Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 4

“K-KUYA...“

“Shh…” Itinaas ni Max ang kanang kamay nito at maingat na hinaplos ang kanyang pisngi. “Hindi kita pipilitin. Kung hindi mo gusto, hindi ko gagawin. Ngayon, tatanungin kita, Sahara…gusto mo bang halikan kita?”

Oo, noon pa niya gustong malaman kung ano ang pakiramdam ng halikan, lalo na kung paano ang halikan ni Max. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang pinangarap iyon at paulit-ulit na pinapantasya, lalo na matapos niyang masaksihan ang hindi dapat doon sa kuwarto ni Michaela. Oo, gusto niyang halikan siay nito pero hindi iyon tama. “Pero kuya-“

“Max na lang kapag tayong dalawa, okay?” marahan nitong sabi. “So, gusto mo o ayaw mo?”

Ipinikit niya ang kanyang mga mata bilang tugon - dahil sa kahihiyan, at dahil parang ayaw na niyang malaman kung ano ang susunod na mangyayari. Naramdaman na lamang niya ang paghawak ni Max sa magkabilang pisngi at ang marahang paglapat ng mga labi nito sa labi niya.

Dumoble ang init sa buong kusina nang halikan siya ni Max. Napakarahan niyon na lalo lang nagpasabik sa kanya. Unang dumampi ang labi nito sa kanang sulok ng kanyang bibig, at pagkatapos ay sa kaliwa, bago pa nito tuluyang angkinin ang buo niyang labi. It was her first kiss and she could say that it was all worth it. Max’s lips were soft and wet and warm, and when they touched hers, it made her dizzy, and her knees, unsteady. He’s moving his lips over hers ever so slowly, making her crave for more.

“Wow,” sa wakas ay sabi ni Max nang matapos ang maiksi at marahang halik na iyon. She could tell that he enjoyed it. Bahagya pa nitong dinampian ng hinlalaki nito ang kanyang mga labi bago ito tuluyang lumayo nang kaunti. “First time?” tanong nito na ang tinutukoy ay ang halik na iyon.

Tumango siya, ngumiti at tumungo.

“Ang suwerte ko pala.”

Niyakap siya ni Max pagkatapos. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin noon pero basta niyakap rin niya ito. She felt like it was the natural thing to do. At hinintay niya na muli siyang halikan nito pero hindi iyon nangyari.

“’Yung Bicol Express natin, baka nasusunog na.”

Natawa siya at dahil doon ay nabawasan ang kaba na nararamdaman niya. Itinuloy niya ang ginagawang paghuhugas ng pinggan at habang ginagawa niya iyon ay hindi niya maiwasang tapunan ng tingin si Max. Abala ito sa pag-aasikaso ng niluluto na para bang wala lang samantalang siya ay nangangatog pa rin ang mga tuhod dahil sa nangyari. Ano kaya ang iniisip nito sa mga oras na iyon?

Ngayong nahalikan na siya nito, ano na ang susunod? Ano nga ba ang ibig sabihin noon? May relasyon na ba sila? Imposible dahil nobyo ito ni Michaela. Pero bakit siya nito hinalikan?

At ang mas mahalagang tanong, bakit niya ito hinayaang halikan siya? Gusto niya itong tanungin pero nahihiya siya dahil baka isipin nito ay masyado niyang ginagawang isang napakalaking bagay ang isang simpleng halik. Pero malaking bagay naman talaga iyon, hindi ba? Ang alam niya, ang halik ay pinagsasaluhan lamang ng dalawang taong nagmamahalan.

Nagmamahalan na ba silang dalawa? Pero wala naman itong sinasabing mahal siya nito, kahit pa ramdam niyang may pagtingin ito sa kanya. Ah, hindi niya akalaing napakaraming tanong at problema pala ang kaakibat ng isang simpleng halik…

Kung nalaman lang sana niya iyon nang mas maaga, iba siguro ang sitwasyon niya ngayon. Pero nangyari na, ano pa nga ba ang mangyayari sa mga drama niya sa buhay?

“Sahara!”

Kahit pa nagulat ay hindi siya lumingon. Mas binilisan pa niya ang paglalakad hanggang sa makatawid siya ng kalsada pero sumunod pa rin sa kanya si Max hanggang doon sa waiting shed.

“Naiwan mo sa mesa itong folder mo,” humihingal nitong sabi sabay abot sa kanya ng folder. “Oh, wala man lang bang ‘thank you’?” panunukso nito.

“Thank you,” pilit naman niyang sagot nang hindi tumitingin sa kausap.

“Wala man lang ba’ng ‘hi’ o ‘hello’ o ‘kumusta na?’”

Napakaganda ng ngiti nito nang tingnan niya. Kumunot ang noo niya at itinuon ang mga mata sa kalsada. Hindi dapat siya nito kinakausap, at hindi dapat siya nito sinundan doon.

“Hindi mo ba ako na-miss?”

Kung sila lamang dalawa ang tao sa waiting shed na iyon ay nakatikim na ito ng mag-asawang sampal pero marami sila at halos magsiksikan na kaya wala siyang magawa kundi ang hindi na lang ito pansinin.

“Galit ka ba sa akin?” taka nitong tanong na nakuha pang lumapit sa kanya. “Hanggang ngayon ba, galit ka pa rin sa akin?”

“May dahilan ba para magalit ako?” balik niyang tanong.

“Wala nga, kaya nga nagtataka ako kung bakit parang galit ka.”

Ah, hindi pa rin talaga ito nagbabago. Insensitive at gago pa rin.

“O, hihintayin ka namin ni Michaela sa hapunan ha. Espesyal ang ulam, Bicol Express. Hay, ang tagal ko nang hindi natitikman ang putahe’ng ‘yon, sobrang miss na miss ko na.”

Gusto niyang pangilabutan sa narinig mula rito dahil alam niyang hindi lamang ang Bicol Express ang tinutukoy ni Max na matagal na nitong hindi natitikman. That simple sentence meant nothing for most people but since it came from Max’s perverted mouth, it is nothing but sexual connotation.

~~

“UY, ang lalim ng iniisip natin, ah,” bulong ni Baste kay Sahara dahil kanina pa nakatingin sa kanila ang lalaki'ng librarian sa hindi kalayuan.

Sinimangutan niya iyon. Inayos na niya ang mga nakakalat na notebooks, libro at ballpen sa mesa. Naroon sila sa library at kanina pa niya pinipilit magbasa pero wala talagang pumapasok sa utak niya. “I’m sure bagsak ako sa exam natin kay Prof Del Mundo nung Monday.”

Natawa si Baste. “Paano ka naman nakasigurado?”

“Dahil hindi ako nakapag-review.”

“Ha?” gulat nitong tanong. Tinulungan siya nitong magligpit ng gamit at sabay na silang tumayo at lumabas ng library. Ito pa ang nagbuhat ng mga librong dala niya. “Hindi ba pinahiram kita ng notes? Eh, ano’ng ginawa mo buong weekend?”

“Nagtrabaho,” simple niyang sagot. Dahil kung hindi siya magtatrabaho, hindi siya mabubuhay.

Wala nang narinig si Sahara mula kay Baste dahil alam niyang naiintindihan nito ang sitwasyon niya. At nagpapasalamat siya rito sa friendship na ibinibigay nito, kahit hindi niya iyon hinihingi.

First year college sila nagkakilala ni Baste sa kolehiyo na pinapasukan. Pareho silang Mass Communications ang kinukuhang kurso kaya naman parati silang magka-klase nito. At kailangan niyang aminin na kung hindi dahil kay Baste, matagal na siyang tumigil sa pag-aaral. Si Baste lang ang kakampi niya sa eskuwelahan at ito ang parating nagtatanggol sa kanya sa tuwing binu-bully siya ng mga kaeskuwela.

Sahara is a certified boy magnet. At siguro, dahil doon kaya napakaraming naiinggit at nagagalit sa kanya. Sa umpisa ay gusto na niyang mag-dropout lalo na nang halos saktan na siya ng isang grupo ng mga babae sa kanilang eskuwelahan. Mabuti na lamang at naroon si Baste para tulungan siya. At simula noon ay ito na ang parati niyang kasama.

Baste, or Sebastian Castillo is just like her. Mula ito sa mahirap na pamilya at tulad niya, kailangan rin nitong magtrabaho para matustusan ang pag-aaral. Wala na rin itong mga magulang kaya siguro nakahanap sila ng kakampi sa isa’t-isa. Pero kabaligtaran niya ito dahil masipag itong mag-aral at parating mataas ang markang nakukuha.

So, does Baste like her? Hindi niya alam dahil wala naman itong sinasabi, pero madalas ay nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya. Truth is, he’s not her type - it’s not that he’s not good looking. Magandang lalaki rin naman si Baste, may katawan rin naman dahil banat ang buto nito sa iba’t-ibang trabaho. Nakapag-construction na ito, kargador, waiter at kung anu-ano pa. Maganda rin ang mga mata nito at lalong lumalabas ang pagkagandang lalaki sa tuwing lumalabas ang dimple sa kaliwang pisngi kapag ngumingiti.

Does she like him? Not really. Siguro may mga ganoong klaseng lalaki, na pang-kaibigan lang talaga at isa na si Baste sa mga iyon. Isa pa, hindi ang tulad nito ang pinangarap niyang maging nobyo. Siguro kung medyo naging mas brusko, mas naging medyo ‘bad boy’ si Baste, puwede pa. Masyado kasi itong mabait na para bang kahit anong sabihin at hingin niya ay gagawin at ibibigay nito. At sige na nga, aaminin na niya na kung mayaman ito, hindi siyang magdadalawang isip. Baka nga siya pa ang gumawa ng first move.

“Oh, bakit ka ganyan makatingin?” tanong ni Baste sa kanya nang naroon na sila sa loob ng classroom. Nakaupo na sila pareho sa magkatabing desk at hindi niya namalayang matagal na pala siyang nakatitig sa kaibigan.

“Cute ka rin pala, ano?”

“H-ha? A-ano ba ‘yang pinagsasasabi mo?” sabi nito sabay iwas ng tingin.

Kitang-kita ni Sahara na biglang namula ang mukha ni Baste, pati ang dalawa nitong tainga kaya hindi niya napigilang matawa. “Aba, marunong ka palang magblush!” tukso niya.

Humarap na si Baste sa blackboard, kahit pa wala pa si Prof Del Mundo. “Tigilan mo nga ako, Sahara.”

“Ang sungit naman nito. Nagsasabi lang naman ako ng totoo.”

Umiling-iling na lang si Baste at siniko siya nito nang pumasok na ang kanilang propesor, dala ang kanilang mga test papers. Biglang lumakas ang tibok ng kanyang dibdib dahil alam niyang iyon na ang katapusan niya.

Nakakunot ang noo ni Prof. Del Mundo nang pumasok sa classroom at nakakunot pa rin ang noo nito nang tumayo na ito sa harap ng klase. Tahimik ang lahat, maging ang mga madadaldal nilang kaklase ay parang nalulon ang mga dila.

“I am so disappointed in you, class,” simula nito na walang kangiti-ngiti. Hawak na nito ang makapal na test papers at nagsasalita into nang doon lamang nakatingin. “Ang dali-dali ng klase ko, ang dami pa ring bumagsak!”

Halos mapatalon ang lahat nang bigla na lamang sumigaw ang propesor at ibinagsak sa sahig ang mga papel, dahilan para kumalat ang mga iyon. Sa harapan nakaupo si Sahara at si Baste, at wala silang nagawa kundi magpulot ng mga papel na nalaglag.

Lumuhod si Sahara sa harap mismo ng propesor at sinimulang pulutin ang mga papel. Habang ginagawa iyon ay hindi nakaligtas sa kanya ang mga pasimple nitong pagtingin-tingin. Lihim siyang napangiti.

Laking gulat ni Sahara nang malaman niya na propesor si Arnold Lee sa unibersidad na pinapasukan - at ang mas malala ay propesor pa niya ito sa isa sa mga subjects niya. Oo, ang Arnold Lee na nakilala niya noon sa bar ay ang parehong Arnold Lee na propesor niya ngayon. Del Mundo has thick brows, round expressive eyes and thin lips. Ganoon pa rin ang itsura nito, matipuno pa rin at malakas pa rin ang dating lalo na sa mga kaklase niya, mapa-babae man o beki.

Si Prof. Arnold Lee Del Mundo ang tipo ng propesor na hindi mangingiming manghiya ng estudyante, lalo na pagdating sa grado. Seryoso ito at bihirang ngumiti. Terror, ika nga. Si Del Mundo na yata ang pinaka-terror sa lahat ng terror professors na nakilala ni Sahara at minsan, hindi niya maiwasang isipin na baka may problema ito sa trabaho o sa pamilya o sa asawa kaya parating mainit ang ulo. At napaisip siya, may asawa na nga kaya ito ngayon?

Noong una, hindi pa siya sigurado kung naaalala siya nito at ang nangyari sa kanila noon sa kotse nito noong summer vacation dahil kahit kailan ay hindi siya nito kinausap o kinompronta tungkol doon. Pero hindi maikakaila sa paraan ng pagtitig nito sa kanya na kilala siya nito at oo, naaalala siya nito dahil isang araw ay bigla na lamang siyang ipatawag siya nito sa opisina. At iyon ang naging simula ng kanilang pagkakasala.

“Get your papers. ‘Yung mga may mark na red, ano nang gagawin natin?” matigas nitong tanong. Kita na ang ugat nito sa noo na tila ano mang oras ay puputok iyon. “Alam ninyong hindi uso sa klase ko ang mga special exams-special exams na iyan. Alam kong mga graduating na kayo but you have to retake the class next year.”

“Sir naman…” sabay-sabay na sagot ng ilan sa mga kaklase ni Sahara. Isa-isa na kasing kinuha ng mga ito ang mga test papers at halos kalahati yata ng klase ang hindi nakapasa, kasama si Sahara.

“Ano’ng sir naman, sir naman? Kung nag-aaral kayo nang mabuti, hindi kayo babagsak. Plain and simple!”

Matapos makita ang red mark sa sariling test paper ay agad iyong ipinasok ni Sahara sa kanyang bag para hindi na makita ng iba, lalo na ni Baste dahil tiyak na sesermunan na naman siya nito kapag nagkataon. Sinundan ni Sahara ng tingin ang propesor na noon ay naupo na. Nakasimangot pa rin ito habang inililibot sa buong klase ang mga mata.

She’s dead again and she knew it. Hindi na kaya ng budget niya na muling kunin ang subject na iyon sa summer at kailangan niyang maka-graduate ngayong taon. Ano na lang ang sasabihin ng nanay niya sa probinsiya na napakalaki ng tiwala sa kanya at sobra ang pag-asang makatapos siya at maiahon ito sa kahirapang kinalulugmukan nila ngayon?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.