Crystal's POV
Andito ako ngayon sa ilog at hinihintay na mag gabi atsaka matapos mag luto ang Group 4B and 5B sina Rachel yun. Naramdaman ko naman na may nakatingin sa akin ulit. Sino ba talaga sya?.
Someone's POV
Nakatingin ako kay Caitlin ngayon, hindi ko kasi maiwasan na hindi sya tingnan. May gusto na ako kay Caitlin noon pa atsaka mas na una ako kay James, kilala ako ni Caitlin dahil isa ako sa childhood friend nya atsaka kami ni Xander ang palagi nyang kalaro noon dahil wala syang kaibigan na babae. Nagkaroon lang sya nung highschool na sya, kaya minsan lang kami nagkaka usap. Alam ko rin na gangster sya dahil nahuli ko sya.
>>Flashback<<
Kasama ko ngayon ang mga ka gang ko at tama kayo ng hinala gangster din ako at alam yun ni James, ang pangalan ng Grupo namin ay Blood Wolves. Kami ay nasa Rank 2 at hindi pa namin nakakalaban ang Black Ace.
Naisipan kong pumunta sa likod ng school dahil tambayan ko yun. Andito na ako at nakita ko sya na may kasamang mga babae, nilapitan ko sya at nabigla sya. Nakita ko na naka damit sya na pang gangster.
Caitlin: A-anong g-ginagawa mo dito?
"alam mong palagi akong nandito di ba?"
Jessica: kilala mo sya?
Caitlin: Oo, bestfriend ko sya!
"anong ginagawa nyo? atsaka bakit kayo naka sout ng mga yan? gangster ba kayo?"
Caitlin: aahhmm
Tracy: hindi!
"Caitlin sabihin mo! pangako hindi ko tohh ibubunyag! bestfriend mo ko!"
Caitlin: Oo! pangako mo hahh hindi mo sasabihin kanino
"Oo naman pero anong pangalan ng Gang nyo?"
Caitlin: Red Killer at ako si Red ang lider
" kayo yung bagong gang na sinasabi na magaling"
Caitlin: Oo wag mong sasabihin hahh
" Oo naman! ano pa't naging bestfriend mo ko kung sasabihin ko, atsaka promise hinding hindi"
Citlin: thank you!
Niyakap nya ako.
>>End of Flashback<<
Noon palang may gusto na ako kay Caitlin pero hindi nya ito alam. Nagkahiwalay kami dahil dinala ako ng parents ko sa Korea samantalang si Xander ay sa US kaya sina Tracy na ang palagi nyang kasama. Bumalik ako, pero hindi ko magawang lumapit sa kanya. Nalaman ko nalang isang araw na nag transfer sya sa school na pinapasukan ko ang N.E.U kaso lang section A sya. Matalino rin ako pero hindi ko magawang mag aral ng mabuti dahil palaging sya ang nasa isip ko.
Nawala rin ang contact namin sa isa't isa noong 4th year high school na kami. Nakita ko naman na tumayo si Caitlin.
Crystal's POV
Sa tingin ko tinitingnan nya parin ako at kailangan ko na syang makita. Tumayo ako at humarap sa direksyon na alam kung andun sya.
Caitlin: KAHAPON KA PA! HINDI MO BA AKO TALAGA TA-TANTANAN, TANG*INA! LUMABAS KA DYAN KUNG DI HINDI KA NA MASISIKATAN NG ARAW!!
*alam nya palang andito ako at nakatapat pa sya sa akin, sa tingin ko kailangan ko ng mag pakita sa kanya*
May lumabas sa isang puno at hindi ko akalain na sya yun. Matagal ko na syang hindi nakikita at nawala pa ang contact ko sa kanya noong nasa Korea pa sya. Tumakbo ako sa kanya at niyakap sya. Hindi ako makapaniwala na andito sya, akala ko nasa Korea pa rin sya. Miss na miss ko na sya!.
Caitlin: miss na miss na kita Flin!! kailan ka pa dumating? alam mo bang iniisip ko kung kailan ka babalik? tapos si Alex naman minsan lang tumatawag sa akin!
Flin: sorry! 3 years ago pa ako bumalik at hindi ko magawang lumapit sayo, balak ko sanang puntahan ka nung pagka transfer mo pero hindi ko alam kung paano?
Caitlin: kaya ba kahit kahapon pa hindi mo kaya akong lapitan?
Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako.
Flin: Oo, hindi ko kasi alam kung paano, lalo na kapag nalaman ni James na bestfriend kita
Caitlin: kilala mo si James?
Flin: Oo, magkaklase kami atsaka bestfriend ko sya!
Caitlin: so? nasa section C ka? di ba matalino ka?
Flin: Oo pero dahil sa barkada, hindi ko magawang maka punta sa B or A
Caitlin: bakit mo na sabi na kapag nalaman ni James na bestfriend mo ako ay?
Flin: kapag nalaman nya kasi baka pilitin ako na tulungan sya lalo na palaging ikaw ang nilalabas ng bunganga nya tapos kapag hindi magagalit sya sa akin
Caitlin: hay naku! baliw na talaga yun! ako ang bahala! kapag pinilit ka nya, sabihin mo lahat ng ayaw ko
Flin: magagalit yun!
Caitlin: yan ang hirap sayo ehh, masyado ka kasing loyal atsaka dapat gumawa sya ng sarili nya hindi nya kailangan ng tulong, Oo nga pala! aahhhmm si Alex
Flin: anong meron kay Xander?
Caitlin: aahh kasi nag panggap sya na boyfriend ko!
Flin: as Caitlin or Crystal?
Caitlin: Caitlin!
Flin: aaahh bakit?
Umupo ako sa bato at ginaya nya rin ako.
Caitlin: kasi nagka gusto sa akin si James as Caitlin yung totoong ako tapos sinabi ni Tracy naman ay sinabi na may boyfriend ko at si Alex yun
Flin: tapos paano sya nagkagusto sayo as Crystal?
Crystal: hindi ko kasi alam kung anong sasabihin sa kanya dahil puro sya tanong kaya dapat aamin na ako pero ginawa ko nagsinungaling ako na may kakambal ako
Flin: at naniwala sya?
Caitlin: Oo! naniwala sya dahil inalis ko ang salamin ko!
Flin: doon sya nag kagusto sayo, tama ba?
Caitlin: Oo
Flin: pinayagan mo ba syang manligaw?
Caitlin: hindi
Flin: alam mo makulit yang si James kasi ang alam nya kapag gusto nya sa kanya na! at gagawin nya ang lahat mapa sakanya lang
Caitlin: may kapatid ba sya?
Flin: meron si Ruzzel
Caitlin: teka lang! gangster din yun di ba?
Flin: Oo, nasa Moon Killer, kagang ng kapatid mo
Caitlin: wow! ibang iba ang ugali ng kapatid nya sa kanya
Flin: ba't mo nasabi yan?
Caitlin: kasi kilala ko sya atsaka lahat ng miyembro ng Moon Killer kilala kaming Red Killer
Flin: talaga?
Caitlin: Oo kaya nakita ko na yung kapatid nya atsaka mas gwapo pa yung kapatid nya kisa sakanya at hindi pa mayabang
Flin: sinabi mo pa?
Caitlin: Oo nga pala! balita ko rank 2 pa rin kayo
Flin: yup! atsaka napanood ko yung laban mo doon sa Death Empire
Caitlin: Aahh talaga? hindi nga namin natalo
Flin: hindi nyo talaga sila matatalo
Caitlin: bakit naman?
Flin: alam mo ba kung bakit natalo ang Black Swan ng Death Empire?
Caitlin: hindi!
Flin: natalo sila dahil nandaya ang Death Empire
Caitlin: talaga? paano?
Flin: ganito kasi yun 3 hours na silang naglalaban pero hindi pa nagpapatalo ang Death Empire atsaka puro sila sugatan samantalang ang mga Black Swan ay kunti lang ang pasa, kaya nung matatalo na ang Death Empire ay kinuha nila ang kutsilyo nila at inilagay sa may pulsuhan para hindi makita. Sinuntok nila ito at dun na pansin ng Black Swan na nandaya sila, sinubukan ng Black Swan na mag sumbong pero inunahan sila ng Death Empire, mas naniwala ang mga Main Guardian sa Death Empire kaya nagkaroon ng 1 lose ang Black Swan at ang Death Empire ang naging rank 2, kaya sa laban nyo ulit, umiwas kayo at gumawa kayo ng paraan para alisin ang kutsilyo o anuman na nasa katawan nila dahil baka ma ospital kayo katulad ng Black Swan
Caitlin: aahh yun pala ang nangyare, sige mag iingat kami...Oo nga pala halika na! kailangan na natin bumalik!
Flin: sige pero hindi ako sasabay!
Caitlin: ngayon na nga lang tayo nag kita, ngayon ka pa iiwas! sabay na tayo!
Flin: sige!
Naglakad kami pabalik ng Camping site.
Flin: aahhmm may kapartner ka na ba?
Caitlin: meron sana pero tinanggihan ko!
Flin: bakit?
Caitlin: ayaw ko sa kanya!
Flin: si James yan nohh!!
Caitlin: Hindi, si Aaron
Flin: sa tingin ko Dapat na pumayag kana!
Caitlin: bakit naman? eeh sa ayaw ko!
Flin: pumayag ka na atsaka wala ka na magagawa once na ikaw ang gusto nya kailangan mong sumunod atsaka sigurado akong sinabi nya na yun sa mga teacher
Caitlin: sabagay! eeh ikaw
Flin: meron na din! si Krisha
Caitlin: aahh
Flin: oh sige maiwan na kita! andito na tayo ehh!
Caitlin: sige ba!
Pumunta na sya sa ibang direksyon at pumunta na ako kina Tracy, kumakain na pala sila.
Tracy: saan ka galing?
Jessica: ayan na ang pagkain mo!
Crystal: may kina usap lang!
Bianca: sino?
Nagsimula na akong kumain.
Crystal: bestfriend ko!
Tracy: si Alex?
Crystal: hindi!
Jessica: akala ko pa naman sya! sino pala?
Crystal: si Flin
Jasper: si Flin?
Crystal: Oo, bakit?
Jasper: alam mo bang bestfriend yun ni James?
Crystal: alam ko!sinabi pa nga nya na magagalit daw si James
Jasper: talagang magagalit yun lalo na at kina usap kanya at bestfriend pa!
Jessica: grabe naman sya!
Bianca: Oo nga! lalo na at matagal na ni Crystal hindi nakikita si Flin tapos iiwas pa dahil sa lalaking yun
James: ba't nyo pinag uusapan si Flin?
Crystal: bestfriend mo si Flin, di ba?
James: Oo naman! bakit mo natanong?
Crystal: kailan pa?
James: nung pumasok sya dito!
Crystal: kaya pa pala eehh!
James: bakit?
Crystal: dahil sayo hindi nakaka alis si Flin sa Section C atsaka sayang matalino pa naman yung tao
James: teka lang! kilala mo sya!
Crystal: Oo!
James: kailan pa?
Crystal: 7 years old ako!
James: teka! childhood bestfriend mo si Flin!
Crystal: Oo!
James: so? ikaw pala yung sinasabi nya na hindi nya magawang kausapin dahil sa isang tao
Crystal: Oo pero kina usap ko na sya at ang tinutukoy nyang isang tao ay ikaw
James: wow! grabe! yung bestfriend mo at akin iisa, destiny talaga tayo!
Crystal: in your dreams!...kung ikaw lang ang naka tadhana sa akin, magpapakamatay nalang ako kisa ikaw ang makatuluyan ko atsaka mas mabuti pang si Flin kisa sayo
James: grabe ka naman!
Jessica: totoo naman ang sinabi ni Crystal ehh atsaka mas kilala namin sayo si Flin dahil sya ang pinaka unang lalaki na naging kaibigan namin atsaka dahil sa grupo nila gu-ushskwnsuhso
Bianca: hahaha ang sabi nya dahil sa mga gang ni Flin ay hindi kami napapahamak kasi andyan sila para iligtas kami
Tracy: Oo nga atsaka mas magaling si Flin kisa sayo, si Flin kanang kamay ni Lance eehh ikaw hindi
James: porket kanang kamay magaling na!
Bianca: Oo, katulad ni hsusbekdu
Jessica: ni Blake!
James: sabihin mo may gusto ka lang sa kanya!
Jessica: w-wala hahh, baka ikaw!
James: hindi ako bakla!
Jessica: sabi ko nga!
James: pakipot pa!
Maye ann: iniiba ang usapan!
James: paki mo!
Tracy: alam mo, sumuko ka na! hindi ka mananalo
James: wala akong paki alam, btw may kapartner ka na ba mamaya?
Dahil sa sinabi nya ay nabulunan ako. Naka tingin sila sa akin at inabutan naman ako ng tubig ng Jessica. Kainis kasi! kumakain dito ehh tapos babangitin ba naman yan. Natapos na ako sa pag inum at.
Crystal: anong sabi mo?
James: kung may kapartner ka na?
Crystal: ahhmm Si ano!
Tumingin ako sa unggoy na naka ngiti ngayon, hinihintay nya lang na banggitin ang pangalan nya. Hay naku! wala na akong choice.
James: sino?
Crystal: *lunok* si...s-si Aaron
James: nagsisinungaling ka nohh
Aaron: hindi sya nagsisinungaling, totoo yun sya ang partner ko dahil niyaya ko sya kanina pagkatapos namin manalo sa game
James: bakit ka pumayag? di ba galit ka sakanya?
Crystal: Oo pero mas pipiliin ko pang sya ang partner ko kisa sayo
James: ba't ba palagi mo nalang akong kinocompare sa iba?
Crystal: wala trip ko lang atsaka para malaman mo na hindi lahat sayo napupunta
James: grabe ka naman!
Crystal:alam mo nagtataka nga ako ehh kapatid mo ba talaga si Ruzzle?
James: paano mo sya nakilala?
Crystal: nung sinundo nya si Chris sa bahay namin
James: so? kilala mo kapatid ko?
Crystal: Oo kahit kapatid ni Andrew at ni Blake kilala ko!
Blake: kilala mo kapatid ko?
Crystal: Oo, sya si Alex di ba?
Blake: Oo
Andrew: yung kapatid ko?
Crystal: si Paul yung makulit na masyado!
Andrew: kilala mo nga!
James: bakit mo naman nasabi na iba sya sa akin?
Crystal: dahil yung kapatid mo ay mabait, sweet, parang matanda kung mag isip, matalino, mapagkakatiwalaan at boyfriend material, hindi katulad mo! babaero!
James: alam ko yun! magbabago naman ako ehh
Jasper: weehh di nga? yan din yun sinabi mo sa mga babae mo ehh pero hindi ka nagbago
James: tumigil ka nga dyan!
Jasper: totoo naman ehh
James: edi pipilitin kong magbago
Jasper: pipilitin daw! hindi mo nga magawa atsaka makakita ka lang ng maganda naka tawid ka agad!
James: epal ka talaga!
Jasper: alam ko!
James: bwesit ka!
Natapos na akong kumain at pumunta sa tent ko, baka andun si Thea.
Thea's POV
Andito ako ngayon sa tent namin ni Crystal at nag se-search ako tungkol sa Black Command. Marami na akong nalaman tungkol sa kanila at magaling sila. Sa tingin ko madali lang silang matalo ng Moon Killer lalo na at magaling sila.
Habang nag se-search ay bigla naman pumasok si CJ. Bakit kaya sya andito?, sinarado ko ang laptop ko dahil baka makita nya, buking pa kami.
CJ: ano yang ginagawa mo? nasa field trip tayo tapos nag la-laptop ka dyan
Thea: aahh kasi may pina-pasearch si Chris sa akin kaya kailangan ko yun gawin lalo na at nasira yung laptop nya kaya kailangan kong taposin yun dahil malapit na ang pasahan nila ng project
CJ: aahh mamaya nalang yan!
Thea: hindi pwede! sige na alis ka na!
CJ: tutulungan nalang kita!
Thea: hindi na! kaya ko na tohh!
CJ: sige na! ipakita mo na sa akin tapos ako na ang tatapos
Thea: hindi ako nalang! kaya ko na tohh! magaling ako dito!
CJ: ipakita mo na! ba't ba ayaw mong ipakita?
Thea: kasi nga bawal
CJ: may tinatago ka sa akin nohh!
Thea: wala!
CJ: hindi yan project!
Thea: project tohh!
CJ: feeling ko hindi! dahil kung project yan dapat kanina mo pa yan pinakita at hindi mo tinatago!
Thea: Oo na! hindi nga tohh project pero bawal ipakita, magagalit si Crystal
CJ: hindi yan! hindi nya naman malalaman ehh
Thea: kahit na!
CJ: kapag hindi mo yan pinakita may mangyayari sayo! lalo na at nasa loob tayo ng tent nyo at tayo lang dalawa!
Yung huling sinabi nya at binulung nya. Kami nga lang ang andito at anong sinasabi nya na may manyayari?.
Thea: ano bang pinagsasabi mo dyan? umalis ka na nga lang!
CJ: hindi! hangga't hindi mo yan ipinapakita!
Thea: bawal nga sabi!
CJ: may manyayare talaga sayo!
Thea: anong gagawin mo? sasaktan mo ako!
CJ: hindi! hindi ko yun kayang gawin, pero may iba akong kayang gawin!
Anong pinagsasabi nya?.
Thea: anong sinasabi mo dyan?
CJ: pwedo kong
Tumingin naman sya sa labi ko,*lunok* alam ko na ang sinasabi nya! may gagawin sya sa akin.
Thea: wag mo yang itutuloy!
CJ: ipakita mo muna!
Anong gagawin ko? mabuking o mahalikan? waahhh.
Thea: hindi pa rin!
CJ: pinili mo yan!
Lumapit sya sa akin at unti unting dumampi ang labi nya sa labi ko. Inilagay nya ang isa nyang kamay sa ulo ko at lalong idinikit ang labi ko sa labi nya. Naramdaman ko nalang na gumalaw ang labi nya. Parang may sariling buhay ang labi ko at hinalikan din si CJ.
Crystal's POV
Andito na ako sa tapat ng tent namin. Papasok na sana ako ng makita ko si CJ at si Thea na naghahalikan. Hindi ko na natuloy ang pagpasok dahil baka maistorbo ko sila.
Umupo nalang ako sa tabi ng tent namin at hinintay na mag simula ang Treasure Hunt. Andito lang ako at naka tingin sa langit, ang rami kasing star.
Thea's POV
Kumalas na sa pagkakahalik sa akin si CJ.
CJ: hindi ko alam na mas pipiliin mo palang halikan kita kisa ipakita mo yan
Malamang! mas gusto ko pa na halikan ka kisa naman malaman mo na ako ay isang...Gangster.
Thea: syempre! kasi nakasalalay ang buhay ko dito, kapag nalaman mo kung ano yun! baka hindi mo magustuhan atsaka baka hindi mo na ako pansinin
CJ: grabe naman! hindi ko yun gagawin atsaka ano ba yun?
Thea: wala! basta sikreto namin yun nina Tracy
CJ: so? pati sina Tracy?
Thea: Oo
CJ: sabagay kung ako nasa pwesto mo mas pipiliin mong magpahalik sa taong mahal mo kisa mabunyag ang sikreto mo
Thea: sinong mahal na tinutukoy mo?
CJ: ako! alangan sino pa!
Thea: paano mo yan nasabi?
CJ: kasi ayaw mo nagagalit ako sayo tapos ginawa mo pang password yung sinabi ni Crystal, hinalikan mo ako!
Thea: ikaw kaya dyan!
CJ: hinalikan mo pa rin ako!
Thea: Oo na!
CJ: ibig sabihin mahal mo ako!
Thea: Oo na!
Teka lang! nasabi ko yun! waahhh nasabi ko!.
CJ: anong sabi mo?
Thea:w-wala!
CJ: may sinabi ka ehh!
Thea: hindi ko na uulitin yun!
CJ: sige na! sabihin mo na!
Thea: ayaw ko!
CJ: hahalikan kita ulit!
Thea: Oo na sasabihin na!
CJ: ano yun?
Thea: m-ma-mahal
CJ: sige patuloy mo lang
Thea: m-mahal k-kita
CJ: in english?
Thea: kailangan pa!
CJ: sige na!
Thea: I...Love you!
CJ: in korean?
Thea: sarang...Haeyo
CJ: Judo sarang haeyo
Thea: che! kailangan talaga yun?
CJ: Oo atsaka ibig sabihin nyan~
Thea: Ano?
CJ: girlfriend na kita!
Thea: hindi pa nohh, maghintay ka!
CJ: sige ba! alam ko na naman na ako ang mahal mo ehh
Thea: che! halika na nga!
CJ: saan?
Thea: bakit hindi ba tayo sasali sa Treasure Hunt?
CJ: sabi ko nga!!
Lumabas na kami at nakita ko si Crystal na naka upo sa tabi ng tent at naka tingin sa langit.
Thea: anong ginagawa mo dyan?
Crystal: salamat naman natapos din kayo! sabihin nyo nga sa akin, kayo na ba?
Thea: bakit mo yan tinatanong?
Crystal: dahil nung papasok na ako dyan ehh nakita ko kayo na naghahalikan kaya tumambay nalang ako dito sa labas
Thea: n-nakita mo yun?
Crystal: Oo
Thea: ikaw kasi ehh!
CJ: anong ako? binalaan na kita pero ayaw mo kaya ginawa ko!
Crystal: haha ok lang! magiging kayo rin naman, pero kailan mo sya sasagutin?
CJ: Oo nga! kailan?
Thea: ha-hahh? alam nyo mag kaibigan nga kayo!
CJ: naman!
"ALL STUDENT PLEASE PROCEED HERE"
Thea: halika na!
Crystal's POV
Pumunta na kami.
Mr. Balce: ANDITO NA BA ANG LAHAT?
Student: YESS!!
Mrs. Rafael: SO, ARE YOU ALL READY?
Student: YESS!!
Mr. Balce: DO YOU ALL HAVE A PARTNER?
Student: YESS!!
Mrs. Rafael: EVERYONE IS READY!!
Mr. Balce: SO? KAYA GABI NAMIN NAPILI DAHIL PARA MAS EXCITING AT MAS MAGANDA
Mrs. Rafael: ANG GAGAWIN LANG NAMAN AY PAPASOK KAYO SA MGA KUBO NA ANDUN
Mr. Balce: LIMA ANG KUBO SA GUBAT AT BAWAT KUBO AY MAY FLAG
Mrs. Rafael: KAPAG WALA KAYONG NAKITA NA FLAG IBIG SABIHIN AY MAY NA UNA NA!
Mr. Balce: DOON SA MGA MAKAKAKUHA AY HINDI LANG FLAG ANG KUKUNIN NYO DAHIL SA TABI NG FLAG AY MAY LIMANG UTOS
Mrs. Rafael: DAPAT NYO IYONG GAWIN
Mr. Balce: MAY MGA CCTV DOON KAYA ALAM NAMIN KUNG GINAWA NYO O HINDI
Mrs. Rafael: HINDI NYO MAKIKITA ANG CCTV DAHIL NAKA KALAT AT NAKATAGO ITO
Mr. Balce: KAPAG NAGAWA NYO ANG LAHAT NA UTUS AY MAY MAKUKUHA KAYONG PREMYO
Mrs. Rafael: SA MAKAKA GAWA NG LIMANG UTOS AY PWEDENG MAIWAN DITO PARA MAG LIBOT
Mr. Balce: SA MAKAKA APAT NAMAN AY PWEDENG MAGPALUTO NG KAHIT ANONG GUSTO NILA BUKAS NG UMAGA
Mrs. Rafael: SA MAKAKA TATLO HANGGANG ISA NAMAN AY WALANG MAKUKUHA
Mr. Balce: ANG DADALHIN NYO LANG AY FLASHLIGHT AT MAG JACKET KAYO, MASYADONG MALAMIG NGAYONG GABI
Mrs. Rafael: THE GAME START
Mr. Balce: NOW!!
Hinanap ko ang bwesit kong kapartner, pero wala kaya pumunta nalang ako sa tent, kumuha ng jacket at Flashlight. Pumasok na ako ng gubat.
Aaron's POV
Pagkatapos ng teacher namin mag announce ay pumunta ako sa tent ko at kumuha ng flashlight, may jacket na ako. Pagkalabas ko na kita ko naman syang pumasok sa tent nya. Lumabas na sya at wala man lang balak na hanapin ako. Para syang walang partner SHE IS THE WORST PARTNER I EVER HAD.
Pumasok na rin ako at sinundan ang bwesit na partner ko. Nakita ko naman syang tumigil.
Crystal's POV
Kanina ko pa nararamdaman na may sumunsunod sa akin. Impossible naman na si Flin dahil nakita ko sya na may kasama. Naramdaman ko naman ang pag lapit nya sa akin. Hinawakan nya ang balikat ko at hinawakan ko ito, umikot ako at inilagay sa likod ang kamay nya.
Aaron: a-aray ko! bwesit kang babae ka, bitiwan mo ko!
Sya pala! binitiwan ko sya ng patulak.
Crystal: kasalanan mo yan! akala ko kung sino ka!
Aaron: *sa tingin ko ikaw talaga si Red pero kailangan ko pa ng maraming ebedinsya* sa susunod kasi tingnan mo muna!
Crystal: Oo na!
Mrs. Rafael's POV
Mrs. Rafael: sa tingin ko kailangan natin sabihin yun
Mr. Balce: hindi na!
Mrs. Rafael: Paano kung hindi magka relasyon ang naka kuha?
Mr. Balce: edi gawin nila!
Mrs. Rafael: Ano ka ba! dapat sinabi natin lalo na sa mga utos na andun
Mr. Balce: pabayaan mo na sila!
Mrs. Rafael: Hay naku! dapat kasi binalaan natin sila tungkol sa pulang flag
Mr. Balce: hindi na! alam ko na mahihirapan ang makakakuha non lalo na at pang boyfriend at girlfriend lang ang mga utos dun
Mrs. Rafael: Buti nalang pala pinalitan ko ang iba doon
Mr. Balce: Ano? ba't mo pinalitan?
Mrs. Rafael: Kasi gusto ko!
Mr. Balce: hay naku! wala na akong magagawa!
Crystal's POV
Kanina pa kami lakad ng lakad at 9:38 na. Hindi ako tumitingin sa daanan ay bigla ako nadulas aahhh, hinihintay ko na bumagsak ako sa lupa pero iba ang naramdaman ko, iminulat ko ang mata ko at sinambot pala ako ni Aaron. Tiningnan ko sya at parang wala balak na itayo ako at bitiwan. Napansin ko naman na nakatingin ang mata nya sa labi ko. Unti unting lumapit ang labi pero tinulak ko sya at umayos ako ng tayo.
Crystal: t-thank you! sa pag sambot!
Aaron: mag iingat ka kasi! *kainis!*
Crystal: halika na nga!