Chris POV
Nakita ko naman na nasa likod namin si noona, ng bigla nyang binilisan ang pagpapatakbo nito. Kaya nauna na sya sa amin, nasa likod naman namin sina Tracy Noona. Binilisan ko din ang pagpapatakbo at sumunod naman sila, para tuloy kaming nag raracing.
Malapit na kami at sina Noona naman ay andun na agad agad.
Aaron's POV
Andito na kami at bumaba na ako. Tinanggal nya ang helmet nya at parang nag slow motion ang pag tanggal nya nito at pag ayus ng buhok nya.
Caitlin: HOY!
Aaron: ha-hahh? ba-bakit?
Caitlin: bigla ka nalang natulala dyan!
Aaron: ang ganda mo kasi…sobra!
Caitlin: nambola ka pa! halika na!
Inilagay naman nya ang kamay nya sa mya gilid ng pinto at bigla itong bumukas. Pumasok na kami.
Caitlin: magbibihis muna ako!
Aaron: sige lang!
Caitlin: kung may gusto ka sabihin mo lang!
Aaron: paano kung sabihin kong ikaw ang gusto ko
Lumapit ako sa hanggang sa ilang inches nalang ang pagitan namin.
Aaron: maibibigay…mo kaya!?
Caitlin: pwe-…
Bigla naman nya akong tinulak.
Caitlin: akala ko ba maghihintay?
Aaron: Oo nga!
Caitlin: edi maghintay ka!
Aaron: kasasabi mo lang na kung anong gusto ko sabihin ko lang, sinabi ko na ikaw ang gusto ko, at tinatanong kita kung maibibigay mo kaya ang sarili mo!
Caitlin: tsk! magbibihis na nga ako!
Aaron: sige!
Umakyat na sya sa taas. Ang ganda nya talaga. Bigla naman bumukas ang pinto, tiningnan ko ito, sina Tracy pala.
Tracy: si Caitlin?
Aaron: nagbibihis!
Tracy: ok!…sige magbibihis na rin kami!
Pumunta na sila sa taas lahat. Umupo naman ako sa tabi ni Blake.
Chris: Aaron hyung!
Aaron: hhmm?
Chris: tama ba ako?
Aaron: saan?
Chris: doon sa sinabi ko!
Aaron: ahh Oo naman! paano mo pala yun nalaman?
Chris: yun kasi ang ginawa ko kapag naglalambing ako sa kanya o kaya kapag may gusto ako na mahirao makuha sa kanya, dati kasi kapag nag pa cute ako tumatalab pero hindu na ehh, sinasabihan na nya akong panget! kaya yun nalang at tumatalab, kahit may kasalanan ako yun lang, atsaka hindi lang naman sya ang ginaganun ko si hyung din
Paul: malambing ka pala!
Chris: naman! para makuha ko gusto ko!…pero minsan hindi tumatalab lalo kapag parehong beast mode silang dalawa
Xaiver: beast mode?
Chris: Oo! nakakatakot kaya yung dalawa na yun kapag galit, para nga akong naka kita ng dragon, na kulang nalang ay mag buga ng apoy!
Paul: nakakatakot pala ang kapatid mo!
Chris: talaga! lalo na kapag pinasok mo kwarto nila ng walang paalam o kaya kumuha ka ng gamit nila
Scott: sinong pinaka nakakatakot?
Chris: si…Hyung! pero minsan si noona!
Scott: hah??
Chris: ganito kasi yan, nakakatakot si noona kapag nangingi alam ka ng gamit nya, si hyung naman kapag hindu ka nag sasabi ng totoo
Scott: ahhh
Ethan: nag aaway ba kayo?
Chris: hindi! kami mag away! never pa ata nangyari yun!
Andrei: nangi alam ka na ba ng gamit nila?
Chris: Oo naman! maraming beses
Andrei: ano yung gamit na…pinag sisihan mong kinuha mo pa?
Chris: ahhhmm yung kay noona ay…yung Ipad nya, kay hyung naman yung favorite race car nya
Andrei: anong ginawa mo dun sa gamit nila?
Chris: yung Ipad ni Noona ay nag laro ako ng mga games doon tapos nag download din ako, yung kay hyung naman…hind nya alam na ginamit ko…nalaman nya lang nung gagamitin nya na ay walang gas…kaya nagalit sya sa akin
Andrei: teka lang! yun yung-
Paul: ginamit mo nung hinamon ka ni Troy sa isang race?
Chris: Oo! eehh kasi mayabang sya atsaka yun kasi ang pinaka unang sasakyan ni hyung na ginamit nya sa race, sabi nya marami na syang napanalo dahil sa kotse na yun, kaya yun ang ginamit ko
Paul: paano nalaman ng hyung mo na ikaw ang gumamit?
Chris: ako lang naman kasi ang malikot ang kamay, hindi pwede na si noona dahil nag papaalam sya kapag may gagamitin sya atsaka kung gagamit sya ng kotse ay kulay red hindi blue, kaya nalaman na ako!
Paul: grabe ka!
Chris: talaga! ako nga ang pinaka pasaway, madaldal, makulit at hyper, si noona naman tahimik, minsan cold, minsan din masungit, palaban, mabait at matalino, si hyung naman masipag, malambing, tahimik, maalahanin at matapang, yung dalawa lang ang magaganda ang katangian ako wala!
Xaiver: hindi naman!
Scott: Oo nga! ang galing mo kayang lider!
Chris: alam ko yun! wag nyo ng ipa alala!
Nakita ko naman na pababa na sina Caitlin.
Jessica: anong pinag uusapan nyo?
Umupo na sila sa isa pang sofa.
Xaiver: yung ugali ni Chris at ng kapatid nya!
Caitlin: talaga?
Paul: Oo! sabi nga nya, nakakatakot ka daw kapag nagagalit
Caitlin: ako lang?
Scott: pareho daw kayo ni Calvin hyung!
Ethan: totoo ba na nagagalit ka kapag nangingialam ng gamit mo ng walang paalam?
Caitlin: Oo-
Thea: Oo naman!kahit dito! ganyan yan!
Andrei: totoo bang si Chris ang pinaka pasaway?
Caitlin: Oo! sa kadaldal nga nyan, minsan hindi nya alam na wala na pala syang kausap, dahil pareho kaming tahimik ni oppa, tapos minsan naman sa kadaldalan nya ay sinasalpakan sya ni oppa ng pagkain sa bunganga para tumahimik
Moon Killer: hahahahahahaha
Chris: grabe kayo!
Caitlin: kapag malikot naman ang kamay nya at hindi nag papa alam ang natatangap nyang parusa ay bawal syang mag salita, gumamit ng gamit nya, limited lang ang pagkain nya at maging alalay ni oppa!
Xaiver: grabe naman!
Caitlin: hindi pa nga sya nadadala, paulit ulit lang nyang ginagawa kaya ang ginawa namin ni oppa, nilagyan namin ng trap bawat sulok na kwarto namin kahit camera naka paligid sa kwarto namin
Chris: kaya pa pala nung kukunin ko yung rubber shoes ni hyung bigla mag humawak ng kamay ko, akala ko zombie
Caitlin: ahh yun ba! manika lang yun na naka program!
Chris: ehh yung kabinet mo! may nakita akong bangkay!
Caitlin: hologram lang yun!
Chris: grabe kainis kayo!
Caitlin: yan napapala mo!
Chris: bakit ikaw?
Caitlin: kasi ako nag papa alam, kapag hindi ako nag paalam alam nyang emergency, kapag pumasok ako sa kwarto nya hindi sya nagagalit dahil hindi ako makalat, kapag ikaw ang pumasok ginagawa mong basurahan
Chris: hindi naman!
Caitlin: Oo kaya! nung pinayagang kitang pumasok sa kwarto ko, ginulo mo yung kama ko, tapos yung pinag kainan mo ng junk food hindi mo inayos, yubg mga libro ko nasa sahig at yung closet ko gulo gulo
Chris: aahhh yun ba? hahha nakalimutan kong ayusin!
Caitlin: kailan ka naman natutong mag linis, kwarto mo panga lang hindi mo kayang linisin kahit kotse mo
Chris: grabe sya!!
Caitlin: nag sasabi lang ako ng totoo atsaka mas grabe naman si oppa mag salita tungkol sayo, lalo na sa mga kaibigan nya! palagi kang tinatawanan dahil naiinis sayo si oppa
Chris: naiinis sya sa akin?
Caitlin: Oo! pero minsan natutuwa sya sayo dahil sa kakulitan mo!
Chris: talaga?
Caitlin: Oo!ako nga lang hindi!
Chris: weeeeeehhhhh diiiiii ngaaaa!
Caitlin: sa tingin mo kaya hindi kita pipingotin kung hindi ako naiinis sayo!
Chris: Oo nga nohh!
Mark: wala ba tayong gagawin kundi makinig at mag usap usap?
Jasper: Oo nga! nakikinig lang naman kami sa inyo!
Julia: alam ko na! dun tayo sa -1 or -2?
Maye ann: o kaya sa -4 o -5?
Daisy: o sa -3 o -6?
Rachel: o kaya sa -7?
Beatriz: o -8?
Tracy: bawal doon!
Nathan: bakit?
Tracy: private floor yun!
Jasper: ba't negative?
Daisy: kasi nasa underground yung floor!
Black Ace/Moon Killer: may underground floor kayo?
Thea: bakit wala kayong ganun?
Andrew: wala!
Chris: kami rin wala!
Ethan: ano ang meron sa mga floor?
Daisy: sa -1 ay may gym
Rachel: sa -2 ay arcade
Moon Killer: talaga??
Rachel: Oo naman!
Beatriz: sa -3 naman ay kung saan kami nag prapractice humawak ng baril
Julia: sa -4 ay laboratory
Maye ann: sa -5 ay ang disguise material, kung saan andun lahat ng ginagamit namin kapag nag isispy kami o disguise
Bianca: sa -6 naman ay inventory room
Thea: sa -7 naman ang game room namin kung saan kami nag lalaban sa computer o minan ay nag dodota o kaya ng C-COC kami
Black Ace: NAG C-COC KAYO??
Tracy: Oo
Andrew: grabe!
James: sino pinaka magaling?
Julia: si Thea at si Caitlin
CJ: talaga?
Daisy: hindi namin yan natatalo!
Ethan: sa -8 naman?
Tracy: secret!
Paul: sabihin mo na!
Tracy: ok! dun lahat nakatago ang mga gamit namin, katulad ng sandata, computer na andun lahat ng sikreto namin kaya bawal yun pasukin atsaka may password yun bago pumasok
Chris: galing!
Caitlin: saan nyo gusto pumasok?
Moon Killer: sa arcade!
James/Andrew/Jasper/Josh: Gym
Blake/Vince/Nathan: Baril
CJ/Kyle: computer
Tracy: ok! kami nalang ang sasama sa pupunta sa gym!
Daisy: kami sa arcade!
Beatriz: kami sa baril!
Thea: kami sa computer!
Julia: halika na!
Sumunod nalang ako sa kanila, kung saan si Caitlin sasama dun ako. Unang sumakay sa elevator nila ay sina Daisy, sunod sina Tracy, sunod sina Beatriz at sunod sina Thea. Papasok na sana si Caitlin sa elevator para sumabay kina Thea ay hinila ko sya at hinintay na mag sarado ang elevator.
Caitlin: bakit?
Aaron: mag papahuli tayo!
Caitlin: wow! pa special!
Aaron: hindi! gusto ko lang na ma solo ka!
Nakita ko naman sya na ngumiti.
Aaron: napa ngiti na naman kita!
Caitlin: kung ano ano kasi sinasabi mo!
Aaron: napapangiti ka naman!
Caitlin: Oo na!
Bumukas na ang elevator at pumasok na kami.
Caitlin: saan mo gusto pumunta?
Aaron: sa…*smirk* kwarto mo!
Caitlin: hahh?
Aaron: narinig mo naman sinabi ko!
Caitlin: seryoso ka?
Aaron: Oo! gusto mo lumabas na tayo dito sa-
Caitlin: tinatanong kita kung anong floor at bawal sa kwarto ko!
Aaron: bakit bawal?
Caitlin: basta bawal!
Lumapit ako sa kanya at umatras naman sya. Hanggang sa tumama ang likod nya sa pader.
Caitlin's POV
Umatras ako ng umatras kaso lang na alala ko nasa elevator pala kami kaya tumama sa pader ang likod ko. Kinulong nya ako sa braso nya at naka tingin lang sya sa akin.
Aaron: sabihin mo…bakit bawal?
Caitlin: ka-kasi…k-k-kwarto k-k-ko y-y-yun
Aaron: gusto kong pumasok dun, kaya bakit bawal?
Caitlin: b-b-ba-ba-basta b-b-ba-bawal
Aaron: sasabihin mo o…
Caitlin: o?
Aaron: dadalhin kita doon at…
Caitlin: at?
Aaron: may gagawin ako sayo!
Caitlin: a-a-ano yun?
Aaron: basta!
Binuksan nya ang elevator at bigla nya akong binuhat.
Caitlin: ibaba mo ako! Aaron! ibaba mo ko!
Umakyat na sya sa hagdanan. Bigla naman syang tumigil ng ma-realize nya na maraming kwarto dito.
Aaron: saan ang kwarto mo?
Caitlin: hindi ko sasabihin!
Aaron: gamitin nalang natin kahit alin dyan!
Caitlin: ibaba mo muna ako! at…sasabihin ko sayo!
Ibinaba nya ako at naglakad ako tapos bigla akong tumakbo pababa at hinabol naman nya ako, takbo lang ako ng takbo.
Aaron: kapag nahuli kita hindi na kita pakakawalan!
Caitlin: talaga?
Aaron: Oo! baka makuha ka ng iba ehh!
Caitlin: tsk!
Thea's POV
Bakit wala pa sina Caitlin? nasaan na kaya ang dalawang yun?.
CJ: bakit tahimik ka?
Thea: wala pa kasi yung dalawa!
CJ: baka kasama nung iba!
Thea: sige kakausapin ko!
CJ: andun ang elevator wala dyan!
Thea: hindi ko naman sila kakausapin ng personal
Pumunta ako sa telepono, itong telepono ay may camera kaya parang nag vivideo call na din. Pinindot ko ang floor nina Daisy. Nag ring at sinagot nya rin, nakita ko naman na parang problemado.
"Problem?"
[Ang kukulit kasi ng mga batang tohh!]
"ahhh"
[bakit ka pala napatawag?]
"andyan ba si Caitlin?"
[wala ehh! bakit?]
"wala rin dito ehh, kakausapin ko nalang si Tracy baka andun!"
[sige! aasikasuhin ko muna ang mga batang tohh!]
"sige lang bye!"
[bye!]
Pinindot ko naman ang floor ni Tracy. Ang sumagot ay si Julia.
"Hi!"
[bakit ka napatawag?]
"andyan ba si Caitlin?"
[wala ehh]
"ahhh"
[bakit?]
"wala dito ehh"
[ahhh…sige…tanungin mo nalang ang iba]
"sige! salamat"
[walang anuman!]
"bye"
[bye!]
Pinindot ko naman ang floor nina Beatriz. Ang sumagot ay si Maye ann.
"Hi"
[hello! ba't ka napa tawag?]
"andyan ba si Caitlin?"
[wala! bakit?]
"wala kasi dito!"
[baka naka kina Daisy]
"wala rin"
[kina Tracy?]
"wala rin"
[baka nasa itaas!…sya lang ba ang nawawala?]
"silang dalawa ni Aaron"
[baka mag kasama sa taas!]
"baka"
[may ginagawa ata yung dalawa!]
"baka!"
[di mo na gets yung sinabi ko nohh?]
"bakit? ano bang ibig sabihin mo?"
[baka may ginagawa sila sa taas!]
"Maye ann!"
[hahaha nag jojoke lang naman]
"kung ano ano ang iniisip mo…bye!"
[bye!]
Binaba ko na ang phone at bumalik kina CJ.
CJ: ano daw?
Thea: wala daw! baka nasa taas!
CJ: puntahan natin!
Thea: sige ba!
CJ: Kyle!
Kyle: hmm?
CJ: ok lang ba kung iiwan ka namin na mag isa!
Kyle: hahh? saan kayo pupunta?
CJ: sa taas!
Kyle: ahhh papuntahin nyo dito si Daisy para may kasama ako!
Thea: ayiieeeee gusto masolo si Daisy
Kyle: ano ngayon! may problema ba dun!
Thea: kaya mo pala sya palaging iniinsulto kasi may gusto ka sa kanya
Kyle: Oo na! papuntahin mo nalang sya…at wag mong sasabihin na may gusto ako sa kanya
Thea: O sige!
Pumunta na kami sa elevator at pinindot ang floor nina Daisy. Dumating na kami at tinawag ko agad si Daisy.
Thea: DAISY!! DAISY!!
Daisy: bakit?
Thea: pwede mo bang samahan si Kyle sa baba?
Daisy: sige ba! para naman maka pahinga ako! atsaka ang ingay ingay dito!
Thea: sige!
Pumunta ulit kami ng elevator at pinindot ang 1. Dumating na kami at lumabas.
Caitlin's POV
Takbo lang ako ng takbo at hindi nya ako nahahabol. Umikot naman ako sa mga sofa kaso pumunta sya sa kabila kaya naiikotam lang kami sa sofa.
Napagod na ako at humiga sa sofa. Bigla naman syang sumulpot sa likod ng sofa.
Aaron: pagod ka na?
Caitlin: di ba obvious?
Aaron: paano ba yan?…
Lumapit sya at tumayo sa harapan ko.
Aaron: wala ka ng takas!
Bigla naman nya akong binuhat.
Caitlin: ibaba mo ko! Aaron! ibaba mo ko!
Thea's POV
Nakita ko na karga ni Aaron si Caitlin, papunta sila sa taas.
Caitlin: ibaba mo ko! Aaron! ibaba mo ko!
Sinundan namin sila. Nakita ako ni Caitlin.
Caitlin: Thea! CJ! tulungan mo ako!
Aaron: tumahimik ka nga!…saan ang kwarto ni Caitlin?
Caitlin: Thea! wag mong sabihin!
Thea: doon sa pang apat na pinto sa kaliwa!
Caitlin: Thea naman~ bakit mo sinabi?
Thea: nagtatanong sya kaya sinagot ko
Aaron: salamat!
Pumasok na sila at sigaw pa rin ng sigaw si Caitlin.
CJ: bakit kaya sya sumisigaw?
Thea: ewan!…dyan ka muna! punta muna ako sa kwarto ko!
CJ: sa tingin mo kaya may gagawin si Aaron?
Thea: kung ano ano iniisip mo!…sige pasok na ako!
Pumasok na ako at bigla naman pumasok si CJ.
Thea: sabi ko doon ka lang!
CJ: iiwan mo ko!
Thea: bahala ka!
Caitlin's POV
Ibinaba naman ako ni Aaron sa kama. Nilibot naman nya amg tingin sa kwarto. Habang ginagawa nya yun ay nag kumot naman ako para safe.
Aaron's POV
Ang ganda ng kwarto nya, pareho kami na kulay violet ang kwarto. Sa bahay nya violet din ang kwarto nya pero iba nga lang ang design at arrangment ng gamit.
Tiningnan ko naman sya at naka tago sa kumot nya. Napa ngiti naman ako sa ginawa nya. Akala nya ata may gagawin talaga ako sa kanya, hahahaha. Umupo ako sa tabi nya. Binuka ko ang kumot at humiga sa katabi nya.
Caitlin's POV
Bigla naman bumukas ang kumot at tumabi sa akin si Aaron.
Caitlin: a-a-anong g-g-ginaga-ga-gawa m-mo?
Bigla nya akong niyakap at ramdam ko ang hininga nya sa leeg ko.
Aaron: pwede bang ganito nalang tayo!
Caitlin: Aaron!
Aaron: jebal!
Hinayaan ko lang sya, hanggang sa makaramdam ako ng antok.
Thea's POV
Lumabas na kami na kwarto. Sumakay na kami ng elevator at pinindot ang -7. Dumating na kami at nakita namin na nag kasundo yung dalawa.
Daisy: hahaha talo ulit!
Kyle: papanaluhin mo naman ako!
Daisy: hindi ko kasalanan na mahina ka at walang utak! tatalunin mo lang ako hindi mo magawa, sina Thea nga talo ako at ako ang pinaka maraming talo pero sayo nanalo ako hahahahaha
Kyle: aisshh
Thea: masaya ata kayong dalawa!
Daisy: ang hina kasi ni Kyle, hindi ako matalo
Kyle: ang galing nya kasi!
CJ: talaga?… laban nga tayo!
Daisy: sige ba!
Thea: tayo naman ang maglaban Kyle!
Kyle: ok!
Naglaban na kami. Pagkatapos namin ay lumabas na kami at nakita naman namin na nasa labas na pala sila.
Tracy: nasan si Caitlin?
Josh: at Aaron?
Thea: nasa kwarto nya!
CJ: si Aaron din nasa kwarto ni Caitlin
Jasper: sila lang dalawa!?
Thea: Oo
Tracy: kanina pa sila doon?
CJ: Oo
Josh: anong ginagawa nila?
Thea: malay namin!
Bianca: baka…
Julia: Oo nga! Baka… ano!
Thea: anong ano?
Bigla naman tumakbo si Julia at Rachel sa kwarto ni Caitlin, sumunod naman ang iba at kami ang nahuli. Nakita namin na nasa pinto sila.
Julia: buksan natin!
Bianca: sige na!
Thea: ano ba kayo! Anong ginagawa nyo?
Julia: gusto lang namin malaman kung may ano!
Thea: hayy naku! Ang dudumi ng utak nyo!
Naglakad ako at binuksan ng dahan dahan ang pinto. Nakita ko naman na natutulog lang pala yung dalawa. Pinakita ko naman sa kanila.
Thea: ohh! Anong sabi ko? Ang dudumi kasi ng utak nyo!
Julia: hindi nohh! Bakit nakita mo na ba ang utak ko?
Thea: hindi pa!
Julia: paano mo nasabi na madumi kung hindi mo pa nakikita?
Thea: what I mean is… yung iniisip nyo!
Julia: linawin mo kasi!
Sinarado ko na ang pinto at pumunta sa sala. Sinundan naman nila ako.
Thea: nakita nyo di ba? Natutulog lang yung dalawa!
CJ: napagod lang yun! Kaya naka tulog!
Jasper:ano bang ginawa nila?
Thea: nakita namin silang dalawa na naghahabulan tapos nahuli ni Aaron si Caitlin at dinala sa kwarto nya
Julia: may ginawa ata sila!
Thea: Julia!
CJ: napagod lang yun tapos nakaramdam ng antok kaya natulog at sinamahan naman ni Aaron…baka ganun ang nangyari?
Kyle: ang sweet naman… dito na rin kaya kami matulog
Chris: kami rin!
Tracy: Oh sige!…doon kayo matulog sa guest room sa -8 na floor
Nathan: pwede bang sa kwarto nyo nalang?
Vince: Oo nga!
Tracy: ok! Yung may relasyon lang! Tapos yung iba sa -8 na!
Nathan: andaya!
Tracy: tama lang yun! Bakit may gusto ka bang katabi?
Nathan: Oo
Tracy: sino?
Nathan: si Bianca!
All: ayiiiieeeeeeeeee
Bianca: tumigil nga kayo! Hindi ako papayag na tumabi sa kanya!
Beatriz: tama na yan!
Tracy: ok! Moon Killer, kayo sa isang kwarto doon
Chris: hindi kami magkakasya doon!
Tracy: may sampo doon na kama!
Chris: hindi mo agad sinabi!
Tracy: kayo sa pangalawang kwarto may anim na kama doon!
Andrew: pwede bang doon ako sa mag isa ako!
Tracy: lahat ng kwarto sa -8 ay may maraming kama! Dito lang sa taas ang hindi!
Andrew: so? …may kwarto ba dyan na pwede sa akin?
Tracy: wala!
Beatriz: pwede sya sa secret room ko!
Boys: secret room?
Beatriz: Oo! Sa loob ng walk in closet ko may isang cabinet,sa loob noon may mga jacket, may makikita ka na drawing ng bahay kapag hinawakan mo yun kusang bubukas ito…at may makikita ka ng kwarto!
Boys: ahhh
Daisy: yes! Alam ko na kung saan ka nag tatago!
Beatriz: ano ngayon? Edi mag lilipat ako ng taguan!
Daisy: edi wow!
Nathan: ehh si…Bianca may taguan rin ba?
Bianca: wala! Kaya kasama ka nilang matutulog sa baba!
Nathan: tabi nalang tayong matulog!
Bianca: ano ka! Boyfriend ko?
Nathan: Oo, sa future!
All: ayiieeee
Bianca: tumigil nga kayo!
Nathan: saan ba kwarto nya?
Bianca: wag nyong sasabihin
Julia: pangatlong kwarto sa kanan
Nathan: thanks!
Bianca: ba't mo sinabi?
Julia: nagtatanong ehh!
Bianca: kainis ka naman!
Lumapit naman si Nathan at binuhat si Bianca ng bridal style.
Bianca: ibaba mo ko! NATHAN! sabing ibaba mo ko!
Ngumiti lang si Nathan at umakyat na sa taas.
Thea: di ba…ganun din yung ginawa ni Aaron?
CJ: Oo pero naghabulan muna sila!
Ethan: alam nyo para silang mag hohoneymoon na ayaw ng bride na sumama sa groom nya
Paul: hahh?
Ethan: di mo na gets?
Chris: wala kaming naintindihan
Ethan: grabe kayo!
Tracy: matulog na nga lang tayo!
Kyle: wait! Hindi naman fair kung si Nathan lang ang tatabi sa hindi nya girlfriend!
James: Oo nga!
Tracy: sino bang gusto nyo maka tabi?
Kyle: si…Daisy!
Daisy: no way!
James: ako naman si…Rachel!
Rachel: what??
Jasper: si…Julia!
Julia: bawal!
Josh: ako ahhhmmmm si…Tracy!
Tracy: do you want to die?
Josh: sabi ko nga doon na lang ako sa baba!
Daisy: matulad nalang kayo kay Josh, mas gustong mag isa!
Julia: Oo nga! Ayaw namin ng katabi!
Tracy: kaya pumunta na kayo sa elevator, pindutin ang -8, pumunta sa kwarto nyo at matulog!
Josh: ok!
Pumunta ang Moon Killer kasama si Josh pero yung tatlo andito pa rin.
Daisy: bakit hindi pa kayo sumqma sa kanila?
Kyle: gusto ko ngang kasama ka!
Daisy: ayaw ko nga!
Kyle: kapag hindi ka pumayag…
Daisy: ano?
Kyle:hahalikan kita! Para naman may good night kiss ka sa akin!
Daisy: sige na nga!
Umakyat sa taas si Daisy at sumunod si Kyle.
Rachel: ahhmm tulog na rin ako!
James: wait lang!
Rachel: hoyy! Doon ka sa baba matutulog!
James: ayaw ko nga!
Rachel: bahala ka!
Umakyat na rin sila sa taas at sumunod naman yung iba. Natitira nalang ako, si CJ, si Tracy, si Jasper, at si Julia, kaya lima nalang kami.
Julia: pumunta ka na sa elevator at kami naman sa kwarto namin
Jasper: ayaw ko nga!
Julia: edi matulog ka sa sala!
Jasper: ayaw ko nga!
Julia: edi sa kusina!
Jasper: ayaw
Julia: sa…bubong!
Jasper: ayaw
Julia: sa hagdan!
Jasper: ayaw
Julia: sa banyo!
Jasper: sa banyo ng kwarto mo?
Julia: hindi! Sa banyo sa…baba
Jasper: ayaw!
Julia: sa-
Jasper: kwarto mo, payag ako!
Julia: wala akong sinabi!
Umakyat ng hagdan at nang malapit na sya ay sumigaw sya.
Jasper: saan ang kwarto mo?
Julia: hulaan mo!
Jasper: saan kwarto nya?
Thea: sa pangalawa sa kaliwa!
Jasper: thanks!
Umakyat na si Jasper. Tumingin naman sa akin si Julia.
Julia: ba't mo sinabi?
Thea: nagtatanong yung tao!
Julia: aahh!~
Umakyat ng padabog si Julia at sinundan naman sya. Pumusok na kami sa kwarto ko, pumunta ako sa walk in closet ko at nagpalit ng pantulog. Nakita ko naman na naka higa na si CJ. Tumabi ako sa kanya at nag kumot. Bigla naman nya akong niyakap.
CJ: inaantok ka na?
Thea: kunti!
CJ: gusto mo bang…may gawin…tayo?
Thea: hahh?
CJ: alam mo na yun!
Thea: tumigil ka nga! Matulog ka nalang!
Pumikit ako at naka ramdam ng antok.