SHE KNOWS LOVE Chapter 5

“Wala po talaga.” Nanlumo si Margaux nang sa panglimang ulit ay sinabi ng attendant ng Lost and Found ng school library na wala doon ang kanyang library card. May ilang beses niyang pinakalkal sa mga naipong nawawalang card sa pag-asang nadala doon ang sa kanya.

Kanina lang niya kasi napansin na nawala ang card niya nang maalala niyang paso na pala ang permit ng nahiram niyang libro kaya kailangan na niya iyong ibalik. Ngunit pagdating niya sa library at hiningi ang card niya ay nagulat siya.

“Tingnan mo ulit.” Sabi niya himig nangungulit ito.

Nakita niya ang pag-ismid ng batang estudyante. “Nakailang ulit na talaga ako. Kung gusto mo po ikaw na lang.”

Naghihimutok ng sabi ng attendant at iniabot ang container na may lamang mga card. Lumabi sya. Kailangan niyang mahanap ang card niya. Penalty ang naghihintay sa kanya. Hindi pa siya makakapasok sa library. Makapasok man ay kailangan muna mag-declare ng loss. Lalakarin pa niya iyon sa administration. Abalang katakut-takot. Wala siyang panahon sa ganoon bagay.

“Sige, salamat na lang.” Malungkot niya sabi sabay balik sa container. Saka nakasimangot na lumabas ng library.

Badtrip si Margaux. Mahalaga sa kanya ang library card niya. Dahil sa silid-aklatan niya nakakahanap ang peace of mind. Sa library, walang masyadong tao. May ilan man na tinitingnan siya ngunit hindi naman siya maaaring pagsalitaan nang masasama dahil bawal ang maingay. At sa library din siya malaya.

Naupo siya batong upuan sa gilid ng library at dismayadong kumamot sa ulo. Hawak pa rin niya ang nahiram na libro. Maisasauli naman niya iyon ay malalaman naman ng librarian na nawala ang card niya.Wala naman siyang pambayad ng penalty. Pamasahe nga lang pauwi ang dala niyang pera. Half day kasi ang schedule niya noong araw na iyon at uuwin din kaagad.

“Hi.”

Hindi na niya kailanganing lingunin at alamin ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Umikot na lang ang kanyang mata at pilit na winaglit ang kabang biglang naramdaman.

“Kumusta?” Tanong ni Jaiden kahit hindi niya sinagot ang ‘Hi’ nito. Mapangahas pa itong naupo sa tabi niya.

“Bad mood ka ‘ata.” Sabi pa nito.

“Mainit eh.” Maiksi at walang gana niyang sagot. Kunwa’y abala siya sa pagbabasa. Ngunit sa sulok ng kanyang mga mata ay nakikita naman niya ang binata. Kaya nakita niyang pagngiti nito.

“Gano’n ba?” saad nito at sa gulat niya at bigla siyang pinaypayan ng dala nitong binder. “Okay na?”

Hindi niya pinansin ang ginagawa nito bagkus kumuha siya ng chewing gum sa bag niya at inalisan iyon ng balat. Saka animo’y wala siyang kasamang isinubo iyon.

“Parang galing ka sa loob. Madalas ka bang tumambay sa library?” panay ang tanong nito.

“Oo. Hindi kasi ‘yan tinatambayan ng mga mayayabang na model.” Sagot niya habang panay ang nguya.

Itinigil nito ang pagpaypay sa kanya. “Mayabang ba ako?”

Hindi niya ito sinagot o tiningnan. Dahil alam niyang kapag ginawa niya iyon ay ipapahamak lamang niya ang sarili. She knew about the beautiful face sitting right beside her. At naiinis na siya dahil hindi pa siya lubayan nito. Hindi kasi siya kumportable. Kung dahil sa ilang o inis ay hindi niya alam.

“Nanghihiram ka pala ng books.” Ani Jaiden. Bagot niyan ibinaba ang binabasang libro.

“Ano bang kailangan mo sa’kin at panay ang lapit mo?”

Tinitigan siya ni Jaiden. Then she gaped. Parang na-stuck up ang puso niya nang ilang pintig. Magkatabi sila. Kaya natural na magkalapit sila. And she can really feel the awkwardness. Mata pa lang ni Jaiden ay nakakaenganyo na. Halos perpekto ang facial features nito. Katamtaman ang kapal ng labi at matangos ang ilong. Mapusyaw at makinis ang balat ni Jaiden. Pakiramdam nga niya ay mas maganda pa ang balat nito sa kanya. Hindi na magtataka ang kahit sino na isang model ito. He has all the right to be one.

“Ikaw ang may kailangan sa’kin, actually.” Saad nito.

Nagtaka siya. “Wala akong kailangan sa’yo.”

He smiled.

‘Lintek naman ‘tong si Jaiden. Ngumiti pa talaga.’ Protesta ng kanyang isip ngunit talagang kinakaban siya.

“Meron.” Agap nito. “Wala bang nawawala sa’yo?”

Umismid siya. “Wala. Baka sa’yo meron. ‘Yang katinuan mo. Hindi ka ba nag-aalala sa sasabihin sa’yo ng ibang tao? Baka ma-issue tayo. Ikaw rin. Masisira ang image mo.”

“Wala ‘kong pakialam.” Sagot ni Jaiden.

She got irritated right away. Sa lahat ng katagang ayaw na ayaw niyang marinig ay ang kasasabi lamang ni Jaiden. She used to believed that stupid words. Ngunit pinaasa lamang siya ng salitang iyon. Sinaktan pa.

“Layuan mo nga ako.” Pagtataboy niya. She was starting really feel uneasy. Sumagi na naman kasi sa kanya ang nangyaring paghalik niya. At hindi siya kumportable sa eksenang iyon.

“Ahm…” sabi ni Jaiden at naramdaman niya na may kinuha ito sa bulsa nito. Hindi niya napigilang tingnan iyon. “…May napulot kasi akong-”

“Akin ‘yan!” Gulat man ay mabilis siyang kumilos upang agawin ang card mula kay Jaiden ngunit mas mabilis ito.

“Hey, hindi ‘no.” Nakangisi nitong sabi nang at mabilis na nakalayo sa kanya. Napatayo na rin siya. Mabilis niyang nakita ang pangalan niya sa cover ng card. At hindi siya slow para hindi mabasa iyon.

“Akin sabi ‘yan eh.” Pagpipilit niya. Talagang sinasagad siya ni Jaiden. Naikuyom niya ang mga palad sa pagpipigil ng inis. “Pwede ba? Wala akong panahon makipaglokohan sa’yo.”

“Sa isang kondisyon.”

“Kondisyon mo mukha mo. Akin na nga ‘yan!” galit niyang agap saka muling tinangkang agawin ang card. Ngunit muling nakaiwas si Jaiden.

Malakas siyang pumalatak sabay kamot sa ulo. “Kung iniisip mo na hahalikan kita ulit dahil sa card na ‘yan, eh, maninigas ang ngalangala mo. Akin na ‘yan. Sinasayang mo ang oras ko.”

Dahan-dahang ngumiti si Jaiden. Napangiwi siya. Nalilito na siya sa gustong mangyari ni Jaiden. Bakit ba hindi pa siya tantanan ng binata? Ayaw na niyang muling magulo ang mundo niya. Ayaw na niyang muling umasa ang puso niya. Ngunit heto si Jaiden Vilandre na laging ginugulo ang pananahimik niya. Binubuksan ang isang puwang na pilit niyang isinasara. Kahit galit siya dito, napapangiti naman ni Jaiden nang lihim ang kalooban niya.

“Okay lang sa’kin kung i-kiss mo ‘ko ulit.” Sabi nito na ngiting-ngiti. Lalo siyang nainis.

“Ano ba?” Pagsita niya.

“Ayaw mo? Sige. Pero-...Aw!” hindi na natapos ni Jaiden ang ibang sasabihin dahil mabilis niya itong tinuhuran sabay agaw sa hawak nitong card. Namilipit ito sa kanya.

“Shit!” alam niyang napuruhan niya si Jaiden.

“Epal ka kasi.” Paninisi pa niya sabay kuha sa mga bag niya at tumakbo palayo dito bitbit ang library card niya. Narinig pa niya ang malakas na pagtawag ni Jaiden ngunit hindi na niya iyon pinansin.

Nag-aabang ng masasakyang jeep pauwi si Margaux. Nasa may labasan siya ng unibersidad sa bandang unahang shed. Ayaw kasi niyang makasabayan ang ibang estudyante na pauwi na rin. Mag-isa lang siya noon mga oras na iyon.

May nakita siyang paparating na isang itim na Escapade at inakala niyang lalampas lamang sa kanya. May kasunod kasi itong pampasaherong jeep ngunit nagulat siya nang tumigil ito sa harap niya. Bumukas ang gitnang pinto.

“Sakay!” pasigaw na sabi ng isang lalaking nakatakip ng bonnet na itim. Bigla siyang natakot. Nakahakbang siya paatras at akma siyang tatakbo ngunit mabilis siyang nahagip ng lalaki.

“Ano ba? Bit-” Hindi na siya nakasigaw dahil natakpan na ng lalaki ang bibig niya at para siyang papel na binuhat papasok ng sasakyan.

“Saan n’yo ‘ko dadalhin? Ano ba? Bababa ako!” galit na galit niyang sigaw. Inabot niya ang handle ng pinto ngunit ayaw magbukas noon. Lalo siyang kinabahan.

“Sino ba kayo?” Nahihintakutan niyang tanong. Walang sumagot sa dalawang lalaking nasa loob. Nakatakip pareho ang mukha ng mga ito.

Umangat ang mukha ng driver at tumingin sa review mirror. Then she was horrified. Hindi na naman ito sumagot bagkus pinasibad ang sasakyan.

“Pababain n’yo ‘ko dito. Sino ba talaga kayo?”

Wala pa ring sagot. Mabilis ang takbo ng sasakyan. Bigla binalot ng kaba si Margaux. Mabilis ang pagpapatakbo ng driver. Saan siya dadalhin ng mga lalaking ito? Sino ba ang mga ito? At anong kailangan ng mga ito sa kanya? Is she being kidnapped?

“Hoy!” Sigaw niya sabay hampas sa balikat ng driver. Pinigil naman siya ng kasama nito.

“Ano ba? Huwag ka ngang magulo!” Galit na saad ng driver.

Dahil sa nag-alala rin na maaari silang maaksidente ay minabuti na lamang niyang tumahimik. Puno ng takot ang dibdib niya ngunit hindi niya iyon ipinapakita. Hindi dapat mahalata ng dalawa ang pagkasindak niya.

“Saan n’yo dadalhin?” Taranta niyang tanong. Pilit niyang pinapagana ang isip upang makatakas at makahingi ng tulong. Luminga siya at nakita ang bag niya. Mabilis niya iyong binuksan upang kunin ang cellphone niya ngunit natigil iyon nang magsalita ang driver.

“Huwag ka nang mag-akasaya ng oras. Mapapahamak ka lang kung susubukan mong humingi ng tulong.” Ma-awtoridad nitong saad. Napatingin siya dito. Nakita niya na nakasulyap din ito sa review mirror. His deep eyes were strikingly looking at her.

“A-ano bang gusto n’yo kasi?” She asked looking at him sharply.

“Mag-uusap lang tayo. May ilang bagay din akong ipapagawa sa’yo.” Sagot ng katabi niya.

“Kung pera ang-”

“Tumahimik ka nga.” Agap ng driver. Muli siyang napalingon dito. Tila pamilyar sa kanya ang boses ng lalaki.

Hindi na siya nakatugon. Marahil sa tapang ng tinig nito o sa takot na biglang bumalot sa kanya. Her abductors was tough.

Nagkasya na lamang siya sa pagsandal. Mukhang wala siyang magagawa sa ngayon. Nag-aalala siya na totohanin nito ang banda kung magmamatigas pa siya. Nag-aalangan man ay sumandal na lamang siya.

Habang abala ang lalaki sa pagmamaneho ay nakaramdam ng kaunting hinahon si Margaux. Wala na itong sinabi matapos na manahimik siya. Manaka-naka na lamang itong tumitingin sa kanya. Ganoon ang kasama nito. Hindi naman siya itinali o binusalan ang bibig.

Nagkaroon siya ng pagkakataon na mapagmasdan ang driver. Nakasuto ito ng itim na T-shirt at itim ding camo cap. Itim din ang nakatakip sa mukha nito. His eyes were even familiar. “Hindi masamang tingnan ako pero nakakailang ang tingin mo.” Napapitlag siya nang muling marinig na magsalita ang driver.

Wala sa loob niyang napatingin siya sa katabi niya. Tahimik lang ito sa nakatanaw sa labas ng sasakyan. Wala na siyang isinagot upang maitago ang pagkapahiya. Nakita niya kakaibang tingin ng driver. Umiwas na lamang siya at nanahimik.

“Baba.” Walang ngiting saad ng driver sa kanya nang pagbuksan siya. Hindi siya sumunod. Natatakot siya na baka saktan siya o kaya ay may mga kasama pa ito.

“Baba na.” Utos pa ng katabi niya.

Kanina habang daan ay nakita niyang pumasok sila sa isang bakanteng lote. Malalim na lamang ang gabi kaya wala nang tao doon at ilang ilaw sa daan na lamang ang nagsilbing tanglaw nila habang tinahak ang loob na kalsada.

“Come on.” Inip na dugtong ng driver. Wala siyang nagawa kundi bumaba.

“Dito na lang ako.” Sabi ng kasama ng driver na hindi na bumaba ng sasakyan. Tumango lang ang driver.

Pagkababa ay kaagad na umikot ang mga mata niya. Bigla niyang nayakap ang sarili nang makita ang malawak na lote sa kanyang harapan. Bakit siya doon siya dinala ng lalaki? Dito ba siya nito papatayin? She was horrified on that thinking.

Iglap siyang lumingon sa lalaki.

“Anong ginagawa natin dito?” Pilit na itinatago ang panginginig niyang tanong.

“Mag-uusap lang tayo.” Tangi nitong sagot at hinagip kanyang braso. Ang init na nagmumula sa palad nito ay kaagad na gumapang at nagdulot hindi mawaring pakiramdam kay Margaux.

She was confused between intimidated and warmed at the same time. Hindi niya kilala ang lalaki. Idagdag pa na basta na lamang siya nito dinala sa hindi pamilyar na lugar ngunit heto siya na tila gumaan pa ang pakiramdam sa simpleng hawak na iyon. Parang nawalang bigla ang takot niya.

“Saan?” muli niyang tanong. Hinarap siya nito saka tinanggal ang nakatakip sa mukha nito.

“Ikaw!” Gulat na gulat niyang sigaw nang makitang si Jaiden pala ang ‘kumidnap’ sa kanya. “Bwiset ka talaga! Ano ba talagang kailangan mo sa’kin?”

“Mag-uusap nga lang tayo.”

Pagkasabi noon ay naglakad na ito habang hila-hila siya. Tila patungo sila sa gitna ng lote. Sinilip niya ang tinatahak nila at nakita ang dalawang upuan at nakatutok ang spotlight na nanggagaling sa kung saan. Malinaw naman ang buong lugar dahil sa mga street lights na nakapalibot doon.

“Upo.” Utos nito nang makarating sila. Tinitingnan niya si Jaiden at ang bawat kilos nito habang nauupo siya sa folding stool. Kinuha nito sa gilid ng upuan ang isang papel.

“Pirmahan mo.” Sabi nito sabay abot noon kasunod ang isang metallic pen. Kumunot ang noo niya habang binubuklat iyon. At umangat na lamang ang mga kilay niya nang mapagtantong formal letter iyon.

She gaped but she initiated a look to him, “Ano ba ‘to? Dinala mo ‘ko dito parang sa sulat na ‘to?”

Tumingin ito sa kanya.

“Just do what I say at makakauwi ka nang maayos. Pirma na.” Masungit nitong sagot. Nairita na si Margaux. Si Jaiden pa ang may ganang magsungit?

Tuluyan nang nawala ang takot at pagkailang sa kanya at napalitan na iyon ng inis. If this man stole her precious time just to have access for her signature must be really out of his mind.

“Baliw ka talaga.” She commented.

Nagbuntong-hininga ang binata at tila napipikon itong muling humarap sa kanya. “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Basta gawin mo na lang ang mga sinasabi ko para hindi na tayo magtagal. Permit letter ‘yan na nagsasabing okay lang na interview-hin kita.”

“Ano? Interview? Para saan?” Hindi niya naintindihan si Jaiden.

“Case study.”

Sumandal siya sa upuan habang nakatingin kay Jaiden. Umupo ang binata sa katapat na upuan. Nakatungo ito sa hawak nitong notebook na noon lang niya napansin. Hindi pa rin niya pinipirmahan ang papel.

“Do you do slum book?” umangat ang mga mata niya sa narinig. Kasunod noon ang pag-angat ng mga kilay niya.

Nahalata niya ang mga pagkailang sa mga mata ni Jaiden. Ni hindi ito makatinign sa kanya nang diretso. Surely his guts was not used to what he was doing or worse not comfortable. Gusto na niyang paniwalaan na napipilitan lamang itong humarap sa kanya. Lihim siyang napangiti.

Maya-maya’y iniabot nito ang ilang papel na naka-stapler. “Here. Pagkatapos mo…fill this up. Don’t forget the essay part.”

May ilang segundo marahil ang lumipas bago nagawang hawakan ni Margaux iyon. Hanggang sa hindi na niya kayang pigilan ang sarili at bigla na lamang siyang bumunghalit ng tawa.

“Sigurado ka bang hindi kita fan? May slum book ka pang nalalaman.” tanong niya sa diretsong tagalog habang nangingiting nakatunghay sa binata.

And when he looked at her, a danger was planted in his burning eyes but something beautiful glittered as he got confused.

“Hindi. Si Ma’am Alegre ang may gustong interview-hin kita.” He said and she stared. Saka biglang nagngitngit niyang tiningnan ang papel.

‘Talagang hindi ako titigilan ng doktor na ‘yon ah.’ Galit niyang bulong sa sarili.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.