Sanford Series 1 Chapter 18

PAGLABAS niya ng sasakyan ay hindi muna pumasok si Niccola sa loob ng establisemiyento. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng lugar at napailing.

It had been days since the shop opened. Mason and her cousin Achilles partnered in building this business. They sell car and motor parts. Sa gilid ng building ay may talyer namang nakatayo na pag-aari rin ng dalawa.

Sa loob ng dalawang buwan ay nagka-igihan ang dalawang lalaki. Hindi kailanman inakala ni Niccola na magkakasundo ang dalawa. Ilang buwan nga mula nang magkakilala ang mga ito ay napagkasunduan nang magpatayo ng negosyo. They said it was just a hobby since they both like cars and motorcycles.

Pumasok siya sa loob at hinanap ang kanyang sadya. Wala roon si Mason dahil nasa katabing talyer ayon sa tauhan nito.

Tinungo niya ang talyer at nakita ang binatang nililinis ang sasakyan.

"Hey, Mr. Mechanic."

"Hey there, Ma'am."

Niccola leaned on the door frame with her eyes fixed on him. She didn't notice that he was already in front of her because she was busy ogling the man's body. Goodness gracious, he was half-naked and his body was wet. He looked so hot and delectable, a walking temptation!

"I miss you," he said and gave her a peck on the lips.

"We've seen each other earlier," she answered with a duh.

Lumakad siya papalapit sa sasakyan at kinuha ang hose. Tinapos niya ang ginawa ni Mason na paglilinis sa sasakyan nito.

"Nice ass."

"Manyak! Ipapakulong talaga kita!"

"Yeah? Dinner at my unit with Xylona tonight?"

"I can't, Mason. May operation kami mamayang gabi. It is important, we've been searching for this group for months. Ngayon lang kami nakakuha ng malinaw na lead and we will grab every opportunity we get."

Naramdaman niya ang paglapit ni Mason sa kanya. Kinuha nito ang hose mula sa kanyang kamay at pinihit siya paharap dito.

"Take care, okay?"

"Always." Siya na mismo ang naglapat ng mga labi nila ni Mason. Ikinawit niya ang mga braso sa leeg nito habang nakaupo na sa hood ng sasakyan.

They were kissing nonstop and she felt the atmosphere getting hotter by the minute. Nagsisimula naring maglumikot ang mga kamay nito sa kanyang katawan. Pumipisil, dumadama.

"M-Mason." She moaned when his lips went down to her neck. "B-baka may makakita."

Tumigil ito at tiningnan siya sa mga mata. She can see the fire in his sapphires, fire that resembled her own. He wanted her just like she does.

Mason effortlessly wound her legs around his hip and lift her up. Naglakad ito papasok sa opisina nito habang nanatiling magkahinang ang kanilang labi. Narinig niya ang tunog ng mga nagbagsakang mga bagay nang hawiin nito ang mga kagamitang nasa lamesa.

He settled her on top of the table and positioned himself between her legs. "This is rape, My Princess."

"Come on, Mr. Rapist," she replied indulgently.

"REMEMBER the plan, always stick to it and watch each other's back."

Tahimik ang mga galaw na nilakad nila ang madilim na gubat. Ilang minuto rin ang kanilang ginugol sa paglalakad bago makita ang isang bahay na nakatayo sa gitna ng gubat.

Armed men were roaming outside and guarding the house. Maingat na pinabagsak nila ang mga nagbabantay sa labas ng bahay bago lumabas sa dilim at pumasok sa loob.

"May parak!" malakas na sigaw ng kung sinuman at nagsimulang paputukan ang mga pulis.

"Clear a path to the stairs." Kasama ang iba pa ay mabilis na sumunod si Niccola sa kanilang team leader patungo sa kinaroroonan ng hagdan. Habang ang iba pa nilang kasamahan ay nakikipagpalitan ng putok sa sindikato.

May mga armadong lalaki nang naka-abang sa itaas. Nakipagpalitan ng putok ang pulisya sa mga ito.

Nang matalo nila ang mga ito ay mabilis nilang tinungo ang isang silid. Kompirmadong nandoon ang sadya nila sa operasyong iyon.

They've been running this case for months. At ngayon lang sila nakakuha ng ganitong pagkakataon. Modus na ng sindikato na kidnapin ang isang kapamilya ng isang mayamang negosyante o politiko at manghingi ng ilang milyong ransom money.

Umiiyak ang dalawang dalagitang nasa loob ng silid. Ilang araw na ang mga itong nawawala at marahil ay takot na takot sa kamay ng sindikato.

"You'll be fine. C'mon, let's go!" Itinayo ni Niccola ang dalawa at lumabas doon. Simple lang ang operasyon. I-rescue ang dalawang dalagita na anak ng isang mayamang negosyante at puruhan ang sindikato kung hindi man nila mahuli ang lider.

Mabilis na nakapagtago sila ng may magpaputok sa kabilang panig. "I'll cover you! Just get them out of here!" Nakipagpalitan siya ng putok sa dalawang lalaki habang bumababa ang mga kasamahan.

Mabilis na lumabas sa pinagtataguan si Niccola habang pinapaputukan ang dalawa. Tinakbo niya ang kinaroroonan ng hagdan upang bumaba ngunit bago pa siya makatapak sa baitang ay naramdaman niya ang mga kamay na tumulak sa kanya kaya nagpagulong-gulong siya sa hagdan. Nagdilim ang kanyang paningin at naramdaman niya ang pananakit ng kanyang katawan partikular na sa kanyang ulo.

Naririnig niya ang putukan ng mga baril at kung ano anong ingay. Subalit ilang sandali pa ay tuluyan na siyang pinanawan ng ulirat.

"WAIT, where's Villarama?" pigil ni PCMS Ramos sa akmang pagpapa-andar ng sasakyan ng lalaking pulis na nasa manibela. "Shit! She's still inside."

Mabilis na lumabas ng sasakyan ang pulis at sinenyasan ang mga kasamahan. "Santos and Corpuz, come with me, the rest of you, get them to safety."

Marami sa kanila ang may tama kaya kailangan ng mga itong malunasan. The three of them were left to rescue Villarama.

"Secure your ammo." Mabilis na tinungo nila ang pinanggalingan habang ang nasa loob ng sasakyan ay nakaalis na.

Ilang minuto uli silang naglakad sa kadiliman bago marating ang kinaroroonan ng bahay.

"Habulin niyo ang pulis! Babae lang 'yon, mga inutil! Magmadali kayo!"

"Boss! Sumuong sa gubat!"

"Punyeta! Habulin niyo!"

Ilang sandali pa ay nagsimula nang sumulong ang mga kalalakihan sa madilim na kagubatan.

HALOS hindi na niya maramdaman ang mga binti habang tumatakbo sa madilim na kasukalan.

Nagising siya na nakalugmok malapit sa may hagdan. Dumudugo ang kanyang noo at nananakit ang kanyang beywang at paa. Pakiramdam niya ay nabalian siya ng buto ngunit sandali lang niya iyong ininda at nag-isip ng maaaring gawin sa kanyang kinasusuungang sitwasyon.

May mga armadong lalaking nagtatalo malapit sa kanyang kinaroroonan. Marahil ay inakala ng mga itong wala na siyang buhay kaya hindi siya pinagtuunan ng pansin, nakatulong din na madilim ang kaniyang pinagbagsakan.

Pagkatapos pag-aralan ang paligid ay maingat na tumayo si Niccola mula sa pagkakalugmok. Walang ingay na humakbang siya patungo sa kinaroroonan ng likurang pinto upang makalabas sa lugar na iyon.

Hindi nakita ng dalagang pulis ang isang upuan kaya nasagi niya iyon at gumawa ng ingay, dahilan upang makatunog ang mahigit sa sampung lalaki.

"Boss, may naiwan!"

Walang pagdadalawang isip na tumakbo siya palabas sa likurang pinto at sinugod ang madilim na kasukalan. Nakasunod sa kanya ang mga lalaki at nagpapakawala ng putok kaya hindi siya tumigil sa pagtakbo.

Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang tumatakbo sa madilim na gubat. Ilang beses na siyang nadapa at tumama sa mga sanga ngunit hindi siya tumigil.

Hindi na kaya ng kanyang katawan subalit pinilit niyang tumayo at sumuong sa kadiliman. Hindi siya sasantuhin ng mga humahabol sa kanya, at hindi siya magpapahuli ng buhay sa mga ito.

"Ahh," daing niya ng muling madapa sa nakausling ugat. Lumala ang kirot sa kanyang paa at balakang. Sinubukan niyang tumayo ngunit hindi na kakayanin ng kanyang mga binti.

"Sa banda ro'n!"

Naalarma si Niccola nang marinig ang boses ng mga taong humahabol sa kanya at makita ang ilaw na nagmumula sa mga ito.

Kumapa-kapa siya sa maduming lupa at nang mahawakan niya ang isang kahoy ay ginamit niya iyon para pang-suporta.

Ilang hakbang palang ang kanyang nagagawa sa tulong ng kahoy na ginawa niyang tungkod ay may mga brasong yumakap sa kanya mula sa likuran, kasabay ng pagtakip ng malaki nitong palad sa kanyang bibig. Sinubukan niyang manlaban ngunit hindi nagpatinag ang taong iyon.

"Stop fighting!"

"M-Mason?" mahinang bulong niya nang marinig ang boses ng lalaki.

"Let's get out of here." Hawak ang kamay na hinila siya ni Mason at mabilis na lumakad.

"I-I can't..." Kung hindi siya nito hawak marahil ay muli siyang napasubsob sa lupa dahil sa panghihina. "I c-can't walk anymore."

"You can!"

"I can't feel my legs, Mason."

Walang sabi-sabing binuhat siya nito. Hindi na siya nagtaka kung bakit hindi man lang sila natutumba sa kabila ng kadilimang kanilang tinatahak. Mason was trained in that kind of setting. Darkness was his friend.

"You stay here," bulong nito nang maibaba siya sa likuran ng isang malaking puno.

"What will you do?," tanong niya at kumapit sa kamay nito upang pigilan nang akma itong aalis.

"I'll take care of those men!"

"What do you mean by that?" Nakikinita na niya ang maaari nitong gawin sa mga lalaking humabol sa kanya. "No, no! You can't. You're a civilian. At—at may mga baril sila."

"I have a gun too. I've been through a lot worse than this. This is easy!"

"You can't! I-I'll walk... Let's go." Nagrereklamo ang katawan niya ngunit sinubukan pa rin niyang tumayo habang hawak ang kamay nito.

Walang magawa si Mason kung 'di ang tumalima. Kung siya ang papipiliin ay kanina pa nakatumba ang mga humahabol sa kanila. He doesn't like being hunted and running away.

Napahinto si Mason sa pagtakbo nang maramdaman ang mga taong papalapit sa kanilang direksiyon. Hinila niya ang dalaga patago sa isang malaking puno at inabangan ang paglapit ng mga ito sa kanila.

Hinuli niya ang kamay ng isang lalaki at pinilipit iyon upang mabitiwan nito ang baril na hawak. Napaigik ang lalaki dahil sa kanyang ginawa, akmang bibigwasan niya ito ng pigilan siya ng dalaga.

"Bryan?"

"Villarama!" usal ni Santos nang marinig ang tinig ni Niccola.

Binitawan ni Mason ang lalaki, siya namang lapit ng dalawa pang pulis sa kanilang direksiyon na may dalang ilaw.

"Villarama! Clarkson!" Bagaman nagtataka kung bakit naroon ang huli ay hindi na nagtanong ang pulis. "We need to get out of here. Dumating ang ibang kasamahan ng sindikato at mahigit sa trienta ang humahabol sa atin. Let's go!"

Balik na naman sila sa pagtakbo, ang direksiyong tinatahak nila ay patungo sa main highway. She's slowing down and Mason can feel it. Lumuluwang din ang pagkakakapit nito sa kanyang kamay.

"M-Mason...I c-can't—"

Mabilis niyang nasambot ang katawan ni Niccola bago ito bumagsak sa lupa. "Niccola... Oh shit!" She passed out.

"What happened? Is she okay?"

"Let's go!" Binuhat niya si Niccola at nagpatiuna ng lumakad. Nakasunod sa kanya ang tatlong lalaki at alerto sa paligid.

Mabilis niyang nilakad ang patungo sa kaniyang pinagparadahan. Nakikita na niya ang ilaw mula sa poste nang matunugan sila ng mga humahabol sa kanila.

Nakipagpalitan ng putok ang tatlong pulis sa mga kalaban habang siya ay patuloy na tumatakbo palabas ng kasukalan. Nakaramdam siya ng pananakit ng balikat dahil sa daplis ng bala ngunit hindi siya tumigil.

"Get out of here, Clarkson!" sigaw ng nakakatandang pulis. He will do that. Kailangan niyang masiguro ang kaligtasan ng dalagang buhat-buhat, kahit na nangangati ang mga daliri niyang paputukin ang baril na nakasuksok sa kanyang likuran.

Nang marating ang kinapaparadahan ng kanyang sasakyan ay isinakay niya roon si Niccola at mabilis na pinaharurot paalis sa lugar na iyon.

Isinugod niya ito sa pinakamalapit na ospital. Ayon sa doktor na umasikaso rito, pagkatapos ng mabilis na eksaminasiyon, ay may butong nabali kay Niccola at may ilang mga pasang natamo sa katawan.

Nawalan ito ng malay dahil sa pagod at mga bugbog. Mason teeth clenched when he saw how beaten she was. May mga sugat sa mukha at katawan, nabaling buto sa braso at binti at na-sprained na paa. Marahil ay adrenaline rush nalang ang dahilan na nakatakbo pa ito palayo sa mga humabol dito.

Kung hindi pa niya napagpasyahang sundan ito ay baka kung ano na ang nangyari rito. He had easily located her using a tracker. Ang kuwintas na ibinigay niya rito ay may tracker sa loob, pinasadya pa niya iyon sa kanyang kaibigan na nasa ibang bansa. Hindi siya mapanatag sa kaalamang may taong nagbabanta sa buhay nito kaya nagawa niya iyon. Walang nakakaalam kung kailan uli aatake ang suspek sa pamamaril dito.

Aside from Xylona, she was the most important person in his life. He would protect her at all costs.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.