Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 30

SAHARA has to admit that she’s still mending a broken heart and what happened during her weekend with Architect Aguas was uncalled for. The kiss they shared caused her much more than she bargained for. Ngayon, hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari. Should she avoid Aguas altogether? Should she render her resignation? Especially now that she had confirmed the fact that Aguas has a wife. And a daughter.

“Nasa Amerika ‘yung pamilya niya. They are married, but they are not together. Alam mo na, problema ng mayayaman. Ewan ko ba sa mga iyan, nasa kanila na nga ang lahat, namo-momroblema pa sa maliliit na bagay.”

Iyon ang sabi ni Miss Gopez. Kaya wala na siguro siyang dapat na isipin pa tungkol sa nangyari sa Dumaguete. It was just a kiss – a kiss which made Aguas breathless. Madali niya iyong malilimutan pero ang tanong, malimutan kaya iyon ni Aguas?

“Kumusta nga pala ang conference last week? Ang ganda ng mood ni Architect buong linggo eh,” tanong sa kanya ni Miss Gopez. Kasalukuyan silang nagkakape ni Miss Gopez sa office pantry. Maluwag ang lugar na iyon, na puwede nang maging isang coffee shop. Lima ang magkakawalay na mesa, iba’t-iba ang kulay at laki. Maging ang mga upuan ay iba-iba rin ang disenyo.

Napangiti si Sahara. Oh, I just gave him the best kiss he ever had. “O-okay lang. Successful, according to him.”

Maganda ang ngiti ni Miss Gopez. “Hmm, isa lang ang ibig sabihin niyan. Magaling akong mag-train ng personal assistant. Hay, sana bigyan tayo ng bonus!”

Tumangu-tango si Sahara. Sana nga, naisip niya. At sana rin, maging normal ang pakikitungo ni Aguas sa kanya dahil simula nang bumalik sila mula sa Dumaguete noong isang linggo ay hindi pa siya nito kinakausap. Ni hindi siya nito nginingitian. Whatever the reason was behind his good mood in the past week, it’s definitely not because of what happened in Dumaguete.

Pero sa kabilang banda, okay na rin siguro ang ganoon, na may distansiya sa pagitan nila ni Aguas. At least, walang gulo, at least walang kumplikasyon.

“Ah, bago ko makalimutan. Ibinilin ni Architect na papuntahin raw kita sa opisina niya after office hours. Baka ibibigay ang bonus mo.”

~~

“GOOD evening, sir.” Iyon ang bungad ni Sahara nang maisara niya ang pinto ng opisina ni Arch. Aguas. It was dark in his office, with just the wall light fixtures turned on. Bukas rin ang laptop nito sa ibabaw ng mesa, na nagbibigay rin ng kaunting liwanag. The view from the tall glass windows was wonderful. Sahara always loved the feeling of being on top of everything, seeing the lights from the cityscape during nighttime.

“Miss Smith, good evening. How have you been?” Arch. Aguas was serious. He’s not even looking at her.

“Fine, sir.” Now, he’s got her thinking.

Sa wakas ay tumayo ito at isinara ang laptop. May kinuha ito sa drawer ng mesa at lumapit sa kanya. “Good, good. I’ve been very busy these past few days…but…I didn’t forget that today is your special day. So, I got this for you…for your birthday.”

Napanganga si Sahara. Naalala ni Aguas ang birthday niya. Ang kaisa-isang tao na nakaalala sa kanyang kaarawan, maliban na sa kanyang sarili. Kahit si Baste ay nalimutan na yata ang mahalagang araw na iyon – ano pa nga ba ang aasahan niya samantalang alam niya na kahit siya ay nalimutan na nito.

“Come on, open it.” This time, he was smiling at her.

Atubili iyong kinuha ni Sahara. Isa iyong maliit na kulay itim na kahon. Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakabuhol ng pulang ribbon nito at nang buksan niya iyon ay muli siyang napanganga. “S-sir, h-hindi ko po ito matatanggap.”

A pair of Tiffany solitaire diamond stud earrings in platinum. Sahara instantly fell in love with it in a a glance. Diamond. Tiffany. What more could she ask for?

“Hindi ko alam kung ano ang gusto mo para sa birthday mo kaya nanghula na lang ako. Do you like it?”

Who wouldn’t like a Tiffany? “Pero sir, masyado po yata itong mahal, at masyadong maganda.”

“Masyado ka rin namang maganda, kaya nga iyan ang pinili ko para sa iyo. Happy 22nd birthday, Sahara.”

When a man gives jewelry to a woman, it meant only one thing – the woman is special. Is she special to him? “Thank you sir…pero p’wede naman pong i-greet n’yo na lang ako, hindi naman po kailangang may ganito pa.”

“Kailangan,” simple nitong sabi. “Sa isang espesyal na babae tulad mo, dapat espesyal rin ang regalo.”

“Sorry sir, pero hindi ko po talaga matatanggap ito.” Tinapunan muli niya ng tingin ang kumikinang na mga hikaw at at saka isinara ang kahon.

Halatang nagulat si Aguas nang ibaba niya ang kahon sa mesa. “Accept it. Regalo iyan, Sahara. For your birthday.” Muli nitong kinuha ang kahon at iniabot sa kanya. This time, he grabbed her wrist and shove the little box into her hand.

“Pero bakit po?” Tiningnan niya si Aguas at pilit binasa ang nasa mga mata nito. He looked serious and sincere.

“Bakit ano?”

“Bakit n’yo po ako binibigyan ng ganito? Empleyado n’yo lang po ako at-“

“You deserve something as luxurious as these earrings.” He held her hand. “Anyway, nag-dinner ka na ba?”

Tumingin siya sa suot na wristwatch at nakitang malapit na palang mag-alas siyete ng gabi. Ngayong nabanggit ni Aguas ang dinner, bigla siyang nakaramdam ng gutom. At hindi niya napigilan nang malakas na kumalam ang kanyang sikmura.

“Now I’m sure na hindi ka pa nagdi-dinner.”

Kapwa sila natawa.

Nagsimula nang magligpit si Aguas ng mga gamit sa ibabaw ng mesa at magkasabay silang lumabas ng opisina nito. Halos wala nang tao sa buong agency nang lumabas sila ng gusali. His red sportscar was already outside the building when they reached the waiting area.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.