Sanford Series 2 Chapter 15

"IT is not my attention to inconvenience you, but I am glad that you are here."

"We saw you at the lower deck around nine in the evening, it means you've been floating in the water for three hours! Thank god you're safe, Ate," sabi ni Tara na nakalarawan ang sindak sa mga mata.

Isang nahihiyang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi habang nakatingin sa apat na taong nasa kanyang harapan. "Hindi ko naman naasahang makatulog sa ibabaw ng salbabida," aniya na namumula ang pisngi dahil sa kahihiyan.

Nang magawi ang kanyang paningin kay Red ay agad niya rin iyong iniwas dahil hindi niya kayang salubungin ang matitiim nitong titig. Pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan ay tumayo ito sa kinauupuan at walang paa-paalam na bumaba sa lower deck.

Sinundan niya ng tingin ang abogado ngunit likod nalang nito ang kanyang nakita.

"Your Red's fiancée?" Agad na napabaling ang kanyang paningin sa lalaking may mahabang buhok. Kung hindi dahil sa palakaibigang ngiti ay mai-intimidate na siya rito.

"It's just... just a misunderstanding," aniya na bahagyang ngumiti ngunit may palagay siyang ngiwi ang kinalabasan niyon.

"Ouch!" si Tara na agad na umusli ang nguso dahil sa kanyang sinabi. "Tutuhanin niyo na. I like you for my Kuya. I didn't see such worry in his eyes for a woman who is not a family since she died, until last night." She shrugged her shoulders and flashed a mysterious smile. "You're different from Di-" Nabitin ang sasabihin ni Tara nang takpan ni Harrison ang bibig niya.

Different from whom?

Kinagat ni Tara ang kamay ni Harrison na nakatakip sa kanyang bibig at sinamaan ito ng tingin. Inirapan niya si Harrison, na may pagbabanta sa mga mata, bago muling bumaling kay Cameron. "Anyways, there's an island behind you, Ate. I guess you didn't saw it last night and thank god again for that. Walang kuryente sa isla kaya hindi mo marahil nakita mula sa malayo ang ilaw mula sa gasera..."

Dumukwang ito sa kanya at inanggulo ang kanyang ulo patungo sa direksiyon ng isla. She gasped in horror when she saw the big and sharp rocks on the side of the island.

Nayakap niya ang sarili nang makaramdam ng lamig at pananayo ng balahibo. Kung doon sa isla ang tinahak niya ay nagkalasog lasog na ang kanyang katawan kung dalhin man siya ng alon pahampas sa naglalakihan at matutulis na mga bato.

"You're safe. Iyon ang mahalaga, 'wag mo nang isipin ang maaaring nangyari. You'll only trouble yourself."

Isang totoong ngiti ang iginawad niya kay Harrison nang marinig ang sinabi nito. Marahil ay nakita ng binata ang sindak sa kanyang mga mata.

"Yes, he's right. Ngayon lang siya may nasabing tama. Don't mind it, Ate, let's just be thankful."

Itinango niya ang ulo at pinisil ang kamay ni Tara. She's beautiful though she's not that feminine. Kaiba ito kung kumilos at manamit ngunit hindi maikakailang napakaganda nito. Simpleng ganda, hindi nakapagtataka na palaging nakatingin dito si Harrison.

Napahugot siya ng hininga ng may maalala. "My friends, they're with me. I need to tell them that I'm okay."

"Ni-radiyohan na namin ang mga karating isla at beach resort kagabi. We've found the resort you're staying and your friends knew you're with us," si Adonis sabay kibit ng balikat.

She muttered a, "thank you," and sighed in relief.

Nagpaalam si Harrison na papasok sa cockpit upang maniobrahin ang yate. Tumayo na rin siya at bumaba sa lower deck.

Nang mahanap si Red ay humugot siya ng isang pagkalalim-lalim na hininga bago ito nilapitan at tumayo sa tabi nito.

Hindi ito natinag at nanatiling nakatutok ang mga mata sa bughaw na karagatan. She felt the yacht moving and she did not see it coming, her legs wobble and if not for the railings, she would've fallen. "Ahh," daing niya nang tumama rin ang kanyang katawan kay Red. Tiningala niya ito at alanganing ngumiti nang makita niyang nakatunghay ito sa kanya.

Umayos siya ng tayo at inayos ang nagulong buhok. "Thank you," aniya na muling sinalubong ang mga mata ni Red.

Namulsa ito at sumandig sa railings nang hindi inaalis ang paningin sa kanyang mukha. Napigil niya ang hininga habang nakatingin dito. He looked so picturesque, every artist would love to draw or take a shot. Ipinanghinayang niyang hindi niya dala ang kanyang kamera. He'll be a masterpiece in an artist exhibit.

The way his muscle flex-which she found amusing, he sat in front of his desk the whole day but his body was taken care off-the way he moved his hand and the way his hair moved with the wind are breathtaking.

His hazel eyes beat the turquoise sea behind him. She has swept away with the flow of his stares. Right then and there, she found the answer to Oliver's question when they were having a conversation in Agapi Café two days ago.

She's sinking deep and sinking too fast. But will he grabbed her hand and swam her back to gasp some air or will he share his breath with her and sink together?

Handa na ba siyang harapin ang nararamdaman niya para rito? Kasalanan naman niya dahil hindi niya nirendahan ng mabuti ang puso at nalunod na rito at tuloy-tuloy na bumubulusok pababa.

"How can a woman be so reckless? And a lawyer for that matter." Nabasag ang ilusyon ni Cameron nang marinig ang galit na boses nito.

"Hindi ko naman intensiyong ipahamak ang sarili ko," she said and smiled bitterly. Right, what will she expect for Attorney Tyson Red Sanford? He's savage and seemed like he doesn't know how to like someone. 'Wag na siyang mag-expect kung ayaw niyang masaktan. May pagka-assumera pa naman siya.

"It's your fault! Kung 'di ka naman tanga-"

Kusang tumaas ang kanyang palad sa pisngi nito. Alam niyang kailanman ay hindi siya nito magugustuhan subalit hindi naman nito kailangan ipamukha sa kanya. She can't handle the contempt in his eyes and voice.

"Alam ko namang kasalanan ko! But I think I don't deserve your words after what happened. I may be inconveniencing you but I managed to survive by myself," she cried. Kaunti nalang ay sasabog na ang kanyang mga luha dahil sa pinagsama-samang damdamin. "Kung galit ka man dahil naabala ko ang bakasyon niyo, then I'm sorry, hindi ko naman sinasadyang dito ko naisipang sumampa."

Mabilis siyang tumalikod at humakbang paalis kasabay ng mga luhang pumatak sa kanyang mga mata. Hindi dahil sa sinigawan siya nito kung 'di dahil sa napagtanto niya. Gusto niya ito ngunit alam niyang wala iyong katugon.

Hindi pa man nakakailang hakbang ay hinigit ni Red ang kanyang braso. Sumalpok siya sa katawan nito ngunit hindi siya natumba dahil agad siya nitong pinaloob sa mga bisig.

She tried to push him but he held her tight. "Ang sama mo..." aniya at hinampas ito sa dibdib.

"I'm sorry," he murmured in her ear.

You should be sorry, Tyson Red! You've made my foolish heart fall for you! You're cruel, sigaw ng kanyang isipan.

Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang sa maramdaman niya ang pagtigil ng kanilang sinasakyan. Marahas na tinulak niya si Red at lumayo rito sabay pahid sa kanyang basang pisngi at mga mata.

Walang lingon lingon na lumakad siya patungo sa kabilang panig ng lower deck at tiningala ang mga nasa itaas. Agad niyang nakita sina Tara, Harrison at Adonis doon. Alam niyang narinig ng mga ito ang palitan nila ng salita ni Red, isang mapagpaumanhing ngiti ang sumilay sa mga labi ni Tara.

"Thank you. I will never forget your help. See you when I see you," she uttered, holding back her tears and trying so hard to stop her lips from shivering. She smiled once more before climbing the railings.

"Sandali, Ate, we could call for a boat."

"It's okay, Tara. I swam for hours last night, this is not new to me," she answered. Isang huling sulyap ang ginawa niya sa direksiyon ni Red, kapagkuwan ay tumalon sa tubig. She still had her pride with her.

Hanggang leeg lang niya ang tubig na pinagtalunan kaya madali niyang mararating ang pampang kung saan nakaabang sina George at Oliver. Nakita niya ang paglusong ng dalawa sa tubig upang salubungin siya.

Agad siyang pinaloob ng dalawa sa bisig ng mga ito at hindi magkandatuto sa paghingi ng tawad. "It's not your fault. Who would've thought that the sea is very comforting that I fell asleep," she joked, trying to lighten up the mood.

"May kasalanan rin kami ni Oliver. Kung 'di ka namin iniwan kahapon hindi ka sana mapapahamak. Madilim na rin ng muli kaming nakabalik dito at nang hanapin ka namin ay hindi ka namin nakita. Swear, Cam, we searched for you and the resort's crew for almost two hours. Then we received a call from Attorney Sanford and thank god, you're safe."

Sa sinabi ni George ay muli siyang napatingin sa pinanggalingan. Nandoon pa rin ang yate at ang abogado na nakapamulsa habang nakatingin sa kanila.

"I'm okay. Let's go back at the hotel. I want to rest."

"You need to see a doctor-"

"It's fine, Olly." She kissed his cheek and George's to assure them. Kapagkuwan ay hinila na niya ang dalawa paahon sa dagat.

BANDANG hapon nang magising siya ay kumain sila nina Oliver at George sa seafood restaurant na nasa gilid ng hotel na kanilang tinutuluyan. Iyon ang huling araw nila roon at bukas ng umaga ay uuwi na sila sa lungsod.

Buong umaga siyang nasa loob ng kuwarto at iniyakan ang mga nangyari.

"Tingnan mo, bruha!" bulong sa kanya ni George na nakaupo sa kanyang kaliwa.

Her gasp was trap in her throat and her mouth agape when she saw who George was referring to. Meters away from their direction was Attorney Tyson Red Sanford. Nakaupo siya sa buhangin sa ilalim ng puno ng niyog kasama ang dalawang bakla sa kanyang tabi.

He was wet from the seawater and he looked picture perfect under the afternoon sun. His bronze skin flicker under the light while he moved as one with the waves. He was only wearing that skimpy swimming trunks, and oh boy, he was well sculptured by the gods.

Pati si George at Oliver sa kanyang tabi ay napamaang dito. "Goodness gracious," bulalas ng kanyang kaibigan ng lumitaw sa tubig ang dalawa pang kasama ng abogado. "I'm gonna melt."

Sabay silang napatingin ni Oliver kay George. Nakataas ang kanyang kilay at nakapaskil ang isang ngisi sa mga labi habang si Oliver ay nakakunot ang noo. "Breathtaking isn't it?" tanong niya rito na may kasamang panunukso.

"Uhuh," tila wala sa loob na sagot ni George.

Her grin grew wider when she heard Oliver snorted and get on his feet. Tumalikod ito sa kanila at nagsimulang lumakad palayo. "Lagot ka," bulong niya sa kaibigan na napapailing.

Mabilis na tumayo si George at sinundan si Oliver. Nanatili siyang nakatingin sa dalawa na papalayo sa kanyang direksiyon. She was happy that George found Oliver. They were perfect, though their relationship was not out with the public. Bukod sa kanya ay wala nang ibang nakakaalam. Pinangangambahan ng dalawa ang magiging reaksiyon ng mga taong nakapaligid sa kanila kapag nalaman na may relasyon sila. Hindi naman kaila sa kanila na iba ang tingin ng mga tao sa mga gay couple.

"Ate!" Agad siyang napabaling sa may-ari ng boses na iyon na umupo sa kanyang tabi.

"You're here," she acknowledged.

"Yup. This is our last stop for today before going back to the city. Look, ayon sila kuya," turo nito sa direksiyon ng dagat kung nasaan ang kapatid, pinsan at kaibigan nito.

"Y-Yeah, I see that," aniya na agad binalik ang tingin kay Tara dahil nakita niyang nakatingin si Red sa kanilang direksiyon.

Ikinagulat niya ng bigla siyang hilahin ni Tara patayo at patungo sa dagat kung nasaan ang mga kasama nito. "C'mon, let's swim."

Hinayaan na niya ito at lumusong na rin sa dagat. She dive to the crystal sea to avoid his eyes. Nakipagkarera siya kay Tara sa paglangoy at nakitawa kasama ito.

She was enjoying the sea with her and forgot about Tyson Red for a moment. Mabilis siyang lumangoy palayo nang habulin siya ni Tara, nagulat siya nang maramdaman niyang may pumigil sa kanyang kaliwang paa. Tumigil siya sa pagkampay at nilinga kung sino ang may ari ng kamay na iyon.

Napasinghap siya ng makita si Red sa ilalim kaya nakainom siya ng tubig. Subalit mabilis na pumalibot ang mga braso nito sa kanyang bewang at idinikit ang mga labi sa kanya.

Without a second thought, she wrapped her arms around his neck and let herself sink with him.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.