PAGLABAS ni Niccola mula sa loob ng building ay agad niyang napansin ang dalawang bata na nando'n. Ang isa marahil ay nasa labing dalawa na ang edad habang ang isa naman ay mas bata rito ng maraming taon.
Umiiyak ang mas batang babae na pinapatahan ng isa pa, na marahil ay kapatid nito.
Nilapitan ni Niccola ang dalawang bata at tumalungko upang makapantay ang mga ito. "What happened? Why are you crying?" tanong niya sa bata at pinahiran ang mga luhang kumawala mula sa mga mata nito.
"Drew fell into that hole," answered the taller girl and pointed out a small hole nearby.
"Sino si Drew?" tanong niya rito gamit ang masuyong tono.
"M-My dog po. P-please save him po," sagot ng bata na umiiyak. Nakatingin ito sa kanya, ang basang mga mata ay puno ng pagmamakaawa.
"Shh, don't cry. We will get Drew, okay?" she assured and flashed a friendly smile to the children.
Natigil sa pag-iyak ang bata at kumapit sa kanyang braso. Naglakad sila patungo sa kinaroroonan ng butas na pinagbagsakan ng aso.
Nang makalapit ay nakita niya ang isang maliit na aso sa ilalim. A Chihuahua! Tumatakbo ito paikot-ikot sa ilalim habang nakalabas ang dila.
Tumalungko si Niccola at tumuwad upang maabot ang aso. Maliit lang ang butas at hindi masyadong kalaliman ngunit nahihirapan siyang abutin si Drew. Naglulumikot din ang aso sa ilalim kaya hirap siyang mahuli ito.
Pinagpapawisan na ang dalaga nang maramdaman ang mga brasong humigit sa kanya patayo mula sa pagkakatuwad.
Nagsalubong ang mga mata nila ng binatang nagtataglay ng kulay asul na mga mata. "Let me." Niccola wasn't sure if she heard an irritation in his deep and husky voice. His forehead knitted and his eyes were darting at her.
Pumalit si Mason sa kanyang puwesto kanina. Dahil mahaba ang mga braso ay naabot nito ang maliit na aso ng hindi man lang pinagpapawisan.
Lumapit si Mason at ibinigay sa dalawang bata ang hayop. "Here." Bahagya pa itong nagulat nang yumakap sa kanyang hita ang bata na namumula ang mga pisngi at mga mata dahil sa pag-iyak.
"Thank you po." Suminghot ito bago kumawala. Nakangiti nang muli dahil nailigtas ang alaga. Tumalikod na ang dalawa at lumakad paalis.
Napatingin si Mason sa dariling namumula at may kaunting dugong lumalabas.
Napasinghap si Niccola nang makita ang daliri nito. "The dog bit you!" Hahawakan niya sana ang kamay ng binata nang iiwas nito iyon.
"It's okay," he dismissed flatly. It was just a scratch, there's no need to fuss about it. He had worse.
"No!" But Niccola was stubborn and persistent. Mabilis at mahigpit ang pagdaklot niya sa braso nito upang hindi nito iyon mahila. Tiningnan niya ang daliri ni Mason upang masuri. "Let's take you to the hospital," she suggested when she confirmed that he was bitten by the dog.
"There's no need!" tiim ang mga bagang na ani ni Mason at pilit na hinihila ang kamay, ngunit hindi iyon pinapakawalan ni Niccola.
"Come on." Hinila niya ang binata patungo sa kanyang kotse at binuksan ang pinto sa may passenger's seat. "Get in! Cooperate just this once. Kakarguhin ko pa kung namatay ka dahil sa infection." Sabay ikot ng mga mata, hindi naman siya naniniwalang infection lang ang makakapatay rito. "Bilis na."
Nasisiyahang ngumisi si Niccola nang pumasok ang kanyang kapitbahay sa loob. Umikot siya sa kabilang bahagi at pumasok sa driver's seat.
Si Mason ay walang magawa kung 'di ang tumalima. The woman was persistent, and for some reason, he lost his will to say no to her. Isinandal niya ang likod sa upuan at ipinatong ang braso sa gilid ng bintana. He was looking outside while his chin was resting on his knuckles.
But when she stepped inside, he felt like jumping out of the car. Her lilac scent, a mixture of rose and vanilla, was billowing and it filled every space of the vehicle. He can smell her and he doesn't like how his body reacted.
"When did you start to occupy the unit next to mine?" tanong ni Niccola habang nasa likod ng manibela at nagmamaneho. "C'mon. Indulge me just this once. What's the use of the mouth if you won't be using it?"
Narinig ni Niccola ang pagbuntung-hininga ng kapitbahay at marahas na bumaling sa kanyang direksiyon. "Couple of weeks ago!" Halata ang pagka-irita sa boses habang sumasagot.
He wished that she would shut her mouth. It made him more aware of her presence when she talks.
Tumango-tango si Niccola na hindi man lang naapektuhan sa tono na ginamit ng katabi. "Matagal na pala. Ba't 'di ko alam? Ah, siguro nasa bahay ako ng mga magulang ko nang lumipat ka. Matagal mo na ba 'yong nabili? Bakit ngayon ka lang tumira ro'n?"
"Hindi ka ba nauubusan ng tanong?" sikmat ni Mason sa kanya.
Napangisi si Niccola at binalingan ito, ngunit mabilis din na ibinalik ang mga mata sa daan. "Hmm, maybe?"
She chuckled lightly and Mason wanted to strangle the woman's neck.
He clasp his hands into a tight fist as he looked at her face. She had perfect brows, long lashes and dark eyes. Matangos din ang ilong nito na malaya niyang nakikita dahil nakatagilid ang dalaga sa kanyang direksiyon.
Marahas na napatikhim si Mason nang makaramdam ng panunuyo ng lalamunan nang dumako ang kanyang mga mata sa mga labi nitong may ngiting nakapaskil.
"I bought it years ago and I was out of the country that time," sagot niya na nilangkapan ng pagkainis ang boses, sabay iwas ng tingin sa dalaga at itinuon ang mga mata sa daan.
"Really? By the way, I'm Niko," she said while her eyes were fixed on the road.
"I know," mahinang usal ng binata.
"That's great. We're here." She parked her car in front of a clinic.
Pagkatapos maturukan ng vaccine ang binata ay muli silang sumakay sa kotse at umalis doon.
"Saan kita ihahatid? May pupuntahan ka ba?" Niccola asked.
"Just drop me here."
"Saan nga?" Hindi nagpapigil si Niccola at determinadong maihatid ito sa pupuntahan.
Napabuntung-hininga ito at walang magawa kung 'di ang sumagot. "Grocery!"
"Oh, great! Doon din ang punta ko. Let's go together." Sinamantala niyang wala siyang pasok ng araw na iyon upang makabili ng mga kailangan niya. She ran out of toiletries and food.
"You're persistent. What can I do?" He was sarcastic and irritated.
"Well, that's me. I'm persistent, all right. That's my charm."
Kinindatan ni Niccola si Mason na napapa-iling sa kanyang ginawa.
NAGSISIMULA na siyang mainis dahil kanina pa niya inaabot ang sanitary pads na nasa pinaka-ibabaw na rack. Bakit ba sa itaas pa talaga 'yon nakalagay? Mataas na siya sa height niya ngunit hindi parin niya iyon maabot.
Frustrated na bumuntung-hininga si Niccola at akmang tatawag na sana ng tulong ng may umabot sa bagay na inaabot niya kanina at inilagay sa kanyang cart.
"How many?" Mason asked her.
"Ha? Ah, d-dalawa pa." Umabot ulit ng dalawa ang binata at muling inilagay sa kanyang cart. Nakaramdaman ng hiya sa Niccola at hindi niya maiwasan ang pamumula ng kanyang mga pisngi. "S-salamat." Oh, how much she hated herself for stammering and blushing.
Umagapay siya sa paglalakad ni Mason na tulak-tulak din ang cart nito na may lamang mga pinamili.
Napangiwi si Niccola nang makita ang laman ng cart ni Mason. There were instant goods, bottles of water, and canned beers. Pagkain ba ang mga 'yon?
Magkasunod silang pumila sa counter. Pagkatapos nitong magbayad ay tumayo sa isang gilid at naghintay sa kanya, ito rin ang bumitibit sa kanyang mga pinamili hanggang sa makauwi at makaakyat sila sa kanyang unit.
Gentleman nga, 'Ma, sa isip niya nang maalala ang sinabi ng ina patungkol kay Mason noong nakaraang araw na pinuntahan siya nito.
"Join me for lunch," aya niya rito nang mailapag nito sa kitchen counter ang kanyang mga pinamili. "Pa-thank you ko sa pagtulong mo sa akin na bitbitin 'yang mga 'yan. And for last time when... when I panic inside the elevator." Napangiwi siya pagka-alala sa nangyari noon at pasimpleng nag-iwas ng tingin .
Walang sali-salita na lumabas si Mason sa condo na ikinadismaya ni Niccola. "Sungit!" inis niyang bulong. Nakasimangot na sinimulan niyang maghandang ng lulutoin. "As if mabubusog siya sa cup noodles at canned goods!" Nagngingitngit ang kanyang damdamin dahil sa pagkainis. Ganoon na ba siya ka-unattractive sa paningin nito para tanggihan ang kanyang paanyaya? Ang mga naging kasintahan niya ay hindi man lang niya nagawang ipagluto kahit hilingin pa ng mga ito. Pero si Mason ay tinanggihan lang siya! What a brute!
Napairap sa hangin si Niccola. Kapagkuwan ay marahas niyang ipinilig ang ulo. "Why am I thinking about boyfriends? The heck!" She dismissed the thought of him and gave all her attention to her cooking.
Malapit na siyang matapos sa pagluluto nang tumunog ang doorbell ng kanyang bahay. Hininaan niya ang apoy at tinungo ang pintuan upang buksan ang kanyang 'di inaasahang panauhin.
Napataas ang isang kilay ng dalaga at napahalukipkip nang makita kung sino ang nasa labas ng pinto.
Tumikhim si Mason at bahagyang napakamot sa ulo.
Goodness, he's so hot, sigaw ng taksil na bahagi ng kanyang utak.
"Is the offer still stand? I'm famished." Mason's eyes bored into her.
Why was her heart beating so fast at the sight of his sapphire orbs as it was staring at her? Nakaramdam si Niccola nang panghihina ng kanyang mga tuhod at sa kung anong dahilan ay hindi niya matukoy.
Pasimpleng humawak si Niccola sa seradura ng pinto upang suportahan ang nanghihina niyang mga binti.
"Akala ko ba ayaw mo?" mataray na tanong niya rito upang matakpan ang malakas na tibok ng kanyang puso. Ilang santo na ang natawag niya upang mapigilan ang panginginig ng boses.
"I never said that... Won't you let me in?"
Umingos muna siya rito bago ito pinapasok sa loob. Lumakad siya papasok sa kusina habang nakasunod ito sa kanya.
Binalikan niya ang niluluto at inasikaso. "Malapit na itong maluto," she informed. Pilit na nilalaban ang pagkailang na nararamdaman dahil sa mga mata nitong nakatitig sa kanya.
Nakasandal si Mason sa may hamba habang nakamasid sa bawat galaw Niccola.
"You can prepare the table if you don't mind." Lihim na nagpasalamat ang dalaga nang tumalima ang binata sa kanyang isinuhestiyon. She said that with the intention of diverting his attention away from her. "The utensils are there. Thank you."
Tahimik lang si Mason habang kumakain, kaya hindi narin nagsalita si Niccola. He was the type of man that doesn't talk a lot, she figured.
Malakas kumain ang lalaki kaya naubos nila ang kanyang mga nilutong pagkain. Pinagtulungan nila ang pagliligpit sa hapag. Si Mason ay ipinagpiliting ito ang maghugas ng kanilang pinag-kainan kaya hinayaan nalang niya ito sa gusto nitong gawin.
She was standing beside him while watching him cleaning the dishes. She can really tell that the man really knew what he was doing. "Alam mo talaga kung paano manghugas nang pinggan," he stated her observation.
"I used to help my Yaya in Ireland when I was still young. And I live alone in states," he said drily without even glancing in her direction.
"But you didn't learn how to cook," she muttered in a matter-of-fact voice. Nangunot ang noo ni Mason na tila nagtataka kung paano niya nalaman iyon. "Instant goods and canned beers..." she shrugged her shoulders, "well, it's not unusual for a bachelor. Was it?"
Tumango lang si Mason bilang tugon. Nakatauon ang buong pansin sa paghuhugas ng plato na tila ba iyon ang pinaka-mahalagang bagay na gawin ng mga oras na iyon.
Pagkatapos nitong hugasan ang pinggan ay nagpaalam na ang binata sa kanya. Inihatid niya ito hanggang sa pintuan.
"Thank you for the food. I've enjoyed it," wika nito na sandaling tumigil sa labas ng pinto. Sandaling-sandali lang dahil mabilis uling tumalikod at malalaki ang hakbang na tinungo ang kabilang unit at pumasok.
Napahawak si Niccola sa tapat ng dibdib na malakas na tumatahip. "I really need to have a check-up."