namamansin sa ating dalawa?” inis niyang tanong.

“Sorry na.”

“Okay na nga diba?” She has never been frustrated all her life. Kahit pa sa mga pagkakataong hindi na niya alam kung saan kukuha ng pera para sa eskuwela ay hindi siya nagiging ganito ka-stressed.

“Bakit ayaw mo pa ring tanggapin ang tulong ko?”

Tiningnan ni Sahara ang kaharap. “Dahil hindi naman kailangan. Sinabi ko naman sa’yo, diba, magagawan ko ng paraan na maka-graduate? Nagawan ko na ng paraan kaya okay na, okay?” At muli, lumakad na siya papunta sa susunod niyang klase.

“Teka, Sahara!”

Hindi niya iyon pinansin at nagtuluy-tuloy lang sa paglalakad. Tumunog na ang bell, hudyat na simula na ng klase nila. At muli, mabilis na humabol sa kanya si Baste at bago pa man siya makarating sa silid ay naabutan na siya nito.

Hinatak nito ang kanan niyang kamay para pigilan. Mariin nitong ipinikit ang dalawang mata. “Tinanong mo ako noon kung mahal ba kita, diba?” Mabilis nitong tanong at saka muling dumilat bago ituloy ang sasabihin. “Oo ang sagot ko.”

Walang nasabi si Sahara, nanatili lang siyang nakatitig sa kaharap.

“Sorry kung hindi ko sinabi agad sa iyo. H-hindi ko kasi alam kung paano, eh. Tsaka, alam mo na, best friends tayo pagkatapos ang dami pang umaaligid sa iyo na mas pogi, mas mayaman…baka –“

“Akala ko galit ka sa akin dahil sa ginawa ko?”

“Hindi naman ako nagalit. Ano lang...nagulat lang talaga…hindi ko lang talaga alam kung paano mag-re-react sa gano’ng sitwasyon. Alam mo na, first time eh.”

“’Wag ka nga, Baste. First time mong mahalikan?” natatawang tanong ni Sahara.

“Hindi naman kaya lang…first time na babae ang nag-initiate. Tsaka first time na…kasing ganda mo ‘yung nag-initiate.”

Napangiti siya. Hay, lalo lang tuloy itong naging cute sa paningin niya. “Sorry, hindi ko lang napigilan. Ikaw kasi eh, ang bagal mo.” Kinurot ni Sahara ang ilong nito na madalas niyang gawin sa tuwing naaaliw siya rito. “So, mahal mo talaga ako?”

Marahang tumango si Baste, pulang-pula ang mukha.

“Kahit ako ang nag-iinitiate ng kiss, in public?”

Muli itong tumango.

“Don’t worry, hindi ko na uulitin, promise.”

“Teka, hindi ko naman sinabing hindi mo puwedeng ulitin,” mahinang sabi ni Baste sabay kamot sa ulo. “Ano lang…ah-”

She didn’t give him the chance to finish whatever he has to say and she just kissed him on the lips. Hindi rin niya alam kung bakit niya iyon ginawa pero parang may nagsabi sa kanya na iyon ang tamang gawin. She didn’t care about the people around them or what they are going to say about her.

Nang tapusin niya ang maiksing halik ay nakita niyang nakapikit pa rin si Baste na para bang may hinihintay pa ng kung ano. She smiled at him. “Baste, ngayon pa lang, dapat malaman mo na hindi ako isang dalagang Pilipina gaya ng pagkakakilala mo sa akin. Baka ma-culture shock ka. Okay lang ba ‘yon? Dahil kung hindi…susubukan kong magbago para sa iyo. Kaya ko namang maging Maria Clara,” sabi ni Sahara at pagkatapos ay natawa. She can’t even imagine herself that way.

“Okay lang sa akin kahit na ano.”

“Promise?”

Tumango ito nang maraming tango. Maraming nakatingin sa kanila dahil nakapulupot pa rin ang dalawa niyang braso sa leeg ni Baste pero tila pareho silang walang pakialam.

“Sige na, umalis ka na, late ka na sa klase mo.”

Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis. At nang tuluyan na itong makalayo ay tsaka siya parang binuhusan ng malamig na tubig. Bigla siyang nanlumo dahil sa reyalisasyong maaaring mahal talaga siya ng kaibigan, at hindi niya alam kung kaya niya iyong suklian.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.