She Stole My Heart Chapter 41

"Klai." Napahinto ako nang marinig ang boses ni Almina, alam ko ang sasabihin niya. Pipilitin niya pa rin akong kumbisihin na humingi ng tulong.

"Kahit para sa anak mo lang."

"Seryoso ba kayo?" Tumingin ako sa kanilang lahat nang sumunod na rin ang tatlo. Ano bang mapapala namin kung lumapit kina Tucker? "Gusto n'yo bang ipahiya ako sa kanya? Na iniwan ko siya at babalik para lang humingi ng tulong?"

"Alam mong hindi natin ito kaya, kung papairalin mo iyang mataas mong pride wala tayong mapapala. Anak mo ang pinag-usapan din dito, Klai." Umiwas ako ng tingin nang sabihin iyon ni Jersey, bakas sa tono niya na seryoso na talaga ito. 

Alam kong sa ganitong pagkakataon hindi nila ako susundin dahil lahat na sila may gusto sa ayaw ko. 

Huminga ako nang malalim at buong lakas na tumingin sa kanila. "S-sige, pagbibigyan ko kayo. Para sa anak ko...at para na rin makita ko siya at mahawakan." Lumunok ako, nahihirapan akong huminga. Hindi ko kayang makita si Tucker, nahihiya ako dahil sa ginawa ko. 

Kinabukasan, lahat sila ay nag-aayos maliban sa akin. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kinakabahan ako. Ngayon na mismo kami pupunta kina Tucker, kagabi ko pa iniisip kung ano ang sasabihin ko kung magkita kami. Tatanungin ko ba kung kumusta siya o hihilingin ko bang makita ang anak ko? Hindi ko alam. 

Lumingon ako kay Fresha nang hawakan niya ang balikat ko, bakas sa mukha nitong nag-aaalala. I smiled at her to assured that I'm fine, wala naman akong choice dahil lahat sila may gusto nito.

"Ayos ka lang?" Tumango ako. "I'm sorry, alam kong mahirap para sa’yo ang gagawin natin pero isipin mo na lang na makita mo na si Trunder, mahahawakan mo siya, mayayakap."

"Para rin naman sa atin 'to. Titiisin ko na lang kung ano ang magiging reaction niya. Mahihirapan ako pero kakayanin ko, makita lang din si Trunder." She tapped my shoulder and smiled.

"Tara na, nag-aantay na sila." 

***

"Kumusta?" bungad sa amin ni Jordan na nakangiti, parang dati lang siya ang hinahanap namin dahil akala namin ay kalaban ngunit nagkamali kami, sila rin pala ang makakatulong sa amin sa kapahamakan. 

"Thank you, Jordan." I hugged him. 

"You good?" Tumango ako at ngumiti, alam ko ang ibig sabihin ng tanong niya. "He will come, are you sure ayos ka lang?" dagdag pa na tanong nito. Bakas sa mukhang nag-aalala

"I'm good at magiging ayos. Don't worry," I replied.

"He's here..." I stopped when I heard Almina's voice. 

"Hey..."

Ang kaninang kaba na nararamdaman ko ay mas lalong lumala nang marinig ang boses niya. Limang taon mahigit kong hindi narinig iyon, pinipigilan kong umiyak. Ramdam ko rin na malapit ito sa amin.

Palihim akong lumingon kay Munique nang siniko niya ako, "Ano ka na d'yan? Ito iyong iniwan mo? Ang gwapo talaga, dapat binigay mo na lang sa akin." Umirap ako sa kanya nang bumulong ito, gago talaga.

"Long time no see." 

Halos manlaki ang mga mata ko sa gulat nang marinig ang boses niya malapit sa tainga ko, rinig ko pa ang mahinang tili ni Jersey at Munique. Teka, lumapit ba siya sa akin? 

Dahan-dahan akong kumilos para lumingon sa kanya nang napatigil dahil sa sobrang lapit na namin sa isa't isa. Teka lang naman! Hindi ako handang makita siya, ang makalapit pa.

"Hey, my run away bride..." Shit, bakit ang gwapo niya?!

"H-hi.." the fuck? Ano iyang Hi, pabebe! 

I gulped twice when he looked at me down to my lips. Hindi ko magawang gumalaw manlang, para akong hinihila ng kanyang mga mata. Nanghihina ang mga tuhod ko.

"It's nice to see you here, Alora." My lips parted when he walked away after saying those lines. Wait, he called me in my fake name? What was that? 

"Tameme ka gorl?" Hindi ko pinansin ang bulong ni Jersey, "gwapo ng tinakbuhan mo ah. Yummy." 

Bakit ganoon ang nararamdaman ko? Bakit nakaramdam ako ng panghihina nang tignan niya lang ako? Matagal na ang limang taon, dapat wala na akong nararamdaman sa kanya na kahit ano man. 

"Mas lalong dumami ang tauhan nila Alessandra. Kung dati, puro kababaihan ang umiikot sa organisasyon nila, ngayon ay may mga lalaki na. Mas lalo silang lumakas dahil sa mga connections nila sa iba't ibang malalaking organisasyon, pati parte ng presidensiya ay may kapit sila." 

Nakaikot kaming lahat habang nakikinig kina Jordan na nagsasalita sa harapan namin. 

"According to our spy, ang habol nila ay mga armas ng iba't ibang grupo. Kasama na sa atin pero hindi ko mawari kung bakit kailangan pa nilang mandamay ng mga inosenteng tao kaya hangga't maaari, kailangan nating protektahan ang bawat miyembro ng pamilya natin," dagdag ni Jordan.

"Sa oras na may traydor dito, hindi ako magdadalawang isip na patayin kayo. I don't need a parasite in our organization. You should know that!" 

Natahimik ang lahat nang si Tucker na ang nagsalita, may narinig kaming bulong-bulongan, may iilang babaeng nakangiti habang nakatingin sa kanya. Anong nakakakilig sa sinabi niya? Papatay siya ng tao, mga baliw. 

"Go back to your places now, tomorrow afternoon magsisimula na tayong mag-imbistiga." Huling sinabi niya at lahat ng tao ay nagsialisan na. 

Nagkatinginan kaming lima. "Tama ba ang desisyon nating pumunta rito?" tanong ko. Hindi naman nakatakas ang pag-irap ni Almina at Fresha sa akin. 

"Tama, walang mali sa desisyon natin. Huwag ka nang kabahan dahil lang nilapitan ka niya," saad ni Fresha. 

I heaved a sighed, hindi nila ako naiintindihan. 

"Papa!"

"Hala..." Tumingin ako kay Munique dahil sa reaction niya, pareho kaming napatigil dahil sa narinig na boses ng bata.

"Trunder, son why are you here?" rinig kong sabi ni Tucker. Lumingon ako kung saan siya at mangiyakngiyak ako nang makita ang anak kong hawak ng isang babae.

She kissed Tucker's lips na siyang ikinagulat ko.

"Oh my gosh...ano iyan? Who's that girl?" hindi ko pinansin si Jersey.

"Mommy Celine helped me to go here, I want you to play with me..."

Mommy? Nasasaktan ako sa nakikita ko, para silang masayang pamilya na mahirap gibain. Sobrang ganda nilang pagmasdan. Dapat ba akong magalit kasi dapat ako ang nandiyan, ako ang dapat tinatawag na Mommy ng anak ko. 

"You're not allowed to go here, son..." Lumingon sa akin si Tucker na agad naman akong umiwas ng tingin.

"Banyo lang ako," paalam ko sa kanila at naglakad na umalis. 

Ramdam ko ang tingin nilang apat, awa. Hindi sila dapat maawa sa akin dahil kasalanan ko naman. 

Pagkarating ko sa CR, hindi ko na napigilan ang luha ko. Ang sakit makita na ang dalawang lalaki sa buhay ko ay masaya sa iba. Sino si Celine? 

"So you are..." Mabilis akong lumingon sa pumasok, si Celine. "Ikaw ang babaeng tinakbohan si Tucker sa kasal n'yo..." Hindi iyon tanong kundi isang salita na pilit pinapaalala sa akin.

"S-sino ka?"

"Ako?" She smirked, "Ako lang naman ang bagong asawa ni Tucker at Mommy no Trunder."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.