Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 34

“SIR Ace, here are the newspapers, and the magazines that you’ve requested.” Inilapag ni Agustin ang halos isang dangkal na diyaryo at magazines doon sa kanyang mesa. “Ano ba’ng meron at bakit kailangan mo lahat ‘yan?”

Sinimulan ni Ace ang pagbuklat ng mga iyon. “Kagabi ‘yung lingerie fashion event and I completely forgot about it. I was supposed to take pictures of Sarah pero-“

“Pero nag-out of town kayo ng girlfriend mo,” natatawang sabi ni Agustin.

“She’s not my girlfriend,” tanggi niya. Kung bakit ba naman kasi nagiging makakalimutin siya nitong mga nakaraang araw. Last night was supposed to be ‘the night’ that he’d be seeing Sarah again, in lingerie! He’s supposed to take pictures, ask her out for a few drinks, seduce her, and get himself lucky. Pero hindi nangyari ang lahat ng iyon dahil sa isang biglaang out of town kasama si Kaye. Sa wakas, naalala rin niya ang pangalan ng babae’ng iyon. That’s the name she gave him when they first met, kaya pala hirap na hirap siyang alalahanin.

Sa pangalawang buklat niya ng isang glossy magazine ay agad na napukaw ng kanyang mata ang mga larawan ni Sarah. “Finally! Here, take a look, man. This is the woman that I’ve been telling you about.”

“Wow, yeah, she’s hot.” Tiningnan iyong mabuti ni Agustin, at nakita ni Ace ang ngiti sa mga labi nito.

“Told you so. And wait ‘til you meet her up close,” sabi pa niya. "She's a goddess." Hindi maalis ang ngiti sa kanyang mga labi habang pinagmamasdan ang mga litratong iyon sa magazine.

“So, bakit nga ba hindi mo pa siya girlfriend hanggang ngayon? If you like her that much, why are you with that other girl na hirap kang alalahanin ang pangalan?”

“I don’t know.” Hindi naman niya masabi na hindi niya nakuha ang numero ng dalaga, at ang katotohanang may nobyo na ito dahil siguradong walang humpay na pangangantiyaw ang aabutin niya rito. Agustin looks up to him in everything, especially his expertise when it comes to women. Ibinaba niya ang tinitingnang magazine at tumayo.

Napailing si Agustin. “Well, bakit hindi mo siya kuning model para sa December issue?”

Napaangat ng tingin si Ace. “Akala ko okay na ang tungkol do’n? The photoshoot’s gonna be in a week, wala pa rin tayong model?”

“’Yun actually ang dahilan ng emergency meeting natin mamaya…unfortunately, na-aksidente ‘yung December model natin.”

“And we don’t have any backup plans?”

“We have, of course. Kaya lang, wala rin ‘yung mga backup plans. ‘Yung isa, buntis nang tatlong buwan at ‘yung isa naman, well, nobody knows. Nag-AWOL. Hindi ma-contact.”

Umiling-iling si Ace at muling bumalik sa kaninang kinauupuan. The December issue of their magazine could make or break his career and probably, his life. Halos isang taon na ang The Gent’s pero hanggang ngayon ay wala pa siyang napapatunayan. The magazine could easily be as good as the other men’s magazines out there and he doesn’t want that. Sabi nga ng Dad niya, if you aim for something, aim for the best so that’s what he’s aiming for – to be the best men’s mag in the country.

“Ano, magpapatawag na ba tayo ng go-see for the cover girl of our December issue?” narinig niyang tanong ni Agustin.

“Yeah, go ahead.” Kailangan nila ng bagong mukha, isang bagong modelo na hindi pa nakakapag-pose sa kahit na anong magazine. Someone innocent looking but with a deadly charm and sex appeal. Saan kaya sila makakahanap ng ganoong mga katangian? “Oh, wait, wait, Agustin. Change of plans. Forget about the go-see. I think I’ve got the woman who perfectly fits the criteria.”

Pagkatapos ng walang katapusang meetings at paperworks sa opisina ay nagmamadaling nagmaneho si Ace papunta sa C&C Condominiums. Magbabakasakali siya, makikiusap siya sa kaibigan ni Sarah na ibigay sa kanya ang address nito, o kahit ang contact number nito. He badly needs her.

Napapailing na napapangiti si Ace habang papaakyat ang elevator. Hindi niya alam kung saan siya excited – sa posibilidad ng muli nilang pagkikita ni Sarah, o ang posibilidad na maging modelo nila ito sa kanilang magazine.

Paano kaya niya ito mapapapayag samantalang dineretso na siya nito noon na wala itong interes sa kanya dahil nga sa may nobyo na ito? Pero trabaho naman ang iaalok niya. He could be professional if she wanted to…of course, he’d be professional with her, ano pa nga ba?

~~

10TH floor, room 1027. Doon niya hinatid si Sarah noong huli silang magkita kaya hindi niya iyon maaaring malimutan. Matapos isipin ang sasabihin sa kaibigan ni Sarah, marahan siyang kumatok sa pinto. Isang katok, dalawa, tatlo. At sa wakas, nagbukas iyon.

“Good evening, I’m-“

“Ace! What the hell are you doing here? Paano mo nalaman ang unit ko? Sinorpresa mo ko, ha.”

Siya yata ang nasorpresa. Gusto niyang tanungin kung ano ang ginagawa nito sa unit na iyon pero hindi na siya nito binigyan ng pagkakataon. She hugged him and kissed him hard.

“Magwo-worrry na dapat ako kasi hindi mo sinasagot ang mga text messages at tawag ko…now I know why you weren’t returning my calls…”

Hindi pa naisasara ang pinto ng condo ay nakapulupot na ang mga braso nito sa kanya. What the hell is she doing here? “You actually live here?” hindi niya napigilang tanong.

Bahagyang kumunot ang noo nito. “Of course, I live here.” At pagkatapos ay ngumiti ito. “Ace, honey, are you trying to be cute this time? Alam mo namang hindi mo na kailangan dahil super cutie-patootie na ang boyfriend ko, eh.”

Napapikit at napailing si Ace. This scene was the last thing he’d imagined. Her arms are still wrapped around him, her face almost touching his. And her smile…he knew that kind of smile – it is something she has every time she wanted to be intimate – every time.

“Hmm…gusto mo bang mag-dinner muna, or, you know…”

“Oh, Kaye…”

“And guess what?”

“W-what?” tanong ni Ace kahit pa may ideya na siya kung tungkol saan iyon. Napangiti siya habang nakatingin sa dalaga sa kanyang harapan. Pagpasok na pagpasok nila sa unit ay agad siya nitong itinulak at pinaupo doon sa maluwag na sofa.

Dahan-dahan itong lumapit, mapang-akit ang mga ngiti. “I’m not wearing any panties,” bulong nito.

Napalunok siya at biglang bumilis ang tibok ng puso. She’s seducing him and it’s working. Lalo pa nang kinuha nito ang dalawa niyang kamay at inilapat sa malambot nitong pang-upo. Wala na siyang inaksayang oras at hinalikan niya ang naghihintay nitong mga labi. This is what she wanted, anyway. Bakit pa ba niya patatagalin? While kissing, she’s removing everything that’s on her way – his shirt, then his pants, his shoes and socks. Once he’s naked, she started kissing his body.

Hawak niya ang ulo nito habang bumababa ang mga halik nito sa kanyang dibdib hanggang sa pusod. It’s supposed to feel like heaven, but it didn’t. Parang normal na pangyayari lamang ang ginagawa sa kanya ng dalaga, na parang wala siyang init nararamdaman.

Pero patuloy lang ito sa ginagawa. Sinubukan niyang tugunan ang maiinit nitong mga halik, sinubukan niyang pag-alabin ang sariling damdamin. Hinawakan niya ang mga dapat hawakan na alam niyang makapagpapaligaya rito – ang dibdib, ang baywang, ang balakang. At sa bawat haplos niya ay nakakaringgan niya ito ng ungol, na napakasarap sa kanyang pandinig.

“Ace…touch me…”

And so he did. While she’s on top of him, he put his thumb over her wetness and made slow movements. “Like that?”

“Yeah….ahhh…oh, yes, Ace…”

She’s moving on top of him while he’s moving his fingers inside of her, fast.

“O my God, I think I’m gonna come….ohhh.”

In an instant, he changed their position and he thrust into her. Mahigpit ang pagkakayap ng mga braso nito sa kanyang likod, at maging ang mga paa nito ay nakapulupot sa kanyang balakang. Nakapikit ang mga mata nito, magulo ang buhok sa ibabaw ng unan. She looked sexy. Sumasabay sa paggalaw ang malulusog nitong mga dibdib sa paggalaw niya, na talaga namang nagpapainit sa kanyang pakiramdam.

But damn, he still couldn’t remember her name! Pumikit siya, pilit inalala ang pangalan ng kaniig, na hindi niya alam kung bakit niya ginagawa. Pero walang kahit na anong pangalan na pumasok sa utak niya. Ang tangi lang niyang nakikita sa kanyang isip nang mga oras na iyon ay ang napakagandang mukha ni Sarah. Ang alun-alon nitong buhok, ang mapungay na mga mata ang mapulang mga labi…si Sarah…kailan kaya niya mahahalikan ang mga labing iyon…

“Ace…Ace…I’m coming…I’m coming…ahh!’

“Yeah…me too…” hingal niyang sabi.

At naramdaman niya ang panginginig ng kalamnan nito. Pero hindi siya tumigil sa paggalaw. Binilisan pa niya ang pag-ulos habang hawak ang isa nitong dibdib, hanggang sa marating na rin niya ang kaluwalhatian.

“Wow, Ace, that’s amazing,” sabi nito matapos siyang halikan nang malalim.

“You are amazing,” he whispered. He’s been called a womanizer, yes – lots of times. But at least, he’s the sweet and thoughtful type of a womanizer.

“So, Ace…when are we gonna see each other again?” tanong nito. Naglilikot pa rin ang isa nitong kamay sa kanyang dibdib habang nakahiga ito sa isa niyang braso. “Kung hindi pa ako tumawag sa opisina ninyo, hindi pa tayo magkikita,” kunwa’y may himig na pagtatampo ng dalaga.

“B-busy lang sa trabaho.”

“Pero kung hindi busy, you’d like to see me often?”

Tumangu-tango siya at ngumiti, na nagpaliwanag sa mukha nito.

She immediately reached for his face and kissed him. “I like you, Ace, I really do…”

Does he like her? Yeah, in bed. And that’s it. Hindi niya p’wedeng pilitin ang sariling gustuhin ito o kahit na sinong babae. “I like you too.” - Sa ngayon at hindi ibig sabihin ay magtatagal iyon habang buhay. Ilang beses na nga ba silang lumabas? Apat? Limang beses? At sa tuwing nagkikita sila ay sa ganito humahantong ang lahat. Hindi naman sa nagrereklamo siya pero mayroon rin naman siyang ibang inaaasahan at pangangailangan bukod roon. At kung mayroon man siyang gustong makasama ngayon, si Sarah iyon at hindi si …urgh, what in the world is her name?

She smiled her sweetest smile. “So are we gonna see each other often?”

No. “W-why not?”

Uh-oh. He really needs to learn how to say no sometimes.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.