She Stole My Heart Chapter 39

At sa pagbukasa ng pinto, bumungad sa akin ang magandang pakinggan na musika at ang mga taong nagpapalakpakan na hindi ko rin naman kilala.

Pagkatapos ng araw na ito magbabago muli ang takbo ng buhay ko, ang araw na ito ang magiging dahilan ng pagbagsak ko. Mahal ko si Tucker pero alam ko rin na ang gagawin ko ay makakatulong sa kanya.

Tanaw ko na ang lalaking dahilan ng lahat ng ito, ang una ay tanging mission ko lang siyang pagbagsakin at biglang bumaliktad ang mundo naming dalawa. Ako ang nakuha sa sarili kong patibong, alam kong may parusa akong matatanggap mula sa mga kasamahan ko sa paglabag ng pinaka-una naming rules. Ang huwag mahulog na dapat ay mission lang. At ang parusang iyon ay magagawa ko na.

"You're beautiful," bulong niya sa akin nang makarating na ako sa harap.

"Tucker, the moment I saw you...alam kong hindi kita mapa-amo ngunit hindi ko mawari kung bakit tayo magkasama sa harap ng Diyos ngayon. Sa totoo lang, masaya ako. Masaya akong ikaw ang kahawak kamay ko ngayon, kung papiliin man ako sa susunod na buhay kung sino ang gugustuhin kong makasama, ikaw 'yon." Pinigilan kong humikbi kahit na nahihirapan kong banggitin iyon.

Hinawakan niya ang aking pisngi at ngumiti. I looked at his eyes that full of desires, nakalimutan niya bang kontrata lang ang gagawin namin? Bakit ganito siya makatingin? Bakit ang hirap umiwas sa mga mata at buong mukha niya, kaya ko ba talaga siyang iwanan?

Bago ako humarap sa pari hinanap ko muna ang mga kasamahan ko at napangiti ako sa aking isipan dahil sa nakita.

It's time....

"You may now kiss the bri—"

"Shit!"

Mabilis akong bumitaw sa kamay ni Tucker at tumakbo papalayo. Biglang namatay ang ilaw at nagkakagulo ang mga tao, habang rinig ko ang pagsigaw no Tucker sa pangalan ko hindi ko na napigilan ang luhang kanina pa gustong kumawala.

Patawad, Tucker.

"Shit, ang tagal mo!" bungad sa akin ni Munique nang makarating ako sa pinag-usapan namin kung saan kami magkikita.

Sinabi ko sa kanila ang plano bago ako nakarating sa simbahan na agad din naman nilang sinag-ayonan. Na sa oras na bubukas ang pintuan ng simbahan palihim silang aalis isa-isa at gumawa ng plano, papatayin ang ilaw at magpapaputok ng baril hanggang sa makalayo ako kay Tucker. Habang naglalakad ako kanina patungo sa kanya, nahihirapan na ako dahil sumisikip ang dibdib ko. May parte sa aking loob na patigilin ang apat ngunit hindi pwede.

Mabilis kong hinubad ang gown at bumungad sa kanila ang suot kong puting damit sa loob, nakahanda na ito noong isang araw pa lang.

"Nasaan?" tanong ko.

"Nasa likod, bilisan na natin at paniguradong hinahanap ka na ni Tucker at ng mga tauhan niya," sagot ni Fresha.

Agad kaming tumakbo patungo sa likod at mabilis na sumakay sa mga motorbike namin, na-miss ko ito.

"Saan tayo?" sigaw na tanong ni Jersey, tumingin kami kay Almina dahil alam namin na siya lang may nakakaalam kung saan kami pupunta.

"Sa unang lugar natin kung paano tayo nagkakilala." Nagkatinginan kaming apat at tumango ng sabay.

Habang nagmamaneho, hindi ko na talaga napigilan ang paglabas ng luha ko, dapat hindi ko na lang siya minahal para hindi ganito kahirap kung iwanan siya.

"We're here," saad ni Almina nang makarating kami sa lugar kung saan kami naging pamilya bago kami sumabak sa masasamang bagay.

"Ang tagal na rin," segunda naman ni Munique habang nakangiting nakatingin sa maliit na kubo.

Nasa malayong gubat kami kung saan uunti lang ang nakatira, pareho kaming lima noon na nawawala at hindi alam kung anong gagawin sa buhay. Matagal kaming nanatili sa gubat na ito bago kami makapunta sa City at nakita nila Allesandra para papasukin maging kriminal. Dito nagsimula ang lahat ng pagkakaibigan namin.

"What now?" Tumingin kami kay Fresha nang magsalita siya.

Yeah, what now Klailea?

Tumingin sila sa akin, wala akong maisagot dahil hindi ko rin alam.

"Anong plano mo ngayon? Tapos ka na sa una mong plano," Almina said. I heaved a sighed at tumayo ng maayos.

"Hindi niyo ba ako paparusahan sa paglabag ng rule natin?" seryosong tanong ko. Umiling si Almina na halatang hindi natutuwa sa akin, umiwas naman ng tingin si Fresha at bumuntong hininga sabay si Jersey at Munique. Sabi na, disappointed sila sa akin.

"Hindi pa ba parusa ang pag-iwan mo kay Tucker?" I bit my lower lip of what Almina's said. "Hindi pa ba parusa na tumakas ka dala ang anak mo, paano natin siya bubuhayin kung delikado ang mga buhay natin?"

Tama siya, hanggang ngayon hinahanap pa rin kami nila Alessandra.

Hinawakan ko ang aking t'yan, hindi ako nag-iisip!

"B-baka kaya naman natin siyang buhay—"

"Ibabalik ko siya." Napatigil si Munique nang magsalita ulit ako at taka nila akong tiningnan, umawang ang mga labi. "Pagkatapos kong ipagbuntis ang bata, ibabalik ko siya."

"Nababaliw ka ba? Anong silbi ng pag-alis mo kung ibabalik mo rin siya?" Umiwas ako ng tingin sa tanong ni Fresha, hindi nila naintindihan.

"Gusto kong makasama muna ang anak ko, dahil sa oras na doon ako kay Tucker habang pinagbuntis ang bata, aalis din naman ako at hindi kasama ang anak ko. G-gusto ko muna siyang mayakap bago ko siya ibalik sa Ama niya para mabigyan ng maayos na buhay."

"Klai, masyado mong pinaparusahan ang sarili mo. Tama na..." Umiling ako kay Munique, sabay silang lumapit sa akin at niyakap ako nang hindi ko na talaga mapigilan ang pag-iyak.

"K-kasalan ko 'to, sana hindi na lang ako pumayag sa mission para hindi ko siya nakilala. Sana hindi na lang din ako pumayag sa deal naming dalawa, kasalan ko ang lahat."

"Shh, wala kaming naintindihan sa plano mo pero nandito lang kami, okay? Susuportaan ka namin, hindi ka namin iiwanan, Klai." Niyakap ko si Almina. "Gusto rin namin mayakap ang baby bago mo siya ibalik after nine months," dagdag niya na tanging pagtango lang din ang sinagot ko.

--------

NINE MONTHS LATER

"Aling Marta, matagal pa ba?"

"Aling Marta, baka nahihirapan na si Klai!"

"Ang ingay ng mga kaibigan mo," saad ni Aling Marta sa akon, siya ang tinawagan namin para magpa-anak.

Sumakit kasi ito kagabi kaya agad namin siyang tinawag kinabukasan, ngayon na pala yata ako manganganak.

Sa ilang buwan namin dito sa gubat wala kaming balita sa labas pero sa tuwing lumalabas silang apat, pinagpatuloy nila ang pagtatago para lang maging ligtas kami. Natuto na rin kaming magbenta ng kung anu-ano sa bayan para mabuhay, noong hindi pa malaki ang t'yan ko sumasama ako sa kanila habang iba ang mga kaanyuan. Iilan lang ang nakakailala sa amin dito dahil kaunti lang din naman ang mga tao at bahay pero sa tuwing lalabas kami sa gubat na ito, maraming taong nakakita sa amin at mabuti na lang hindi sa tunay naming mukha dahil mahirap na.

"Manang!" Napasigaw ako nang maramdaman na sumasakit ang t'yan ko. Agad din namang rumespende si Manang Marta.

"Diyos ko! Umere ka na!"

Sinunod ko ang sinabi niya na umere, ang sakit!

"Ere pa!" sigaw nito ulit.

"Klai!" Hindi ko napansin na nakapasok na rin pala ang mga kaibigan ko, hinawakan ni Almina at Fresha ang kamay ko at kita ko rin na nagyayakapan sina Munique at Jersey na natitiyak kong nag-iiyakan.

Nang dahan-dahang gumaan ang t'yan ko, nakaramdam ako ng pagkahilo. Ang huling narinig ko ay ang iyak ng bata bago ako tuloyang mawalan ng malay.

----

"Ang cute!"

"Ang ingay, baka magising si Klailea."

"Mana sa Papa."

Iminulat ko ang aking mga mata nang marinig ang ingay sa paligid, bumungad sa akin ang mga kaibigan ko na nakatingin sa may gilid ko. Nang lumingon ako, iginalaw ko ang aking kamay para abutin ang anak ko. Nagulat naman ang apat.

"Gago, bakit ka gising."

"Malamang, buhay siya." Kita ko pang binatukan ni Jersey si Munique.

"Ang anak ko..." Dahan-dahang lumapit si Fresha sa akin na siyang may dala ng anak ko. I smiled when I saw the face of my baby. He's a baby boy.

"What's his name?" tanong ni Almina.

Natahimik ako, matagal ko na rin itong pinag-isipan kung ano ang ipapangalan ko sa kanya. Noong unang buwan pa lang ng pagbubintis ko.

"Trunder," I said and smiled.

Malapit sa pangalan ng Tatay niya. At ayaw ko mang gawin ang susunod na plano, kailangan ko na rin mapaghandaan na ibabalik ko rin siya sa Tatay niya.

"Ang gandang pangalan."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.