EVERYONE in the room went silent when she appeared from behind the door. The click-clack beat that her stiletto made as they hit the marbled floor was far louder than their breathing.
She was holding her head high while walking gracefully. Ang kanyang malalamig na mga mata ay nakatutok sa kanyang harapan habang naglalakad. Hindi na niya pinagkaabalahang tingnan ang mga empleyadong natahimik, alam niyang lihim siyang pinapanood ng mga ito. Pakunwaring inaabala ang mga sarili sa trabaho ngunit ramdam niyang pinagtitinginan siya ng mga mapanghusgang mga mata.
Narinig ni Sabrina ang pagtawag sa kanya ng assistant na nakasunod sa kanya ngunit hindi niya ito pinakinggan at nagtuloy sa paghakbang patungo sa isang partikular na direksiyon. Nakikita na niya ang kanyang pakay dahil salamin ang dingding ng opisina nito.
Pabalyang binuksan niya ang pinto ng opisina ng senior sales manager ng kompanya. Agad na nabaling ang tingin sa kanya ang babae na may kausap sa telepono.
The smile on the woman's face faltered when she saw Sabrina in her office.
Bago pa makapag-react ang babae ay humakbang na si Sabrina palapit dito at walang pagdadalawang-isip na umangat ang palad padapo sa pisngi nito.
Agad na napahawak sa nasaktang pisngi si Christie at malalaki ang mga matang muling tumingin kay Sabrina. "Why you-" Natigil siya sa pagsasalita nang isa muling sampal ang kanyang natamo, sa kabilang pisngi naman sa pagkakataong iyon.
Ang mga empleyadong nakakita ay napatayo at nanlaki ang mga mata sa nasaksihan. Hindi nila inaasahang gagawin iyon ni Sabrina sa kasamahan sa trabaho.
"Do you want more?" Sabrina asked coldly. She kept her face impassive, but deep inside she was burning with rage.
Christie was dumbfounded for a moment, she cannot believe the fact that she was slapped hard in the face, twice. Then when it dawned into her, her face became ugly in anger. She lost the composure she was known of and her nostrils flared in fury. The urge to hit Sabrina back was strong.
"Are you crazy?!" she screamed.
But Sabrina calmly stepped closer to Christie and whispered to her ear the words, "I'll let it slip this time, you two-faced bitch."
Sabrina turned her back at Christie and head out of her office. Sabrina's assistant was astonished and her eyes popped out of their socket, she couldn't believe that her boss did that. Tiningnan niya si Christie na pulang-pulang ang mukha sa galit at pagkapahiya. Nang makahuma ay mabilis siyang lumabas ng opisina at sinundan ang kanyang boss.
Walang pakialam si Sabrina sa mga empleyadong natigilan at hindi makapaniwala sa nasaksihan. Tuloy-tuloy siyang naglakad palabas sa departamentong iyon. Subalit bago pa man siya makarating sa pinto ay biglang may humila sa kanyang buhok.
Mapuwersa ang pagkakahila sa kanyang buhok at kung hindi siya nakabalanse ay natumba na siya.
"You slut!" nanggagalaiting sigaw ni Christie. Ang mga nakasaksi ay hindi agad nakahuma para awatin ang dalawa dahil nabigla sa mga pangyayari.
Sabrina didn't wince nor screamed when the pain struck her scalp. She took a deep breath and grabbed the hands of the bitch that was pulling her hair. With all her strength, Sabrina twisted Christie's hands and look at her dead in the eye. Christie was now screaming in pain, and her voice echoed in the whole department
"Let me go! Ahh!"
Tila walang narinig si Sabrina at pinilipit pang lalo ang dalawa nitong braso. Nang makitang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Christie ay roon lang niya pabalyang pinakawalan ang mga braso nito. Napalugmok ito sa sahig habang umiiyak dahil sa kanyang ginawa.
Agad namang dinaluhan ang senior sales manager ng mga subordinate nito. Naririnig ni Sabrina ang bulong-bulongan ng mga nasa paligid, nang ipaikot niya ang mga malamig na mga mata sa mga naroon ay bigla uling natahimik ang mga empleyado.
Isang huling sulyap ang ibinigay niya kay Christie na umiiyak pa rin habang himas-himas ang nasaktang braso. Pagkatapos ay parang walang nangyari na muli siyang lumabas upang makaalis na sa lugar na iyon.
PAGKABALIK ni Sabrina sa kanyang opisina ay naikuyom niya ng mariin ang kamao nang makita ang screen ng computer.
Dinampot niya ang kanyang cellphone sa ibabaw ng lamesa at may tinawagan. "Delete all the videos right now!" Hindi na niya hinintay ang isasagot nang nasa kabilang linya at pinatay na ang tawag.
Pinuno niya ng hangin ang baga at lumakad palapit sa salaming dingding. Pinanood ang mga sasakyang paroo't parito sa ibaba habang pinapakalma ang sarili.
Hindi man nakikita ng iba, dahil hindi siya nagpapakita ng ekspresyon, ay matinding galit ang kanyang nararamdaman para sa taong nagpakalat ng sex video raw niya. Yes, it was her face who was in the video, but it was not her who had sex with that man!
Siya ang nakita sa video na papasok ng hotel room ngunit hindi siya ang nakipagtalik sa lalaking 'yon. Agad siyang lumabas sa hotel na iyon nang malaman kung ano ang intensiyon nito.
Ang video ay kumalat sa internet, maging ang mga kasamahan niya sa trabaho ay nakita na iyon. Kitang-kita ang kanyang mukha na katalik ang isang lalaki sa kama, hindi makita ang mukha ng lalaki dahil natatakpan ang mukha nito. Kahapon pa niya pinagtitiisan ang mga bulong-bulongan at masasamang tingin sa kanya ng mga katrabaho. She was branded as a whore!
Kung hindi dahil sa kakilala niyang isang computer genius ay hindi niya malalaman kung sino ang may gawa niyon. Christie Dela Merced manipulate the video and spread it online. The woman hated her. Hindi miminsang naghahanap ito ng butas upang maipahiya siya.
"Ma'am, Mr. Sanford wants to see you," imporma ng assistant ni Sabrina na hindi tuluyang lumapit sa kanya. Nakaramdam siya ng takot sa kanyang boss dahil sa nasaksihan kanina. Sa apat na buwan niyang pagtatrabaho rito ay noon lang niya ito nakitang nanakit ng pisikal sa iba. Kadalasan ay salita lang nito at ang malalamig na mga mata ang ginagamit upang madaig ang kumakalaban dito.
"Sinong Mr. Sanford?" tanong ni Sabrina at binalingan ang assistant. Maraming Mr. Sanford sa kompanyang iyon bagaman may ideya siya kung sino ang nagpatawag sa kanya.
"The COO, Ma'am," mabilis na sagot nito at dali-daling lumabas mula sa loob ng opisina ng boss.
Umikot ang mga mata ni Sabrina at nagpakawala ng marahas na buntung-hininga. Parang alam na niya kung bakit siya pinapatawag ng COO ng kompanya.
Lumapit siya sa kanyang lamesa at tiningnan kung nabura na ba ang video. Nakahinga lang siya ng maluwang nang hindi na niya iyon mahanap.
"Stay here," she said coldly to her assistant when she was about to follow her.
Mag-isa siyang nagtungo sa opisina ng bise-presidente, tiningnan lang niya ang sekretarya nito at nagtuloy-tuloy papasok sa loob.
Pagkakita pa lang ni Sabrina sa lalaking nakaupo sa likod ng executive desk ay alam niyang galit ito base sa sunod-sunod na marahas na buntung-hiningang pinapakawalan, kahit na hindi niya nakikita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanyang direksiyon at nakaharap ang swivel chair sa salaming dingding.
Tahimik siyang umupo sa upuang katapat ng executive desk, siya namang lingon sa kanya ng lalaki. Hindi siya nag-iwas ng tingin at sinalubong ang nag-aapoy nitong mga mata.
Inilapag nito sa kanyang harapan ang tablet. Tiningnan lang niya ang gadget at nang makita ang video nang nangyari kanina sa sales department ay nakompirma niyang tama ang kanyang hinala na dahilan kung bakit siya pinatawag.
"If it's not about work, I better leave," she muttered coldly. She was about to stand up and leave his office when his menacing voice filled every corner of the room.
"It is about work! Do you have to hurt her, Ms. Salvador? Your actions are drastic and very unprofessional!"
"I'll be responsible for my actions. But no, I will not apologize for what I did. If you'll excuse me, Sir, I still have a lot of work to do."
"Can you at least explain yourself?!"
He was pissed and she knew it, but she's not scared of him, she loathed him!
"No." Her cold eyes met his blazing ones but that didn't stop her from getting into her feet and walked towards the door. Sabrina was about to open the door when a hand stopped her from doing so.
Marahas siya nitong pinihit paharap. Nagtatagis ang mga bagang nito, magkasalubong ang kilay at nagbabaga ang mga mata.
"Why did you do it?! Why did you have sex with a man twice your age?! Why?!" he snarled at her.
Sabrina's lips twitched in dry amusement. So he knew who was the man behind the sex video, the man she had sex with. She's a slut who sold herself to the devil. That's what he thought, that's what everyone thought! There's no point defending herself.
"It's none of your business, Mr. Sanford!" Ipiniksi ni Sabrina ang braso upang mabitawan siya nito. Ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya at hindi siya makawala.
Hindi niya maiwasang hindi mapasinghap nang ipininid siya nito sa nakasarang pinto. Hawak nito ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ng kanyang ulo. Nakadikit ang katawan nito sa kanya at magkalapit ang kanilang mukha.
Her breathing was trapped in her throat. She was flabbergasted by their closeness and her mind went blank for a moment.
"Sabrina..." he uttered her name as if it was the most beautiful melody there is.
Hindi malaman ni Sabrina kung tama ba ang nakikita niyang emosyon sa mga mata nito o gawa-gawa lang ng kanyang isipan.
His eyes were full of pain, desire and longing. Longing for something he had years ago.
"L-let me go, Apollo." And for the first time, after nine years, she stuttered in front of him and she was confused.