She Stole My Heart Chapter 25

Hindi ko alam kung bakit ako nakasimangot pagka-alis ni Tucker, kanina pa ako biglaang nabagot sa loob ng kwarto. Paano ba naman kasi, ang aga niya umalis. Hindi manlang ako hinantay magising. Nag-iwan lang ng sulat sa maliit na lamesa namin. 

I'm sorry for not waking you up, alam kong pagod ka kaya hindi na kita ginising pa. Don't forget what I've said to you. Kumain ka rin and take care of yourself here. 

- Tucker

Irap ako nang irap habang hawak ang papel, ang ganda ng penmanship niya pero wala akong pakealam, naiinis pa rin ako sa kanya. E'di sana, napaghanda ko siya ng pagkain manlang para kainin niya sa biyahe. Hindi ko pa alam kung gaano siya katagal mawawala. Imbis na mabagot pa lalo rito sa mansiyon, napagdesisyunan ko nang mag-ayos, I need to make myself busy. Hindi ko na rin nakaka-usap ang mga babae kaya kailangan ko silang kamustahin. Aasahan ko na rin na this week darating ang pinsan ni Tucker na hindi ko pa rin alam kung bakit sa akin pinapabantay. 

Anong klaseng tao kaya iyon at bakit hindi nagtitiwala si Tucker sa kanya? Sa akin pa talaga na alam niya rin naman na hindi dapat ako mapagkakatiwalaan. Minsan talaga hindi ko siya maintindihan. 

Habang naliligo ako, sumagi sa isipan ko ang unang nangyari sa amin sa opisina niya. At ang huling mga salitang sinabi niito. Ang corny niya ha, ninakaw ko na raw ang puso niya eh hindi ko pa naman nagagawa iyon...teka, ano ulit? Ninakaw ko? Pilit kong inintindi ang sinabi niya at doon lang ako napasigaw nang nakain ko ang kaunting sabon. 

"Tangina!" asik ko pa. 

Ang ibig niya bang sabihin ay nahulog na siya sa akin? Pero bakit? Bakit parang ang bilis naman yata kung mangyari at kung totoo man iyon. I didn't do anything to make him fall in love naman talaga, kulang ang mga nagagawa ko noong mission ko pa siya. Hindi ko naman talaga nagawa dahil hindi ko naman din nakuha ang singsing na nakay Allesandra na pala. 

Nang matapos akong maligo, lumabas na ako sa banyo at nagbihis na. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mga nangyayari sa aming dalawa, ang huling sinabi niya ay magpapakasal na kami pagbalik nito. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng tuwa, na iyon naman talaga ang plano, at sa papel lang naman talaga kami dapat kasal. Pagkatapos no'n, aalis ako. 

Bumaba na ako sa salas, nagtaka naman ako nang tahimik ang lahat. Lumapit sa akin si Sofia, halos makalumatan kong may isang ahas pala akong kasama rito. Tumingin ako sa kanya na nagtataka. "N-nandiyan po ang pinsan ni Sir," saad nito na nakayuko. I smirked in my mind, kung alam niya siguro na alam ko ang sikreto niya, ganito rin kaya ang pakikitungo niya sa akin? I wonder how, malamang hindi. Magiging kalaban talaga ang ipapakita niya sa akin. 

Tumango ako, "Saan?" tanong ko. Tinuro niya naman ang sofa at naunang maglakad. 

Walang emosyon akong nakatingin sa lalaking malawak ang ngiti. "So, you must be Tucker's wife?" he asked. Ay hindi, ako ang Nanay niya.

Inilahad nito ang kamay sa akin na hindi ko naman pinansin, umupo ako sa harap niya. "Hindi ko alam na kasing lamig ka pala ng pinsan ko." The way he talked ay napakagaan, laging nakangiti.

"Ang aga mo naman yata dumating?" walang gana kong tanong na nakatingin lang sa kanya. Pinatong niya naman braso nito sa tuhod niya na ngayong nakatutok na sa akin. 

"Well, guess what? Gusto kong makilala ang makakasama ko sa kompanya," he said. Tanging pagngiwi lang ang naitugon ko. 

"Okay, nakilala mo na ako. Makakaalis ka na." Akmang tatayo na sana ako nang magsalita ulit siya.

"I'm Tristan," he said. Mamatay na nagtanong. 

Tumingin ako sa kanya at sa pagkakataon na ito, ngumiti na ako. "I didn't ask, actully." Nagsimula na akong maglakad palabas ng bahay pero ang gago, sumunod pala. 

"Where are you going? Ihahatid na kita?" Naikuyom ko ang mga kamao ko at dahan-dahan siyang nilingon. 

"I don't need a companion," saad ko at nagpatuloy sa paglalakad. 

Hindi pa ako nakasakay sa kotse ko nang may isang kamay ang humarang sa akin, siya na naman! Ang kulit nito, hindi ko rin alam kung bakit ayaw ko sa presensya niya. O baka dahil hindi totoo ang mga ngiting pinapakita niya sa akin? Ewan, delikado magtiwala sa mga ngiti ng mga tao. 

"Ano ang problema mo?" naiinis na ako sa kanya. Inis na nga ako kay Tucker, dadagdag pa siya. 

Kibit-balikat niya naman akong tiningnan, "Well, wala pa naman ang araw ng first day ko sa company, baka p'wede kong makilala ang taong makakasama ko sa medyo matagal na panahon. Let's bonding!" masiglang saad niya. Mukha ba akong makikipag-bonding sa kanya?

Bumuntonghinga ako at saka tinuro ang kabilang pinto ng kotse ko, bahala siya. Kung gusto niyang sumama. "Really?" bakas sa boses nito ang tuwa.

"Sasama ka ba o hindi? Bilisan mo." Hinila ko siya patabi at pumasok na ako sa loob, nagmamadali na rin naman siyang pumasok sa kabila. 

I get my phone from my bag at tinawagan si Fresha na agad niya namang sinagot. "Why?" she asked.

"Nababagot ako sa bahay, next time na kayo ma-stress. Samahan n'yo ako sa mall." Hindi ko na siya inantay sumagot pa, pinatayan ko na kaagad ng tawag at nagsimulang magmaneho. 

"Woah!" hindi ko rin pinansin ang unggoy na kasama ko. "Hey, careful!" sigaw nito nang bilisan ko ang speed. Napagtanto ko naman na nababahala siya kaya mas lalo ko pang binilisan na siya namang pagsigaw nito. Manigas ka d'yan.

Nakarating na rin kami sa meeting place naming lima, pero syempre hindi sa hide out, may kasama akong unggoy kaya bawal doon. Dumiretso ako sa mall na malapit lang din naman sa hide out namin. Agad kong ti-next si Fresha na nandito na ako. Hindi pa ako bumaba sa kotse na ikinataka ni Tristan.

"Hindi pa tayo bababa?" tanong nito. Walang gana ko siyang nilingon.

"Bumaba ka kung gusto mo," saad ko pa at binalik ang attention sa parking lot. Nag-aantay na dumating sila.

Hindi rin naman nagtagal ay nakita ko na ang kotse ni Almina kaya kaagad na akong bumaba at sumunod naman si Tristan. Lumapit ako sa kanila.

"What's with the sudden call, bitch?" Munique asked. Sasagot na sana ako pero natigil sila at nakatingin sa likod ko, I rolled my eyes nang makitang ngumawa na naman ang bibig ni Jersey.

"May kasama kang fafa," she said like a dog. 

"Lapain mo na," tugon ko pa na agad niya naman ginawa. Gulat si Tristan na tumingin kay Jersey nang lumapit ito. 

"Hi, ano ang name mo?" parang batang tanong ni Jersey. Sumunod naman ang best friend nitong si Munique na kumapit na rin sa kabilang braso ni Tristan.

"Dito ka na lang sa akin pogi, hindi ka maghihinayang." parang mga bakla, ampota. 

Lumapit sa akin si Almina at Fresha, "Who is he?" Almina asked. 

"Pinsan ni Tucker, makakasama ko raw sa company. Gustong sumama kaya sinama ko na." Tumango lamang silang dalawa. 

Buti na lang ay hindi muna tungkol sa trabaho ang pag-uusapan namin dahil may kasama kaming taga kabilang planeta. 

Tawa nang tawa kaming tatlo habang nakatingin sa tatlong naunang maglakad. Nag-aagawan ang dalawa naming kaibigan kay Tristan, ang unggoy naman hindi na alam ang gagawin. Sumasama pa kasi, iyan tuloy. 

Hanggang sa makarating kami sa isang restaurant, hindi umalis sa tabi ni Tristan ang dalawa. 

"I let you order, girls. Libre ko." pagyayabang na saad ni Tristan. Dahil dakila kaming makapal ang mukha at hindi namin ugaling mahiya, umorder kami ng marami. 

This is the first time na may kasama kaming ibang tao sa tuwing bonding namin. Habang nagtatawanan kami, tumingin ako kay Tristan na ngayon ay masayang nakipag sabayan sa mga kaibigan ko. Nakaramdam ako ng gaan na loob towards Tristan. The way he treated us, kahit ang mga kaibigan ko ay nakaramdam ako na nirerespeto niya ito. Ang akala niya ay ako lang ang makakasama niya, hindi ko sinabi na meron at apat pa. 

"I missed this," saad ni Fresha na nakangiti. Same, na-miss ko ang pagkakataon na ito. Ang pagsasama namin na puno ng tawanan.

"Matagal na kayong magkakaibigan?" Natahimik kami nang magtanong bigla si Tristan. Nagkatinginan kaming lima at sabay na tumango.

"Since kids," Almina answered. Gulat namang tumingin sa amin si Tristan, hindi makapaniwala.

"Woah! All of you?" We nodded as an answer. "Amazing," dagdag niya pa. 

"Oonga pala, kailan babalik si Tucker?" Kibit balikat akong sumagot sa tanong ni Munique. Hindi ko naman alam kung gaano siya katagal doon. 

"He will come back after six months, I think?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tristan. Six months? Ang tagal no'n! "You don't know?" he asked. Umiling ako bilang sagot. 

"Iyon ang usapan sa trabaho niya roon, baka higit pa nga kaya ako ang pinalit ni Lolo habang wala pa siya," paliwanag niya. 

Nawala ang gana ko ngayong araw dahil sa nalaman, he didn't tell me about that. 

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.