Hindi inaasahan ni Margaux na magiging bisita niya si Paul isang linggo matapos niyang ma-confine. Mabuti na lang at naroon ang kanyang ina kaya napigilan ang balak niyang pagpapalayas kay Paul. Ngunit nang makilala ng kanyang ina kung sino ang bisita niya ay kitang-kita niya kung paanong nagngingit ang kanyang ina. Ramdam niya ang galit na pilit lang nitong itinatago. Nasa garden sila noon ng ospital dahil gusto niyang magpahangin.
“Sabihin mo na ang sasabihin mo, Paul. Kailangan ko pang magpahinga.” Malamig niyang sabi kay Paul. Nakita niyang nilingon nito ang kanyang ina na nasa kanyang likuran. “Hindi aalis si Mama. Sabihin mo na ang sasabihin mo.”
Naramdaman naman niya ang paghawak ng kanyang ina sa kanyang balikat. “Kailangan n’yong mag-usap.”
“Pero, Ma-”
“Hindi naman ako lalayo. Babantayan kita.” Agap ng kanyang ina. Wala siyang nagawa kundi harapin si Paul nang lumayo na ang kanyang ina.
Hindi kumilos si Paul. Nanatili lamang itong nakatayo malapit sa kanyang wheelchair. The awkwardness was a contain. At nahihirapan siyang ikalma ang sarili dahil galit siya sa kaharap niya.
“Gusto ko lang masigurado kung talagang nagka-miscarriage ka.” Sabi ni Paul at ganoon na lang ang pag-ismid niya. Wala talagang pagpapahalaga sa kanya si Paul.
“Kung gusto mo pumunta ka sa PGH. Tingnan mo ang records ko do’n noong ma-confine ako.” Sagot niya at tiningnan niya nang hindi natutuwa si Paul. “Paul, naman. Hindi naman ako kasing sama mo. Hindi ko ipagkakait sa’yo ang baby kung nabuhay man s’ya.”
Nag-iwas ng tingin si Paul. “Nabalitaan ko na…sina Kevin pala ang naka-trouble mo.”
“Trouble talaga ha. Alam mo, Paul. Non-sense na ‘tong pag-uusap natin.Tutal naman nasiguro mo nang hindi ako nagsisinungaling. Pwede ka nang umalis. At sana rin ‘wag ka nang bumalik. Nakaka-stress ka eh.” Sabi niya.
Narinig ang pagbuga ng hangin nito. “Pasensya na sa nangyari. Magulo ang isip ko no’n kaya sumunod na lang ako kina Mommy. Bata pa kasi tayo eh. Ayoko rin naman na masira ang pangarap nina Mommy para sa’kin.”
“At sa tingin mo wala akong pangarap kaya iniwan mo ‘ko. Galing mo.” Puno ng panunumbat ang mga salit ni Margaux. Kung kaya lang niyang makatayo ay inabot na niya ito at pinagsusuntok.
“Huwag mo sa’kin isisi ang lahat, Margaux. From the start, we both know that we are just playing around. Alam mong hindi seryoso ang relasyon natin. And besides, ikaw ang bitter at magulo ang buhay nang magkakilala tayo. Ikaw naman mismo ang problema. In fact, you only made me your escape paradise. Para lang makawala ka sa totoong mundo mo. Kung ginawa ko man ‘yon, it is only because you don’t look like you want to be treated good. Nagpunta ka sa’kin dahil ikaw mismo sinisira mo buhay mo. Ikaw ang lumapit hindi ako.” Mahabang sabi ni Paul pagganti sa panunumbat niya.
“Gago ka talaga.” Puno ng galit at hinanakit niyang saad.
He only snorted. “Admit it, Margaux. If I need to fix myself. You also need it. Tayo ang sumira sa buhay mo. Hindi lang ako.”
Nangilid ang luha ni Margaux. Nasasaktan siya sa mga sinasabi ni Paul. He was so hard on her. Wala talaga itong pagpapahalaga sa kanya.
“Umalis ka na.” Saad niya kay paul bago pa nito makita ang pagluha niya. Hindi na kailangang ipamukha sa kanya ni Paul kung gaano kababa ng tingin nito sa kanya.
“Hindi naman natin minahal ang isa’t-isa. We only needed each other. Nothing more. Aaminin ko sa’yo na nasasaktan ako kasi akala ko may babalikan akong anak. On that part, I want to kill myself. Gago talaga ako. Pero ano pang magagawa natin? Shits do really happen. I just hope maka-recover ka. And face a better life. Alam ko hindi ko dapat sinasabi sa’yo ‘to kasi malaki ang kasalanan ko sa’yo. But…we both need it. Just good luck.”
“Margaux.” May tumawag sa kanya at paglingon niya ay papalapit na si Jaiden. Seryoso ang mukha nito at kaagad niyang nakita ang matalim na tinging ipinukol nito kay Paul. Kinabahan tuloy siya.
“Paul.”
“Jaiden.” Pagbabatian ng dalawang binata.
Kaagad na lumapit si Jaiden sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Tumingin muna ito sa kanya saka muling bumalik kay Paul.
“Kailan ka dumating?”
“Last week. Pero babalik din ako kaagad. Sembreak lang kasi kaya nakauwi ako.” Sagot ni Paul.
“Bumisita lang s’ya pero paalis na rin naman eh.” Sabad niya sabay tingin kay Paul.
“Kayo na pala.” Imbes na umalis na ay sinabi pa ni Paul iyon.
“Oo. Bakit? Bawal ba?” Si Jaiden ang sumagot.
“Wala naman akong sinabing gano’n. Why hitting me like that?” Ani Paul halatang hindi ikinatuwa ang inasal ni Jaiden. She sensed fight again.
“Guys.” Pagsaway niya sa mga ito.
“Ano bang ginagawa mo dito?” Walang kangiti-ngiting tanong ni Jaiden.
“Binibisita ang ex ko. There’s nothing wrong with that. May pinagsamahan naman kami ah.” Tila nang-aasar pang sagot ni Paul.
“Umalis ka na, Paul. Hindi ka kailangan dito.” May galit na sagot ni Jaiden.
Tumawa si Paul. “Wow. A hero boyfriend?”
“Tama na, please.” Aniya sa mga ito. “Paul, umalis ka na.” Hindi kumilos si Paul. “Paul, ano ba? Umalis ka na sabi eh.”
Wala nang iba pang sinabi si Paul at kumilos na lang papalakad at bago pa tuluyang umalis at hinawakan pa nito ang kamay niyang nasa armrest ng wheelchair.
“I’m sorry.” Sabi nito saka bumitaw at tuluyan nang lumakad palayo. Narinig naman niya ang marahas na paghinga ni Jaiden.
She then let her tears fall down. It flowed rapidly. Totoo ang lahat ng sinabi ni Paul. Ito lamang ang tanging taon nagsampal sa kanya ng katotohonan sa kanya. Kung gaano na unti-unting nawawasak ang buhay niya. Na kahit na anong gawin niyang paggawa ng tama ay walang silbi dahil hindi niya matanggap sa kanyang sarili na ang kanyang pagkakamali. Na pilit niyang isinisisi sa mga taong nakapaligid sa kanya ang lahat ng masasamang nangyari sa kanya. She thought the world made her miserable while in fact it was her.
“Margaux-”
“Jaiden, please.” Agap niya. Pinahid niya ang luha sa kanyang pisngi.
“Bakit ba kasi kinausap mo pa ‘yon? Mabuti na lang-”
“Jaiden.” Aniya at pinigil ito. “Tama na. Tama na ang ginagawa mo. Hindi mo kailangang iligtas ako sa lahat ng oras. Hindi mo kailangang maging superhero ko palagi. ‘Wag mong gawing trabaho ‘yon. Hindi mo ‘ko obligasyon.”
“Margaux.” Tila hindi naman makapaniwalang sabi nito. “Obligasyon ko ‘yon dahil mahal-”
“Mahal?” Sabi niya na muli pinutol ang mga sasabihin nito. “Pa’no mo nasasabing mahal mo ‘ko? Ni hindi mo ako lubos na kilala.”
“Kilala kita.”
She snorted. Kailangan niyang gawin iyon kay Jaiden. Upang gisingin ito katotohanan. “Alam mo ba ang pinag-uusapan namin ni Paul bago ka dumating?”
“Hindi.” Mabilis nitong sagot. “At hindi ko na kailangang malaman.”
“Nabuntis ako ni Paul.” Agap niya at nakita niyang natigilan ito. “Pumunta s’ya dito kasi akala n’ya makikita n’ya ang anak. Pero ang totoo hindi natuloy ‘yon. Nakunan ako.”
Hindi umimik si Jaiden. Naupo lang ito sa garden chair at malayo ang naging tingin. At bumilang ang ilang sandali ng katahimikan sa pagitan nila. Naisip ni Margaux na marahil in-absorb ni Jaiden ang narinig nito.
“Kumain ka na ba?” Tanong nito kalaunan. “May dala ko. Ibinigay ko kay Tita.”
“Umalis ka na.” Imbes ay tugon niya. Lumingon sa kanya ang binata ngunit nag-iwas siya ng tingin.
Tila timinbang ni Jaiden ang sinabi niya at matapos ang matagal na pagtitig sa kanya at tumayo ito. Saka walang salitang naglakad palayo.
“Anak.” Muling lumapit ang kanyang ina sa kanya. “Mauuna na daw si Jaiden sa kwarto mo. Ihahanda daw ang dala n’yang pagkain.”
Muli siyang napaluha. “Pakisabi, Ma, ayoko muna ng kausap. Pauwiin n’yo na muna s’ya. Sabihin n’yo magpahinga na muna s’ya. Sobra nang pag-aalaga ang ginagawa n’ya sa’kin. Kung pwede rin, Ma, pakisabi sa kanya ‘wag na rin s’yang babalik dito.”
“Sigurado ka?” Anang kanyang ina na titig na titig sa kanya. Tumango siya. “Sige, sasabihin ko.”
“Salamat, Ma.”
Dalawang linggo pa ang lumipas bago nakalabas ng ospital si Margaux. At sa bawat araw ng pagpapagaling niya ay pinilit niyang huwag papuntahin si Jaiden. Mariin niyang sinabihan ang kanyang ina na huwag na itong patuluyin sakali mang dumating. At sa bawat pagpipigil niya ay lalo naman siyang nasasaktan. Aminado naman siyang miss na miss na rin niya ang binata. Gustung-gusto na rin niyang makita at makausap ito. Ngunit kailangan niyang panindigan ang kanyang desisyon. Tama si Paul. Kailangan na niyang harapin ang problema. At kailangan niyang harapin nang mag-isa iyon.
“Hi.”
Naptunghay si Margaux nang marinig ang tinig ni kuya Geoff. Akma siyang tatayo ngunit pinigilan siya nito.
“No, no, no.” Anito at inalalayan pa siyang maupong muli. “I told you that you don’t have to do that.”
Napapahiyang napangiti siya. Naupo naman ito sa katapat na upuan. “Pinaa-amaze mo talaga sa gesture mong ‘yon. Hindi ka naman lalaki para magpaka-gentle man. Anyway, are sure okay ka na? Pwede ka na bang lumabas nang ganito? Hindi malapit ang restaurant ko para puntahan mo pa ‘ko. Nag-text ka na lang sana para napuntahan na lang kita.”
She smiled. “Okay na ‘ko. Papagaling naman na ‘ko.”
Gumanti ito ng ngiti. “That’s good to hear. So…are we going to talk about..?”
“Jaiden.” She supplied.
Umangat ang kamay nito tanda ng pagtawag ng isang waiter. May mga sinabi ito nang makalapit ang isang staff. Nagpapahanda ito ng pagkain.
“Ah, light meal pa lang pwede sa’kin, Kuya.” Aniya.
“Don’t worry. Light lang ang sinabi kong pagkain.” Sagot naman nito. “Anong tungkol kay Jaiden ang pag-uusapan natin?”
“Hindi na kami dapat mag-usap.” Walang gatol niyang sabi. Hindi na niyang kayang pahabain pa ang usapan para lamang masaktan siya.
“Hindi mo ba muna s’ya kukumustahin?” tanong ni Geoff.
“Alam ko namang okay s’ya.”
Nagbuntong-hininga ito. “So, how do you want to put this? Makikipag-aarange ka ba sa’kin tungkol sa kanya? O makikiusap kang ‘wag ko na kayong hadlangan?”
Hindi kaagad nakaimik si Margaux. Ngunit tila napansin nito ang pagkamaang niya.
“Look, Margaux. ‘Wag mo sanang masamain kung naging medyo cold ako. Okay na ba ‘yong pinoprotektahan ko lang ang kapatid ko bilang dahilan? Wala na ang parents namin kaya gano’n na lang ang concern ko sa kanya.” Saad ni Geoff.
“Pwede n’yo ba s’yang isama sa New York?” Tanong niya na ikinagulat nito.
Kumunot ang noo ni Geoff. “Bakit? Para saan?”
“Kung gusto mo talagang protektahan ang kapatid mo, isama mo s’ya. Ilayo mo s’ya sa’kin.” Aniya.
Umangat ang kamay nito. Alam niyang naguluhan ito. “Wait, Margaux. Naguguluhan ako sa’yo.”
“Hindi ako magandang influence kay Jaiden. Hindi matutupad ang gusto mo para sa kanya kung narito s’ya at malapit ako sa kanya.” Sabi niya sa nahihirapang paraan.
“Inuutusan mo ba ‘ko sa kung anong tama para sa kapatid ko?” Tugon naman ni Geoff.
“Gulo lang ang dala ko sa buhay ni Jaiden.” Sabi niya.
Sumandal si Geoff sa upuan. “Mahal ka ng kapatid ko.”
Nag-iwas siya ng tingin. “This is for his own good.”
Nakita niya ang pagbuntong-hininga ito. “You love my brother so much to have the guts to say that to me.”
Napatingin siya kay kuya Geoff. Hindi na niyang kayang itanggi ang totoo niyang nararamdaman. Tama ito na mahal niya si Jaiden. At dahil sa pagmamahal ring iyon kung bakit niya gustong layuan ang binata. Dahil kung mananatili sila sa buhay ng isa’t-isa ay maaaring iyon pa ang maging dahilan upang masira ang buhay ni Jaiden. May magandang kinabukasang kailangang harapan si Jaiden. Samantalang siya ay tila mag-uumpisa pa lamang muling buuin ang sarili.
Her life could be worse. Maaaring hindi niya makayanan ang lahat at lalo siyang lumubog sa kalungkutang nakabalot sa kanya. At ayaw niyang isugal si Jaiden. Hindi niya kakayaning makita itong nadadamay sa isang walang kwentang buhay na tinatahak niya.
“Nakikiusap ako, Kuya Geoff. Ilayo n’yo sa’kin si Jaiden. Hangga’t kaya ko pang sabihin sa inyo. Hangga’t kaya ko pang pigilan ang sarili kong ipaglaban s’ya. Dahil kung magtatagal pang alam kong and’yan s’ya at ipaglalaban n’ya ‘ko, hindi ko na kakayaning pigilan ang sarili ko. Para kong fantasy world si Jaiden. Inaalis n’ya sa’kin ang reyalidad ng buhay ko. Masyado n’ya akong pinapasaya na nakakalimutan ko nang marami akong dapat ayusin sa buhay ko. Lagi s’yang and’yan para sa’kin. At alam kong kaya pa n’yang gumawa ng ibang bagay mahalin lang ako. Pero mali.”
Muling nagtaka si Geoff. “Maling mahalin ka ni Jaiden?”
Nasasaktan siyang tumango. “Dahil hindi kailangan ni Jaiden ng taong kailangan n’yang ayusin. He deserves the greatest love he could have. At hindi ako ‘yon. Wala akong tamang maidudulot sa kanya.”
Hindi kaagad nakatugon si Geoff. Nakatitig lang ito sa kanya at tila nahihirapang tanggapin ang sinasabi niya. Alam niyang naiintindihan siya nito. Pareho nilang pinahahalagahan si Jaiden.
“Sinasabi mo bang isinusuko mo na ang kapatid ko?” Kalauna’y tanong nito.
Nanikip ang dibdib ni Margaux sa tanong nito. Masakit isiping ganoon ang ginagawa niya. Para na rin niyang ipinagtatabuyan si Jaiden. Subalit iyon ang nakikita niyang dapat mangyari.
“Siguro.” Nangingilid ang luha niyang sagot. “Hindi ko rin alam kung tamang kausapin ko kayo at sabihin ang mga sinabi ko. All I know is that you care for him as much I care for him. Kakayanin kong malayo sa kanya kaysa naman masira ang buhay n’ya dahil minahal n’ya ako. Pareho lang kaming masasaktan kung sakali.”
Malalim muli ang naging buntong-hininga nito. “Ito ba talaga ang gusto mo?”
Nagbaba siya ng tingin sabay tumango. Saka nagsimulang tumulo ang luha. Nagdesisyon na siya. Tatapusin niya ang lahat sa kanila ng binata.
“Margaux.” Ani Geoff ngunit imbes na tingin ito ay tumayo siya at hindi na ito pinansin. Dali-dali siyang lumabas ng restaurant at hindi na nilingon ang tumatawag na si Geoff.
Napatayo si Margaux mula sa pagkakaupo sa batong flower box nang mamataan ang paparating na sasakyan. Inabangan niya ang pagbaba ng sakay niyon. Doon siya nagtungo matapos manggaling sa restaurant ni Kuya Geoff. She really needed someone to talk. Isang taong makikinig lamang sa kanya.
Mula sa likuran bahagi ng sasakyan ay bumaba si Dra. Alegre at nagulat nang makita siya. Natitigilan itong tumingin sa kanya.
“Margaux?” Hindi ito makapaniwala. Nilapitan niya ito at sa hindi malaman dahilan ay mabilis na namuo ang luha niya.
“Pwede po ba kayong makausap?” Tanong niya matapos ang isang hikbi.
Bahagya itong ngumiti saka lumapit sa kanya at niyakap siya. Isang mahigpit na yakap ng isang kaibigang handang makinig.
“Oo naman. Ikaw lang naman ang hinihintay ko.” Sabi ni Dra. Alegre at iginiya na siya papasok ng bahay nito.