Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 7

AFTER a couple of bottles of beer at The Lounge, Sahara decided to go home. Katulad ng nakagawian, marahan ang ginawa niyang pagbukas ng pinto at dahan-dahang pumasok hanggang sa kusina. Her body was dead tired but her mind wasn’t. Matapos maibaba ang mga gamit sa dining table at makakuha ng isang basong malamig na tubig ay saglit siyang naupo, sumandal at pumikit.

What did just happen? She was not supposed to kiss Baste - not in the middle of the street at least. Mali ang pagkakataon, mali ang lugar, pati yata ang nangyari ay isang napakalaking pagkakamali. Paano na lang kung hindi na siya kausapin nito pagkatapos? Paano kung pagtawanan siya nito o kaya ay iwasan sa mga susunod na araw?

Pero naisip rin niya, paano kung dahil sa ginawa niyang paghalik ay masabi nani Baste na gusto siya nito? Na matagal na rin pala siya nitong gusto pero nahihiya lang ito sa kanya dahil sa matagal na nilang pagiging magkaibigan?

Hay, kung puwede lang niyang ibalik ang oras na iyon ay gagawin niya. She realized that the kiss she gave Baste was nothing out of ordinary – any girl could give him that kind of kiss anytime.

Ah, why on earth did she forget what Max had taught her on how to kiss a guy for the first time?

Mag-aala-una na yata noon ng umaga at hindi dalawin ng antok si Sahara kaya naisipinan niyang lumabas ng kuwarto at kumuha ng isang baso ng tubig. Nakita niyang nakaupo roon sa may kusina si Max na para bang inaasahan ang kanyang paglabas at talagang hinintay siya roon. Hinigpitan niya ang kapit sa suot na robe habang palapit sa refrigerator pero hindi na niya iyon narating dahil mabilis na nahuli ni Max ang kamay niya. Hindi siya nakabalanse kaya napaupo siya sa kandungan nito.

“Kanina pa kita hinihintay,” seryoso nitong sabi. Agad nitong hinawakan ang maliit niyang baywang para iayos ang kanyang pagkakaupo. “Hindi ba sabi ko, alas dose, dito sa kusina?”

Sahara had completely forgotten - or she had intentionally forgotten the whole thing. “N-nakalimutan ko,” halos pabulong niyang tugon. Ramdam niya na parang lalabas na ang puso niya sa lakas ng pintig niyon lalo pa nang gumapang ang maiinit na palad ni Max mula sa kanyang baywang hanggang sa kanyang likod.

“So…ready ka na ba sa lesson natin ngayong gabi?”

Lesson number one, how to make the first kiss perfect. Dahil nabanggit niya rito ang ka-inosentehan sa ganoong bagay, nag-alok ito na tuturuan siya sa kahit anong gusto niyang malaman tungkol doon – mula sa tamang paraan ng paghalik, hanggang sa kung paano paligayahin ang mga lalaki. Sabi ni Max, para hindi siya iwan ng lalaki, kailangan marami siyang alam pagdating doon. At sino ba namang babae ang gustong iwan ng lalaking mahal niya? Kaya pumayag siya sa gusto nito. Kahit pa sinasabi ng utak niyang mali, sa mga oras na iyon, ang puso niya ang namayani.

“Okay…hindi ako magaling sa mga salita-salita kaya tandaan mo na lang ang mga gagawin ko sa iyo, okay ba ‘yon?”

Para namang sunud-sunurang tuta si Sahara na tumango. She couldn’t explain the effect he has on her was – but it was there. Isang titig pa lang ni Max sa kanyang mga mata ay para na siyang nawawala sa sarili. Lalo na kapag hinawakan na siya nito at sinimulan nang halikan.

“Ready?”

Lumingun-lingon siya sa paligid para siguruhing walang tao sa kusina maliban sa kanilang dalawa ni Max. Madilim ang buong paligid at ang tanging pinangagalingan ng liwanag ay ang ilaw mula sa ilalim ng cupboard. Nakakandong pa rin siya kay Max, unti-unti nang umiinit ang kanyang pakiramdam. Siguro dahil sa panahon, at sa pagkakadikit ng kanilang katawan. Alanganin siyang tumango.

Parang iyon lang ang hudyat na ang hinihintay ni Max. Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi, dahan-dahang inilapit ang mukha sa mukha niya at magaang na inilapat ang labi sa sulok ng kanyang labi – nananakam, nang-aakit. The kiss that she expected didn’t come right away. His lower lip featherly touched her lips and it instantly made her breathe deeply. When Max pulled back, she found herself leaning towards him, waiting for the kiss. He smiled.

“Dahan-dahan lang dapat sa simula. Hayaan mong manabik siya sa iyo.”

And he kissed her again. A different kind of kiss that she never imagined existed. Katulad kanina, magaang naglapat ang kanilang mga labi na halos hindi nga naglalapat, sapat lang para maramdaman niya ang mainit nitong hininga. And then, she felt the tip of his tongue touched her trembling lower lip, gently moistening it before nipping.

Napaungol si Sahara at tuluyan nang napapikit at napakapit nang mahigpit sa mga balikat ni Max…

Kung ganoon kaya ang gawin niya kay Baste sa susunod nilang pagkikita? Tingnan lang niya kung maguluhan pa ito sa nararamdaman.

~~

KALAGITNAAN na ng pangalawang klase nila sa umagang iyon pero wala pa ring Baste na nakaupo sa tabi ni Sahara. Hindi ito ang tipo na basta-basta na lang a-absent, lalo na nang hindi nagsasabi sa kanya. She tried texting and calling him that morning pero wala.

Bahagya niyang tinapunan ng tingin ang bakanteng silya sa kanyang kaliwa. Bakit ganoon, ilang oras pa lamang niya itong hindi nakikita ay parang ang lungkut-lungkot na sa pakiramdam?

Napailing na lamang si Sahara nang mapagtanto ang katotohanang iba nga pala si Baste kumpara sa iba at hindi ito tulad ng ibang lalaki na kayang-kaya niyang akitin sa isang simpleng halik. O kahit sa isang simpleng mapang-akit na titig. He is the conservative type and he probably hates her now for what she had done. Baka iyon ang unang halik ni Baste at pakiramdam nito ay nasayang iyon dahil sa kanya. Siguro, na-turn off ito dahil hindi nito akalaing magagawa niya iyon.

And she realized, this is it. This is probably it – the end of their friendship, dahil sa kanyang ka-gagahan. In just a snap of a finger, Baste is out of her life.

Or so she thought. Nakita niya si Baste na nagmamadaling pumasok ng kuwarto, nagpaumanhin kay Prof. Salazar at tsaka tumuloy nang umupo sa tabi niya. Tiningnan niya ito habang nagbubukas ng bag para kunin ang notebook at ballpen. Gusto niya itong kumustahin, tanungin kung ano ang nangyari at kung bakit hindi nito sinasagot ang mga text messages niya pero naunahan siya ng hiya.

Kaya hinintay na lamang niya na ito na ang unang magsalita, na hindi rin naman nangyari. Natapos at natapos ang lecture ng matanda nilang propesor ay hindi pa rin siya pinansin nito. Nauna itong tumayo at akala niya ay aalis na ito at iiwan siya pero hinintay siya nitong makapag-ayos ng gamit. Nagulat pa siya nang sundan siya nito palabas ng silid pero wala pa rin itong kakibo-kibo at wala pa rin itong sinabi.

“Uy, ang tahimik natin, ah,” lakas-loob niyang sabi. Iyon ang madalas na sinasabi sa kanya ni Baste kapag wala siyang imik. “N-natanggap mo ba ‘yung mga text messages ko?”

Umiling ito. “N-nawala ‘yung cellphone ko. Kaya ngayon lang ako, hinanap ko pa sa bahay.”

“Okay ka lang?” Medyo nakahinga ng maluwag si Sahara. Hindi naman pala siya nito iniiwasan. Pero sana, nagsasabi ito ng totoo.

“Okay lang.”

Magkasabay pa rin silang bumaba ng building at magkasabay pa ring kumain ng pananghalian sa paborito nilang fast food. Wala naman talagang kakaiba sa araw na iyon, liban na lamang sa pagiging sobrang tahimik ni Baste, na pakiramdam ni Sahara ay kasama nga niya ito pero nasa ibang planeta ang isip nito.

Sabay pa rin silang lumabas ng campus pagkatapos ng klase nila kay Prof. Del Mundo. Sa sobrang pag-iisip niya tungkol kay Baste ay nalimutan na niya nang tuluyan ang tungkol sa problema niya sa propesor. Ni hindi na niya napansin ang manaka-naka nitong pagtingin sa kanya sa kabuuan ng klase.

Naroon na sila sa hintayan ng sasakyan, doon sa parehong lugar kung saan naganap ang makasaysayang paghalik niya sa kaibigan. Kaya kahit gusto nilang iwasan ay hindi nila magawang hindi iyon maalala.

“B-Baste…o-okay lang ba tayo?” tanong niya. At nang makita niyang lalong sumama ang mukha nito ay sinundan niya iyon ng isa pang tanong. “T-tungkol ba sa ‘to sa…kiss? Nagagalit ka ba sa akin dahil sa hinalikan kita?”

Matagal pa bago nito iyon natugunan. Tipong dalawampung sasakyan na ang dumaan sa kanilang harapan, apat doon ay jeep na dapat niyang sakyan. “H-hindi naman ako galit, Sahara kaya lang-”

“Kaya lang ano?”

“Kasi…babae ka, h-hindi ka dapat nag-i-initiate ng ganoon…at dito pa sa lugar na ‘to.” Dala nito sa kanang kamay ang kanyang mga libro, at nakahawak ang isa pa nitong kamay sa strap ng knapsack. “Ang daming taong nakakita, nakaka-“

“Nakakahiya?” pagtutuloy niya sa sasabihin ni Baste. “Nakakahiya dahil babae ako at ako ang nanghahalik ng lalaki? Nakakahiya dahil hinalikan kita, sa public place pa?”

“Bakit mo ba kasi ginawa ‘yon?”

“Dahil gusto ko,” walang pag-aatubili niyang sagot.

“B-bakit?” Napatitig ito sa kanya.

Kumunot ang noo niya. “Ano ba sa tingin mo ang dahilan?”

Kung ibang lalaki, siguradong maganda ang reaksyong matatanggap niya pero sa itsura nito, para itong pinagsakluban ng langit at lupa. Sa mga sasakyang nagdaraan ito nakatingin sa halip na sa kanya. And yes, the way he looks at her now (or the way he doesn’t look at her) says it all.

“Akin na’ng mga libro ko,” sabi niya sabay hablot sa mga librong hawak ni Baste. “Sige, goodbye.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.