"G-gusto ko lang naman maging ligtas ang anak ko. Sa tingin mo ba madali sa akin na gawin ang bagay na iyon? Hindi, Tucker. Araw-araw kong pinagsisihan na iniwan ko ang anak ko..."
"Ang pag-iwan sa akin? Hindi mo pinagsisihan?" Umiwas ako ng tingin. Hindi ko magawang sagutin ang tanong na iyon.
Sa totoo lang, pinagsisihan ko ang pag-iwan sa kanya ngunit hindi ngayon ang panahon para sabihin iyon. "Tucker, pumayag ako dito para sa anak ko."
.
"At pumayag akong tulongan kayo para sa'yo." Mas lalo akong natahimik.
"Bakit ka ba nagagalit? May Celine ka naman na pero parang awa mo naman, huwag mong ibigay sa kanya ang anak ko." He smirked like I am wrong. Tama naman, mas pinaboran niyang maging ina si Celine kaysa sa akin.
"Si Celine ang nandyan nang kailangan ko ng katulong sa pag-aalaga ng anak ko, Klai. Hindi ko pwedeng ilayo sa kanya ang bata."
What the fuck?
"Fine, pero hindi mo ako mapipigilan kung lalapitan ko siya. I'm his mother at walang kahit na sinong makakaalis no'n sa akin, tandaan mo 'yan!" Tinulak ko siya nang malakas palayo sa akin at tinalikuran.
Nakakagigil siya! Bakit ako bawal lumapit sa anak ko? Kahit lapit lang, hindi naman ako magpapakilala bilang totoong ina niya. Nakakainis ka Tucker! May araw ka rin sa akin.
"Oh, akala ko naman balikan na. Bakit ganyan ang mukha mo?" Inirapan ko si Jersey nang ibungad niya sa akin iyon.
"Nakakainis, tara na nga." Padabog kong kinuha ang mga gamit ko.
"Hey hey, anong ganap? Bakit ganyan ang mukha mo?" segunda naman ni Munique. Nakatingin na rin si Almina at Fresha sa akin.
Huminga ako nang malalim bago sila harapin. "Wala," saad ko at naunang umalis pero ilang minuto akong naglalakad ngunit wala akong naramdamang sumunod sila. Paglingon ko, nakatayo lang sila kung saan sila kanina.
"What the hell? Ano? Tatayo na lang kayo?" inis kong tanong. Naglakad naman si Almina palapit sa akin at sumunod silang tatlo.
"Dito muna tayo manatili, Klai. Kailangan nating mag-ensayo rito, magibg handa." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Kailangan niyo pinag-usapan ito?" Walang gana kong tanong.
Almina heaved a sigh, "Alam naming hindi ka papayag kaya kami na ang nag desisyon, I'm sorry pero kailangan nating gawin ito."
Ano pa nga bang magagawa ko? Wala na, gumawa na sila ng desisyon na hindi ako sinabihan. Bumalik ako sa dinaanan ko kanina at binagsak ang katawan sa sofa. "Ano pa nga ba?" saad ko na hindi nakatingin sa kanila.
Kinagabihan, lumabas ako para magpahingan. Pakiramdam ko, kapag nasa loob ako kasama ang mga tauhan nila Tucker, na-fu-frustrate ako. Ang hirap kumilos.
"Alone?" Agad akong lumingon sa nagsalita, mukha ba akong may kasama? May nakikita ba siyang hindi ko nakikita?
"May nakikita ka ba na hindi ko nakikita?" Tanga naman ng tanong nito, alam niyang wala akong kasama e.
"Sungit naman ng ex-wife ni Boss Tucker." Mas lalo akong nainis sa sinabi niya.
"Sino ka ba?" pagsusungit ko pa, feeling close naman nito pero infairness gwapo siya, mukha nga lang bata.
"Arjay po. Inutosan ako ni boss na papuntahin ka sa kanya." Kinunotan ko siya ng noo.
"Sabihin mo umalis at saka tulog o hindi kaya namatay na."
"Iwan mo na kami Arjay, baka magising pa siya." Halos manlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Tucker sa likod ko, agad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. "Buhay ka na ba ulit?" tanong pa nito.
Sinaman ko rin ng tingin si Arjay nang tumawa ito. "Sige boss." He left us.
Seryosong nakatingin sa akin si Tucker at ako nama'y umiwas ng tingin sa kanya. "Anong kailangan mo?" tanong ko. He coughed at naramdaman kong naglalakad ito papunta sa akin kaya gumalaw ako para lumayo sa kanya.
"About my son—"
"My son too, Tucker." I corrected him. "What about him? May nangyari ba?" Umiling siya.
"Ayaw ko mang gawin ito dahil galit pa rin ako sa'yo pero tama ka. Anak mo rin ang anak ko, kahit gusto kong lumayo ka sa kanya but he needs to know you as his mom." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano bang ibigsabihin nito? Puwede namang diretsuhin ako.
"Just tell me, Tucker. What do you want?"
"Be his mom." I stoped. Tiningnan ko siya kung totoo nga ba ang sinasabi niya. "Be his mom for a while, I'll have something to do. Out of town, maybe?"
"W-what do you mean? I mean, w-why?" Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Gusto kong umiyak, sumigaw, tumawa at yakapin siya dahil sa sinabi niya pero gusto ko munang masigurado na tutuparin niya ito.
"Maging nanay ka niya, Klailea. Kailangan ka niya. You'll come with me tomorrow, ipapakilala kita sa kany—" hindi ko siya pinatapos dahil agad ko siyang niyakap nang mahigpit.
Ramdam kong hindi siya nakagalaw kaya ako na mismo ang humiwalay. "I-I'm sorry. I just uhm...thank you, thank you so much Tucker."
Hindi siya sumagot, tiningnan niya lang ako na para bang mali ang ginawa kong pagyakap sa kanya. Pasensya naman, nadala lang ng bugso ng damdamin.
"You know what? I am really sorry, okay? Uhm, n-nadala lang ako."
"Don't do it again. It disgust me." He turned away after he said that. Para naman akong sinaksak, nandidiri siya sa ginawa ko? O sadyang sobra lang ang galit niya sa akin?
"Tucker..." Bago pa siya makalayo, tinawag ko siya at lumingon naman ito. Napakagat ako ng ibabang labi ko at naglakad patungo sa kanya.
Malaki ang kasalanan ko sa kanya at may parte sa sarili ko na gustong bumawi sa pagkakamaling iyon. "Don't do it." Napatigil ako at nagtaka nang magsalita siya.
"What?" I asked.
"Biting your lips in front of me, Klailea." Diin niyang saad. I smiled in my mind, I am just biting my lip.
Dahan-dahan pa rin akong lumapit sa kanya at hindi naman ito gumalaw sa kinatayuan. Nakatingin lang sa akin ng seryoso.
"Why? You're still into my lips? Do you want to kiss me?"
"What the hell are you talking about?" Napahiya ako ro'n ah. "Stop doing this because I don't love you anymore and I just give you the chance for my son. Just do that."
Hindi dapat ako masaktan sa mga salita niya dahil tama siya. Dapat sa anak ko lang ako mag-fo-focus. "Alright, I'm sorry. I'm just kidding," I said and looked at him.
"Sleep, maaga tayo bukas." Tumango ako at hinayaan na siyang tumalikod at umalis. I heaved a sigh bago na rin maglakad papuntang kwarto ko sana nang nagulat at napaharap nang hilahin niya ako bigla.
Halos manlambot ako sa ginawa niya. He fucking kissed me! What the hell? Dahil sa gulat, hindi agad ako makagalaw, gustohin ko mang makawala ngunit diniin niya ang paghalik sa akin. Nang bibigay at tutugonan ko na sana ang halik niya, bigla siyang tumigil at humiwalay sa akin.
"Your lips..." Tumingin siya sa labi ko. Halos hindi ako makahinga dahil sa nangyari.
"Tucker..."
"Shit, damn it!" He pulled me back and kissed me passionately.