“KAKATAPOS lang po niyang kumain?” kumurap-kurap pa si Belle nang makita ang kasambahay na lumabas ng kuwarto. May dala itong tray.
Malungkot na tumango ang kasambahay. “Pero halos wala rin naman siya na kinain.”
Nahawa si Belle sa lungkot ng kasambahay. Pero ang lungkot niya ay may kasamang gigil. Kung nagmatigas si Jace, malamang ay magmamatigas rin ito sa kanya ngayon.
Tatlong araw ng nag-iinarte ang pasyente ni Belle. Ayaw nitong kumain. Kahit sa mga sessions nila ay hindi rin ito nagre-respond. Mainit ang ulo nito palagi. Sinisigawan siya nito kapag nagmamatigas siya.
“Hindi kita kailangan! Wala akong kailangan! Lumayas ka sa harap ko!” iyon ang mga salitang nakukuha niya kay Jace. Ni hindi ito tumitingin sa kanya. Tinatanggihan nito ang lahat ng makakabuti para rito.
Kinausap na niya ang Ate nito tungkol sa lagay nito. Kagaya ng mga kasama sa bahay ay naging malungkot rin ito.
“He is depressed. Nakausap ko na siya pero hindi rin siya nakikinig sa akin. Gusto ko siyang kausapin ng personal. Puntahan at bisitahin diyan sa isla. Pero may mga pangangailangan ngayon ang pamilya ko ngayon na mas importante kaysa sa pinagdadaanan ni Jace.” Bumuntong-hininga si Jackielyn sa kabilang linya. “Pero sana ay huwag mo siyang sukuan, Belle. Sana ay maintindihan mo na may pinagdadaanan lang siya.”
Naiintindihan naman ni Belle si Jace. Pinipilit naman niya na pakisamahan ito. Pero mukhang buong-buo na ang loob ni Jace…
Try and try until you die and when you die, at least you try. Inilagay niya sa isip ang motto niya. Susubukan niya. Kailangan niya. A part of her wanted to see Jace is well. Bukod pa roon, gusto na rin niyang makasama ito. Dahil sa pagtataboy nito sa kanya ay ni hindi niya ito makasama, hindi niya ito mahahawakan at---
Nakagat ni Belle ang ibabang labi. So iyon lang ang habol niya? Ang maka-tsansing kay Jace?
Masyadong naapektuhan ni Jace si Belle. The session, the massage and most of all, that unexpected kiss! Malaking bahagi niya ang nagugulo dahil sa nangyari. Nahihirapan siya na tanggapin, kahit na ba iyon ang nararapat, na hindi na mauulit iyon.
Pero ikaw mismo ang nagsabi na hindi na mauulit iyon, Belle! Sulsol naman ng isang bahagi ng isip niya. May pagsisisi si Belle sa nasabi na iyon. Pero iyon ang dapat. Bakit siya hinalikan ni Jace? Maybe it was just a spur of the moment thing. Hindi niya dapat sineseryoso at iniisip iyon. Isa pa, mali ang maakit sa pasyente niya. Kailangan niyang pigilan ang kanyang sarili.
Bumuntong-hininga si Belle bago pumasok sa kuwarto ni Jace.
“No therapies. Umalis ka na!” Hindi nililingon na wika ni Jace. Nahalata na nito na siya ang pumasok dahil oras na ng physical therapies session nila.
Siyempre, nagmatigas si Belle. Responsibilidad niya si Jace bilang pasyente niya. Pero ngayon ay nagkaroon pa siya ng dahilan para magmatigas nang makita ang pinagkakaabalahan ni Jace. Umiinom ang lalaki!
Malakas ang loob na nilapitan ni Belle ang lalaki. Kinuha niya ang baso sa kamay nito.
“Fuck,” matigas ang mura nito. Nagtagis ang bagang nito. Nilingon na siya nito. “It’s been three days, I know. Pero hindi naman siguro dahilan iyon para maging bingi ka `di ba?”
“As your physical therapist---“
“I don’t need you! Wala akong kailangan! Get out!”
“Sinisira mo ang buhay mo!”
“And who are you to interfere? My wife? My girlfriend?” patuya na wika ni Jace. “I just kissed you, Belle. Pero hindi iyon dahilan para pangunahan mo ako.”
“Alam ko,” kahit medyo masakit iyon para sa parte ni Belle, tinanggap niya.
“Then be understanding and get out of my room!” Inagaw nito sa kanya ang baso. Nagsalin ulit ito ng alak.
Huminga nang malalim si Belle. “You’re depressed, Jace.”
Natigil sa pag-inom ng alak si Jace. Kunot noong tinignan siya nito.
“Nag-aalala kami sa `yo.”
Naglihis ito ng tingin. “Don’t be. I am giving up.”
Nagulat si Belle. “Hindi puwede. Paano mo nasasabi ito? Sinusuportahan ka namin sa kabila ng---”
“You have to feel it by my side then.”
“Jace…” Naramdaman ni Belle ang sakit sa boses ng lalaki.
Bumuntong-hininga si Jace. “Kung iniisip mo ang malaking suweldo na ipinangako sa iyo ni Ate ay makukuha mo pa rin iyon. Kakausapin ko siya at---“
“Hindi iyon ang punto. Hindi ko gustong umalis. Hindi ako aalis. Hindi ka puwedeng sumuko! Makakatayo ka. Makakapaglakad ka muli. Magiging malakas at makaka-recover ka!” lumakas ang boses ni Belle. Nanginginig rin siya.
“You can’t make me. Buhay ko ito. Ako ang magdedesisyon sa buhay ko!”
Naniningkit ang mata ni Belle sa pagiging pasaway ng lalaki. “Let’s have a truce then,”
Tinaasan ni Jace ng isang kilay si Belle.
“Sumubok ka. Kapag naggawa mong makapaglakad o makatayo man lang ulit sa sarili mong paa, you’ll get anything you want from me.”
Desperada na ba si Belle para sabihin iyon? Siguro. Pero nag-aalala siya. Dapat lang naman iyon. Ngayon lang siya naka-encounter ng pasyente na napakabilis sumuko. Mahirap ang kondisyon ni Jace pero maaga pa para masabi na wala na talaga itong pag-asa. Gusto niyang patunayan rito na mali para sumuko ito.
Even it will be on her own expense…
Madilim at mukhang naka-tiim bagang lang ang isinagot ni Jace kay Belle.
BORING. Hindi na mabilang ni Belle kung ilang beses na naramdaman at pumasok sa isip niya iyon. Mahigit isang linggo na siyang hindi nakakapagtrabaho. Naiba na ngayon ang dahilan kung bakit. Hindi na lang siya tinatanggihan ni Jace, umalis na mismo ito ng isla!
“Bumalik si Jace ng Maynila. Sabi niya ay may kailangan raw siyang asikasuhin rito. But he assured me that he will come back there. So ibig sabihin lang noon, you are still employed. Pero kung gusto mo naman na umuwi sa Maynila habang wala siya ay puwede rin naman. I’ll have the yacht ready for you. Kapag bumalik na rin si Jace sa isla ay tatawagan at ipapasundo kita.” Wika ng Ate ni Jace nang ipaalam niya rito ang nangyari. Bilang empleyado, concern siya sa nangyari. Walang paalam na umalis ang kanyang pasyente.
“Salamat po, Ma’am. Wala naman kaso sa akin na manatili sa isla. Pero hindi po ba unfair na empleyado pa rin ako samantalang halata naman na ayaw niya sa akin? Isa pa, bilang PT niya, dapat ay araw-araw niya akong kasama.”
Bumuntong-hininga si Jackielyn Montefalco sa kabilang linya. “Alam ko. Pero hindi mo kasalanan ito. Si Jace ang matigas ang ulo. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng kapatid ko na iyon. Pero isinama naman niya ang isang kasambahay sa pag-alis niya. Sa condominium niya siya tumutuloy. I think he was just really doing something important. Babalik rin siya sa isla. Kakailanganin ka rin niya.”
Pinanghawakan ni Belle ang mga salita na iyon ng kapatid ni Jace. Pero sa pagdaan ng mga araw, pakiramdam niya ay nawawalan na siya ng pag-asa. Wala siyang nakukuhang balita kay Jace.
Marami ang pagkakaabalahan sa isla. May malaking library sa loob ng mansion. Mahilig si Belle sa mga libro kaya natuwa siya. Dahil wala naman na ginagawa, nakaka-lima siyang libro sa isang araw. Pero sa pagdaan ng mga araw ay nakakaramdam na rin siya ng pagka-inip.
Dahil roon, natutukso rin naman si Belle na sundin ang suggestion ng Ate ni Jace. Nami-miss rin niya ang pamilya. Pero naiisip niya si Anton. Ayaw na niyang magulo ng lalaki. Ang sabi ng kanyang Ate Yasmin ay naka-ilang balik na raw doon si Anton nang wala siya. Gustong-gusto raw siya nito na makita. Nangangamba naman siya na kapag bumalik siya ay magpakita muli sa kanya ang lalaki. Sawang-sawa na siya na sa kakulitan at tanggihan ito.
Pero bukod sa pamilya, may isa pa rin na gusto na makita si Belle. Nami-miss niya ang presence ni Jace. Minsan ay naiinis siya sa sarili. Bakit ba niya nami-miss ito? Panay naman ang tanggi nito sa kanya. Napaka-sungit rin nito. Pero masyado na yata talaga siyang naapektuhan ng halik na pinagsaluhan nila. Isama na rin doon ang kakaibang init na binibigay nito sa kanya kapag nahahawakan ito, kahit nga ang mapalapit lang rito.
Napakislot si Belle mula sa kanyang pag-iisip at pagtunganga niya ay tumunog ang kanyang cell phone. Nanginig siya nang makitang si Beast ang caller. Aksidenteng napindot niya ang answer button sa gulat.
“What’s your favorite part of my body to touch, Beauty?”
“Beast, ahmmm---“ hindi napigilan ni Belle na palabasin ang pag-aalinlangan sa boses. Namula siya. Wala siya sa kuwarto. Kasalukuyan siyang nasa beach shore. Alas-singko na ng hapon. Gusto niyang panoorin ang sun set.
Nasa agreement nila na tuwing alas-nuwebe ng gabi hanggang alas-onse lang ito puwedeng tumawag. Mali na tumawag ito sa ganoong oras.
Inaasahan mo na dapat iyon, sulsol naman ng isang bahagi ni Belle. Well, mali siya na sabihin na nakaka-inip ang mga nagdaang araw. Bukod sa libro, si Beast lang ang nakakapagpasabik sa kanya. Araw-araw siya nitong tinatawagan at hindi na rin sumusunod sa agreement nila. Kaninang umaga at tanghali ay tumawag rin ito. At kagaya ng linya nito ngayon, ni hindi rin siya nito binibigyan ng mga panimula sa mga tawag….
“Remember the part when we had sex in the bathroom? Naninigas ako kapag naalala ko iyon. At dahil nasasabi ko ito sa `yo, I’m also remembering it and hard as fuck here. So care to tell me what you are going to do with it?”
“Alam mo, palagi kong naiisip na paano kung ma-stuck tayo sa isang isla. Tayong dalawa. Could you tell me what are the things that we would do there, hmmm?”
Ilan lamang iyon sa mga nagiging linya ni Beast. Ni walang hello. Ito ang nagbibigay ng topic at siya nag-iisip lang siya ng kasunod. Bukod pa sa pagkabigla sa mga oras ng pagtawag nito, nagugulo rin siya sa theme na binibigay nito.
Halos lahat ng theme ng binibigay nito ay parang mga pinagdaananang sitwasyon nila ni Jace. Hindi niya tuloy maiwasang hindi maisip ang lalaki lalo dahil roon. Nahihirapan lalo siya. May mga pagkakataon na hindi siya makasagot kaagad. Pero mas malala ang sa ngayon dahil kahit pribado ang isla, may mga kasambahay pa rin na nakapaligid roon. Wala man ang mga ito kasalukuyan sa paligid ay nakaramdam ng pagkapahiya si Belle.
Hindi gustong gawin ni Belle ang pakikipag-phone sex in public.
“You don’t have any?” may galit sa boses ni Beast nang matagal-tagal rin siyang nakapag-react.
Nakagat ni Belle ang ibabang labi. Galit. Arrogance. Ano na ba talaga ang nangyayari sa kanya? Sa isipin na galit ang kausap niya ay natu-turn on na siya. May naalala na naman siya.
Damn you, Jace!
“C-can you please talk like that?”
“What? Teka nga, gusto mo ba na marinig pa akong magalit?” gulat naman ngayon ang nasa boses ni Beast.
“Hmmm… siguro ay iyon ang paborito kong parte mo. Your arrogance. It’s sexy,” nakaisip naman kaagad ng palusot si Belle.
Hindi nagsalita si Beast. Umungol ito. Muli ay nanginig si Belle. Naapektuhan siya sa ungol ni Beast.
“Paano naman ako?”
“Your innocence…”
“Am I really?”
“Ganoon ang nakikita ko sa mukha mo, Be---, I mean, Beauty.”
Sandaling tumigil ang puso ni Belle. For a while, naisip niya na “Belle” ang sasabihin nito. Pero hindi siya nito kilala talaga, paano nito malalaman ang pangalan niya?
I am really mad about Jace, nasa isip-isip niya. Dahil iniisip niya si Jace ang kausap niya kapag nakakausap si Beast ay nawawala sa isip niya na hindi talaga sila magkakilala.
“And you are lusting innocent girls?”
“Everything about you is worth lusting, Beauty.”
Toot. Toot.
Pinatayan na naman ni Beast ng tawag si Belle. Pero hindi noon napigil ang paglakas ng kabog ng puso niya.
Naramdaman ni Belle ang kaseryosohan sa tinig at sinabi ni Beast. Parang gustong-gusto siya nito at hindi siya pagsasawaan nito. In a way, naapektuhan siya noon. Natuwa siya roon. Napalapit na siya kay Beast. Kahit mali sa iba ang ginagawa nila, may saya rin naman na dinadala ito sa kanya.
Pero inisip niya na hanggang salita lang naman iyon. Kahit siya nga ay pinepeke iyon. Bakit hindi si Beast `di ba?
Very wrong, iyon ang tamang i-describe sa buhay ni Belle ngayon. She was lusting over her patient and at the same time, her caller. Napaka-imposibleng patulan siya pero nangangarap siya. Napaka-unprofessional niya.
Pero napakahirap balewalain ng tawag ng laman…
“MAY YATE NA PAPARATING!”
Kasing lakas ng sigaw ng hardinero ang naging tibok ng puso ni Belle nang marinig iyon. Kasalukuyan siyang nasa kusina kasama ang mga kasambahay. Nag-aalmusal sila. Naunang natapos ang hardinero kaya nakalabas na ito.
“Si Sir Jace na `yan!” wika ng isang kasambahay. Masayang tinignan pa siya ng nagsalita. “Ayan, hindi ka na maiinip. Nandiyan na ang amo natin.”
“Pero sigurado nga kaya na si Jace na iyon?”
“Bakit hindi mo tignan `di ba?” kinindatan pa siya nito.
Umaasa si Belle na si Jace na nga iyon. Wala silang inaasahan na darating kung hindi ito lamang. Dalawang linggo na rin simula nang umalis ito.
Kinalma ni Belle ang sarili niya. Gusto niya na makita si Jace `di ba? Nandito na ang lalaki. Hindi dapat siya pinangungunahan ng excitement niya na pakiramdam niya ay nanghihina naman siya.
Tumingin muna si Belle sa salamin bago sinunod ang kasambahay. Nang makalabas siya ng mansion, naka-daong na ang yate sa dock ng isla. Nakita niyang lumabas mula roon ang kasambahay na isinama ni Jace sa Maynila. Kasunod rin nito si Jace na nasa wheel chair pa rin. Itinulak ng kasambahay si Jace sa pagbaba ng yate.
Nalungkot si Belle sa nakitang lagay ni Jace. Wala pa rin na ipinagbago si Jace sa nakalipas na dalawang linggo. Mukhang walang improvement. Pero tama bang lungkot lamang ang maramdaman niya? Dapat ay masaya rin siya. At least, hindi nito magagawa ang pangako niya na kung makatayo ito ay gagawin niya ang lahat para rito. Hindi siya nito maabuso.
Pero teka, ayaw ba talaga niyang maabuso?
Nakagat ni Belle ang ibabang labi. May naiisip siyang klase ng pang-aabuso. Nag-init kaagad ang katawan niya roon.
She wanted him.
Unti-unting lumapit sina Jace at ang kasambahay. Nakita kaagad siya nito. Sinalubong nito ang mata niya. Isang tingin na parang ayaw na siyang pakawalan…
At nakita ni Belle ang dahilan kung bakit niya pinagnanasaan rin ang lalaking ito.
Nagsalubong ang mga mata nilang dalawa. Belle could swear that the air hissed and crackled in a crazy mutual attraction…
Nakakatakot iyon. Binigyan noon ng eratikong pagtibok ang kanyang puso. But it was hard to unglue her gaze from him…
Tumigil ang wheel chair ni Jace sa harapan ni Belle.
“Hi…?” Hindi pa rin kumukurap na wika ni Belle. Sa paglipat ni Jace ay parang naging tanghali na sa lugar. Simpleng T-shirt at pantalon lang naman ang suot nito pero masasabi niyang mas naging guwapo pa ito kaysa sa dati. He looked hotter than ever.
Ngumisi si Jace kay Belle. May tumulo ng pawis sa mukha niya. Parang kaunti na lang rin at sasabog na ang loob niya.
Pero parang ganoon talaga ang gusto ni Jace. Humawak si Jace sa arm chair ng wheelchair nito. Inangat nito ang sarili mula roon…para tumayo.
Nakatayo ang lalaki sa sariling paa nito!
Doon lang naggawang kumurap ni Belle.
Kapag naggawa mong makapaglakad o makatayo man lamang muli sa sarili mong paa, you’ll get anything you want from me. Umalingawngaw sa isip niya ang binitawang truce kay Jace.
And a strange exciting thrill travelled down Belle’s spine thinking about what Jace would want from her…