She Stole My Heart Chapter 12

After what happened earlier nagpaalam ako na may bibilhin muna, I said to him na ang bibilhin ko ay mga gamit ko sa pagpapanggap na ito. Pero gusto ko talagang pumunta sa hide out namin, I want to talk with them.

"Maayos ka na ba? I am so sorry, Klai." sambit ni Jersey nang ma-e-kuwento ko sa kanila ang nangyari sa akin, nagsisi pa sila dahil hindi nila alam. Pero si Fresha ako ang sinisi dahil daw alam ko naman na mangyayari iyon at pumasok pa raw talaga ako sa loob.

"Ayos na ako ngayon, usok lang 'yon ni Jersey." Nakangiti kong sabi. They all just nodded at nakaramdam ng kaginhawaan.

"What brings you here? Sayang hindi namin napatay ang iba sa kanila," wika naman ni Munique kaya tiningnan ko sila ng seryoso. They don't know?

"Hindi ba talaga kayo ang dahilan kung bakit sila nasa hospital?" I asked.

They all shrugged their heads. Sino kaya?

"Actually, I was about to stab the other guy named Braxton but someone grabbed me and he did me a favor whoever he is." Fresha said 

"I almost killed by other guy who stabbed Waylon, nasa kamay ko na sana pero ako naman ang napuruhan ng kung sino man iyon." Almina said.

I am confused now, "What happened after? Where did you go after the incident?" Kumunot naman ang noo nila at nagkatinginan.

"Are you now a detective, Ms. Gatdula?" Jersey teased me. I rolled my eyes to her. I'm just asking.

"Umalis na kami nang may tama kami ni Fresha, we're about to get you but you're in Tucker's hand already."

Dahil sa sinabi ni Almina naalala ko kung bakit ako naparito. Shit, kailangan ko ng tulong nila.

"What happened to your face? Para kang nakakita ng multo when Almina mentioned his name?" Munique wondered.

Sino ba ang hindi mapapa-face palm kapag naalala ang lalaking iyon. Bumuntong-hininga ako at tumingin sa kanila. Alam ko ngayon na nababakas na sa mukha ko ang sari-saring emosyon. Ang pagka-inis, takot na baka mabuking talaga ang lahat ng ako.

"He already know," I said.

"Know what?" They asked in chorus. I heaved a sighed.

"Alam niya na hindi ako si Alora Santos!" inis kong sigaw, kanina ko pa ito pinipigilan.

Umupo naman sila ng maayos at nakatingin sa akin ng diretso.

"Bakit? Anong nangyari? Paano ka nabuking?" sunod-sunod na tanong ni Jersey.

"Nagpakilala ka ba?" tanong ni Fresha, kaya umirap ako sa kanila.

"Of course not," sagot ko kay Fresha.

Why would I? Tanga na ako no'n, I am hiding tapos magpapakilala ako sa kanya? Kahit ako ay hindi alam kung paano niya nalaman ang tunay kong pangalan.

"Hindi ko rin alam. Wala akong alam." Nanlulumo kong sagot.

"May pinagawa ba siya sa'yo? Kapag nalaman niya, tiyak ay ipapakulong ka at madadamay ang organisasyon. We are busted." Almina said. Umiling ako sa kanila.

"Then, what did he do?" asked Munique.

"He wants me to be his girlfriend and a wife,"

What?"

"Yawa!"

"Pesti!"

"The fuck?"

Ngumiwi ako nang sabay silang sumigaw. Umirap ako sa kanila at dinampot ang chichirya, na-stress ako sa buhay!

"Bakit? Paano? Ano? Huh?" Fresha said na parang baliw, napatayo pa siya at tumabi sa akin.

Inubos ko muna ang chichirya na nasa kamay ko bago sila hinarap.

"Ganito, ang sabi niya. Kailangan niya raw na may mapapangasawa para hindi aakalain ng mga lumusog sa kanila noong nakaraang gabi na walang ibang taga-pagmana, si Tucker at si Chairman daw ang kailangan nila noong gabing iyon." pagkukuwento ko.

"Wala akong ma-intindihan, paanong humantong sa asawa o girlfriend, whatever is that weird thing." Nakangiwing sabi ni Jersey. Hindi ko rin alam!

"Ang sabi niya, kailangan niya ng anak para roon ipangalan ang mana nila." Malungkot kong sabi.

Nagtaka naman akong tumahimik sila, walang nagsalita pagkatapos kong sabihin iyon.

"What? Wala manlang kayong reaction?" inis kong tanong.

"Kailangan niya ng anak at ikaw ang nakita niya? And to think is, alam niya kung sino ka. Alam niya rin kaya kung ano ka?" bakas sa mukha ni Almina ang pag-alala.

Naintindihan ko siya, hindi lang ako ang mapapahamak kun'di pati sila at ang buong organisasyon.

"Pumayag ka?" Tumango ako sa tanong ni Fresha at lahat sila ay napasapo ang noo.

Napatakip ako sa mukha ko, hindi na alam ang gagawin sa nangyayari.

"Hindi ko alam kung alam niya ba ang trabaho ko, pangalan lang ang binaggit niya. Pumunta ako rito para humingi ng tulong, I felt like I am so stupid for doing this. Naiinis ako sa sarili ko, ayaw ko kayong madamay. What should I do, girls. Almina?"

Naiiyak na ako, totoong wala na akong alam kung ano ang gagawin ko. Lumapit naman sila sa akin.

"I'll do something but for now, walang magbabanggit nito kay boss. Naiintindihan ninyo?" We all nodded of what Almina said.

"Ano pa ang pinapagawa niya sa'yo o ang kailangan mong gawin? Hanggang kailan mo gagawin?" sunod-sunod na tanong no Munique.

"Ang sabi niya hanggang sa magkaroon kami ng anak at maaari na akong umalis sa kanya."

"Ano?!" Napalayo kami sa sigaw ni Fresha.

"You don't need to shout, bitch!" sigaw rin ni Fresha.

"Shut up both of you," suway ni Almina kaya natahimik sila at bumalik sa puwesto kanina.

"Pero bakit ganyan ang set up? What about you? Ikaw ang magbu-buntis pero ikaw ang malalayo sa anak mo?" Jersey said.

"Hindi ko rin naman kailangan ng anak, siguro okay na iyon para kahit papaano ay maligtas ako, hindi kayo madadamay kung ano man itong pinasok ko." I said

"After all, kami pa rin ang iniisip mo? Remember that day, you should be the leader here but you refused kasi alam mong gusto ko ang bagay na ito kaya ibinigay mo. How about you, Klai? Kailan mo iisipin na hindi ka mapahamak na walang iniisip na ibang tao?"

Natahimik kami sa sinabi ni Almina. Yeah it's true. Ako dapat ang leader nila pero tumanggi ako nang nalaman kong mas gusto ito ni Almina, but hindi ko naman ipagkakaila na magaling siyang leader. Naaalagaan niya kami kaya walang pagsisisi na siya ang pinili namin.

"What should we do with Klai?" si Fresha na ang bumasag ng katahimikan.

I looked at her, she's the one na laging may alam kung ano ang dapat gawin kapag ang iba sa amin ay hindi alam ang gagawin pero ngayon, pati siya nauubusan ng plano para sa akin. Kasalanan ko ito, sana hindi nalang ako pumayag sa set up ni Tucker.

"Mas na-miss ko magnakaw nalang," sambit ni Munique. "Hindi iyong ganito na wala tayong alam sa nangyayari. Para bang pinaglalaruan tayo ng buhay talaga." dagdag niya pa.

I know, simula noong ibinigay sa akin ang mission na ito, nawawalan na ako ng kaalaman kung paano paganahin ang kakayanan ko para mapadali ito.

"Pumayag ka rin ba na aalis ka pagkatapos mong magbuntis? Ibibigay mo sa kanya ang bata?" Lumingon ako kay Jersey nang sabihin niya iyon, seryoso ang mukha nito.

Oo pumayag ako, pero kaya ko ba talaga? Kaya ko bang magaya ang magiging anak ko na walang kompletong pamilya?

"Sinuswelduhan ka ba niya?" tanong naman ni Fresha. Tumango ako.

"Pero sa totoo lang, sa sobrang tagal na natin itong ginawa hindi na ako nagagalak sa pera. Mas iniisip ko ang kalagayan natin, at kung paano tayo maging ligtas." sambit ko.

Wala na akong pakealam kung magkano o ano ang matatanggap namin, gusto ko nang umalis sa ganitong buhay.

"Gusto ninyo umalis?"

Lahat kami ay tumingin kay Almina, malungkot ngunit seryoso ang mukha nito. Nagkatinginan kaming apat, hindi alam ang sasabihin. Why did she asked.

She smiled at us at tumango. "Papayag ako, aalis tayo at magbabagong buhay." sambit niya.

"What do you mean?" I asked. Titiwalag na ba kami sa organisasyon?

"Paano natin gagawin iyon kung hindi pa natin nagawa ang mission natin? Ang unang mission nga ni Klai ay hindi niya pa nagawa," mahabang sabi ni Munique.

Almina sighed and he looked at us again. "Hindi na niya kailangan gawin ang unang mission." Nagtaka man sa sinabi niya ngunit nanatili pa rin akong nakikinig sa kanya.

"Isang gabi pumunta ako sa opisina niya, narinig kong nakuha na ang hinahanap na singsing ni Klai, wala ito sa bahay ni Tucker dahil ito ay laging dala-dala ng Mommy ni Tucker. Doon ko lang nalaman na kakilala niya ito."

Gulat man sa narinig at nalaman ngunit hindi pa rin kami nagsalita. "Ang mission na ibinigay niya sa atin ay gawa-gawa lamang. At iyon ang hindi ko alam kung bakit niya tayo binigyan ng mission na hindi naman dapat kasali talaga." she said.

Wala na bang mas nakaka-lokang rebelasyon ngayon?

"Bakit niya ginagawa iyon?" tanong ni Fresha.

"Iyan ang aalamin natin, she's planning something at alam kong hindi niya na tayo isasali." Almina said.

Pero bakit? Wala pa rin akong maintindihan o maisip na dahilan para gawin niya ito sa amin.

"Ako na ang bahalang umalam no'n. Once I already know everything of it, I'll tell you kaagad. Just focus of what you're doing. Sumabay pa rin tayo sa gusto niya habang hindi pa natin alam kung paano tayo makakaalis." dagdag ni Almina.

We all just agreed to her. Iyon lang naman ang kailangan gawin, ang mag-antay.

"Klai," she mentioned my name. "Do what Tucker said." Napakunot ang noo ko at taka naman siyang tiningnan ng tatlo.

"Paano kapag nalaman ni Allessandra ito?" tanong ko.

"Sabihin natin na alam niya na ang pangalan mo kaya nagbago ang mission, let's tell to her na gano'n na ang strategy para mapatumba si Tucker." she said.

Hindi ko pa rin maintindihan pero may tiwala ako kay Almina. I know, magagawan niya rin ito ng paraan. She's a leader, she's our big sister.

I just nodded to her, "Okay, I'll do it." I said.

"Alamin mo rin kung alam niya ba talaga ang buong ikaw, if he is. Ask for protection."

"Huh?"

"What did you say? A protection for Klai?" asked Jersey.

"Yes, hindi makakatanggi si Tucker kapag ipagbubuntis na  ni Klai kung sakali ang bata, sa pamamagitan no'n. Magiging ligtas si Klai sa kamay ni Boss." Almina said.

"Paano kayo?" I asked.

Lumapit naman sa akin si Munique. "Don't worry about us. Kaya namin ang mangyayari. We won't die hangga't hindi tayo nagbabangong buhay." she said.

"And kapag kailangan mo ng tulong, lumapit ka kaagad sa amin. Basta, do what Tucker said. Be his girlfriend and a wife. At kapag protekatado ka na, puwede ka nang umalis." Almina said.

"Paano ang bata?" tanong naman ni Fresha.

Bakit ba kasi naisingit pa ang bata sa problemang ito.

"Itakas mo,"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.