She Stole My Heart Chapter 47

Agad ko siyang itinulak palayo sa akin. Ano bang ginagawa niya? Sa harap pa talaga ng anak ko! "Are you two fight?" I turned to my son. Seryoso siyang nakatingin sa aming dalawa ni Tucker kaya bumaling ako sa gago at palihim siyang sinamaan ng tingin. Kasalan niya ito!

"No baby, we're not fight." Kinuha ko siya at tinabi sa gitna namin ni Tucker para hindi makalapit sa akin ang gagong ito.

"Mommy..." Gulat akong tumingin kay Thrunder nang banggitin niya ang salitang iyon, naiiyak ako na iwan dahil ang sarap pa rin sa pakiramdam na tawaging Mommy ng anak ko. Matagal ko itong pinangarap.

"Yes baby?" tanong ko habang nakangiti sa kanya. "May kailangan ka ba?" dagdag ko pa.

"Do you know how to cook ba?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Why would he ask this? "Like daddy? He knows how to cook, he always cooked my favourite food. So, I am asking you." Bumaling ako kay Tucker na ngayon ay nakatingin sa akin, nagkibitbalikat lang siya na para nang hinayaan akong kausapin ang anak ko which is good for me para mas makilala ko pa ang anak ko nang hindi umeepal si Tucker.

"What's your favorite food?" I asked. He smiled at me widely.

"My favourite food is kare-kare with a chicken on it!" he shouted with a clap. Natawa ako dahil sa sigaw niya. Ang cute ng anak ko, gusto kong huwag tumigil ang araw na ito na kasama siya.

"I will cook kare-kare for you, when do you want me to cook?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Bumaling naman siya kay Tucker na para bang nanghihingi ng permisyo.

"Daddy, can we go home now and let's bring Mommy Klailea to our house. She said she can cook kare-kare..." Bumaling din ako kay Tucker, nag-aantay na umuo siya kahit ayaw kong pumunta sa bahay niya. Pero kung hindi ang sagot niya, papatayin ko siya ngayon mismo.

Bumaling siya sa akin na nakakunot ang noo kaya tinaasan ko rin siya ng kilay. "Kung gusto niyang sumama, why not." Nakatingin pa rin siya sa akin nang sabihin iyon. Bumaling ako kay Thrunder na inaantay yata ang sagot ko.

Hinawakan ko ang pisngi niya at saka ngumiti. "All right, I will go to your house and will cook your favourite food!" I clapped my hands so as he did too.

Nang huminto ang sinasakyan namin, bumaba na kaming tatlo. Hinabol ko pa si Thrunder dahil mabilis itong tumakbo papunta sa kotse ni Tucker. Ang energetic naman yata ng batang ito, ako yata ang napagod kakahabol sa kanya ngunit hindi ko iyon ininda dahil minsan ko lang nakasama ang anak ko at hindi ko papalagpasin ang araw na ito.

Mahahabol ko na sana ang anak ko nang mapahinto ako dahil sa bumunggo sa akin. "I'm sorry...are you okay?" Tinulongan ko ang matandang babae na nakaupo na sa sahig. "Ayos ka lang po ba?" Ulit kong tanong. Dahan-dahan siyang umayos ng tayo at tumingin sa akin ng dahilan nang pagkagulat ko. Umatras ako at tumingin kay Tucker na ngayon ay nagulat din.

"Alessandra..."

"Hello, my favourite daughter..." She smiled with an evil on her face. Kinabahan ako bigla.

Bumaling ulit ako kay Tucker, hinila niya ako palayo kay Alessandra na hanggang ngayon ay parang demonyong nakangiti sa akin

Damn it!

Tumingin ako kung nasaan ang anak ko ngunit hindi ko na siya makita. "Tucker, ang anak natin!" Mabilis kong itinulak si Alessandra at tumakbo ako papunta kung saan naka-park ang kotse ni Tucker. "Shit! Nasaan ang anak ko?" Napahawak na ako sa ulo ko dahil sa kaba.

Sana hindi ko inalis ang mata ko kay Thrunder. Nakita ko si Tucker na aligaga rin sa paghahanap habang may katawagan sa cell phone nito. Hindi na maalis sa dibdib ko ang kaba. Hindi ko pa rin mahanap ang anak ko!

Bumaling ulit ako kay Alessandra kung saan namin siya iniwan kanina ngunit hindi ko na siya nakita ulit. "Tangina. Saan natin hahanapin ang anak ko, Tucker." Hindi ko na mapigilan ang umiyak.

Nilapitan ako ni Tucker at akmang yayakapin niya ako nang itulak ko siya palayo sa akin. "Hindi ko kailangan ng yakap mo, Tucker. Kailangan nating mahanap ang anak natin!"

"I'm calling my team para pumunta rito at suriin ang buong lugar. I am sure nandito pa si Thrunder," he said. Hindi ko siya pinansin at ako na mismo ang naghanap sa anak ko.

Bakit hindi ko naisip na kayang pumunta ni Alessandra dito para sirain ang araw ko. I just need to find my son kahit may porsyentong kinidnap nila ito pero sana naman hindi.

"Almina..." I called them. "Alessandra is here and now, nawawala ang anak ko. Hindi ko siya mahanap, kinakabahan ako na baka kinuha nila ang anak ko...please, help me find him." I cried. Hinayaan ko na ang sarili kong umiyak. Wala akong dalang panlaban ngayon kung may makita man akong kalaban.

"Calm down, Klai!"

"Damn it! How can I calm down, Almina? Kung nagpakita na sa akin si Alessandra at mapahamak ang anak ko, ha?" Hindi ko maiwasan ang hindi sumigaw. Paano ako kakalma kung biglang nawala ang anak ko at nakita ko si Alessandra.

I know they are after us, her girls. Alam kong kukunin niya kami para patayin ang paraan niya ay unahin ang mga mahal namin sa buhay. She knows I have a son.

"All right, papunta na kami sa hide out nila at titignan namin doon. Pupunta rin si Fresha sa'yo, kumalma ka dahil walang magagawa ang ganyang reaction. Search him more." Binaba ko na ang tawag at sinimulan na ulit ang paghahanap sa anak ko.

I saw Tucker talking to some men kaya hinayaan ko na siya. Pumasok ako sa horror house, hindi ko alam kung bakit tinatawag ako ng lugar na ito. I just thought na dinala nila ang anak ko sa madilim na lugar.

"Thrunder!" I called his name pero walang sumasagot. I called him thrice hanggang sa nakarating ako sa sobrang dilim na parte ng horror house na ito.

"Shit!" Tumakbo ako ng mabilis nang may makitang katawan ng bata na nakahiga. "Thrunder!"

I know it's him, sa suot pa lang nitong sapatos. Nang nakita ko na ang buong mukha niya, napaluhod ako dahil nakaramdam ng panghihina. "Anong ginawa nila sa'yo, anak?" Binuhat ko siya palabas ng horror house habang umiiyak ako.

Galit ang naramdaman ko kung sino man ang gumawa nito sa anak ko. Iniwan nila ito sa loob na walang hangin!

"Klailea! Shit!" Sinalubong kami ni Tucker at ng iba niyang kasama. Kinuha niya si Thrunder, nilagay sa kotse sumunod ako sa kanya. "Kailangan nating dalhin siya sa hospital." I know.

Ikinuyom ko ang mga kamao ko. May sakit ang anak ko sa puso at sa oras na napunta ito sa mainit na lugar, nahihimatay siya. Pagbabayaran ni Alessandra ang ginawa niya sa anak ko.

Bumaling ako kay Tucker nang hawakan niya ang kamay ko. "He'll be fine. He is strong like you."

Tiningnan ko pa siya ng seryoso, lumunok ng dalawang beses. "Magbabayad sila sa ginawa nila sa anak ko." Gigil kong sabi. Pinakalma ako ni Tucker na agad ko rin inalis ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

"Tucker...sa'yo na ako titira simula sa araw na ito at ako na mismo ang mag-aalala sa anak ko..."

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. "What do you mean?" Nakakunot noo niyang tanong. Hindi niya ba maintindihan na gusto ko nang makasama ang anak ko.

"I will stay with you and with my son..."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.