She Stole My Heart Chapter 37

Nagpatuloy pa rin kaming maglakad, mabuti't hindi naman nakatingin sa amin ang mga nandito.

"Saan mo ba sila tinago?" masungit kong tanong sa kanya, he sighed at gulat akong tumingin sa kamay niyang hinawakan ako bigla. 

"Hindi ko sila tinago, nandoon sila." May tinuro siya gamit ang nguso nito ngunit bumalik lang din ang tingin ko sa kamay naming magkadikit.

Bakit ba naging big deal ito sa akin? Lahat ng mga kaunting kilos na ginagawa niya sa akin ay may nararamdaman akong kakaiba. 

"Hey?" Napakurap ako at bumaling na rin sa tinuro niya. Halos mapatkabo naman ako nang makita ang likod ng mga kaibigan ko.

"Klai!" Sabay silang lumingon sa akin at mabilis din nilang nilapag sa simento ang mga baril nito, tumakbo sila palapit sa akin.

"OMG, kumusta ka na? Buntis ka na ba ha?" Tinulak ko si Munique dahil sa tanong niya. Anong buntis!

"Tangina niyo, nandito lang pala kayo. Hindi niyo sinabi sa akin." Nakasimangot kong sabi sa kanila.

"Tanong mo sa asawa mo kung bakit kami tinago rito," sabi naman ni Fresha na pinunasan pa ang pawis. 

Lumingon ako kay Tucker na ngayo'y kausap na ang iilang lalaki sa malayo. "Kumusta kayo rito?" tanong ko sa kanilang apat, lumapit sa akin si Almina at bigla niya akong niyakap nang mahigpit.

"We're sorry kung hindi ka namin nabisita." 

Bakas sa boses nito ang lungkot, naintindihan ko naman, sa katunayan ako pa nga ang nababahala sa kanila. "Naging maayos ba kayo dito?" tanong ko ulit.

"Ay nako, sobrang ayos! Pati nga rin dito may mga naiinggit, lumapit lang naman ang mga Papa sa amin galit na agad ang mga higad." Napangiti ako sa turan ni Jersey. Na-miss ko ang kaingayan nila. 

"Hindi ka ba ginugulo nila Allessandra?" tanong ni Fresha, umiling ako. Hindi pa sa ngayon, ewan ko lang sa mga susunod na araw.

"Ikakasal na ako, pupunta naman siguro kayo?" mahinahong tanong ko sa kanila. Nagkatinginan silang apat na tila nag-iisip pa sa isasagot sa akin. Huwag nilang sabihin na hindi sila pupunta?

"Hindi?" tanong ko ulit. Hindi nakatakas sa akin ang paghinga nang malalim ni Munique.

"Gustuhin man namin Klai pero delikado. Ang alam ng kampo natin ay wala na kami, kung makita nila kami baka pati ikaw ay mapahamak." Kinunotan ko siya ng noo. 

Wala namang kilos ang kampo namin pero tama siya, hindi malabong gagawa ng paraan sila Allessandra na mahanap sila. Ang alam lang nila, ako ang buhay. Kapag nalaman nilang buhay ang apat panigurado ay sobrang magagalit siya, iisipin niyang trinaydor namin siya. Gusto lang namin makatakas sa kamay nila.

"Huwag kang mag-alala, isipin mo na lang na naroon kami at saka hindi ka pa talaga buntis?" Iniripan ko si Jersey sa tanong nito. Paano naman ako mabubuntis eh hindi naman sigu-- "Oh, natahimik ka."

Magsasalita pa sana ako nang may biglang humawak sa baywang ko kaya napatigil ako at tumingin sa taong iyon, si Tucker. "We need to leave, someone followed us." We all stopped, nagkatinginan kaming lima. Ito na nga ba ang sinasabi nila.

"T-teka, saglit ko lang silang nakausap."

"Wife, we need to leave or else lahat kayong lima ay mapahamak. They are safe here." Tumingin ako sa apat, niyakap ko sila nang mahigpit dahil hindi ko alam kung kailan ulit kami magkikita. 

"Ingatan mo ang sarili mo, Klai." Tumango ako kay Fresha. 

Habang naglalakad kami palabas ni Tucker, bigla kaming tumigil nang makarinig ng putok ng baril. Lahat ay nagkagulo at mahigpit ang hawak sa akin ni Tucker. Sumigaw siya para ipaabot sa mga tauhan nito ang gagawin, nakita ko rin na kumilos ang apat kong kaibigan. 

Anong nangyayari? Damn, wala akong dalang panlaban!

"Stay with me, don't you dare remove your hand." Umigting ang panga ni Tucker habang sinasabi niya iyon sa harap ko. Wala naman akong magawa dahil wala akong dalang armas.

Patuloy ang putokan ng banda sa amin at mga nagpaputok sa labas. Totoo ngang nasundan kami. "Shit!" I heard him cursed at nang tingnan ko siya, gulat akong makitang duguan na ito.

"May tama ka, Tucker." giit kong saad, he just looked at me as if nothing happened at patuloy na nagpaputok ng baril. Damn it! Kita ko na sa kanyang mukha na nasasaktan siya dahil sa sugat.

"Damn! Stay here wife, huwag kang aalis." Binitiwan niya ako sa tagong lugar, he kissed me in the forehead bago tumakbo palayo.

Naiinis ako, para akong walang silbi dito. Bakit ba kasi hindi ko dinala kahit baril manlang! Kinuyom ko ang kamo ko habang pinagmasdan ang mga taong nakipagputokan pa rin, bumaling ako sa mga kaibigan ko na ngayo'y may mga kalaban na. May nakapasok? Teka, pero paano? Hindi makakapasok kung walang command ng kung sino dito. Iyon ang napansin ko kanina bago kami makapasok ni Tucker. 

Habang pinagmasdan ko sila, nagulat ako nang may biglang humawak sa balikat ko. Agad ko siyang sinuntok. Naalala ko ang hitsura nito, isa ito sa mga bagong tinuruan noong umalis kami sa organization. 

"Bata ka pa, umalis ka na kung ayaw mong matulad sa amin." Sinabi ko iyon habng kalaban siya. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Hindi ako magiging katulad niyo na naging traydor pagkatapos bihisan nila boss."

Wala siyang alam, hindi nila alam ang hirap din namin sa kamay ni Allessandra. Ganito kami dati, nauto at namangha sa pinakitang kabaitan ng mga tao sa organization. 

"Hindi ako pumapatol sa bata," giit ko sa kanya. Ngumisi siya at halos manlaki ang mga mata ko nang ipakita niya sa akin ang maliit na kutsilyo. Damn it!

Panay iwas lang ako sa ginagawa niya. Nang mahawakan ko siya sa kamay, natapon ang hawak niya. Sabay naming tiningnan iyon at nag-uunahang kunin at sa kasamaang palad, siya ang nakakuha. Mabilis akong tumayo at lumayo sa kanya, siya nama'y hindi talaga nagpapatalo. Hinabol niya ako. Narinig ko pa ang mga taong tumawag sa pangalan ko. Nagulat ako lalo nang may dalawa pang taong humarang sa akin na may dalang baril at tinutok sa akin.

Dahan-dahang lumakad ang isa sa kanila habang nakatutok pa rin ang baril sa akin. "Isa rin ba ito sa traydor ni boss?" Nakangising tanong niya sa mga kasama nito. 

Gustuhin ko mang umatras ngunit hindi ko magawa dahil alam kong may nakaabang din sa likod ko. Pinalibutan na ako ng maraming kalaban, nilibot ko rin ang tingin sa paligid at halos manghina at mapaluhod ako nang makitang sugatan na lahat ng kaibigan ko. Hinanap ko si Tucker ngunit pati sila ay hindi ko makita. 

Shit! Potangina kung minamalas ka nga naman, ngayon pa talaga. 

"Ang kapal naman ng mukha ninyong traydurin si boss," sabi ng isa. Tiningnan ko lang sila na masama ang tingin sa akin.

Pasimple kong ginalaw ang mga paa ko papaatras at habang siya ay kaunti na lang malapit na sa akin. Nang lubusan niyang inilapit ang sarili, hindi ako nagdalawang isip na kunin ang baril na hawak niya at sinuntok sa mukha ngunit hindi ko pa siyang tuloyang napatumba ay nakarinig ako ng sigaw at pangyayaring hindi ko inasahan.

"Klailea!" 

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.