She Stole My Heart Chapter 19

Isang araw lang naman ang lumipas nang mangyari ang race pero nababagot na ako rito sa bahay, wala manlang gustong kumausap sa akin. Hindi tulad dati na katulong pa ako ay nakikinig at nakikisabay ako ng mga chismis ng mga kasamahan ko. Ngayon, I am here in garden, binabasa ang kontra. Tucker said ay maghanda na raw ako dahil aayusin na ang kasal namin. 

Kada basa ko sa nakasulat sa kontrata ay napapairap at napapangiwi ako. Ang dami niyang pinagbabawal. Mayroon pang bawal daw ako kumausap ng lalaki kung hindi niya naman kaibigan, nilagay pa kung kaibigan niya naman ay dapat hindi magtagal ang pag-uusap. Walang sense, kaloka. 

Tumingin ako sa isang katulong na lumapit sa akin, nilapag niya ang juice sa lamesa at akma siyang aalis nang pinigilan ko ito. 

"Bakit po Ma'am?" tanong nito na para bang kinakabahan, siya yata ang bagong pinalit sa akin. Mukha ba akong mangangagat?

"Samahan mo naman ako sa labas, shopping lang. Wala akong magawa eh." Mukhang nagulat siya sa sinabi ko, hindi yata inakala na aayain ko siya.

"P-po, baka po pagalitan ako." Napakunot ang noo ko. Bakit naman siya papagalitan eh amo niya rin ako. 

"Ako naman ang kasama mo, tara na. Mag bihis ka na. Antayin kita sa kotse," I said. Tumayo ako at hindi na siya pinasalita pa. Mabilis akong umakyat ng kwarto at nagbihis. 

Simpleng damit lang ang sinuot ko, skinny jeans at crop top, I wore rubber shoes. Mas maayos kapag ganito ang suotin ko kaysa mag dress ako na magmumukhang donya. 

Kinuha ko rin ang susi ng kotse na ibinigay sa akin ni Tucker sa akin kagabi bago matulog. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi, akala ko ay may mangyarai kaagad sa amin pero ang gago natulog kaagad. Kinakabahan pa ako dahil katabi ko siya pero mukhang hindi niya pa naman din gustong magka-anak, mabuti na rin iyon para marami pa akong gagawin bilang dalaga. 

Nang makalabas ako ng bahay, nakita ko na si..."Ano ang pangalan mo?" tanong ko. 

"Sofia po." Tumango na lamang ako at pinasakay na siya sa harap. 

Pati ba naman dito sa kotse tahimik. I heaved a sighed bago magsimulang magsalita. "Taga saan ka?" tanong ko sa kanya. 

Mukha kasing mas bata pa siya sa akin, "Taga Bulacan po." mahinang tugon nito. 

"Ilang taon ka na? At bakit ka nandito sa Manila?" matagal siyang sumagot. Gusto ko lang siyang daldalin lalo na ay traffic pa. 

"Nineteen pa lang po ako, tumigil na po ako sa pag-aaral at saka po. D-dito lang po kasi m-maraming puwedeng pasukan na trabaho." Tumango-tango ako bilang tugon. Indeed, mas marami ngang opportunidad na trabaho sa Manila, mapali man ito o legal. Sa kasamaang palad, nasa illegal ako napunta. 

Nang umandar na ang mga kotse ay saka naman tumunog ang cellphone. Shit, hindi ko pala natawagan si Tucker na aalis ako. Ang dami ko nang nailabag sa kontrata. 

"Patay na." Napasapo ako sa noo ko bago sagutin ang tawag. Tumikhim muna ako ng dalawang beses. "Hello, hmm honey?" Ngumiwi ako nang sabihin ko iyon. 

"Where are you?" psh, wala man lang hello honey rin. Damot, walang sweetness sa katawan, puro kasungitan. 

"Kasama ko si Sofia, papunta kaming mall. Bakit? And hey, I'll call you later. Nagmamaneho ako." I ended the call at nagmaneho na ulit dahil panay bosena ang mga sasakyan sa likod ko. Akala mo talaga magugunaw na ang mundo kakamadali. 

"Nandito na tayo," I said after parking my car. 

Binigyan din ako ni Tucker ng credit card at savings account kaya ito abusuhin ko na. Ayaw ko rin naman kasi sumama sa company dahil wala pa akong kakayahan sumali sa mundo niya roon. 

"Bilhan na lang din kita ng damit." Napaawang ang labi ni Sofia nang humara ako sa kanya at sabihin iyon. Umiling pa siya nang umiling. 

"Huwag na po Ma'am, may mga damit naman po ako." Hindi ko siya pinakinggan kaya ako na mismo ang humila sa kanya. 

Nang makarating kami sa paborito kong botique clothes shop ay hinayaan ko na siyang mamili sa gusto niya at gano'n din ako. Namimili ako para rin sa apat. Balita ko kasi ay hindi pa rin sila binibigyan ng bagong mission ni Allesandra. 

I was about to get the dress na nagustuhan ko nang tumunog ang cell phone ko. It was Almina. 

"Why?" bungad ko, hawak ng isang kamay ang damit na nakuha. 

"Where are you? Kasama mo ba si Tucker or may kasama ka ba ngayon? Lumayo ka muna kaunti, I have something to say." nagtataka man ay ginawa ko nalang ang sinabi niya, tiningnan ko pa si Sofia kung saan siya ngayon, buti nalang ay nakangiti ito sa malayo habang namimili. 

"Done, anong nangyayari? May problema ba ulit?" tanong ko. 

"I don't know, something's not right in the organization, Klai. We felt out. I mean, may mga bagong recruit sa loob at lahat sila ay mga bata pa. The group of our rival, sila ang nag-aasikaso ng mga bago habang ang iba sa amin dito ay nanunuod lang. Allesandra's not here too. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero parang may mali talaga. Can you come over here?" 

Walang tigil niyang sambit. Ano na naman kasing pakana ni Allesandra? Kung si Almina na leader namin ay hindi na rin alam ang nangyayari at hindi alam ang gagawin, paano pa kaming apat `di ba? Bakit kasi hindi na pinapaalam ni Allesandra kay Almina ang lahat, may binabalak ba talaga siya sa amin? 

Binalikan ko muna ng tingin si Sofia na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan sa mga titig niya. 

"I will message you kapag pupunta ako, tatakas na lang muna ako kay Tucker." I said and ended the call. Kailangan kong alamin kung ano ang nangyayari sa org. Kapag wala kaming alam sa nangyayari, lahat kami ay mapapahamak. 

"Sofia," tawag ko. Mabilis naman siyang naglakad patungo sa akin. "Tapos ka na ba? Bayaran na natin `yan." Tumingin ako sa mga dala niya at ako na mismo ang nagdala. 

"May problema po ba? Bakit po tayo nagmamadali?" tanong nito nang dumating kami sa cashier. Inabot ko naman sa babae ang card bago ako tumingin kay Sofia. 

"May emergency lang sa amin. Ihahatid na muna kita sa mansyon at kung magtatanong si Tucker sabihin mo ay umuwi ako sa amin." saad ko kahit alam ko naman na alam ni Tucker na wala akong probinsya. Tumango lamang si Sofia. 

Nang natapos kami kaagad naman kaming bumalik sa parking area at mabilis akong nagmaneho. Nagtataka man si Sofia pero hindi ko na siya hinayaan na magsalita. Kailangan ko nang pumunta sa organisasyon. 

"Mag-ingat po kayo, at sana po maging maayos po kaagad kung ano man iyan nang makabalik po kayo ng maaga." huling sinabi niya bago lumabas ng kotse. 

Habang pinagmasdan ko ang bulto ng dalagang naglalakad papasok ng bahay, hindi ko maiwasan mag-isip ng kung ano. Huminto naman siya at lumingon sa akin sabay kaway. I heaved a sighed at bumyahe na. 

Hindi dapat ako magtiwala sa kahit kanino sa bahay na ito o kahit saan. Mahirap na, ang pagtitiwala sa mga tao o sa mga bagay-bagay ay siyang magdadala sa`yo sa kapahamakan. 

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.