TAHIMIK na nakaupo si Margareth sa passenger seat habang nakatingin sa mga daliri na nasa kanyang kandungan. Sandaling sinulyapan niya ang binatang nagmamaneho na seryosong nakatingin sa daan at nakakunot ang noo, na hindi naman bago sa kanya, kaya nag-aalangan siyang kausapin ito.
Si Achilles na nasa likod ng driver's seat at pinagmamaneho ang dalaga ay walang balak na makipag-usap dito. Kanina habang naglilinis siya ng sasakyan ay nakita siya ni Mrs Laurencio at pinaki-usapang ipagmaneho ang anak nito. Hindi niya mahindian ang matanda kaya heto siya ngayon at naging driver.
"Kaarawan ni Nanay Caring, magluluto kami para sa kanya," inporma ni Margareth, bagaman ay hindi ito sumagot. "Maaari kang pumunta sa bahay mamaya para sa isang maliit na pagsasalo."
She felt a pang of disappointment when he remained silent and didn't even give her a glance or any response.
Hanggang sa tumigil sila sa isang department store ay hindi ito nagsasalita. Malungkot na lumabas siya ng sasakyan at pumasok sa loob. Alam niyang nakasunod ang lalaki sa kanya habang siya'y namimili. Ipinagpasalamat niya ang pagsama ni Achilles sa kanya, malaki ang naitulong nito sa kanyang pago-grocery. Dahil sa maliit siya ay hindi niya naaabot ang mga bagay na nasa mataas na estante, and he was there to rescue, like always.
Pasimpleng tinitigan ni Achilles ang mukha ng babaeng kasama. Gaya ng palagi niyang nakikita, nakangiti ito at binabati ang mga nakakasalubong nila kahit hindi naman nito kakilala. Kanina lang ay nakita pa niya ang paglambong ng mukha nito bago ito lumabas ng sasakyan.
Habang tinititigan niya ito ay para bang lumiliwanag ang mukha nito. Hindi nakabawas sa kagandahang taglay ni Margareth ang konserbatibong pananamit.
Mabilis niyang iniwas ang mga matang nakatutok sa mukha nito nang bumaling ito sa kanya. Kunwari ay itinuon niya ang pansin sa mga produktong nasa kanyang harapan.
"Puwede mo bang kuhanin 'yon?" And there's the soft voice. How can he say no if she used that mellow tone? "Salamat," anito nang mailagay niya sa cart ang itinuro nito.
Pagkatapos makuha ang mga kakailanganin ay tumungo na si Margareth sa cashier upang magbayad. Nakasunod naman sa kanya si Achilles na hindi mai-alis ang mga mata sa dalaga.
Ang binata ang nagbitbit sa mga pinamili niya at inilagay ang mga iyon sa compartment ng sasakyan nito. Pagkasarado ng compartment ay nilinga ni Achilles ang kasama na nakasunod sa kanya ngunit wala na ito roon.
Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay kumabog ang kanyang dibdib sa takot at mabilis na inilinga ang mga mata sa paligid upang hanapin ito.
Nakahinga lang siya ng maluwag nang makita ito sa kabilang kalsada na nakatalungko sa may bangketa at nakikipag-usap sa mga batang lansangan. Sumandig siya sa kanyang sasakyan habang nakahalukipkip at pinapanood si Margareth sa ginagawa.
Ilang sandali nitong kinausap ang mga bata habang may ngiting nakapaskil sa mga labi. Isang tagpo ang pumasok sa kanyang isipan mula sa nakaraan sa pagkatitig dito, ang nakangiting mukha ng kanyang dating asawa habang kausap ang mga nakababata nitong kapatid.
Marahas na napabuntung-hininga si Achilles at muling itinuon ang paningin sa dalagang papasok sa loob ng isang kainan kasama ang mga batang lansangan.
Ilang sandali rin siyang naghintay roon hanggang sa muling lumabas ang mga ito. Kinawayan ni Margareth ang mga bata bago tumawid. Hindi niya inaalis ang mga mata rito hanggang sa makarating ito sa kanyang harapan.
"Paumanhin, nakalimutan kung kasama kita." Hindi ito makatingin sa kanya at namumula ang mga pisngi habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi.
"Hop in," wika niya sa malamig na boses at pumasok na sa loob ng kotse.
"Galit ka?" Humigpit ang pagkakapit ni Achilles sa steering wheel nang marinig na naman ang malamyos nitong boses. All of a sudden, he felt like shouting at the woman to shut her mouth. "Hindi ko naman sinasadya. Sorry dahil nagalit ka-"
"Stop talking, will you?!" singhal niya rito na agad niyang pinagsisihan nang mula sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niyang napapitlag ito at nagbaba ng tingin. Hindi niya makita ang mukha nito dahil natatakpan iyon ng mahaba nitong buhok.
"I-I'm sorry," she said in a quivering voice. He can sense tears from the corner of her eyes even though he wasn't looking.
Nagpakawala si Achilles ng buntung-hininga bago nagsalita, "I am not mad... I'm sorry I shouted at you."
"Okay lang, k-kasalanan ko naman, eh." Hindi parin ito nagtaas ng tingin at kinain siya ng konsensiya niya nang marinig itong suminghot.
Fuck this!
Katahimikan ang namayani sa loob ng kotse sa mga sumunod na sandali. Hanggang sa makarating sila sa bahay ng mga Laurencio ay wala nang nagsasalita sa kanilang pagitan.
"Maraming salamat," usal nito sa kanya na nakayuko pa rin ang ulo, pagkatapos ay pumihit papasok sa loob ng bahay. Tumuloy ito sa hagdan patungo sa ikalawang palapag kung nasaan ang silid nito.
Kinuha ni Achilles ang mga pinamili nito sa compartment ng kanyang kotse at dinala iyon sa kusina ng mga Laurencio. Nandoon si Sally at nagpasalamat ang matanda sa kanya. Ilang sandali sila nitong nag-usap bago siya umalis at lumipat sa kanyang bahay.
Pagkapasok ay ibinagsak niya ang katawan sa sofa at tumitig sa kisame. Hindi mawala sa kanyang dibdib ang guilt dahil sa pagsinghal niya kay Margareth kanina. Nakailang buntung-hininga na si Achilles bago tumayo, muling lumabas nang bahay at sumakay sa kanyang kotse paalis.
ISINUBSOB ni Margareth ang mukha sa unan. Hindi niya mapigilan ang sarili sa pag-iyak dahil sa nangyari kanina. Nakasakit siya ng damdamin ng iba, bakit ba kasi nakalimutan niyang may kasama pala siya? Pinaghintay pa niya ito. Nagalit ito dahil kinalimutan niya ito at pinag-antay ng matagal. Marahil ay may mahalagang bagay itong gagawin na naantala ng dahil sa kanya.
Kasalanan niya. Hindi rin niya maipag-kakailang naapektuhan siya sa pagsigaw nito sa kanya. Hindi niya mapigilan ang sariling hindi magdamdam. Buong buhay niya ay hindi siya nakakaranas ng ganoon kaya nabigla siya sa inasal nito.
Pagkalipas ng ilang sandaling pag-iyak ay pinunasan niya ang mukha at inayos ang sarili. Umusal muna siya ng dasal bago lumabas ng kanyang silid at tinulungan ang kanyang inang nasa kusina.
"Did you cry?" tanong ni Sally Laurencio nang makita ang pamumula sa paligid ng mga mata ng anak.
"S-Sumakit lang po ang ulo ko, Mama." Nakagat ni Margareth ang labi kasabay nang pag-iwas ng mukha sa ina. Lihim niyang kinastigo ang sarili dahil sa pagsisinungaling. Hindi sila tinuruang magsinungaling ngunit ginawa niya.
Sa sumunod na sandali ay inabala niya ang sarili sa pagluluto.
Nang lumabas siya ng kusina ay napatigil siya sa paghakbang nang makita roon si Achilles na kausap ng kanyang kuya Harold. Iniwas niya ang paningin dito ng bumaling ito sa kanyang direksiyon. Nahihiya siya rito dahil sa kanyang ginawa.
Nang makita siya ay tumakbo patungo sa kanyang direksiyon ang mga anak ng kanyang kuya at kumapit sa kanyang saya ang dalawa pagkalapit.
Nakatingin lang sa kanila ang ina ng mga bata, si Jasmin, na napapailing kasabay nang pagsilay ng ngiti sa mga labi nang makita ang pagkawili ng mga anak sa nakababatang kapatid na babae ng kanyang asawa.
Kinarga ni Margareth si Bea-ang bunsong anak ng kanyang kuya Harold-at hinawakan ang kamay ni Gian. Hinila siya ng batang lalaki upang makipaglaro sa kanya.
"Why don't you persuade her to stay, Mama," sabi ni Jasmin kay Sally habang hindi inaalis ang tingin sa tatlong naglalaro. "She looks good with kids. She'll be a good mother."
Mapait na ngumiti ang ginang. "She will never have her own child." Sinabayan ni Jasmin ang pag buntung-hininga ng matanda at iniba ang usapan.
Masayang nakipaglaro si Margareth sa mga bata. Malilikot ang mga ito ngunit nakakaya niyang sabayan. Nakaramdam siya ng lambong habang pinagmamasdan ang mga anak ng kanyang nakakatandang kapatid. Kailanman ay hindi siya magkakaroon ng anak. But she had settled on the fact a long time ago.
Hanggang sa makakain sila ay hindi na lumayo sa kanya ang dalawang bata. She was happy that they liked her.
"Ihatid mo itong si Achilles sa kabilang bahay, Margareth," utos ng kanyang ina nang magpaalam ang binatang aalis na pagkatapos nilang kumain. Hindi nga niya alam kung bakit ito pumunta roon, kaninang inanyayahan niya ito ay hindi siya nakatanggap ng tugon mula rito.
"Opo." Agad siyang tumalima at sumunod kay Achilles palabas ng kanilang bahay. Sinundan niya ito hanggang sa tapat ng bahay nito.
Napangiwi siya kasabay nang pahawak sa kanyang noo nang tumama ang kanyang mukha sa dibdib ni Achilles nang bigla itong pumihit paharap sa kanya. Kung napalakas lang ang pagkakabangga niya ay paniguradong tumilapon siya. Sa laki ba naman ng katawan nito.
"Did you really have to do this?"
"H-ha? S-sinabi kasi ni Mama na ihatid kita, sorry." Nagyuko siya ng ulo at nilaro ng mga kamay ang kanyang mahabang saya.
"Will you stop that?"
"Ang alin?" Hindi niya maintindihan ang tanong nito. Pinanatili niyang nakatutok ang kanyang paningin sa lapag dahil ayaw niyang matitigan ang galit sa mga mata nito. Baka mapabulalas siya muli nang iyak.
"Look at me!" he commanded. Mabilis siyang nagtaas ng tingin nang marinig ang ma-awtoridad nitong boses. "Did you cry?"
"S-Sumakit lang ang ulo ko kanina." Muli ay nakagat ni Margareth ang labi at umusal ng dasal dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling.
Napasulyap si Achilles sa mga labi nitong maninipis at kulay rosas. He swallowed when his throat went dry. He felt the urgency to pulled her closer and kissed those lips senseless. "Go home!"
"Goodnight," she said softly then turned her back at him.
Pinanood ni Achilles si Margareth hanggang sa makapasok ito sa kabilang bahay bago siya pumasok sa kanya.
NAKAYUKO si Margareth sa lupa habang inaayos ang pagkakatanim ng bulaklak doon. Nagdadalawang-isip siya kanina kung itutuloy ba niya ang gagawin ngunit itinuloy pa rin niya. Maaaring magalit si Achilles sa kanyang kapangahasan.
Ilang araw nang walang tao sa bahay nito. Hindi rin niya ito nakikita sa mga araw na iyon. Marahil ay may mahalagang bagay itong inaasikaso, o kaya nasa trabaho?
Nang masulyapan niya kanina ang bakuran ng bahay ay wala siyang makitang kahit anong halaman doon kaya naisipan niyang taniman iyon ng mga bulaklak. Pasasalamat niya sa lalaking tumulong sa kanya ng ilang beses. He was her hero. Hindi lang niya sigurado kung magugustuhan nito ang mga bulaklak. Aalisin nalang niya kung ayaw nito.
"Lumaki kayo ng mabilis, ha, para sumaya ang magiging amo niyo, kasi ang lungkot lungkot ng mga mata niya," kausap niya sa mga halaman. Ang mga halaman ay may buhay at nakaka-intindi, tumutugon rin sila sa sarili nilang paraan. Plants response to one's touch, kung aalagaan ang mga ito ng mabuti ay tutubo sila at magiging malusog. Pero ang pambabaliwala sa mga halaman ay nagdudulot ng kamatayan sa mga ito. Kagaya rin ng tao at hayop.
Hindi namalayan ni Margareth na may mga matang nakatitig sa kanya dahil nakatuon ang kanyang buong pansin sa ginagawa.
Nang matapos ay tumayo siya upang ligpitin ang mga kagamitang ginamit sa pagtatanim. Ikinagulat niya nang pagpihit ay makita ang isang ginang na nakatayo malapit sa kanya at nakatingin sa kanyang direksiyon.
"Magandang umaga po. May kailangan po kayo?" magalang niyang tanong rito.
Sinuyod ng tingin ng matandang babae ang dalagang kaharap. Maganda ito bagaman napaka konserbatibong manamit. Magalang ang bukas ng mukha at may ngiti sa mga labi. An image of an innocent Filipina. What was this woman doing here on his son's backyard?
"I want to speak with the owner of this house," she said formally.
"Si Achilles po ba? Wala siya rito mga ilang araw na po. Hindi ko alam kung kailan ang balik niya."
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Melissa. Nasa misyon na naman marahil ang kanyang panganay na anak nang hindi man lang nagpapaalam sa kanila. Tapos na ang usapan nilang dalawang linggo nitong bakasyon kaya balik na naman ito sa trabaho.
Since that day when her daughter-in-law and grandson died, Achilles distance himself from the family.
"Who are you?"
"I'm Margareth po. Kapitbahay po ako ng taong hinanap niyo. Maaari ko bang malaman kung sino kayo? Sasabihin ko kay Achilles sa pagbalik niya na sinadya niyo siya rito."
"Don't bother," ani Melissa na iwinasiwas ang kamay. "You're Mrs. Laurencio's daughter?" Margareth nodded. "Where's your mother? I want to see her."
Dinala ng dalaga ang ginang sa kanilang bahay at hinanap ang kanyang ina. Magkakilala pala ang dalawa. Iniwan niya ang mga ito habang nag-uusap sa labas sa may hardin at pumasok sa loob ng kanyang silid.
Naglinis siya ng katawan at lumabas sa kanyang balkonahe. Nandoon si Hissy-ang pinangalan niya sa pusang nakita niya-at nakahiga sa higaan nito. Nang makita siya ay agad itong tumalon patungo sa kanya at umupo sa kanyang kandungan.
Marahang hinahaplos niya ang pusa habang nakaupo sa sahig at nakatutok ang mga mata sa kaharap na bahay. Sarado ang pinto niyon at tahimik, walang katao-tao.
"He was angry every time at palaging nakasinghal, pero bakit malungkot ang mga mata niya? Ano sa tingin mo, Hissy?" The cat meowed and continue her nap on her lap. "Palagi siyang pumapasok sa isip ko mula nang makilala ko siya, he is a good man. But he's lonely. Siguro ay gusto ng panginoon na maging masaya si Achilles at ako ang naatasan niya sa misyong iyon. Kaya ko kaya, Hissy?"
Tiningnan niya ang pusa sa kanyang kandungan ngunit nakatulog na ito doon. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi habang pinapanood ito. Hinanap niya ang may-ari ng pusa, nang walang makita ay inampon niya ito at inalagaan. Sa kanya muna ito habang wala pang nagki-claim sa mabalahibong nilalang. Kawawa naman kung pagala-gala lang ito sa kalye.
As for Achilles, she will do her best to see his eyes smile again. Buo ang kanyang paniniwala na siya nga ang magiging instrumento ng panginoon upang maibalik ang kislap sa mga mata nito.
What was she needed to do to carry out her task? Surely it will be hard, but she's willing to take the task for the man who saved her many times.