DECEMBER came too fast and before she knew it, her face was all over the magazine stands – everywhere.
“Hey, congratulations, girl, hindi ko alam na nagmo-model ka pala! Well done!” masayang bati ni Miss Gopez sa kanya. Maging ang iba nilang kasamahan sa opisina ay bumati sa kanya, kahit pa ang iba ay napilitan lamang, samantalang ang iba pa ay halatang plastik ang pagbati.
“Thank you, Miss Gopez.”
Nakaupo na siya sa kanyang cubicle ay ramdam pa rin niya na pinagtitinginan siya ng mga kasamahan, lalo na ng mga kalalakihan. Kung noon ay may kalakip na paghanga ang mga tingin ng mga ito, nadagdagan yata ng pagnanasa iyon ngayon. She felt a bit awkward, but thrilled at the same time.
Sahara, please come to my apartment tonight. Baste
Kunot ang noo ni Sahara nang ilapag ang cellphone sa kanyang mesa. Matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita ni Baste at wala siyang ideya kung bakit bigla siya nitong gustong makausap pagkatapos ng ilang buwan nitong hindi pagpansin sa mga tawag niya.
Dalawang bagay lang naman iyon – gusto nitong makipagbalikan o gusto nitong tuluyang makipaghiwalay. Because they didn’t have any closure or whatsoever anyway.
Paano nga kung makipagbalikan itong muli? Siyempre, tatanggapin niya ito dahil ang totoo ay mahal na mahal pa rin niya ito at wala namang nagbago roon. Siya ang dahilan ng galit nito at wala siyang karapatan na magtanim ng sama ng loob rito. If he forgives her and wants to be with her again, she’d say yes, in an instant.
Pero paano si Ace?
Wait, paano si Ace? Sino ba si Ace sa buhay niya? Wala naman, hindi ba?
“Miss Sahara, dinner naman tayo minsan!” narinig niyang sabi ng isa sa mga kasamahan nila roon, na sinigundahan naman ng isa pa.
“Tayo rin, Sahara, kahit kape lang, please!”
“Selfie naman tayo, Miss Sahara, sige na!”
“Oo nga! Isang pose naman d’yan!”
Nginitian lang niya ang mga iyon, at ang iba pang katulad noon. May lalapit pa sanang ibang kalalakihan sa kanyang mesa, dala ang kani-kaniyang kopya ng The Gent’s at mga ballpen para magpa-autograph nang biglang dumating si Architect Aguas.
“Guys, guys, oras ng trabaho, mamaya n’yo na istorbohin si Miss Smith para magpa-autograph.” Nakangiti iyon nang sabihin ni Aguas pero nagmamadaling umalis ang mga lalaki na para bang takut na takot sa boss nila. “And you Miss Smith, follow me.”
Alam na ni Sahara kung tungkol saan na naman iyon. Ipipilit na naman nito ang gusto, at ipagmamalaki ang mga karangyaang kaya nitong ibigay sa kanya. At muli, mapapaisip siya saglit, at tatanggi.
“Since your face is all over the cover of the magazine, I’m sure lalong dadami ang karibal ko sa’yo, Sahara.” Aguas sat down on the armrest of the couch, looking at her. Nanatili lamang siyang nakatayo sa harap nito. “Should I worry, huh, Sahara?”
“Worry about what, sir?”
“Sa panliligaw ko sa ‘yo. With your budding popularity, for sure, more men will want you. I know I shouldn’t feel this…but truth is, I’m jealous, Sahara.”
Hindi na na-sorpresa si Sahara sa narinig. Ilang beses na bang nabanggit ni Aguas sa kanya ang pagkagusto nito? Na handa itong ibigay sa kanya ang lahat – bahay, kotse, alahas, magagandang damit, pumayag lang siya sa gusto nitong mangyari. To be his mistress. Na ilang beses na rin niyang tinanggihan. If only he’s not married, she could easily say yes to his offer. Hindi mahirap mahalin ang isang tulad ni Architect Aguas, lalo pa sa estado nito sa buhay. Aaminin ni Sahara, minsan nang sumagi sa kanyang isip na pumayag sa gusto nitong mangyari, dahil alam niyang malaki ang maitutulong ng arkitekto sa kanya. Kung noon siguro niya ito nakilala, sa panahong magulo pa ang kanyang buhay, hindi siya magdadalawang-isip. Pero iba na ngayon. Iba na siya ngayon.
“I will give you everything you want,” mahina nitong sabi. Alam niyang pinipigil ni Aguas ang sarili na tuluyan siyang lapitan at hawakan ang kanyang mga kamay, o ang kanyang pisngi. “Anything you want, Sahara,” ulit nito. “Wala namang magagalit, hindi ba?”
“’Yung asawa n’yo po, sir.”
Umiling ito at bahagyang ngumiti. “She’s in the States, you know that. Please think about it, Sahara. My wife and I are already strangers to each other. Ilang taon na ba kaming hindi nagkikita? Two? Three? Aside from her calls every time she needed my signature for checks, wala nang namamagitan sa amin.” Humakbang ito palapit pero maingat pa rin itong hindi mapadikit sa kanya. “I know I made a promise na hindi ko gagamitin ang posisyon ko as your boss…and I’m keeping that promise. Hindi kita pipilitin na mahalin mo ako. I will be patient. Hihintayin ko hanggang sa makapagdesisyon ka. I want to marry you, Sahara…someday, kapag na-annul na ang kasal namin ng asawa ko. Ganoon ako ka-seryoso sa iyo.”
Oh no, it was like Prof. Del Mundo all over again.
“Hay, what should I do to you, Miss Sahara Smith? Kung p’wede lang na kidnap-in kita ngayon at i-lock sa loob ng bahay ko, ginawa ko na.”
Bumuntung-hininga si Sahara at idinaan na lamang sa kiming ngiti ang kaba. May kakayahan kaya si Aguas na gawin iyon sa kanya? Absolutely not. She has spent alone times with him and he seemed as harmless as a six-year-old.
He smiled at her. “Seriously, Sahara. What should I do?”
Kung hindi pa dumating si Miss Gopez ay malamang na hanggang mamaya pa ang pag-uusap nilang iyon. Nagpaalam na siya kay Aguas at mabilis na lumabas ng opisina nito.
~~
HALOS habulin ni Sahara ang hininga nang buksan niya ng pinto ng apartment ni Baste. Huminga siya nang malalim at inihanda ang sarili. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakatuntong sa lugar at hindi niya maikakailang kahit paano ay na-miss niya ang tinutuluyan ng dating kasintahan.
Lakad-takbo ang ginawa niya hanggang sa dulong bahagi ng apartment, kung saan naroon ang pinto ni Baste. Bago pa siya kumatok sa pinto ay inayos muna niya ang kanyang sarili. Pinagpagan niya ang suot na black denim pants at siniguradong maayos ang kanyang buhok.
Isang katok, dalawa.
Walang tugon.
Muli siyang kumatok. At nang wala pa ring nagbubukas ay sinubukan niyang pihitin ang seradura ng pinto. Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang dahan-dahan niyang binuksan iyon. Sa halip na nakabubulag na kadiliman ay may naaninag siyang kaunting liwanag na nagmumula sa floor lamp sa may sala. Bukas rin ang ilaw sa may kusina, pero wala siyang maaninag na tao roon.
Nilakihan niya ang awang ng pinto at pinaliit nang kaunti ang mga mata upang makakita nang mabuti sa kabila ng kadiliman ng paligid. Gusto niyang tawagin ang pangalan ni Baste pero naisip niya na manatiling tahimik na lang habang pumapasok sa loob ng bahay.
Habang papasok ay inililigid ni Sahara ang paningin sa paligid. Walang tao sa sala sa kanang bahagi ng apartment, wala rin doon sa kusina. Lumigid siya para tingnan ang veranda, nagbabakasakali na naroon ang dating kasintahan pero wala rin. Ilang beses na niya itong tinext at tinawagan pero hindi naman ito sumasagot. Lalabas na sana siya ng apartment nang mayroon nga siyang narinig na tugtog mula sa loob ng kuwarto nito.
Kakatok ba siya o basta na lang bubuksan ang pinto?
Isa…dalawa…tatlo.
Pero bago pa tumama ang kanyang kamao para kumatok sa kahoy na pinto ay may narinig siyang iba pang tunog sa loob, na pamilyar na pamilyar sa kanya. Dali-dali niya iyong binuksan at nanlaki ang kanyang mga mata at halos himatayin sa nasaksihan.
~~
GUSTONG humagulgol ni Sahara, gusto niyang sumigaw. Gusto niyang bumalik sa apartment ni Baste at muling sumilip sa awang ng pinto ng kuwarto nito. Gusto niyang siguruhing tama ang nakita niya, na hindi lamang panaginip ang lahat. Ah, sana nga ay nananaginip lamang siya. Ipinikit ni Sahara ng mga mata matapos ubusin ang laman ng bote ng beer. Pagkagaling niya sa apartment ay agad siyang sumakay ng taxi at pumunta sa katabing bar ng The Lounge. She had to breathe, drink and forget.
May lima o anim na bote na ng beer sa harap ni Sahara, at umorder pa siya ng isang bucket. Her hands and her feet were starting to feel numb, but she didn’t care. She actually wanted to feel that – being numb. She wanted the numbness to take over her whole being forever. Nagbukas si Sahara ng panibagong bote ng beer, kahit hindi pa nauubos ang huli. Tinungga niya ang laman niyon na para bang wala nang bukas.
Twelve midnight. Parami pa nang parami ang tao sa bar na pinasukan, na ni na niya maalala kung ano ang pangalan. Doon siya naupo sa dulong bahagi, nakatalikod sa karamihan. Doon kung saan siya maaaring mapag-isa.
That’s how she felt at that moment – deserted.
“Sahara?”
Napataas siya ng tingin at inaninag kung sino ang tao’ng nasa kanyang harapan. Madilim ang paligid at dahil sa sobrang dami na ng kanyang nainom ay tila dumodoble na ang paningin niya. The guy was tall, and that was it. She could no longer make out his face or his body because yeah, she’s already drunk. But his voice was familiar.
“What happened? Bakit ka naglalasing?”
“Ace? Is that…you?”
“Yeah. What the hell are you doing here, being wasted like that?” Hinila ni Ace ang upuan sa kabilang mesa at itinabi iyon kay Sahara. “Are you alone?”
“Oh yeah…I’m alone, alright.”Tumangu-tango siya, natatawa.
“May problema ka ba kaya ka naglasing nang ganyan?” Kukuha pa sana si Sahara ng panibagong bote ng beer sa bucket pero pinigil ni Ace ang kamay niya. “Enough of that. You’re not supposed to be out here at this hour. You know that it’s damn dangerous for you to be alone like this. Your stalker is still out there, for Christ’s sake.”
Ace sounded like a strict teacher, scolding a stubborn student. Napangiti siya.
“Nakukuha mo pang ngumiti?”
“You’re overreacting.” Sa totoo lang, nawala na sa isip niya ang tungkol doon dahil hindi na rin naman nagparamdam ang ‘stalker’ niya nitong mga nakaraang araw. At sa tingin niya ay wala nang mas lalala pa sa nasaksihan niya kanina.
“Overreacting? Sahara-“
“Shhh…” nakangiti niyang putol sa sasabihin pa nito. “Talagang…pinangatawanan mo na…ang pagiging…life saver ko, ha…”
Napailing na lang si Ace habang pinagmamasdan siya. He looked concerned and amused at the same time. Matagal-tagal na rin silang magkakilala ni Ace at masasabi niyang isa talaga itong mabuting tao.
“You are too good to be true, d’you know that?”
“What do you mean?” natatawa nitong tanong. Sinalansan pa nito nang maayos ang mga bote sa ibabaw ng mesa, at pinunasan rin nito ang mga basang bahagi sa pamamagitan ng tissue.
“Bakit nga ba ang bait-bait mo sa akin?” Sahara asked, trying her best to keep her eyes open. “Are you in love with me or something?”
Muntik nang matumba ang inaayos na mga bote ni Ace kung hindi ito naging maagap sa paghawak nito sa mga iyon. “Sahara, lasing ka na nga, come on, ihahatid na kita pauwi.” Tumayo ito at pinilit siyang itayo.
Dahil na rin sa kalasingan ay wala na ring kakayahan si Sahara na tumanggi. Tumayo siya, at hinayaan niyang alalayan siya ni Ace. Ito pa mismo ang kumuha sa shoulder bag niya sa ibabaw ng mesa.
Naka-alalay ang isang kamay ni Ace sa kanyang baywang, at ang isa ay nakahawak sa kanyang siko habang naglalakad palabas ng bar. Ilang hakbang lamang mula sa entrada ng lugar ay narating na nila ang magara nitong kotse.
“Saan mo ‘ko…dadalhin?” nakangiting tanong ni Sahara nang nasa loob na sila nang sasakyan ni Ace. Tinulungan pa siya nito na ilagay ang seatbelt.
“Ihahatid na kita sa townhouse.”
Umiling-iling siya. “Sa condo mo na lang, please?”