Sanford Series 1 Chapter 11

KANINA pa siya nakatingin sa screen ng monitor ngunit wala roon ang kanyang isipan.

Oras ng duty niya ngunit iba ang pumapasok sa kanyang magulong isipan na hindi konektado sa trabaho. She had been spacing out lately and it wasn't good for her.

"Villarama," tawag ni Santos sa dalaga ngunit hindi man lang ito natinag at nakatutok ang mga mata sa screen habang ang mga daliri ay nasa keyboard ngunit hindi naman tumitipa. "Police Master Sergeant Elize Niccola Villarama! Princess, babe."

Sinamaan ng tingin ni Niccola ang binatang pulis nang marinig ang itinawag nito sa kanya. "Ano?"

"Narinig mo ba ang nangyari kay Justin Alonzo?"

Tumango si Niccola bilang tugon. Kanina ay bali-balita ang pagpapakamatay ni Justin Alonzo habang nasa selda nito. Nag-iwan ng suicide note ang lalaki at inihayag ang pagsisisi sa pagkakapatay sa aktres na dati nitong nobya. He said that he would follow her wherever she was now. For Niccola, it was not loved at all, it was obsession and lunacy.

"Inom mamaya," aya ng lalaki sa kanya. Ganoon ang karaniwan nilang ginagawa tuwing walang pasok kinabukasan.

She nodded in agreement. Kadalasan ay sumasama siya sa mga kasamahan sa trabaho na lumabas. Bagaman ay nasanay na siyang kasama ang mga ito ay hindi pa rin niya maiiwasang makaramdam ng pagkailang lalo na tuwing nag-uusap ang mga ito ng usapang panlalaki.

"AYOS ka lang, Villarama?" si Santos habang nagmamaneho.

"Isa pang tanong sasampalin na kita, Bryan!" asik dito ni Niccola na hindi man lang nag-abalang buksan ang mga mata.

"Bakit ba kasi ang dami mong ininom? Is there a problem, Niko?" He was behind the steering wheel and was driving her to her condominium unit.

"Wala! Tumahimik ka nga. Buwesit!" singhal niya. Nananakit ang kanyang ulo at nahihilo rin siya. Lalo lang iyong lumalala dahil sa mga naririnig na ingay. Kasalanan ni Mason kung bakit naparami ang inom niya. She was frustrated, she can't get him off her mind.

"Sungit! Meron ka ba?" Naiinis na dumukwang ang dalaga at sinabunutan ang binatang nagmamaneho na lalo lang nagpalala sa kanyang pagkahilo. "Niko, mababangga tayo!"

Binitawan niya ang buhok nito at muling inayos ang upo at isinandal ang nananakit na ulo sa upuan.

Bryan Santos was her friend since college. Sanay na ito sa ugali niya, maging siya rin dito. Sa tagal ng pinagsamahan nila ay hindi siya nakaramdam ng kakaibang damdamin kay Bryan. He was handsome and masculine, alright, but he can't make her heart race, just like how it behaved when Mason Scott was around.

"Okay ka lang talaga? Gusto mo ihatid kita sa itaas?" Lumapat ang kanyang kamao sa tiyan ng lalaki, napaigik ito sa kanyang ginawa kahit na hindi naman masyadong mapuwersa ang kanyang pagkakasuntok.

Umibis ang dalaga sa sasakyan at tumuloy papasok sa loob ng building. Lalo lang lumala ang kanyang pagkahilo nang lumulan sa elevator. Pagkalabas niya ay halos hindi na niya makita ang nilalakaran.

She punched the code of her unit but it won't open. She tried it again and again but to no avail.

Muntik nang sumubsob si Niccola nang biglang bumukas ang pinto. Mabuti nalang at nahawakan siya ni Mason. "Oh, you," she slurred while pointing her finger at his stoic face and giggled.

Hinawi ni Mason ang daliri ni Niccola at walang sali-salitang lumabas mula sa bahay niya at lumakad patungo sa kabilang unit. "Number?" kanyang tanong sa dalagang nakasandal sa kanyang katawan at hindi na makatayo ng tuwid dahil sa kalasingan. He can smell the mixture of alcohol and Niccola's natural scent.

Iminuwestra ni Niccola ang code ng kanyang unit gamit ang mga daliri.

Hinila ni Mason ang dalaga papasok at binuksan ang isa sa dalawang silid na naroon. Ideniposito niya ito sa malaking kama at akmang lalabas nang higitin siya nito.

Nagulat ang binata ng ikapit ni Niccola ang mga braso sa kanyang batok. Mabuti nalang at nagawa niyang maitukod sa magkabila nitong gilid ang kanyang mga braso upang hindi ito madaganan.

"Why are you pestering me?" Napalunok si Mason nang magsalita ito gamit ang mababang boses at mapupungay ang mga mata. He can feel his body reacting. His sleeping warrior was starting to wake up because of their proximity.

"I can't focus on my work because of you, you blue-eyed devil!" she murmured in an alluring voice and she wasn't even aware of it. "Buwesit ka, buwesit!" Niccola then pulled him closer and pressed her lips to his red ones.

Mason loses his shit. He was hard to the point of pain.

This drunk woman was taking his sanity away. Her soft lips and the feel of her body against his were turning him on, big time.

Hindi niya malaman ang gagawin, kung tutugon ba o hihilahin ang katawan paalis sa ibabaw nito. Subalit hindi na niya kailangang magpasya dahil biglang lumungayngay ang mga brasong nakapalibot sa kanyang leeg at bumagsak sa kama.

Mula sa pagkakakubabaw rito ay umayos ng upo sa gilid ng kama si Mason. Pinagmasdan niya ang mukha ng natutulog na dalaga. Ilang sandali na siyang ganoon ng wala sa loob na itinaas niya ang kanyang kamay patungo sa mukha nito, ngunit bago pa iyon lumapat ay bigla siyang natauhan at muling ibinaba ang kamay. Kapagkuwan ay tumayo na upang umalis.

BANDANG tanghali kinabukasan ay napagbuksan ni Mason ng pinto ang kanyang kapitbahay. May dala itong pagkain at hindi makatingin ng diretso sa kanya.

Si Niccola ay hindi magawang salubungin ang asul na mga mata ng binatang kaharap. She remembered what she did last night and it was embarrassing. She swore not to get drunk again.

Hindi niya gustong makita ang lalaki pagkatapos nang nangyari ngunit wala siyang pagpipilian. Nakapangako ang dalaga sa kapatid nitong dalagita.

"I-I cooked Xyxy's favorite." Lihim niyang kinastigo ang sarili dahil sa pagkautal.

Pinapasok ni Mason si Niccola na nag-aalangan pa kung tutuloy ba o hindi.

Inilibot niya ang mga mata sa loob ng bahay ni Mason. Iyon ang unang beses niyang makapasok sa tahanan nito. Halos katulad lang sa kanya ang loob ngunit mas maluwag ang espasyo roon kaysa sa kanyang unit. Ang mga kagamitan sa loob ng bahay ay iyong mga kailangan lang talaga. A typical pad for a bachelor.

"You're here, Ate Niko" Humalik sa kanyang pisngi ang dalagita pagkalapit. She was glad seeing her happy and cheerful. Hindi na ito masyadong maputla gaya ng unang beses niya itong makita ilang araw na ang nakakaraan. Bagaman ay masyadong payat ang dalagita sa kanyang pamantayan. "You cooked?"

"Yeah. I promise, right?" Hinila siya ni Xylona patungo sa kusina at umupo sa hapag upang makain ang kaniyang mga niluto. "Hindi ka ba kakain?" kanyang tanong sa binatang nakasandal sa pader sa isang sulok habang nakatingin sa kanila. Nilabanan niya ang pagkailang na nararamdaman at kaswal na sumubo ng pagkain.

"He ate his favorite noodles," the girl said then rolled her eyes upward. "He can't cook and he always orders food outside or eat his instant goods... By the way, Ate, you never told me what happened next to the Tigers. The one you told me at the stairs," anito habang ngumunguya.

"Later, eat that first." Niccola can barely remember the story. She just made it up.

Umalis na si Mason mula sa pagkakasandal at iniwan ang dalawang babae roon. Pumasok siya sa kanyang silid at humiga sa kama. Nasanay na siya sa dalawa na laging magkasama nitong mga nakaraang araw. Minsan, kapag walang pasok ang kanyang kapitbahay ay pumupunta ang kapatid sa kabilang unit o 'di kaya, kapag nakauwi na mula sa trabaho ay pupuntahan ito ng kapatid. He wonders if she got irritated by it or was she being real in showing her affection towards Xylona.

He can see Xylona's slowly progressing and he owes it to Niccola. Kung hindi dahil dito ay hindi niya alam ang gagawin niya sa kapatid. Xylona was so weak and fragile the first few days she lived with him.

Nang marinig niya ang mga boses mula sa labas ay hindi maiwasan ng binatang pakinggan ang pinag-uuspan ng mga ito. Bumalikwas siya ng bangon at lumakad patungo sa nakasarang pinto, umupo at sumandal doon.

Sina Niccola at Xylona ay lumakad patungo sa sofa at naupo matapos nilang maglinis ng mga pinag-kainan.

"Okay, so here's what happened next... When the tiger stole from the fox. She cursed him. If your child is born, your wife will meet her last breath."

Tumaas ang sulok ng labi ng binata nang marinig niyang nag-iba ang tinig ng dalaga habang sinasabi iyon.

"Mr. Tiger was so scared, he ran fast and when he saw his wife, he told her to kill their unborn cub. The wife was horrified and did not agree to it, she would rather die than kill her child... Months after, two cubs were born and Mrs. Tiger died. Mr. Tiger had gone insane because of losing his wife, he forgot that he had cubs to take care of.

"Years passed and Mr. Tiger got so old. For the past years, he had tried to kill himself. He did many things to end his life, but he can't die for some strange reason. Then one day, he burnt their house down and trapped himself inside intentionally, he thought that his cubs were outside the house. But he was wrong, one cub was sleeping in his room... Some animals in the wild saw the burning house and saved Mr. Tiger. But one of his cubs was burnt to death.

"Wake up, Papa Tiger. Are you waiting for me to die too? Stop your foolishness, said the other cub. Mr. Tiger realized his mistakes and gathered himself back. From then on, he became a good father to his child..." She looked at Xylona whose eyes were misty. "Do you know the lesson of the story...? Do not wait to lose someone for you to realize your mistakes. Huwag mong hintayin na dumating sa punto na may mawala sa mga minamahal mo bago ka matauhan."

Mason heard his sister wailed but he remained sitting on the floor. Niccola was there for Xylona. He clenched his fist as he felt his heart tightened.

"It's okay to feel sad, Xyxy. But you need to be strong for your family, for your brother, for yourself. Know that you are not alone in this fight. Hindi mo alam na sa tuwing sinasaktan mo ang sarili mo ay dobleng sakit ang nararamdaman ng mga taong nagmamahal sa 'yo."

Tanging ang iyak ng pighati ng dalagita ang maririnig sa mga sumunod na sandali.

Nang tumahimik na ay napabuntung-hininga ang binata bago tumayo at lumabas ng kanyang silid. His sister fell asleep in Niccola's arms. Nilapitan niya ang dalawa at kinuha ang kapatid mula rito at dinala sa loob ng silid.

"She's a good kid. She'll gonna be okay," pampalubag-loob ni Niccola na sumunod sa dalawa. Umupo siya katabi ng binata na nakaupo sa gilid ng kama ng dalagita. "Ilang taon na siyang nagkakaganyan?"

"Nine years. She was traumatized, which leads to her depression."

"She's going to be fine." Wala sa loob na dumako ang kamay ng dalaga sa kamao ng binata na nasa kandungan nito, nang mapagtanto ang ginawa ay mabilis niyang binawi ang kamay. Ngunit sa kanyang paggilalas ay hinuli nito iyon at dinala sa mga labi.

Nangilabot si Niccola ng lumapat ang mga labi nito sa likod ng kanyang palad.

"Thank you," saad nito sa sensirong boses. Mariin na nakatitig sa kanyang mukha na lalo niyang ikinailang "I don't know what to do with Xylona if you aren't here."

Tumikhim si Niccola bago pasimpleng binawi ang kamay mula rito. Hindi niya malaman kung bakit tila uminit sa loob ng silid kahit nakabukas naman ang aircon. "It's okay. Ahm, I think I need to go."

Mabilis na tumayo si Niccola at malalaki ang mga hakbang na lumabas sa bahay ng binata.

Nanginginig ang mga kamay na binuksan niya ang pinto ng kanyang unit at pumasok. Subalit bago niya tuluyang maisara ay may pumigil doon.

Tuluyang pumasok si Mason sa loob at isinandal ang dalaga sa nakasarang pinto na nanlalaki ang mga mata sa pagkabigla.

"I've been dying to do this," bulong nito at inilapat ang mga labi sa dalagang pulis.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.