Sexy Tales Chapter 23

NAPABALIKWAS ng bangon si Alex nang mapaginipan ang nakaraan. Pedophile. Sa pag-aalala na minsang tinawag siyang ganoon ay matinding nanakit na ang ulo niya. Pinagpawisan rin siya. He hated that word. Galit siya sa mga taong ganoon. Higit sa lahat, galit rin siya na minsan na nabansagan siyang ganoon.

Pero masama man ang loob ay pinili ni Alex na panatilihin ang pagkakaibigan sa kambal. Naiintindihan niya rin naman ang mga ito kahit papaano. Mali na makipagrelasyon sa kapatid nito. Napakabata pa ni Addy. Masakit man sa kanya, he let her go. Iniwasan rin niya ito.

Siguro ay kailangan rin niyang iwasan si Addy. Even in the right age, parang bata pa rin ang itsura nito. But just thinking of letting her go again makes him feel mad. Parang hindi na rin niya kakayanin ang sakit kapag pinakawalan niya pa ito. Even in his dreams, he wanted her. He likes to be with her, in sensual and in sweet times.

Kahit isipin man ng iba na mali, gusto pa rin niya si Addy. Ipaglalaban na niya ito sa pagkakataong ito---but of course, if she would let her, too. Pinapasaya siya nito. Sa piling nito ay nakakaramdam siya ng mga pakiramdam na kailangan niya---sensual, comfort and joy. At dahil rin doon, si Addy ang una niyang naisip na tawagan para kumalma siya sa napaginipan.

Alas dos na ng madaling araw. May katagalan rin bago sinagot ni Addy ang cell phone.

“Hmmm…” Just Addy’s sweet voice made him shiver. Napailing si Alex. Mali pa yata ang ginawa niya.

Namawis ulit si Alex pero hindi na dahil sa takot sa panaginip. It simply now just because of Addy’s voice. His whole body, especially his manhood ache. He wanted to crush her in his arms…

Umungol rin si Alex. “I-I need you to be with me, Addy.”

“No.”

“I will pick you up. Wala naman diyan si Adam.” Sa kung anong kadahilanan, nagpaalam raw si Adam na magbabakasyon sa kung saan. Nasa ibang bansa pa rin si Abel. Abala rin sa Cebu ang magulang ni Addy. Wala naman siyang problema sa mga ito.

“Still no. Hindi ko gusto na magpakita ulit sa `yo hanggang hindi mo ako pinapakilala sa pamilya mo.”

Nasira ang mood ni Alex. Noong isang araw pa nila pinagtatalunan ang tungkol roon. Pero nanatili siyang matigas sa pagtanggi rito. Iyon nga lang, nanatili rin na matigas tuloy ang pagkalalaki niya. Ni hindi siya tinatawagan ni Addy. Pinaramdam talaga nito na galit ito.

“Addy---“

Nagulat si Alex nang makarinig ng luha sa kabilang linya. Natunaw ang puso niya. Sinakop rin iyon ng matinding lungkot.

“Akala mo ba ay ikaw lang ang nahihirapan, Xander? Ako rin. Gusto kita. Mahal kita. Mahal pa rin kita. Pero hindi na nga ako humihingi nang malaki sa `yo, eh. Ang hinihingi ko na lang ay ipakilala mo ako sa pamilya mo. Hindi na ako umaasa na sabihin mo sa akin ang salitang mahal mo rin ako. Ang gusto ko lang ay gawin natin ang nararapat lang naman talaga sa dalawang magpakasal---ang lubos na makilala ang isa’t isa. Gusto ko na makilala ang pamilya mo. Mahirap ba talaga iyon?”

Hindi alam ni Addy ang sinasabi nito. Pinoprotektahan lang naman talaga niya ito sa mga tao. Responsibilidad niya na alagaan ito. Hindi niya gustong masaktan ito. Pero kapag inamin niya ang lahat rito, paniguradong matatakot ito. Hindi rin niya iyon gusto, lalo na at baka lalo siyang ma-associate sa isang kakaibang kondisyon ng ama niya.

Hindi siya lubos na kilala ni Addy at ng pamilya nito. May mga sikreto siyang itinatago. Pero lahat naman iyon ay para sa ikabubuti.

Maayos ang pagkakilala sa kanya ng pamilya ni Addy. Ayaw niyang mabahiran siya ng masama kapag nalaman ng mga ito ang nakaraan tungkol sa ama niya.

Kung ano ang puno, siya ang bunga. Palaging umaalingawngaw sa isip ni Alex ang sikat na kataga na iyon. Kaya sa tuwing maalala niya ang tungkol sa pang-aasar sa kanya nina Abel at Adam ay ganoon na lang ang takot niya.

He was not his father. Galit siya rito. He felt in shame being his son. Kaya nga hangga’t puwede, ayaw niyang pumunta ng Greece. Ayaw niyang makita ito. Ayaw niyang makilala ng mga tao na mayroon siyang ganoong klase ng ama. Napaka-walang hiya nito.

Para kay Alex ay hindi dapat na makilala ni Addy ang kanyang ama. His father doesn’t deserved to know about her. Nasa isip niya na wala rin naman itong pakialam. Pero mapilit si Addy.

Deserved ni Addy na malaman ang lahat sa kanya. Deserved nito na makilala ang mga pinagmulan niya. Pero ang malaman nito ang lahat-lahat? Ang baho ng pamilya niya? Natatakot siya. Ayaw niyang mag-iba ang tingin sa kanya ni Addy.

Pero mas ayaw na rin naman niyang magsinungaling kay Addy. Deserved nito na malaman ang katotohanan, gaano man kasakit iyon.

“Yes, mahirap iyon. Napakahirap…”

“Pero bakit? Dahil ba sa hindi ako kagandahan? Ikinahihiya mo ba ako?”

“No way. The truth is, ikinahihiya ko ang pamilya ko. Ikinahihiya ko ang ama ko…” Napapikit si Alex. And with all the bitterness in his heart, he finally said the truth that he knew he cannot keep a secret forever. “My father is a pedophile, Addy. And I am a product of one of his sins…”

“RELAX, Xander…”

Pinandilatan ni Xander si Addy. “How can I? Greece is never a really calm place for me,”

Tinaasan naman niya ito ng isang kilay. “But you almost settled here a month ago,”

“Hindi pa `yun sure. Besides, napilitan lang ako para doon…”

“Fine. Whatever it is, you still don’t have to worry. Alam ko na naman ang lahat at tinanggap ko iyon…”

“Hindi mo pa rin ako naiintindihan. I still don’t want you to be in this damn place,” May inis pa rin sa boses ni Xander.

Napabuntong-hininga si Addy. May parte niya ang nagsasabing na dapat ay ma-guilty siya. Sa kabila kasi ng pag-amin sa kanya ni Xander ng ultimate secret ng buhay nito ay pinilit pa rin niya ito sa kagustuhan na makilala ang pamilya nito. Lumipad sila papunta ng Greece.

Hindi nagbago ang tingin ni Addy kay Xander nang malaman niya ang katotohanan. Pero hindi rin siya nagbago ng desisyon. Wala naman kasi na problema para sa kanya ang lahat. Alam naman niya sa loob niya na hindi siya masasaktan ng ama ni Xander. Hindi siya lalayo kay Xander at alam naman niya na hindi siya nito pababayaan. Feeling niya ay hindi naman harmful talaga ang Daddy ni Xander---well, para sa kanya. Malaki na rin siya. At dahil alam na niya ang kondisyon nito, siyempre ay mag-iingat siya.

Ganoon pa man, gusto pa rin na makilala ni Addy ang pamilya ni Xander. Kung hindi man ang ama nito, kahit ang Tito man lang nito. Gusto rin niyang makapunta ng Greece. Iba pa rin kasi kapag nakita niya ang pinagmulan ng lalaking papakasalan niya, gaano man kakomplikado iyon…

“Seven years old ako noon nang malaman ko ang pambihira na kondisyon ng Daddy ko. Minsan kasi akong nagdala ng kalaro ko sa bahay. My Dad was very fond of my girl playmate back then. Hindi ko binigyan nang malisya dahil wala naman akong alam sa kondisyon niya. Hanggang sa nagalit sa akin ang kalaro ko, hindi na daw siya pupunta sa bahay dahil masama ang Daddy ko. And I’ve heard they file on a case to my father. Narinig ko ang tungkol sa attempted rape at pedophile. I’ve search about them and I was so disgusted. Sa murang edad, pakiramdam ko tuloy ay nawala ang kainosentehan ko.

“But my family is a very powerful here in Greece. My father always gets away on cases, yes, cases. Dahil hindi miminsan na naulit rin iyon---sa anak ng kasambahay namin, even with a child he just saw on the street. It was disgusting. At ang pinaka nakakasama pa ng loob, Daddy is not doing any efforts to stop the bad habit. He ruined a lot of things because of it---his marriage and most of all, his image to him. I disgusts him…” pag-amin sa kanya ni Xander.

“We will be okay,” Pagpapakalma pa rin ni Addy. And as expected, hindi pa rin iyon effective kay Xander. Hinayaan na niya ito.

Umaga na nang makarating sina Xander at Addy sa Santorini, Greece. Sinundo sila roon nang Tito Achilles ni Xander.

“Welcome to Greece,” Kinamayan siya ng Tito nito. Binati pa at kinumusta rin. Binati at nakipag-usap rin naman siya rito.

Mukhang okay naman ang Tito ni Xander. Ayon sa kuwento sa kanya ni Xander ay nasa retirement age na ito. Pero kahit matanda na ay mukhang fresh pa rin naman ito. Parang nasa forties lang ang edad dahil may kaguwapuhan rin na taglay kagaya ng pamangkin. Medyo may hawig rin dito si Xander.

Sa bahay ng Tito ni Xander sila tumuloy. Maganda ang bahay---mas maganda pa nga kaysa sa inaasahan niya. It looks so luxuriously beautiful. Napakayaman pala talaga ng pamilya ni Xander.

Ganoon pa man, mabilis rin naman na nawala ang paghanga ni Addy sa bahay dahil kay Xander. Mas naramdaman kasi niya ang tension nito.

“Are you really sure he is not here?” Tanong ni Xander sa Tito nito.

Tumango ang Tito nito. “I promise. I already told you that he is not living with me for the past few years now,”

“I still want to be sure. I don’t want Addy to be harmed,”

“I know. I won’t let anything bad happen to the both of you. I hope you can learn in your heart to trust me, Alexander…”

Hindi nagsalita si Xander.

“And if you will just listen what I was telling you about his true condition, you will know why it’s impossible to see him here…”

“What condition?” Hindi napigilan ni Addy na sumabat sa usapan.

Tumingin sa kanya si Tito Achilles. Parang alinlangan ito na sumagot. Tumingin ito kay Xander. Kumuyom lang ang palad nito.

Nagtatanong ang mga mata na tumingin siya kay Xander. “What is it, Xander?”

“I-I don’t know.”

“Pero bakit ayaw mong alamin?”

Napapikit si Xander. “Dahil wala na akong pakialam sa kanya.”

“B-but what if he is sick---“

“Matagal na siyang may sakit!” Galit na naman ito.

“Pero paano kung ibang sakit pala iyon? What if it’s fatal? What if he is dying?!”

Hindi sumagot si Xander. Napatingin ulit si Addy kay Tito Achilles. Mukhang wala na kasi yata talaga siyang mapapala kay Xander. Wala na talaga itong pakialam sa ama. Somehow, she understands it. But she has to know the truth, too. Actually, both of them.

“Can you please tell us his father’s current condition?” Hindi na napigilan ni Addy na magtanong.

Tumango ang matanda. Habang inaamin nito ang katotohanan ay tumulo ang luha sa mga mata ni Addy.

HINDI maintindihan ni Alex ang mararamdaman nang makapasok sa loob ng home for the aged. Kahapon pa simula nang aminin ng Tito Achilles niya na naroroon pala ang ama niya. Ilang taon na rin ito roon dahil ilang taon na rin naman simula nang ma-diagnose na may Alzheimer’s disease ito. Bumabalik ang isip nito sa pagkabata. Dahil hindi na kayang alagaan, napagdesisyunan ng Tito Achilles niya na dalhin ito sa home for the aged. Doon kasi ay mas maalagaan ito at may mga makakasama. May mga cases rin daw kasi sa lugar na kagaya ng sa ama.

Ayon sa Tito Achilles ni Xander ay wala pa rin pagbabago sa ama. Tanggap na naman iyon ng Tito niya. Ang gusto na lang rin nito ay malaman niya ang kondisyon ng ama at kung sana nga raw ay madalaw at mapatawad niya. Wala naman siyang kaalam-alam tungkol roon dahil hindi niya gustong magkaroon ng impormasyon sa ama. He disgusts him and it is no secret to his uncle. Naiintindihan naman nito iyon kaya hindi na rin siya nito pinilit. Ilang taon na rin siyang hindi umuuwi ng Greece.

Pero dahil sa nalaman kahapon ay napilitan si Xander na makita ulit ang ama. Addy suggested it. At kahit malaki pa rin ang sakit at pait sa puso niya, nakinig siya sa suggestion nito. Tama rin naman iyon. Wala na sa tamang isip ang ama niya. Matanda na rin ito. At sabi ng Tito niya, sabi ng Doctor ay hindi na masasabi kung hanggang kailan tatagal ito. Bukod kasi sa sakit sa utak ay nagkaroon na rin ng ilang sakit pa raw ang ama niya. Nagkaroon ito ng lung cancer at stage three na iyon ngayon.

“Hindi ko yata kayang tumuloy…” Naiiyak si Addy hindi pa man nila nakikita ang ama niya.

Hinagod niya ang likod nito. “Puwedeng hindi ka na tumuloy. But I will…”

Tinitigan siya ni Addy. “Are you sure?”

Tumango si Alex. Alex’s father is dying. At hindi pa naman siya ganoon kasama para hindi man lang dalawin ito kahit ayaw sana niya. Inisip na lang niya na sa kabila ng lahat, ama pa rin niya ito. Bukod pa roon ay may isang bahagi rin niya ang guilty. Anak pa rin siya nito pero ni hindi man lang niya inalam ang well-being nito sa mga nakalipas na taon.

Kinagat ni Addy ang ibabang labi. Pagkatapos ay umiling. “No. I am coming with you. Kailangan mo rin ng kasama. We are both in this together…”

Sa sinabi ni Addy ay parang lumakas ang loob ni Alex. Aminado siya na mahirap para sa kanya na gawin ito. He doesn’t want to see the demon of his past. Pero ang labanan nga ni Addy ang ayaw rin nitong makitang lugar dahil sa awa, bakit hindi siya?

It feels so good to have someone to face his fears…

Magkahawak kamay na nagpunta sila sa kuwarto kung nasaan ang ama ni Alex. Mag-isa lang ito roon at nakahiga. Bed-ridden na ang ama niya. Nang makita rin sila nito na pumasok ay tinignan sila nito, partikular sa kanya. Titig na titig pa ito bago nagsalita.

“I’m looking at the mirror…”

Lumunok si Alex. “No, you are not…”

Hindi ako kagaya mo. Hinding-hindi ako gagaya sa `yo… Sa kabila ng pagdalaw, malinaw pa rin naman sa isip niya at puso ang galit.

“Are you one of my relatives?”

Hindi pa rin sumagot si Alex. He is not proud to be. Yumuko siya.

“I-if you are, I’m sorry…”

Doon lang ulit napatingala si Alex sa ama. There was a tear in the old man’s eyes. Sincere ba ito?

Hindi sigurado si Alex. May sakit ito. Hindi na malinaw ang pag-iisip nito. Pero kung ano pa man, it should matter.

And it is. A lot. Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ni Alex. Gusto rin niyang maiyak.

The damage has been done. Naging malaki ang impact sa kanya ng sakit ng Daddy niya. Dahil roon ay nasira ang pamilya niya. Hindi na rin niya ito gustong makita dahil na rin sa kahihiyan sa pinagagagawa nito. At ang masaklap pa, ni hindi niya ito nakitaan ng kagustuhan na magbago. He still continued the bad deed.

Pero hindi pa naman huli ang lahat para magpatawad…

“Play?” Maya-maya ay wika ng ama niya. May inilabas ito na dalawang teddy bear na nasa kama nito. Pilit na binibigay nito iyon sa kanya. Doon niya mas napatunayan na wala nga ito sa tamang pag-iisip. Bumalik ito sa pagkabata.

Hindi tinanggap ni Alex ang teddy bear kaya si Addy ang kumuha noon. Tinaasan niya ito ng kilay. Bahagyang naging alerto rin siya. Naalala niya ang dahilan kung bakit ayaw niyang magkita ang ama at si Addy. Natatakot siya na baka pagsamantalahan ito ng ama niya kagaya ng ginawa nito sa Mama niya. Kahit kasi nasa twenties na ay mukhang teenager pa rin si Addy.

But what’s there to worry? Nandito naman siya. Hindi niya pababayaan si Addy. At lalong hindi niya gagawin ang ginawa ng ama niya.

Hindi si Alex ang ama niya. At masaya siya na nakikita iyon ni Addy. She didn’t judge him for his past. Instead, she helped him to let go of it….

Addy is really the one…

Hindi na pinigilan ni Alex si Addy sa pakikipaglaro sa ama niya. He just watched the both of them. And in the first time in his life, he cried…

“THANK you for bringing me in Greece…” wika ni Addy kay Xander nang makasakay na sila ng eroplano. Pabalik na sila ng Pilipinas. Humilig siya sa dibdib nito.

Tumingin sa kanya si Xander. “Ako ang dapat magpasalamat sa `yo, Addy. You helped me let go of the past,”

“That’s the right thing to do. Ginawa ko lang naman ang tama. And that’s not much of a big deal for me…”

“But it is for me,” Huminga nang malalim si Xander. “Gumaan ang pakiramdam ko,”

“Hmmm… Kahit hanggang pagdalaw na lang ang magagawa mo?”

“It still matters. I hated him. I disgusted him…” Tumiim ang bagang ni Xander. “Hindi madali para sa akin ang nangyari. Pero ginawa ko…”

Tumango si Addy. Tama si Xander. Masaya naman siya sa ginawa na effort nito. Nalulungkot nga lang siya na wala ng paraan pa para mabago ang mga pagkakamali ng ama nito sa buhay.

Hinawakan ni Xander ang pisngi niya. “Pero sana ngayong pabalik na tayo ng Pilipinas, at alam mo na ang lahat sa akin ay hindi magbago ang pagtingin mo,”

“Kilala kita, Xander. Mabuti kang tao sa kabila ng lahat. Mahal rin kita. Pinagkakatiwalaan kita. Hindi ka kagaya ng Daddy mo…”

Umiling si Xander. “I-I was judge once. By your brothers…” ikinuwento ni Xander ang tungkol sa dahilan ng pakikipaghiwalay nito sa kanya noon.

“I-I’m sorry about that. Pero hindi ako naniniwalang ganoon ka. Besides, when we are together, I’m already a teenager. Hindi na ako bata talaga noong naging tayo…”

“I was so affected,”

“And I fully understand now,” Si Addy naman ang humaplos sa mukha ng lalaki. “You just cared. At sa mga dahilan at ginawa mo ngayon, masasabi kong mas minahal tuloy kita…”

Natulala si Xander. “Y-you love me,”

“But of course. I still love you despite all the years, Xander…”

“Love…that is a big word, Addy.”

“Alam ko. Pero bata pa lang ako ay iyon na ang nararamdaman ko sa `yo. Gusto kita na makasama. Masaya ako na makasama ka. Heck, kahit ang makita ka lang ay kontento na ako…”

“I feel the same way, too. At hindi na kita kayang pakawalan pa, Addy. Hindi na ulit…”

“Kung ganoon, mahal mo nga ako.”

“Maybe you can conclude it like that.”

“Hmmm… gusto ko na marinig iyon.”

Umiling si Xander. “Hindi dapat ganito ang pinag-uusapan natin, eh.”

“And what are we going to talk about?” Tinaasan niya ito ng isang kilay.

“Nothing. It’s a long flight. Dapat ay natutulog na lang tayo,” Kinindatan siya ni Xander.

Naningkit ang mga mata ni Addy. Mukhang niloloko siya ni Xander. Pero dapat ay patunayan niya rito na hindi lang ito ang puwedeng magloko.

Bumaba ang tingin ni Addy sa pagitan ng hita ni Xander. Napatingin rin naman ito roon.

“W-what are you thinking?”

Ngumisi si Addy. “Mukhang kailangan mo yata ng forcing,”

Namula si Xander. “Addy, nasa eroplano tayo!”

Kinuha ni Addy ang blanket mula sa airline. “So what’s the use of it?”

Umungol si Xander. “Addy, is this the way of forcing me to say those magic words?”

Binuklat na ni Addy ang blanket. She covered the both of them. “Can lust be associated with love?”

Hindi sumagot si Xander. Sinimulan niyang hawakan ang nagsisimula nang bumukol na pagkalalaki nito sa ilalim ng blanket. Napaungol si Xander.

“Siguro. If love is forever, then I can also live in this lust forever…” Pagsagot na ni Xander. “Now, unzip me…”

Nasabik si Addy. Pero malinaw sa kanya na hindi pa tapos ang laro. “What’s the password first?”

“Ayaw talagang paawat, ah.” Natawa si Xander. Pinindot nito ang ilong niya at hinalikan rin naman siya sa labi pagkatapos. “I love you, Addy Salvador…”

Nagningning ang mata ni Addy. “Mrs. Addy Salvador Markos…”

“Music to my ears,” nakangising wika ni Xander. “But you can get back to work again,”

Natawa na lang si Addy at sinunod rin ang plano niya kay Xander.

KAHIT naglalakad na palabas ng eroplano ay hindi pa rin maggawang alisin ni Addy ang sarili sa katawan ni Xander. Maayos na ang lahat sa pagitan nila, well, personally. Sigurado na siya na hindi lang respeto at pagnanasa ang nararamdaman sa kanya ni Xander. Pero paano ang tungkol naman sa pamilya niya? Alam rin niyang ikinatatakot ni Xander ang tungkol roon. Kung minsang tinutulan ng kapatid niya ang relasyon nila Xander, malamang ay ganoon rin ito ngayon.

“I’m really going to miss you…” papalabas pa lang ng arrival area ay naiiyak na si Addy. Bukas pa sila muling magkikita ni Xander. Magpapahinga muna sila bago lilipad patungo sa Cebu para aminin ang relasyon nila at ang balak na pagpapakasal sa pamilya niya.

Hinalikan ni Xander ang noo niya. “Ganoon rin ako. Pero isipin natin na isang araw lang naman ito. Everything is going to be all right. Hindi magtatagal ay hindi mo na ako mami-miss ng ganito.”

Ngumiti si Addy. He was so positive. Ang isipin rin na hindi na siya mawawalay pa rito kapag kasal na sila ay nakapagpawala rin ng lungkot niya. Nahawa siya sa pagiging positibo ni Xander.

Ikiniskis ni Addy ang pisngi sa braso muli ni Xander. Napapikit ito at bahagyang napaungol. “You’re teasing me with what you are doing. The feel of your skin makes me hot again. Parang gusto ko na tuloy na ngayong araw na natin ipagtapat sa pamilya mo ang lahat. Hindi ko na gustong patagalin pa ang lahat.”

“Ipagtapat ang ano, pedo?” Sa gawing kanan ay may sumabat sa usapan nila.

Dahil nanatiling nakahawak kay Xander ay pareho nilang naramdaman ang panginginig ng isa’t isa. Hindi na rin kailangang tumingin ni Addy kay Xander para makita kung namumutla ba ito kagaya niya. Mabilis na inalis ni Addy ang pagkakakapit sa boyfriend.

Ang Kuya Abel ni Addy ang nagsalita. Kasama nito ang Kuya Adam niya. Mukhang may susunduin ito sa airport. O mukhang may sinadya---silang dalawa ni Xander.

“Hey, Pare, nandiyan pala kayo…“ Sinubukan ni Xander na pasiyahin ang boses pero halatang takot pa rin. Sunod-sunod na napalunok ito.

Hindi pinansin ng kambal si Xander. Tumingin ang dalawa kay Addy. “Greece na pala ang Batangas ngayon, ha?”

“Paano niyo nalaman---“

Ginulo ng Kuya Adam niya ang kanyang buhok. “Didn’t you remember? I have a tracking device on your cell phone…”

Nakagat ni Addy ang ibabang labi. Nakalimutan na naman niya iyon! “I’m sorry. Pero `wag kayo na magalit kay Xander. Ako ang may gusto ng lahat ng ito.”

Nagpaliwanag si Addy. May pakiramdam siya na masama ang magiging reaksyon ng mga ito kay Xander. Hindi pa siya ganoon kahanda. Pero handa niyang ipagtanggol si Xander. Ipaglalaban niya ang pag-iibigan nila.

Pero nang matapos ang kanyang paliwanag, hindi nangyari ang pakiramdam ni Addy. Sa halip, inakbayan pa ito ng Kuya Abel niya. “Welcome to the club, brother-in-law!”

Natulala lang si Xander. Ganoon rin si Addy. Napaawang ang labi niya. “H-hindi kayo galit?”

“Galit kami. Nagsikreto kayo, eh. Pero dahil nararamdaman namin na seryoso na ang gago na ito sa `yo.”

“Paanong---“

“Dinala ka niya sa Greece. Ipinakilala sa pamilya niya. He was brave to do that. Kilala namin si Xander. Kung hindi siya seryoso sa `yo, hindi niya gagawin iyon.”

Napakurap si Addy. “Kung ganoon, hindi nga kayo galit? Hindi niyo tutulan ang relasyon namin ni Xander?”

Ang Kuya Abel ni Addy ang sumagot. “Masasabi namin na may takot pa rin kami, Addy. Isa sa mga dahilan kung tinutulan namin ang relasyon niyo ni Alex ay dahil nga pare-pareho kaming playboy. Pero pinatunayan ko na kahit ang playboy ay maaari rin na magbago dahil tignan mo ako `di ba? Umaayaw pa rin ako kay Alex noong una ay dahil wala pa akong nakikitang pagbabago sa kanya. Pero pinagbago ng pananaw namin ngayon sa ginawa niyang pagpapakilala sa `yo sa pamilya niya ang lahat. Mahalaga ka sa kanya para gawin niya iyon.”

“Errrr…” tumingin si Addy kay Xander. “Sana dati mo pa pala ako dinala sa Greece `no?”

Parehong tumaas ang isang kilay ng kambal niyang kapatid. “Sobrang bata mo pa noon!”

Sumimangot si Addy. “Napaka-overprotective niyo talaga!”

“Hindi lang rin iyon. Naging duwag noon si Alex. Sa simpleng pang-aasar lang namin sa kanya ay nilayuan ka na niya agad. Ganoon ba ang nararapat na lalaki para sa kapatid namin?”

“Pang-aasar?”

Ngumisi ang dalawa. “Pedophile…”

“Napakasama niyong dalawa!”

Tumikhim si Xander. “Let’s get over with that. Maging masaya na lang tayong lahat na maayos na ang lahat…”

“Sa ngayon ay maayos ang lahat, Xander. Pero kapag nalaman namin na sinaktan mo ang kapatid namin ay magiging malayo iyon sa maayos. Walang kaibi-kaibigan kapag itong bunso namin ang pinag-uusapan.” Itinaas ng Kuya Adam niya ang kamao.

“Put your trust in me, brothers-in-law,” pinaglipat ni Xander ang parang kinakabahan na ngiti sa mga matatalik na kaibigan.

Ngumisi ng may pagbabanta pa rin sina Kuya Abel at Kuya Adam.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.