Sexy Tales Chapter 15

“WHAT are you trying to play at?” Hindi maintindihan ni Belle kung ano ba ang dapat niyang maging reaksyon sa ginawa sa kanya ngayon ni Jace. Sinundo siya nito ngayon sa trabaho at niyaya na mag-dinner. Pero sa halip na sa isang restaurant siya nito dinala ay nagpunta sila sa isang hotel.

Tumawa si Jace. He massaged her shoulders a little. “Kailan ba magbabago ang isip mo sa akin? Dinala kita rito dahil gusto kong dito tayo kumain.”

Pinandilatan niya ito ng mata. “Pero papunta tayo sa isang hotel room!”

Tinignan ni Jace ang itsura niya. “So anong gusto mo? Ang mag-dinner sa isang five star hotel with your therapist uniform on?”

“Ha? P-pero may damit ba ako---“

Pinutol ni Jace ang sasabihin niya ng ilapit nito ang ulo sa kanya. His mouth touched on hers. “I knew, I’ve done a lot of bad things in my life in the past. Pero minsan naman ay matuto kang pagkatiwalaan ako…”

Binuksan ni Jace ang pinto ng hotel room. Nakita niyang may nakalagay na blue dress sa kama. So totoo nga ang sinasabi ng lalaki.

“This hotel belongs to the family. Si Ate ang namamahala rito. This is my own suite so I have every right to visit. Pinahanda ko sa secretary ko ang damit mo…” kuwento ni Jace.

“Oh, okay…” Hindi iyon alam ni Belle. Hindi naman kasi open sa kanya si Jace sa personal nitong buhay. “And you want us to date on this hotel. Bakit?”

Kumunot ang noo ni Jace. “Masama bang ipakita sa `yo ang mga bagay na mahalaga sa akin? I want you to be here.”

“Hmmm…”

Tumalikod si Jace. “You can take a shower if you want to freshen up. Hihintayin kita. After all, maaga pa naman for dinner…”

Sumunod si Belle sa gusto ni Jace. After all, it’s been a long day. Gusto nga niyang mag-shower para maging maayos at comfortable naman ang pakiramdam niya habang nagde-date. Isa pa, parang nakakahiya yata kung mukhang haggard siya tapos magsusuot siya ng ganoong kagandang damit. Kilala pa man rin ang hotel na iyon nila Jace. Pinupuntahan ng mga mayayaman at artista ang restaurant sa hotel na iyon.

She showered for about half an hour. Nang magbibihis na siya ay napansin niya na hindi man lang pala nagbigay ng underwears si Jace. Okay lang naman na walang bra dahil tube style ang damit at may foam iyon sa loob. Pero kailangan ni Belle ng panty. Naisip na lang niyang gamitin ang suot kanina. Pero nagulat siya nang wala iyon sa pinaglagyan niya kanina.

Tinawag niya si Jace. Pumasok ito sa banyo.

“Ahmm, pumasok ka kanina `di ba? Did you see my underwear? “

Hindi sumagot si Jace. Ngumisi lang ito.

“Jace, naiin---“ Napakunot-noo si Belle nang mapansin na nakakaloko ang ngisi nito. “Hey, ano `yan, ha?”

“Kinuha ko nga ang damit mo pero nakalimutan ko kung saan ko nailagay…”

Nanlaki ang mata ni Belle. “Naloloko ka na ba? I need an underwear!”

Hinapit ni Jace ang baywang niya. He looked at her and there are fire in his eyes. “You don’t need that when you are with me…”

Hindi inaasahan ni Belle ang sumunod na ginawa ni Jace. He dropped his mouth into hers and kissed her in a hungry, urgent and insistent way. They were supposed to be arguing. Pero mas masasabi niya na mas nakakagulat ang sumunod na reaksyon niya. Para siyang gutom na gutom rin na tinanggap ang halik ni Jace. She felt lost in this deep, dark and sensual delight.

They were going deep when something disturbed them. Tumunog ang cell phone ni Jace. Irritation painted on Jace’s face.

“Shit,” hindi pa man tinitignan ang cell phone ay pinatay na ni Jace ang tunog. Napaungol rin ito na tila naiinis. “Hurry up. Kailangan na nating bumaba,”

Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Sigurado ka?”

“Don’t tease me…” Jace gritted his teeth.

“Pero ikaw ang nauna. Saan mo ba kasi nilagay ang underwear ko?”

Ngumisi lang si Jace. “`Wag kang mag-alala. Hindi naman halata na wala…”

“Seryoso ka ba talaga dito?”

Hinalikan ulit siya ni Jace. “Just trust me on this, okay? Trust me on everything…”

Sinubukang hanapin pa rin ni Belle ang underwear niya. Pero naging makulit si Jace. Kailangan na daw nilang bumaba sa hindi niya maintindihan na kadahilanan. Pero pumayag na rin siya sa gusto nito. After all, tama rin naman si Jace. Hindi mahahalatang wala siyang suot na panty sa dress na iyon. Uncomfortable nga lang pero for once, gusto niyang magtiwala kay Jace. Hindi naman siguro siya mapapasama kung magdi-dinner siya ng ganoon. Kung may mambabastos sa kanya, Jace will always be there to protect her. Isa pa, what Jace wanted to do with her made her feel bold. It feels uncomfortable yet challenging at the same time.

Bago sila lumabas ng elevator papunta sa floor ng restaurant, binigyan ulit siya ng halik ni Jace. He teased her a little by trailing his hands through her legs up to her mound. Pinandilatan niya ito. Sila lang naman ang tao sa elevator pero iba pa rin ang kaba na baka bumukas ang pinto at may mahuli sila. Tama na ang minsan na nangahas sila in public.

“Thanks for putting your trust in me.” Wika ni Jace at pagkatapos ay bahagyang nilaro ang clit niya.

“Jace!” pulang-pula na saway ni Belle dito. She liked the sensation but it was torture. Kakaligo lang niya pero namamawis na ulit siya dahil sa panunukso nito.

“I just wanted to say my thank you in actions..”

“But you are torturing me,”

“Ha? I thought I am pleasing you…” painosenteng sabi pa nito.

She rolled her eyes on him. Tumigil na naman ito at kinindatan lang siya. Saktong bumukas ang elevator.

Jace held her close and it made her feel more tortured. Gusto niyang mag-dinner dahil gutom na nga siya. Isa pa, matagal na rin niyang gustong makakain sa restaurant sa hotel na iyon. Sikat kasi iyon at balitang masarap daw talaga ang mga pagkain. Pero dahil sa simpleng paghawak lang ni Jace ay hindi na siya sa pagkain nagugutom.

She became hungry for him.

Too bad, mukhang hindi naman mutual feelings. Nagtuloy-tuloy pa rin si Jace sa restaurant. Bahagyang na-disappoint siya pero pinigilan niya ang sarili. Dinner is the plan, not sex. Masyado na talagang polluted ang utak niya.

Jace held her possessively while walking. Nagulat siya nang tumigil sila sa table kung saan may mga umookupa na. Pero mas nagulat siya nang maging pamilyar sa kanya ang isang babae sa table.

It was Jace’s sister.

Ibig sabihin ba noon ay---

“Belle, meet my family…” wika ni Jace at isa-isang binati at pinakilala sa kanya ang bawat miyembro noon.

Nawindang si Belle. Hindi lang pala sila ang magdi-dinner. Kasama niya ang pamilya ni Jace…at wala siyang underwear!

HINDI na mabilang ni Jace kung ilang beses na namilog ang mata niya habang nagdi-dinner sila. This dinner was supposed to be a surprise for Belle. Pero mas parang siya ang na-sorpresa. Hindi niya akalain na mag-e-enjoy lahat sa dinner.

Alam niyang maraming magiging tanong si Belle kaya mas pinili niyang sorpresahin na lang ito sa isang dinner kasama ang pamilya niya. Ayaw rin niyang kabahan ito. Oo, kilala na naman nito ang Ate niya. Pero hindi niya sigurado kung ano ang tingin nito sa Ate niya at kung paano rin ito pakikibagayan ng kapatid.

Kilala niya ang Ate Jackielyn niya. Mataray at straight-forward ito. Aminado ito noon na hindi nito gusto si Britney para sa kanya. Pinilit lang talaga niya dahil sa katawan ni Britney at alam niyang madadala ng pamilya nito sa business niya. Madalas na masasamang salita ang naririnig nito dahil sa dating fiancée niya.

But her sister is different to Belle. Panay ang ngiti nito habang kausap si Belle. Ganoon rin ang pamangkin niyang si Jethro na siyang pinaka-supladong bata na kilala niya. Nagkasundo kaagad ang mga ito at si Belle.

“Pero matanong ko nga, ano ba ang nagustuhan mo sa kapatid ko?”

Kinamot ni Jace ang ulo. “Ate naman. Sa guwapo kong ito, alam kong kahit si Kuya Gerard ay magugustuhan ako ano!”

Umubo ang asawa nito na siyang tinutukoy niya. Ito na yata ang pinaka-tahimik na taong kilala niya.

Pinandilatan siya ng kapatid ng mata. “Tumigil ka. `Wag mong isali ang asawa ko sa kalokohan mo. But you see, beauty is in the eye of the beholder `di ba?”

“But I have beautiful eyes so I have beauty, too…” ngingisi-ngising sagot ni Jace.

Inikutan siya ng mata ng Ate niya. Tumingin ito kay Belle. “It’s the time you say your answer.”

Tumango si Belle. Ngumiti ito at pagkatapos ay tumingin sa kanya. “Because he accepted me for who I am…”

Kunot na kunot naman ang noo ng Ate niya. “What do you mean? You are an amazing person. Katanggap-tanggap ang isang babaeng kagaya mo.”

Nagkibit-balikat lang si Belle. Hindi na ito nagsalita pero sa tingin nito sa kanya, parang alam na niya ang sagot.

Parang may kumurot naman sa puso ni Jace. Mali si Belle. Hindi niya tinanggap kaagad si Belle noon. Marami siyang naging pag-aalinlangan.

Pero hindi iyon nakita ni Belle. Oo, bumabawi na siya rito ngayon. Pero alam niyang kulang pa rin iyon. But even then, Belle appreciate that.

Parang nakokonsensya siya ngayon. Ano ang naggawa niyang mabuti para bigyan siya ng isang babaeng kagaya nito? Hindi siya nito sinukuan. Naniniwala ito sa kakayahan niya samantalang siya ay sumusuko na sa sarili niya.

Natahimik si Jace simula noon. Nagsalita lang ulit siya nang iwan na sila ng pamilya niya. Gumagabi na kasi at bawal mapuyat ang pamangkin niya. Nagpaalam na ang mga ito.

“I’m sorry…”

“Ha? Bakit?”

“For everything…”

Tinitigan siya ni Belle. “Dahil mali na ipakilala ako sa pamilya mo?”

“What? Siyempre, hindi. I think, doing that was one of the decisions I did in my life…”

“Hmmm…Is it the underwear issue?”

Natawa si Jace. “Oh, I nearly forgot about that! Thanks for reminding me,”

Inirapan siya ni Belle. “Hindi ko maintindihan kung bakit mo ba pinaggawa iyon sa akin…”

Kinindatan niya si Belle. “It’s just a fantasy. But seems you are very good with it,”

Belle made a face. Pero maya-maya ay pinindot nito ang ilong niya at ngumiti. “Your family is good. Thanks for making me meet them…”

“No. Mas nagpapasalamat ako kasi ginawa mo ang best mo para magustuhan sila. Nagpapasalamat rin ako kasi nagtitiyaga ka sa akin. I admit that I’ve been a bad guy…”

“Nakipagpustahan ako sa `yo. So I should always do what I was asked for.”

Nalukot ang mukha ni Jace. “So iyon lang iyon?”

“Hmmm…”

Napaungol si Jace. “I like you, Belle. At simula ngayon, gusto kong gawin mo ang lahat ng gusto ko dahil gusto mo rin. If you feel that it’s unfair to you, then don’t do it…”

Hindi sumagot si Belle. Sa halip, humilig ito sa dibdib niya. For a while, parang may humaplos sa puso niya dahil sa ginawa nito. It was so sweet. She was so sweet.

Napakasuwerte niya para makakita ng isang babaeng kagaya ni Belle. Pero ngayon, ayaw ng magtanong ni Jace kung deserved ba niya si Belle. Pakiramdam kasi niya, kapag ginawa niya iyon ay babalik lang siya sa dating siya. Magse-self pity lang siya.

Jace will stop asking for answers. Sa hahalip, kikilos siya. He will treasure, cherish and protect her with all his might. Patutunayan niya na puwede rin siyang maging karapat-dapat rito. Gusto niyang ibigay rito ang lahat---ang sarili, kayamanan, buhay at pati na rin ang puso niyang kahit kailan ay wala pa siyang pinagbigyan.

MAY hindi magandang pakiramdam si Belle nang ipatawag siya ni Anton sa opisina nito. Mag-isa lang siyang pinapapunta nito roon. Hindi pa nito pinasabi sa kanya ang dahilan kaya naman lalo siyang nagulo. Ganoon pa man, pumunta pa rin siya dahil boss niya ito.

Nakakaloko ang ngisi ng lalaki nang makita siya kaya lalo siyang kinabahan. Tinignan rin siya nito mula ulo hanggang paa. Hindi na naman bago iyon sa kanya dahil ganoon minsan sa kanya si Jace. Pero kung nag-iinit siya sa tingin ng lalaki, pandidiri naman ang nararamdaman niya kay Anton. Kahit kailan talaga, hindi sila magkakasundo ng lalaki.

“Have a seat,” wika ni Anton habang prenteng nakaupo sa office chair nito.

Sumunod si Belle. “Hmmm… ano po ang pag-uusapan natin?”

“Po?” Natawa sa kanya si Anton. “Don’t be so formal with me, Belle. We’re friends, right? And I am blatant in saying that I want you to be more than my friend…”

Tumikhim si Belle. “Okay. So ano ang dahilan kung bakit mo ako pinatawag?”

Tumingin si Anton sa mga CD na nasa office table nito. Itinulak nito ang mga iyon papunta sa kanya. Walang cover ang CD kaya wala siyang ideya kung ano ba ang mga iyon.

“Hmmm… anong gagawin ko rito?”

Ngumisi si Anton. “Do you want me to play it? Baka hindi mo magustuhan…”

“Say it to me straightly. Ano ang mga CD na ito?”

“Recorded voice,”

“Hindi ko pa rin gets…”

Tumayo si Anton sa kinauupuan nito. Lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya. Nagtaasan ang balahibo niya nang hapitin nito ang baywang niya at bumulong sa tainga niya. “These are recorded conversation of Beauty and the Beast. And it’s so crazy to know that you are the one starring Beauty…”

Parang may bumagsak na bakal sa ulo ni Belle. Namutla rin siya. “H-how did you know? How did you get this?!”

Ngumisi si Anton. “Dapat ay alam mo na, Belle. Baliw na baliw ako sa `yo. I researched about you---“

Pinaningkitan niya ito ng mata. “You’ve stalked me!”

“Whatever it is, I’ve learned about this crazy job of you. I am rich and I have powers so it’s very easy,” ngising-ngisi si Anton. “Totoo nga talaga. There were really people who are just innocent looking in the outside but devil in the inside…”

Nanginginig si Belle. Paano nalaman ni Anton ang lahat? Gusto niyang isipin na imposible. Naniniwala siya na hindi siya kayang traydurin ng kaibigan niya na siyang nag-introduce sa kanya sa agency. Pero kahit na trinaydor man siya ng kaibigan, niloko pa rin siya ng agency.

Ang agency lang ang may hold sa conversations. It was their application. Pero nakalagay sa agreement na hindi ire-record iyon. Isa pa, buong akala niya ay pribado ang lahat ng bagay tungkol sa kanya.

Naloko si Belle. Mukhang isang fraud ang agency. Dahil paano magkakaroon ng recorded voice si Anton `di ba? Ang agency lang ang may kakayahan para roon. O si Beast. Pero nag-aalinlangan siya kung kay Beast talaga iyon galing. Parang wala sa character nito na ire-record ang mga conversations nila at ibebenta pa sa iba. Para saan `di ba? Alam naman niya na mayaman ito. And somehow, she felt like trusting the guy. Sa kabila ng lahat, naging mabait ito sa kanya.

Pero may magagawa pa ba ang galit niya ngayon? Her dirty little secret has been revealed now.

Siguro nga ay tama si Anton. Mayaman ito kaya may kapangyarihan ito. Baliw na baliw rin ito sa kanya kaya ginawa nito ang lahat para malaman ang mga baho niya at gamitan siya ng blackmail.

Anton’s hand trailed on her skin. Tumayo siya para makalayo ito. Tumawa na naman ang lalaki.

“Painosente? You will not convince me already with that, Belle. Pero `wag kang mag-alala, sa kabila ng nalaman ko ay gusto at tanggap pa rin. Yeah, I was fascinated by your innocent face. But I realized, it will be better having a tiger in bed…”

Inabot ni Anton si Belle. Kinilabutan siya, lalo na at mainit ang tingin nito sa kanya. Malakas ang kabog ng puso niya sa sobrang takot.

“Please, Anton. `Wag mong gawin sa akin ito…” Naiiyak na si Belle .

Binitawan naman siya ni Anton. “All right. Hindi naman ako ganoon kasama. I will not harm you or disseminate this information in one condition…”

“A-ano iyon?”

“Date me…”

“Pero---“

Tinaasan siya nito ng isang kilay. “Pero may ibang lalaki na sa buhay mo? Well, I don’t care! Naniniwala ako na kaya hindi mo lang ako naggawang pansinin ay dahil hindi mo naman ako binigyan ng pagkakataon. So I’m asking for a chance now. I want to prove you wrong…”

“Anton…”

“Just one date, Belle. That’s all I ask of you in exchange of the information about you and the CD’s…”

Kung tutuusin, mabait na si Anton sa kondisyon na ibinigay nito sa kanya. Napakalaki at napakasamang impormasyon ang nakuha nito sa kanya. It will ruin her and her family if those information went to public.

Anong sasabihin sa kanya ng pamilya niya kapag nalaman pa ng mga ito ang isa niyang trabaho? Siguradong magbabago ang tingin ng mga ito sa kanya. At ang Papa niya? Siguradong masasaktan ito. Baka nga hindi pa siya nito matanggap dahil sa ginawa niya.

Umaayos na ang Papa niya. Pero natatakot siyang kapag nalaman nito ang lahat ay mas sumama pa ang kondisyon nito. Hindi niya iyon makakaya. Kailangan niyang itago ang sekreto niya.

Naisip rin ni Belle si Jace. Oo, alam nito ang tungkol sa isa pa niyang pagkatao. Pero natatakot siyang baka kapag pinaalala pa niya rito ang nakaraan ay panlamigan na naman siya nito.

Masyado ng masasaktan si Belle kapag nawala pa sa kanya si Jace. Nagiging malapit na sila sa isa’t isa sa paraan na gusto niya. She was feeling that their relationship is not just for physical for Jace. May kasamang emosyon na rin iyon. And she was glad about it. Sa tingin kasi niya, pareho na sila ng nararamdaman. It was something beautiful and she doesn’t want to ruin it again because of her awful past.

Pero sa ginawa sa kanya ngayon ni Anton, sa tingin niya ay kailangan niya ulit na magkaroon pa ng isang sikreto…

“WHERE are you going?” tanong ni Jace kay Belle bago siya tuluyang makalabas ng bahay nila. Tinawagan siya nito sa cell phone.

Nakagat ni Belle ang ibabang labi. Hangga’t puwede ay ayaw niyang makausap si Jace. Ayaw niyang magsinungaling rito.

Pero kailangan…

“Ahmm… Makikipagkita lang ako sa kaibigan ko,”

“Sinong kaibigan?”

“Colleague from work. Okay lang naman `di ba?”

Hindi nagsalita si Jace at naiintindihan naman iyon ni Belle. Napapansin niyang may pagka-protective at possessive sa kanya si Jace. Wala naman sanang problema iyon sa kanya. She could surrender everything to him. She wanted him to be hers so it’s absolutely okay for her if he acts like she was his. Kaya nga lang, dahil sa sitwasyon niya ngayon ay hindi niya puwedeng ipakita kay Jace na payag siya sa ugali nitong iyon.

“Hmmm… bakit mo nga pala naitanong?” tanong na lang niya maya-maya.

“Wala naman. I just want to make plans with you today.” Bumuntong-hininga si Jace sa kabilang linya. “Pero okay lang. Naiintindihan ko. You need to be with your friends, too. Enjoy…”

“Thank you,”

“Just take care,”

“Ikaw rin…” wika ni Belle saka pinatay na ang cell phone.

Mabigat ang loob ni Belle dahil sa ginagawa. Gusto niya pang makausap si Jace. Gusto niyang makasama ito. Pero kailangan niyang magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat.

Just one date…

Walang masama dapat sa pagsunod niya sa gusto ni Anton. It can be just a friendly date. Malaki na rin siya. Naniniwala siya na mapo-protektahan niya ang sarili niya kung may gagawin man na masama sa kanya si Anton. After all, pumayag rin naman ito na sa mall sila mag-date. Pupunta sila sa public place. He couldn’t easily harm her there. Magiging okay rin ang lahat.

Lumabas na si Belle ng bahay. Naglakad siya papunta sa kanto kung saan alam niyang naroroon si Anton. Nag-text ito sa kanya. Mabilis naman nilang nakita ang isa’t isa. Lumabas ito ng kotse para pagbuksan siya ng pinto.

“Thanks, pero hindi mo na naman kailangang gawin ito,”

“I want to and I have to...” wika ni Anton. Hindi kaagad nito isinara ang pinto niya para mag-drive. Sa halip, nakakalokong nginisian pa siya nito.

Napakunot-noo si Belle. Sanay na naman siyang bigyan ng ngisi ni Anton. Pero iba ang ngising ito. Parang ngisi iyon na may pinaplano…at mukhang masama iyon.

Kinabahan lalo si Belle. Pero inalala niyang handa na naman siya kung sakaling may gawing masama sa kanya si Anton. Dahan-dahang kinuha ni Belle ang pepper spray sa bag niya.

Pero mas mabilis si Anton kay Belle. Bago pa man niya mailabas ang sandata ay naunahan na siya nito. May in-spray ito sa harap ng kanyang mukha dahilan para unti-unti siyang mahilo at mawalan ng malay…

RESPECT her, nasa isip-isip ni Jace habang sinusundan niya si Belle. Ewan ba niya pero may masama siyang pakiramdam kasi sa pag-alis ni Belle. O siguro, masama lang ang loob niya. Gusto kasi niyang makasama si Belle. Na-disappoint siya na may plano na pala ito ngayong araw.

Sa mga nakalipas na araw ay nakaramdam si Jace ng pagbabago kay Belle kaya gusto sana niyang lumabas sila. Madalas kasi niya itong nahuhuli na may malalim na iniisip. Naisip niyang baka stress ito sa trabaho at kailangan nito na mag-unwind. Pero nakakalungkot lang na may ibang tao pala na gusto itong makasama na mag-unwind.

Nang tawagan niya si Belle at malaman ang gagawin nito ay nasa tapat na talaga siya ng bahay nito. Hindi lang niya sinabi dahil gusto sana niyang sorpresahin ito. Ganoon pa man, sa kabila ng pagtanggi ni Belle ay hindi siya makaalis.

Alam niyang dapat ay magtiwala siya kay Belle. Personal na buhay nito ang mga kaibigan at hindi niya dapat pinapakialaman iyon. Pero hindi niya mapigilan ang sarili na sundan pa rin ito.

Ganoon pa man, mukhang tama ang ginawa ni Jace. Tama siya nang isipin na may masama ngang mangyayari. Dahil sa pagsunod niya kay Belle, nakita niyang sumama ito sa lalaking hindi naman talaga nito “kaibigan”.

Nagsinungaling sa kanya si Belle.

Kilala ni Jace ang lalaki. It was Anton---ang lalaking nagkakagusto rito sa trabaho. Pero alam na naman niya na hindi ito gusto ni Belle. Hindi rin daw tinuturing nitong kaibigan ang lalaki.

Lalong sumama ang loob ni Jace. Napatiim-bagang siya. Sandaling napatingin siya sa cell phone niya. Gusto niyang tawagan at komprontahin si Belle.

Pero ano ang sasabihin niya? Malalaman nito na sinusundan niya ito. Bagaman alam naman niya na hindi naman iyon kasing sama kagaya ng ginawa nito sa kanya, maiisip pa rin nito na hindi naman niya ito pinagkakatiwalaan. Well, pareho lang din naman. Nagsinungaling ito sa kanya. Sinira nito ang tiwala niya.

Hindi ginawa ni Jace ang naisip. Sa halip, sinundan na lang niya ang kotse kung nasaan si Belle at ang lalaki.

Pero mukhang sinasaktan lang lalo ni Jace ang sarili sa ginawa. Tinakasan ng kulay ang mukha niya nang makitang papasok ang kotse sa isang kilalang motel.

Samu’t saring emosyon ang pumasok sa loob ni Jace sa nakita. Pumayag si Belle na sumama sa lalaking iyon sa motel? Bakit? Paano?

Oo nga at hindi malinaw ang relasyon nila ni Belle. Pero hindi niya matanggap na basta-basta na lang ito sasama sa lalaking iyon.

May masamang reputasyon siya. Isa siyang phone sex operator. She could also be classify as a slut. Kaya ano ba ang ipinagtataka mo, Jace? Susot ng isang bahagi ng utak niya.

“No, no, no…” Pagpapaalis ni Jace sa kanyang naisip.

Ayaw isipin ni Jace na masamang babae si Belle. Hindi na ngayon. Hinayaan na niya itong pumasok sa buhay at ganoon rin sa puso niya. Hindi man niya sigurado ang totoong dahilan kung bakit ginawa ni Belle ang pagiging phone sex operator nito, alam niyang may magandang dahilan ito.

Maganda si Belle. May mabuti itong puso. Nakita na rin niya kung paano ito maalagain sa pamilya nito. Ganoon rin ito sa kanya. Inalagaan siya nito at hindi sinukuan. Dapat ay gawin rin niya ang kapareho.

Pumasok rin si Jace sa motel. Wala siyang pakialam kung pinigilan man siya ng staff ng motel para pasukin ang puwesto kung saan pumasok ang kotse ni Anton.

Kung masama nga ang ginagawa ni Belle, babaguhin niya ito. He will save her from misery.

Pero tama ngang naniwala si Jace sa kabutihang loob ni Belle. Dahil nang makita niya mismo ang dalawa ay may mali sa sitwasyon. Walang malay si Belle!

Hindi ginusto ni Belle ang lahat, bahagyang na-relieve si Jace. Hindi alam ni Belle ang ginagawa nito. Pinagsasamantalahan lang ito ni Anton.

Kung kanina ay kalmado pa si Jace sa pag-iisip sa ginawa sa kanya ni Belle, ngayon ay kumawala na ang galit niya. And it was totally deserved. Anton totally deserved his anger.

“Gago ka!” mura ni Jace kay Anton na isang suntok pa lang naman niya ay tumba na.

“Sir, tama na!” awat na sa kanya ng mga sumunod na tauhan nang makitang sasaktan niya ulit si Anton.

Pero hindi nagpaawat si Jace. Sinipa pa niya ang lalaki. Sa naiiyak na boses ay nagsalita siya. “I will make sure that you go to jail and hell for doing this to the woman that I love…”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.