"THAT'S beautiful, France."
Umupo si Tara sa tabi ng bata na nakadapa sa ibabaw ng mat at gumuguhit. Hinaplos niya ang kulot na buhok nito na kulay mais at isang masuyong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.
Sinulyapan niya ang kapatid nitong si Germany na nakaupo dalawang metro ang layo sa kanila at tahimik na nagpipinta. Isang taon ang tanda nito kay France na anim na taong gulang at nakikitaan niya ng potensiyal ang bata sa pagpipinta.
"Let me see." Inumang niya ang kamay at agad namang inabot ni France ang sketchbook doon at umupo sa kanyang hita, ipinalibot naman niya ang braso sa katawan nito. Tiningnan niya ang iginuhit ng bata at nakaramdam ng lungkot nang makita iyon.
"Daddy."
Napatingin si Tara sa bata at hindi mapigilang masaktan nang makita ang lungkot sa mukha nito. Naiintindihan naman niya kung bakit ganoon ang bata, she hadn't seen his Daddy for over a year for some reason.
Hinaplos niya ang ginuhit nito na korteng tao. Ang karaniwang guhit ng isang bata na katulad nito, pinagsama-sama ang mga hugis upang makabuo ng tao. Nilangkapan pa nito ng mga salitang I love Daddy. The kid must be missing her father a lot.
"Good job, baby," Tara said and kissed the kid's cheek. "Okay, everyone, let me see your masterpieces."
Agad na lumapit sa kanila ang pito pang bata na naroon at ibinigay sa kanya ang iginuhit at ipininta ng mga ito. Isa sa isang linggo ay nagtuturo siya sa mga bata na gustong matuto ng pagpinta at pagguhit tuwing umaga. Sa hapon naman ay mga adult na kumukuha ng lessons sa kanya ang tinuturuan niya.
"Very good, everyone. But let me ask you what is something we believe and embody?"
"Practice makes perfect," the kids' chorus.
Tara patted their heads one by one and gave them a kiss on the cheek. She gave them cupcakes that her assistant bought at the nearby bakeshop earlier. She let them play after eating and when their parents arrive, she started cleaning the studio with Olive—her assistant.
Bukod sa silid na nasa bahay ng kanyang mga magulang na inilaan sa kanyang propesiyon ay mayroon din siyang sariling studio kung saan niya ginagawa ang kanyang mga lessons. Minsan kapag hindi niya iyon ginagamit ay ipinapagamit niya iyon sa mga college students na mga estudiyante rin niya.
Nang matapos sila sa paglilinis ay nilapitan niya ang magkapatid na Sanders at niyayang umuwi. Tuwing naroon ang dalawang bata ay nagbubulontaryo siyang ihatid ang mga ito. Naiwan si Olive habang sila ay lumabas na at sumakay ng taxi pauwi sa tahanan ng dalawa.
Nakangiting mukha ng pinsan niya ang sumalubong sa kanila pagkarating nila sa bahay ng mga bata.
"Thank you for bringing the kids home."
Nginitian ni Tara ang pinsang si Snow at hinalikan sa pisngi. "How's the little prince?" Tukoy niya sa anak nito. kapapanganak lang ng kanyang pinsan halos dalawang buwan na ang nakakaraan, magkasunod lang ito at si River.
The pregnancy wasn't easy for Snow because she had some issue of some sort with the baby's father. But despite that, Tara was glad that Snow was happy now. She can see that she was enjoying motherhood and that's all that matters.
"In the nursery with Mommy."
"Tita Ally is here? I'll go say hi to her and to the little prince."
Gaya ng sinabi ay pumunta siya sa nursery habang si Tara ay inasikaso ang dalawang bata na mga half-sisters ng anak nitong si Prince Justin. Kahit na hindi naman nanggaling kay Snow ang dalawang batang babae ay inaalagaan at minamahal niya ang mga ito na parang tunay na anak. They were a family despite the odds that they had been through.
Tatlong buwan na ang pinagbubuntis ni Snow noon nang magdesisyon itong umalis sa bahay ng mga magulang at tumira sa bahay ng lalaking ama ng anak nito. Hindi agad pumayag ang mga magulang nito, lalo na ang amang si Nicholas Villarama. But they still supported her in the end.
Noon nga ay hindi rin sang-ayon si Tara na umalis si Snow sa poder ng mga magulang. Snow was always gentle and soft, so fragile and they all wanted to protect her. Ngunit pinatunayan nito sa kanilang kaya nitong maging independent at kaya nitong panindigan ang mga desisyon sa buhay.
Napangiti si Tara nang makapasok sa nakabukas na pinto ng nursery at makita ang kanyang Tita Alessandra na kapatid ng kanyang amang si Ashton na nilalaro ang apo nitong si Prince Justin. Parang kailan lang ay nakikita pa niya itong stress na stress dahil sa nangyari sa pangalawang set ng kambal nito na sina Krishia at Snow. Ngayon ay kumikislap ang mga sa kasiyahan at sa tingin niya'y mas bumata ang itsura nito kahit nasa late fifties na. She had always adored Alessandra, siguro lahat silang magpipinsan ay ito ang pinakapaboritong Tiyahin.
Lumapit si Tara sa mga ito at bumati at humalik kay Alessandra nang makalapit. Kapagkuwan ay niyuko niya ang batang nasa kuna at nakataas ang mga kamay na para bang inaabot ang mga laruang nakasabit sa itaas. Kamukhang-kamukha ito ng ama, tanging ang mga labi lang ang nakuha kay Snow.
Kinarga ni Tara ang bata at inugoy.
"You will stay for lunch, right?"
"Yes po, Tita Ally. Mamaya pa namang alas-dos ang next class ko."
Nag-usap silang dalawa upang palipasin ang oras. Alessandra asked Tara about her parents and she was more than glad to tell her about her mother and father's escapades and activities for the past days. The two had been going out on dates a lot.
Their conversation was cut off when a maid informed them that the dining table was set for lunch. While PJ was still in her arms, Tara followed after Alessandra to the dining room. Agad namang sumalubong sa kanya sina France at Germany na tuwang-tuwa nang makita ang kapatid.
Tara had lunch with them before she bid her goodbye and head back to her studio where she conducted her lessons. Sinalubong siya ni Olive pagkapasok na pagkapasok pa lang niya.
"Tara nandito na ang mga estudyante mo, hindi makakarating si Julius dahil may emergency raw. At tsaka may naghahanap sa 'yo, nandoon sa opisina mo, doon ko muna dinala habang naghihintay."
Pagpasok nga ay nakita na niya ang dalawang college students at isang senior citizen na gustong matutong magpinta na nasa loob ng studio at nagkanya-kanya ng puwesto habang kaharap ang canvas. "Sino?" tanong niya kay Olive patungkol sa taong sinasabi nitong naghihintay sa kanya. Wala siyang appointment sa isang client ng araw na iyon at wala siyang inaasahang bisita.
"Lian Dela Cerna ang sinabi niyang pangalan niya at importante raw ang sadya niya sa 'yo."
Lumakas ang kabog sa dibdib ni Tara nang marinig ang pamilyar na pangalang iyon. Ibinilin niya ang kanyang mga estudiyante kay Olive bago lumakad patungo sa opisinang nasa loob ng studio. Doon siya tumatanggap ng mga kliyente niya na nagpapagawa ng painting.
Namangha siya nang makita ang taong nasa loob ng kanyang opisina nang makapasok. Ang Lian Dela Cerna na nasa kanyang harapan at ang pinakauna at dati niyang nakarelasyon ay iisa. It's been five years since she last saw her.
"Hi, Tara, how are you?" Lian greeted with a smile on her face.
Ngumiti rin si Tara pabalik at nilapitan ito at niyakap. She missed her. She was her friend before they started dating. Siya ang unang umamin kay Lian na hindi siya sigurado kung pagtinging kaibigan lang ba ang nararamdaman niya rito. She was beautiful and she had a kind heart and Tara thought that she fell for that. Mas lumago ang paghanga niya dahil bukod sa maganda ay mabait pa. Isinuhestiyon niyang subukan nilang magkaroon ng romantikong relasyon, hindi na niya maalala kung paano niya napapayag si Lian. Pagkatapos ng dalawang linggo ay tinigil din naman nila ang sa tingin nito'y kahibangan.
Lian said to her face that she wasn't in love with her. It was just plain admiration. Ito rin ang unang taong sinabi sa kanya ng puno ng konbiksiyon na babae siya, she was just confused, at nakipagrelayon lang daw ito sa kanya upang tulungan siyang mapagtanto na babae talaga siya.
Napagtanto naman ni Tara na hindi nga niya ito minahal sa ibang lebel, it was affection to a dear friend and a nice person.
She met Lian in college, she also took fine arts but she shifted to another course and transferred school after their second year. She wondered what happened to her, they had no communication after Lian transferred.
"I'm great! You look good. I haven't seen you for ages and you become more beautiful than the last time. A flower in full bloom."
Natawa ito sa kanyang sinabi, she wasn't lying though. She really was beautiful.
"Life is good to me, Tara. Thank you. I heard a lot of things about you and I love your paintings. I always love them."
"Is that the reason why you're here? Thanks, by the way, I appreciate that." Umupo siya sa likod ng kanyang lamesa habang ito naman ay nasa kanyang harapan.
"I'm actually here to ask for a favor."
"Let me hear it. What are friends for? If I can do it then I will."
"I have been working in a local government unit. Lately, we formulated a plan to ask for the help of the artists who has a big heart to help those in need. We will be conducting an art exhibit for a cause and I remember you and I hope that you could help us. Ang pundong malilikom sa exhibit ay mapupunta sa mga bahay ampunan na nangangailangan ngayon ng pundo."
"Of course, I'll help. When will be the exhibit?" Sa mga sumunod na sandali ay pinag-usapan nila ang detalya ng gagawing art exhibit for a cause. She thinks that it was a good project. Hindi naman siya madamot, bata pa lang ay tinuruan na siya ng mga magulang kung paano tumulong sa mga nangangailangan. Kahit na ilang painting pa siguro ang ipipinta niya upang makatulong ay gagawin niya. Kahit walang fee ay okay lang, hindi naman problema sa kanya ang pera. She had saved money from her own hardwork, hindi lang siya basta umaasa sa pera ng mga magulang.
Pagkatapos mag-usap tungkol sa project ay niyaya ni Tara na magkita sila kung kailan pareho silang walang trabaho upang magkumustuhan. She still consider Lian as her friend after all these years, she loved to catch up with her one of these days.
Pagkaalis nito ay tiningnan niya ang kanyang mga estudiyante ang ginawa ang klase nila nang araw na iyon.
PAPADILIM na nang umuwi si Tara. Wala ang kanyang mga magulang sa bahay na marahil ay nasa opisina pa ng mga ito. Even though they were in their late fifties, her parents were still working at the construction firm her father built years ago. He was an engineer and her mother was an architect. Sa katunayan ay doon nga sa ASCF nagkakilala ang dalawa.
Dumiretso siya sa loob ng kanyang silid at naligo. Habang nasa loob ng kanyang walk in closet ay natigilan si Tara nang mahagip ng kanyang mata ang painting na nasa likod ng nakahanger niyang mga damit. Pagkakuha niya ng damit ay nasilip niya iyon.
Hinawi niya ang mga nakahanger niyang damit at tumamad sa kanya ang isang painting na naroon na limang taon na ang nakakalipas. Napakagat labi siya at napapikit habang binabalikan sa isipan ang araw na iyon sa loob ng hotel room kung saan siya unang nakakita ng simbolo ng isang lalaki. Agad din naman niyang idinilat ang mga mata at biglang natauhan dahil sa pagkaisip kay Harrison.
In front of her was the nude painting of Harrison. May nakatakip nga na tela sa ari nito ngunit naaaninag pa rin ang bagay na iyon. The tip was given emphasis at naghahatid ng pantasya sa mga makakakita. Macucurious kung ano ang itinatago ng telang iyon. His eyes that stared at her had a mysterious glint. Iyon na iyon ang emosyon sa mukha nito habang ipinipinta niya noon.
Masasabi niyang sa lahat ng kanyang mga gawa ay iyon ang pinakanachallenge siya at pinakamaganda niyang ginawa. She loved the painting and in her perspective, it was perfect and beautiful. Pati nga professor niya noong college ay humanga nang ipakita niya iyon.
Hindi alam ng kanyang mga magulang at kapatid na may painting siyang ganoon na tinatago sa loob ng kanyang closet. Nakahiyaan niya rin namang isabit iyon sa kung saan ay makikita ng iba. It was a masterpiece but things were stopping her to disclose the painting to the world. She felt like that it was her precious possession and she wanted it all by herself, she doesn't want to share it with other people.
Wala sa loob na umangat ang kamay ni Tara patungo sa mukha ni Harrison. Kapagkuwan ay nangunot ang noo nang makaramdam siya ng kakaiba habang nakatingin dito. She always felt that weird feeling every time she looked at that painting which she named His Eyes. The reason was plain, it was because his eyes were expressive, she felt like he was conveying a message through those eyes but she can't decipher it.
Only Harrison knew what that message was.