Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 56

NANATILI lang si Ace na nakayakap sa kanya pagkatapos ng lahat. Nakahiga na ito sa tabi niya, nakaunan ang ulo sa kanyang balikat na parang bata. “I love you,” she heard him whisper, without looking at her. “You don’t need to say anything now, Sahara. I just feel that I need to tell you that I love you.”

Tumagilid siya ng higa para humarap rito. “Pero Ace, napag-usapan na natin ‘to, diba?”

“Yes, I know.” Tumagilid rin ito ng higa gaya niya. “Naalala mo ‘yung sinabi ko sa’yo no’n na I’m willing to be your kept lover?” he whispered while his fingers were busy featherly touching her arm. “Well, I still do, Sahara. Kahit habang-buhay.”

“Seryoso?” Napangiti siya.

“Mukha ba ‘kong nagbibiro?” Pinaseryoso nito ang mukha – kinunot nito ang noo, pinagsalubong ang mga kilay at pinaliit ang mga mata, na lalo lamang nagpangiti sa kanya. Hindi tuloy niya napigilang kurutin ito sa pisngi.

“Hay, kung bakit ba naman kasi sa tuwing nagkikita tayo, parating hindi p’wede?”

He didn’t say anything. He just leisurely run his fingers through her hair.

“Hindi kaya ito ang paraan ng Diyos para sabihin sa atin na…hindi talaga tayo para sa isa’t-isa?”

Sa pagkakataong iyon ay umiling si Ace. “Pinagtatagpo tayo dahil alam niya na kailangan natin ang isa’t-isa.”

Napangiti siya na para bang pilit pinaniniwala ang sarili. “Pero hindi ibig sabihin, we’re meant to be together. Every time we meet, ang daming complications…noon, my boyfriend ako, then si…Karen…and then –“

“-si Tito Ricky,” dugtong nito.

And then, everything came back to her – their promise to each other, his plans for both of them, their supposed elopement. Napapikit siya para iwasan ang mga mata nito. Nahiga siya at itinaas ang kumot hanggang sa kanyang dibdib. She knew that this conversation was going to happen and she should have prepared herself for it but still, it wasn’t easy.

“I’m sorry, Ace….I really had no choice. Sunud-sunod ang kamalasan na nangyari sa akin that time, and then sumabay pa ang Nanay ko. I didn’t know what to do, I was desperate. Kailangan niya ng emergency heart bypass kaya wala akong nagawa. Binigyan niya ako ng matutuluyan, siya ang nagbayad sa lahat ng gastos sa operation at sa mga gamot ni Nanay…siya rin ang sumagot ng pag-uwi ko sa probinsiya para madalaw si Nanay at maalagaan…” muli siyang humarap rito. “I’m so sorry…masyado na akong nalubog hanggang sa heto na, hindi na ‘ko makawala.”

Hinaplos nito ang kanyang pisngi. “Are you happy with him?” seryoso nitong tanong.

“Sa lahat ng ginawa niya at ginagawa niya para sa ‘kin, dapat lang naman na maging masaya ako.”

“You didn’t answer the question, Sahara. Masaya ka ba sa kanya?”

Napabuntung-hininga siya. “Paano mo ba malalaman kung masaya ka?” balik niyang tanong. “Ako, masaya kapag nagagawa ko ang gusto ko, kapag nakukuha ko ang gusto ko. Dati, pangarap ko lang ang ganitong buhay, ‘yung makapunta sa iba’t-ibang lugar, makakain sa mamahaling restaurant, mabili ang lahat ng gusto…ngayon, nangyayari na…dahil kay Ricky, nagagawa ko na lahat.” Nilingon niya si Ace bago magpatuloy. “’Yung malaman na wala na ‘kong aalalahanin sa lagay ni nanay, masayang-masaya na ‘ko do’n. May kaibigan si Ricky na magaling na cardiologist…siya ang nag-aalaga ngayon kay nanay kaya hindi na ‘ko nangangamba. Nangako si Ricky na iluluwas si nanay sa Maynila kapag gumanda na ang kalagayan niya…lahat ng nangyayari sa akin ngayon, dahil kay Ricky. I owe everything to him.”

Lumapit sa kanya si Ace at kinuha ang isa niyang kamay. “Well, I am here now. We can travel together, eat good food together, shop together. My uncle is a cardiologist in the states, he can help your mother. I can take better good care of you, I can give you everything you want.”

Punung-puno ng determinasyon at sinseridad ang mga mata ni Ace nang titigan niya iyon. Tama ito, sila naman talaga dapat ang magkasama ngayon, silang dalawa ang dapat na masaya ngayon.

“Sahara, listen to me.” Umayos ito ng upo at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. “I will call Agustin. Magpapasundo tayo bukas, and then we’ll go straight to the airport. Pupunta tayo sa Boracay, or anywhere. From there, we could fix our papers then we’ll leave the country. What do you say?”

His offer was certainly tempting but she’s afraid of the consequences of their actions. Marahan siyang umiling.

“’Yun naman talaga ang plano natin noon pa ‘diba? Now, we’re given a second chance. This is our chance, Sahara. Let’s do it now.”

“I’m sorry, Ace pero-” sabi niya, iiling-iling.

“Don’t you trust me?”

“I do, pero…paano si Ricky? Iiwan ko siya nang gano’n na lang? Hindi ba parang ang sama-sama ko naman kapag ginawa ko ‘yon?”

“He’s got a family, Sahara. He’s got a wife, a daughter. At kahit ibigay niya sa ‘yo ang lahat, he can never marry you. Is that what you want? To be his mistress your whole life?”

Napamaang siya. She never thought that Ace could say something like that to her face. But she couldn’t blame him. He’s got a point. Probably, Ricky will never have the balls to leave his wife and his family.

Nang matahimik siya ay hinalikan siya nito sa magkabilang pisngi. He knew she was hurt. “I’m sorry, Sahara. I didn’t mean to-“

“No, no. You’re right, of course. I am just a mistress and I can’t do anything about it.”

“You can do something about it,” mahinang sabi ni Ace. He said it tenderly, which made her heart beat faster. “Be with me. This time, choose me.”

“Gusto ko. Gustung-gusto ko pero…magulo ang buhay ko at ayokong madamay ka sa-“

“Shh…don’t worry. Tutulungan kitang ayusin ang buhay mo. I promise, I will do everything for you, anything for you.”

Muli, umiling siya. “H-hindi mo pa ‘ko kilala, Ace…hindi mo pa kilala ’yung totoo’ng ako.” She’s got a lot of excess baggage and she felt like someone like Ace deserves someone better than her.

“I don’t care who you really are. I love you…all of you. Sa tingin mo ba, mag-iiba ang feelings ko sa ‘yo kapag may nalaman akong hindi maganda tungkol sa iyo?”

Yumuko si Sahara, hindi alam kung ano ang itutugon roon. “Natatakot ako, Ace.”

“That’s why I’m asking you to marry me. Para hindi mo na kailangang matakot.”

Napamaang siya. “M-marry?” gulat niyang tanong. “Teka, nagpo-propose ka ba? Nagpabilis iyon sa pintig ng kanyang puso. Is he really proposing to her?

He blushed and smiled. “Well, you can call it that. Hindi pa ‘ko nakakabili ng singsing kaya…okay lang ba kung to follow na lang?”

She smiled at him and gave him a soft kiss on the cheek.

“Does that mean that you are accepting my…proposal?”

Tumango siya kahit pa nga tila nasa ulap pa ang kanyang utak. Her simple nod immediately brighten Ace’s face. He hugged her real tight, which made her gasping.

“You don’t know how happy I am right now, Sahara. Thank you!”

“Ako yata ang dapat mag-thank you sa ‘yo, Ace,” sabi niya sabay halik sa mga labi nito. “Thank you for saving my life, again. You are indeed a life saver.”

They both chuckled because they remembered that time when he gave her his business card, ang gabi na niligtas siya nito kay Max. Iyon rin yata ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng paghanga rito.

“I love you, Sahara.”

Huminga pa muna siya ng malalim. Does she love him, for real? Of course. “I love you too, Ace.”

“You are going to be my wife, Miss Sahara Smith and there’s no turning back now. Let’s leave everything behind…and tomorrow is going to be the start of our new life, together,” masuyo nitong sabi.

Hahalikan na siya nitong muli nang umiwas siya sa mga labi nito. “Teka, paano nga pala’ng mga gamit ko kung aalis na tayo bukas? My passport, my documents, my bags and my shoes…”

Natawa si Ace at pagkatapos ay binigyan siya ng isang maiksi pero malalim na halik sa labi. “Let me take care of it, okay? But for the meantime, let’s enjoy the rest of the night, shall we?”

She just smiled at him as he kissed her neck, down to her breasts. Ah, this is going to be a long, hot night…

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.