Sanford Series 1 Chapter 13

NANLALAKI ang mga mata ni Niccola pagkakita niya kay Mason. Kakalabas lang niya sa presinto at ngayon nga ay kaharap niya ang lalaking sadya niyang iniiwasan nitong mga nakaraang araw. He was leaning on his car and was staring directly at her.

Lumihis siya ng daan upang hindi ito makaharap. Hindi niya kayang harapin ang lalaki at ayaw niyang mapalapit dito dahil ipinagkakanulo siya ng kanyang damdamin at katawan sa tuwing malapit ito.

"Avoiding me now, Miss Villarama? I didn't know that you are a coward."

Nahinto si Niccola sa paglalakad, bumuntung-hininga at umikot paharap kay Mason.

"I'm not a coward. I'm not damn avoiding you," kaila niya na masama ang pagkakatingin sa lalaki.

Tumaas ang sulok ng labi ni Mason sa isang matabang na ngiti, tila ba hindi kumbinsido sa kanyang sinabi. Nakaramdam ng pagkailang si Niccola nang pasadahan ni Mason ng tingin ang kanyang kabuuan. "You look good in your uniform."

Namula ang pisngi ni Niccola dahil sa sinabi nito mabuti nalang at may kadiliman na. "I know right." Pagtatakip niya sa nararamdaman. Wala siyang magawa kundi ang humakbang papalapit sa lalaki, pagkalapit ay humalukipkip sa harapan nito. "Anong ginagawa mo rito? And where's Xylona?"

"What do you think?" Hindi malaman ni Niccola kung may pakahulugan ba ang pagkakasabi niyon ni Mason. The intensity in his sapphires was melting her knees. She prayed silently that, that moment would end immediately before she embarrassed herself. "Xylona's in our Aunt's. She misses you. You haven't come home these past few days... Now that I come to think about it, you really are avoiding me."

Nitong mga nakalipas na araw ay hindi muna siya umuuwi sa kanyang condominium unit dahil iniiwasan niya ito kaya sa bahay ng mga magulang siya naglalagi.

Nai-atras niya ang ulo nang dumukwang ito papalapit sa kanya. "I'm... I was at my parents' house." Lumapat ang kanyang palad sa mukha nito at itinulak iyon paalis sa kanya. "'Yong totoo, sino ka ba talaga? Where's my neighbor? The cold and distant Mason Scott Clarkson, where is he?" Pinandilatan niya ang lalaki. Nang unti-unting sumilay ang naa-aliw na ngiti sa mapupulang labi nito ay nahigit niya ang hininga. "Nag li-lipstick ka ba?" Naibulalas niya ang nasa isipan, ipinikit niya ang mata dahil sa frustration.

The man chuckled in amusement. "Why don't you find out yourself?"

Iningusan niya si Mason at umirap. "Wala ka bang trabaho? Why are you wondering around? Mukha kang pusang gala." Malaking pusa na handang manlapa!

"I'm jobless, Ma'am."

"For real?" Lumarawan ang pagkamangha sa mukha ng dalaga ng mapagtantung hindi ito nagbibiro. "Wow. That's great. Good for you then," sarkastikong aniya. Bahagya niyang tinapik ang balikat nito at tumalikod upang tuluyang umalis. Ang tigas ng braso. Matigas rin kaya sa- Marahas niyang ipinilig ang ulo dahil sa nagiging takbo ng kanyang isipan. Nagiging mahalay na ang pag-iisip niya dahil dito, binuhay ni Mason ang mga damdaming hindi nagawang buhayin ng mga naging boyfriends niya.

Nakakailang hakbang na si Niccola ng may isang motorsiklong paharurot na dumaan sa kanyang harapan. Bago pa siya makahuma ay naglabas ito ng baril at ipinutok sa kanyang direksiyon.

Nasapo niya ang tiyan nang maramdam ang pagsalakay ng kirot sa parteng iyon ng kanyang katawan. Pag-angat niya ng kamay, sa nanlalabong mga mata ay nakita niya ang dugong bumalot doon. "D-damn!" Nanghina ang tuhod ni Niccola dahil sa sakit na nakakawala ng ulirat. Nanunuot sa kanyang buto ang sakit ng pagkakabaril sa kanya.

Bago pa bumagsak ang katawan ni Niccola ay nasalo ito ni Mason na nakita ang mga pangyayari. Huli na nang makalapit siya rito dahil naipaputok na ng rider ang dalang baril. Sa halip na habulin iyon ay dinaluhan niya ang dalagang pulis na natamaan sa pamamaril.

Ang ilang mga nakakita ay napalapit din sa direksiyon ng dalaga, ang iba ay tumalilis dahil sa takot. Hindi naalarma ang nasa loob ng presinto dahil may silencer ang baril na ginamit ng shooter.

"Damn, Niko! Wake up! Hey!" Tinapik-tapik niya ang mukha ni Niccola upang panatilihin itong gising. Subalit bumibigat na ang mga talukap nito at sumisinghap na tila naghahabol ng hininga. Diniinan niya ang sugat nito, napuno ng takot ang kanyang dibdib ng humina ang paghinga ng dalaga. "Shit! Don't die on me, woman!"

Siya namang labas ni Police Master Sergeant Bryan Santos mula sa loob ng presinto at agad na nakita ang kumpulan. Lumapit siya roon at nakita ang kasamahang nakahandusay habang umaagos ang dugo sa bandang tiyan. "W-What happened? Villarama!"

"She was shot. You drive." Ibinigay ni Mason ang susi ng kanyang sasakyan sa kasamahang pulis ng dalaga bago ito pinangko at mabilis na tinungo ang kanyang sasakyan. Tumalima naman agad ang pulis at mabilis na iminaneho ang sasakyan paalis. "Faster! Fuck, wake up, Niko!" Hindi malaman ni Mason kung ano ang gagawin nang lumungayngay ang ulo ni Niccola at nawalan ng malay. Nararamdaman pa niya ang pulso nito ngunit mahinang-mahina na iyon.

Mabuti na lang at hindi kalayuan ang ospital sa presinto kaya madali nilang nadala si Niccola sa pagamutan. Nakatulong din na hindi masyadong ma-traffic ng mga oras na iyon. Kaagad itong inasikaso ng mga doktor at pagkatapos ng ilang mabilis na pagsuri ay dinala ito sa loob ng operating room.

Nasuntok ni Mason ang pader dahil sa galit. Galit siya sa kanyang sarili at sa taong may gawa nang pamamaril.

Pilit na pinakalma niya ang sarili at umupo sa naroong upuan sa tapat ng operating room. Hindi niya alintana ang kamay na dumudugo na humalo na sa dugo ni Niccola.

Inilabas niya ang kanyang cellphone at may tinawagan. "She was shot in front of your precinct," nakatiim-bagang aniya sa kausap.

"I know, Mason. Santos is here."

"You better catch him first or I'll hunt him down." He was not kidding. He will pummel the man if he found him.

"Don't do anything stupid, Mason! We'll find him," the chief shouted.

Pinatay niya ang tawag at inilabas uli ang isa pang aparato mula sa kanyang bulsa. It was her phone. He scrolled into the contact list and when he saw the name twin, he hit the call button.

"Hey, Niko, I'm busy. What is it?" bungad ng nasa kabilang linya.

Tumikhim si Mason upang alisin ang bara sa lalamunan bago sumagot. "This is Mason. Niko is in the operating room. She's been shot."

"What? If this is a prank call, I swear I will-"

"I'm not kidding, Man. I'm her neighbor. You can ask your mother, she knows me." His voice was stern and serious.

"Shit! Where are you?"

Pinatay niya ang aparato matapos sabihin sa kausap ang kanilang kinaroroonan.

Ilang sandali pa ay nakita ni Mason ang tatlong tao na papalapit sa kanyang direksiyon. It was Niccola's parents and the younger man must be her twin. Tumayo siya mula sa kinauupuan bago pa man makalapit ang mga ito sa kanya.

"What happened to my daughter, Mason?" Mugto ang mga mata ng ginang at garalgal ang boses, tanda ng pag-iyak nang malaman ang sinapit ng anak.

"I'm sorry, Ma'am. I failed to protect her." His voice was low and regretful.

Bumulalas ng iyak si Alessandra, agad naman itong dinaluhan ng asawa nitong si Nick. Madilim ang mukha nito ngunit halata ang matinding pag-aalala sa anak.

Lumapit ang nakababatang lalaki kay Mason at inilahad ang kamay. "Lucas, I am Niko's twin."

Tinanggap ni Mason ang kamay ni Lucas gamit ang duguan niyang kamay. Napatingin doon si Lucas at lalong dumilim ang mukha.

Si Mason ay sandaling pinag-aralan ang kaharap. Somehow, the man resembles Niccola. Though his eyes are brown, almost black, compared to her dark ones, the man's features, lips, nose, eyebrows, and lashes were like her own. He was the male version of Elize Niccola Villarama.

"What exactly happened?" It was from Lucas.

"She was shot in front of her precinct. The rider got away." His teeth gritted when he remembered the shooter.

"This is our fault, Nick. We should have stopped her from entering the police academy. This is my fault-"

"Hush, Love. It is not your fault... Princess is a fighter," alo ni Nick sa asawa. Pilit niyang pinatatag ang sarili para sa kanyang pamilya.

Mason was waiting outside with Niccola's parents and brother. Ilang sandali pa ang lumipas ay dumating din doon ang dalawang babae na may parehong mukha, nakita na ni Mason sa loob ng bar ilang buwan na ang nakakaraan ang dalawang babae, kasama rin ng mga ito ang isang binatilyo.

Dumating din doon ang tiyahin ng dalaga na isang doctor. Nakamasid lang ang binata sa pamilya ng kanyang kapitbahay. Niccola was lucky to have this beautiful family. He had been shot and stabbed many times, but he didn't experience this kind of affection.

Oras ang pinaghintay nila sa labas ng operating room bago lumabas ang doktor.

"I-Is she okay, Doc?" Alessandra asked.

Walang pakundangang sinagot ng doctor ang tanong nito. "The bullet hit a nerve and she lost a lot of blood. The operation was successful but we still need to monitor her recovery. It is a good thing that she was brought to the hospital in an instant. She could not make it if it were a second late," the doctor said. "Pray that she'll survive the night."

"Damn!" Lucas cursed.

Alessandra and the twin girls couldn't help themselves but wail. Si Adeline na kapatid ni Alessandra at isa ring doktor ay sumunod sa siruhano upang makausap ito tungkol sa kalagayan ng pamangkin.

Walang paa-paalam na umalis si Mason doon. Sumakay siya sa kanyang sasakyan at pinaharurot iyon patungo sa kanyang condo. Nang makarating ay agad niyang binuksan ang kanyang laptop at may kinalikot sa aparato. He hacked the CCTV's in the vicinity where she was shot. It was one of the skills he learnt when he was still in the Navy.

"Damn!" he muttered when he didn't get anything. The man used a heavily tinted helmet and his vehicle doesn't have a plate number. Magaling din itong umiwas sa mga lugar na may mga CCTV cameras.

Mason rummaged his refrigerator and took out his cans of beer. He sat on the floor while leaning on the wall.

He sipped through his drink and his mind was succumb to nothingness. Mabuti nalang at wala ang kanyang kapatid doon para makita siya sa ganoong kalagayan.

He had emptied a lot of cans but the scene earlier and her face was still etched in his goddamn mind.

Wala sa loob na tinitigan ni Mason ang kamay na hindi pa niya nahuhugasan hanggang sa mga oras na iyon. Nanuyo na ang dugo nito roon. He had seen a lot of terror in Afghanistan and different parts of the world. Deaths, suffering, cruelty, and never-ending war. Ngunit ang pagkakabaril kay Niccola ang pinakamalalang bagay na nakita niya sa tanang buhay niya. He felt that he had died at that moment even though he wasn't the one who was shot.

May mga butil ng luha na pumatak sa kanyang mga duguang palad. Ang mga patak ay naging sunod sunod. "Fuck! Fuck!" He cursed nonstop and threw the can in his hand. He was crying because of frustration, fear, and too much anger.

Natatakot siyang mawala si Niccola, at naroon ang pagsisi sa kanyang dibdib dahil wala siyang nagawa. Kung naging mabilis lang siya ay hindi sana iyon mangyayari rito.

Mason was in a rage, he wanted to hunt the man who shot her and beat the shit out of him.

Pray that she'll survive the night. It's either she makes it or she'll die tonight.

Marahas na nagbukas siya uli ng lata ng beer at tinungga. He never stops drinking until he passed out.

When he woke up the next morning, it was past noon. He stinks of blood and alcohol. Napatitig siya sa kisame ng kusina habang hindi pa rin tumatayo mula sa pagkakahiga sa malamig na sahig.

Pagkalipas ng ilang sandali ay pinilit niya ang sariling tumayo at tinungo ang banyo upang linisin ang katawan. Nang muling pumasok sa isipan ang nangyari sa dalaga ay pinagbuhusan niya ng galit ang pader. Sunod-sunod niya iyong sinuntok habang tumutulo ang tubig sa kanyang katawan.

Mason shouted in anger.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.