She Stole My Heart Chapter 15

Kanina pa ako umirap nang umirap dito sa mansyon niya. Kanina pa kasi kami nakarating at ngayon, abala sila Manang na mag-ayos. Sinabi kanina ni Tucker bago siya nauna sa kompanya ay dapat daw lahat ng gamit ko nasa kwarto niya na. Hindi pa kami kasal at hindi pa ako pumirma ng kontrata pero kung maka-utos na, wagas. Clingy 'yan?

Hindi na rin dito nakatira ang Mommy nila at ang dalawang kapatid dahil daw nandito na sa Pilipinas ang Chairman kaya roon sila sa kabila, mabuti nga kung gano'n nang hindi ko makita araw-araw ang Mommy niya. Kapag magkasama silang dalawa ni Tucker sa harap ko, pakiramdam ko lagi akong bad trip. 

"Okay na po Ma'am, naroon na ang mga gamit ninyo at tinapon na po ang lumang ga--"

"Ano? Tinapon ninyo ang lumang gamit ko? Saan?" Aligaga akong umalis sa harap ng katulong na lumapit sa akin nang marinig iyon. 

Bakit nila tinapon? Tangina namang mga tao rito, nangengealam ng mga gamit na hindi naman sa kanila. 

"Iyon po ang utos ni Sir Tucker," sambit niya pa, sumunod pala. 

Hinarap ko siya at napahilamos sa mukha ko dahil sa inis. Hindi puwedeng maitapon iyon, paano kung magagamit ko pa iyon kapag nagtagpo ang landas namin ng magulang ni Alora. 

"Saan ninyo tinapon? Mahalaga sa akin ang gamit na iyon, hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon sumusunod kayo kay Tucker kapag sa akin na ang usapan. Kailangan ninyo ring humingi sa akin ng permisyo kung gusto ko ba." mahaba kong sabi ngunit mahinahon lang iyon at seryoso. 

Napayuko naman ang katulong, na-guilty tuloy ako pero kahit na. Hindi pa rin nila ako tinanong kung papayag ba ako. Isa pa ang Tucker na iyon, lahat nalang!

Tinuro niya ang likod ng bahay at nauna siyang lumabas, sumunod naman ako. Doon ko nakitang nakabalot na ng itim na plastik ang mga damit kaya kaagad ko itong kinuha at binalik sa loob. Akma akong pupunta sa dati kong kwarto nang napahinto dahil narinig ang boses ng lalaking kinaiinisan ko. 

"Hindi ka pa nagbihis?" tanong nito, tumango naman siya sa katulong para pailisin ito. 

I rolled my eyes at sinamaan siya ng tingin, itinaas ko ang dala kong itim na plastik at ipinakita sa kanya. Kunot noo niya naman akong pinagmasdan. "What are you gonna do with this trash ? Let's go, nag-aantay ang lahat." Napapikit ako ng mariin. 

"Anong karapatan mong itapon ang mga dati kong gamit? Gago ka ba o tanga? Nangengealam ka na naman," nakakainis na! Wala na akong pake kung minura ko na naman siya. Bahala siya sa buhay niya. 

"Your words, Miss." he said. I just rolled my eyes. 

"Your words, MIss. Duh." I mocked.  "Bakit ka ba nangengealam?" dagdag ko pa. 

He sighed a little at kinuha ang plastik mula sa kamay ko, the what? Ano na namang trip ng isang 'to? Kukunin ko na sana ulit nang ilayo niya na naman at itinapon malapit sa labas ng pinto. "The fuck?" I hissed. 

"You don't need those clothes," he said. Hindi ko talaga siya maintindihan. 

"At bakit naman, Burton?" tanong ko muli. Iniinis talaga ako nito lagi. 

"First." He walked towards to me kaya napa-atras ako. "You are not Alora Santons." I gulped. He brought that shit again. 

"Second." Palapit at palapit pa rin siya sa akin at paatras naman ako nang paatras. "That clothes are not yours," damn it!

"Lastly." I gulped for the last time nang wala na akong maatrasan at dinikit niya na ang noo nito sa noo ko. 

Kunting galawa ko lang ay tiyak mangyayari na naman ang nangyari kanina nang hinalikan niya ako. "Lastly, Miss. Klailea. You are not allowed to wear cheap clothes anymore. Kaya ipinatapon ko ito, got it? Hmm," 

We both stopped at nagkatinginan nalang pareho, sa pagkakataon na ito hindi pumasok sa utak ko ang mga sinabi niya dahil sa mga mata nito. Nalulunod ako na ewan, hindi ko alam kung paano ko bawiin ang tingin ko ngayon sa lalaking kaharap ko. Ang mga mata niya ay nakakalunod sa tuwing magkatinginan kami.  

Bakit Tucker? Bakit ganito ka kung makatingin? Nahulog ka na ba sa patibong ko? Kaya ba ako ang kinuha mong magpanggap bilang girlfriend mo? Why? 

Nakahinga ako ng maluwang nang siya na ang lumayo at umiwas ng tingin, thank God!

Habol hininga naman ako ngayon habang nakatalikod siya sa akin, para akong pinipigilan huminga kanina dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Nakakainis lagi ang presensya niya, but somehow. Baka ito rin ang makasanayan ko at ayaw kong mangyari iyon. 

"Hayaan mo na ang mga gamit mo, magbihis ka na at aalis na tayo." He walked away from me na para bang wala siyang ginawang kakaiba sa akin. Nangengealam na nga, nangiiwan pa. 

I fixed myself bago pumunta sa kwarto ko but I stopped when I realized na hindi ko na pala kwarto ang pupuntahan ko. Bullshit!

I heaved a sighed at pumunta sa kwarto ni Tucker na kung saan naroon ang mga gamit ko. Sa pangalawang pagkakataon, ngayon lang ulit ako makakapasok sa kwarto niya. Huling pasok ko no'n ay 'yong panahon na napalayas ako ng isang gabi lang. Apaka husay 'di ba?

Hindi na ako kumatok, diretso pasok na. Hindi ko naman ito pinansin nang makita sa gilid ng mata ko na nakaupo siya sa study area o work area niya.

Dumiretso ako sa walkin closet para mamili ng susuotin ko ngayon, but to my surprised gamit ko lang ang nandito. Lumabas ako muli at pinuntahan siya. Hindi niya naman ako pinansin dahil busy ito sa binabasa niya. 

"Nasaan ang mga damit mo?" tanong ko. 

"Iyon ba ang susuotin mo? Bakit mo hinahanap?" Lalabas na yata ang dalawang mata ko kakairap sa kanya. 

"Bakit wala roon ang mga gamit mo?" I asked again. 

"Bakit mo tinatanong? Mahuhuli na tayo," he said at tumayo. Bahala ka nga. 

Bumalik ako sa closet at kumuha na talaga ng damit ko. Fitted plain brown dress na alam kong kitang-kita ang umbok ng dibdib ko. I took a shower, gusto ko pa sanang magtagal pero panay katok ang gago. Ang sarap pa ng tubig eh, napaka isturbo. 

Sa banyo na rin ako nagbihis at nag-ayos ng mukha ko. I curled my hair. I smiled when satisfaction felt me nang tumingin sa sarili. Perfect!

"Walang kupas, Klailea Lyndsy. Ang ganda at sexy mo pa rin." I smiled widely and pouted my lips. Kinuha ko ang huling alas para sa mukha ko, my red lipstick. I missed this. 

Pagkatapos ang lahat, lumabas na ako at hinanap si Tucker sa loob ng kwarto pero mukhang bumaba na. Huling tingin ko pa sa long mirror sa kwarto, at totoong ang ganda. I wore seven inches heels. Akala mo kung saan pupunta, feeling model ako minsan eh. 

Bago pa ako makalabas, nakarinig pa ako ng mga boses na natitiyak ko ay mula sa mga katulong, nagtatalo na naman kung saan sila maglilinis, eh ang laki-laki ng bahay na 'to. Nagtatalo pa. 

Nang tuluyan na akong makalabas, nagtaka naman akong lumingon sa kanila nang natahimik ang lahat at tumingin sa akin. Taas noo akong ngumiti sa kanila at kumaway. 

"Woah, Alo--Ma'am, ang ganda ninyo!" Napatakip ako sa tainga nang sumigaw si Joan kaya napalingon ako kay Tucker nang napansing lumingon din 'to sa akin. He stood up at dahan-dahang naglakad patungo sa akin. 

Seryosong nakatingin at pinagmasdan ang kabuoan ko. Gusto kong umiwas ng tingin sa kanya ngunit pinanindigan ko na yata ang taas noo ko. 

"How was it? Ayos lang ba?" Umikot pa ako para ipakita sa kanya ang porma ko. I saw him gulped, ang mga mata nitong namumungay habang nakatingin sa akin. 

Bullseye!

"Let's go," he said kaya napanguso ako. "What?" he asked. 

"I am asking if ayos lang ba ang suot ko? Hindi mo sinagot, ibig bang sabihin hindi ayos?" kunyari ay malungkot kong sambit. 

He sighed at lumapit sa akin, he held my waist. "You are beautiful, okay na ba?" Tumango ako. I bit my lower lip, damn. Butterflies in my stomach. 

Tumalikod muna ako saglit at inalis ang kilig na nararamdaman. Kanina ay naiinis ako, ngayon naman nababaliw ang sistema ko sa sinabi niya. "Let's go," I said. 

"Why are you wearing that, by the way?" tanong nito nang makapasok na kami sa kotse. 

Sisirain niya na naman yata ang mood ko, okay na eh. Sabi niya, maganda na ako. Lakas tama. 

"Akala ko ba, ayos lang?" nakakunot noo kong tanong. 

"Indeed, you are beautiful but I hate it. Titingnan ka ng ibang lalaki roon." 

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.