She's A Nerd And A Secret Gangster Chapter 4

Kyle's POV

Bakit ba ang init init ng ulo ng babaeng yun buti pa si Caitlin maganda na ang bait pa, hayy naku!!.. kasama ko na sya bakit hnd ko pa hiningi ung phone number nya!! ang tanga tanga ko talaga. Hay naku sana makita ko sya ulit at that time hindi ko na kakalimutan hingin ung number nya, para kasing ang ganda nya kasama at kausap. May boyfriend na kaya yun baka meron kasi ang ganda ganda nya pero baka wala rin. Andito na ako sa tapat ng PR namin at pumasok na ako.

James: saan ka galing?

Kyle: Sa PR ng mga babae, bakit?

James: anong gingawa mo doon?

Kyle: kumain, grabe ang sarap ng luto ni Caitlin

James: si Caitlin nandito!!

Kyle: Oo grabe ang ganda nya tapos ang gandang kausap atsaka ang swerte ng magiging boyfriend nya, maganda, mabait, magaling magluto, palaging nakatawa at hndi maarte

Aaron: yung palaka na yun mabait ehh para nga syang dragon ehh

Kyle: hnd kaya!! ang bait bait nga nya ehh!!

James: oo nga mabait sya

Blake: kung nag sorry ka lang sana pre! edi sana hndi na yun lumaban pa

Kyle: bakit nakipag away ba si Aaron kay Caitlin?

Josh: Oo, doon sa mall

Kyle: aahhh.....Alam nyo sabi nya sa akin mabait lang daw sya sa mga taong mabait pero kung hindi, daw talagang palaban sya kahit physical pa daw yan, dahil sekreto daw syang nag aaral ng teakwando, karate, etc.

James: jjinja (really),wooow!!

Kyle: oo, atsaka napansin ko rin na parang dito sya nag aaral?

Josh: bakit mo naman nasabi yan?

Kyle: Dahil sa sout nyang damit

Nathan: ibig mong sabihin ang uniform na sout nya ay pang N.E.U.

Kyle: Oo

Jasper: wala naman akong kilalang Caitlin dito sa Campus

Vince: ako rin

CJ: baka transferee

James: Oo nga nohh...Bakit hndi ko yun naisip?

Andrew: kasi wala kang utak

Josh: oo nga

James: grabe kayo hahh!! pinag kaisahan nyo ko

Andrew: ano ba kasi ang pangalan nung babae?

James: Caitlin Levine

Andrew: Caitlin Levine?

Josh: oo, bakit? kilala mo ba sya?

Andrew: oo, sya lang namn ang anak ng pinakamayamayan ng tao sa Pilipinas, Korea at US

James: jjinja?

Kyle: paano mo yan nalaman?

Andrew: dahil yung kapatid ko ay kaibigan ng kapatid ni Caitlin na si Christian Levine

James: jjinja?

Andrew: oo atsaka hndi daw yan si Caitlin nag aaral

Kyle: wehh di nga bakit sya naka uniform kanina?

Andrew: ewan ko, basta yun ang sabi sa akin ng kapatid ko atsaka palaging nasa bahay namin yung kapatid nya pero minsan ung kapatid ko ang nasa bahay nila.

James: woow, so? mayaman pala sila

Andrew: oo

Vince: pero bakit hndi sya nag aaral samantalang tayo na anak din ng mayaman, nag aaral, ang unfair naman

Andrew: ang alam ko kasi matalino daw yun atsaka nag hohome school daw yun

Nathan: kaya pa pala

Kyle: may picture kaba ng kapatid nya??

Andrew: oo namn ito oohh

James: grabe ang gwapo ng kapatid nya

Nathan: malamang kung maganda nga si Caitlin edi gwapo rin ung kapatid diba??

Josh: tama ka jan kasi kung ako gwapo maganda din ung noona ko

Nathan: oo maganda ung ate mo ikaw.....Slight lang

Josh: grabe sya!!

James: ahhmm...Andrew naka punta ka naba sa bahay nila??

Andrew: oo maraming beses

James: jjinja?

Andrew: oo pero hndi ko pa sya nakikita kasi palaging nakakulong sa kwarto at minsan naman ay nasa labas daw kasama ang mga kaibigan nya kaya hndi ko sya nakikita

James: aahhhh

Andrew: bakit mo pala tinatanong??

James: eeehh...Kasi...Kasi

Andrew: kasi?

Kyle: gusto nyang malaman kung may number ka ba ni Caitlin o kaya ay itatanung nya kung saan ang bahay nina Caitlin

Andrew: ahhh wala akong number ni Caitlin at hindi ko ibibigay ang address

James: bakit namn??

Andrew: kasi ayaw ko

James suddenly pouted like a kid.

Josh: pre wag kang mag pout hndi bagay sayo lalo kang pumapanget

James: grabe ka talaga ikaw rin namn hahh hindi rin bagay sayo mag pout

Josh: mas lalo naman sayo

James: hndi kaya mas panget sayo

Josh: akin?? hndi sayo

James: panget

Josh: mas panget ka

James: pinaka panget ka

Josh: di inamin mo narin na panget ka

James: hindi pero mas panget ka

Nathan: hay naku!! tumahimik kayong dalawa dhil pareho kayong pangit

James/Josh: ikaw kaya!! ang panget

Aaron: TUMAHIMIK NGA KAYO PARA KAYONG BATA!! atsaka lahat kayo panget ako lang ang hindi

All: wow hahh talagang kami lang!!

Aaron: kaya kung ayaw nyong tumahimik lumabas na kayo dito!!

Nathan: sige na tatahimik na

Grabe ang tapang talaga ni Aaron kaya sya ang lider ehh, buti nalang at napatahimik nya ang lahat ang iingay na masyado ehh.

Aaron's POV

Buti at tumahimik na sila nakakarindi na puro sila Caitlin ehh mas maganda pa dun si Red kung alam kong sino sya baka niligawan ko sya pero naka maskara at kapag tinanung ko sya sigurado akong hndi nya sasabihin dhil labag sa rules bweset kasing rules nay yan andaya lahat ng babae naka maskara tapos kaming lalaki wala edi hndi man lang namin alam kung sino sila samantalang sila alam. Narinig ko na nagbell kaya pumunta na kami sa mga room. Nakita ko ang mga studyante na nagmamadali tapos kami ito naglalakad lang wala namn kasi kaming paki alam kung ma late kami.

Pagdating ko sa room ay may teacher na kaya pumasok ako at umupo sa upuan ko hndi nalang ako pinansin ng teacher dhil alam nyang wala syang magagawa dati na akong ganito, kaya pinagpatuloy nya nalang ang pagtuturo kung ano man yang tinuturo nya.

Nagising ako sa tunog ng bell, tapos na pala ang klase naka tulog nanaman ako, nakaka antok namn kasi yung tinuturo niya. Pumunta na ako sa parking lot at pupunta ako sa HQ. Wala namn kaming battle ngayon sabi ni Sam kaya tatambay lang ako sa HQ.

Andito na ako sa HQ at pumasok na ako. Nakita ko si Blake, Josh, Vince, Andrew, CJ at Kyle ang wala ay si James, Nathan at Jasper sigurado ako nasa bar nanaman un nang babae.

-4 weeks later-

Caitlin' s POV

Ang bilis ng panahon at andito ako ngayon sa HQ naka tambay kasama ang mga kaibigan ko. Habang nanunuod kami ng k drama ay tumunog ang cellphone ko, tiningnan ko ang Caller ID si Sofie pala ang tumatawag baka may battle kami ngayon.

"Hello"

[Hi Red]

"May battle ba kami ngayon?"

[aaahmm...Wala ehh ang alam ko 2 months pa ang sunod nyong battle pero hndi pa napagdesisyonan kung sino ang makakalaban nyo kaya, kailangan nyong mag hintay ng 2 months pa]

"ahhh ganun ba....Bakit ka pala napatawag"

[Kinakamusta lang kita atsaka ang alam ko ang makakalaban nyo ay magaling at wala pang talo]

"Un lang ba hay naku!! matatalo din namin yan katulad ng Killer Butterfly"

[Yun na nga ehh hindi babae ang makakalaban nyo kundi lalaki]

"TALAGA??"

[Oo, pero Parang excited ka? hindi ka ba natatakot?]

"Bakit namn ako matatakot?"

[Syempre lalaki yun hndi babae]

"Yun na nga ehh na eexcite ako dhil sa wakas lalaki na ang makakalaban ko at hndi babae, sa wakas at natupad na ang hiling ko"

[What!! tama ba ang narinig ko?]

"Hmm...Oo tama ang narinig mo gustong gusto ko pa dati ang makalaban ng lalaki"

[Ok sa tingin ko wala namn pala akong ipag alala dhil kayo ang kauna unahan na babae na makikipag laban sa isang gang ng lalaki...Oh sige sasabihin ko nalang kung sino makakalaban nyo, kapag alam ko na arraso?]

"Ne, annyeong"

[Annyeong]

Jessica: sinong tumawag??

Caitlin: si Sofie

Tracy: jjinja? ano may laban ba tayo?

Caitlin: wala ehh sabi nya 2 months pa daw

All: 2 MONTHS??

Caitlin: oo

Julia: bakit daw??

Caitlin: kasi daw nahihirapan sila kung sino daw ang ilalaban sa atin kaya

Daisy: kaya?

Caitlin: kaya lalaki nalang daw ang ilalaban sa atin

All: JJINJA??

Caitlin: yup

All: yehey!!

Thea: sino daw ang makakalaban natin?

Caitlin: sabi nya sasabihin nya nalang daw kapag naka pili na ng grupong ilalaban sa atin

Beatriz: ahhh so puro studies pala ang aatupagin natin

Maye ann: malamang ano pa ba?

Bianca: ewan dito nalang tayo,nakakaboring sa bahay ehh

Caitlin: sinabi mo pa!!

-next day-

Tracy's POV

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school, lahat ng dadaanan ko bumabati sa akin ng "Good Morning" naiirita na ko, kaya ata ayaw ni Caitlin alisin ang salamin nya dhil sigurado kung paano kami itrato ng mga studyante ganon din sa kanya, ayaw nya kasi ng papansin o kaya ay nasa kanya ang attensyon ng mga tao kaya mas pinili nya ang maging nerd. Habang naglalakad parang may narinig akong may tumatawag sa akin. Huminto ko pero wala namn kaya naglakad ulit ako.

James: TRACY!!!TRACY!!!TRACY!!

Si James ba yung naririnig ko.

Tumalikod ako at nakita ko si James na hingal na hingal, anong kayang kailangan nito?.

Tracy: Bakit ka sumisigaw? bakit mo ko tinatawag? anong kailangan mo?

James: wait.. pagod pa.....ako.... sa kahahabol ko sayo

Tracy: sino ba kasi ang nagsabi sayo na tumakbo ka at isigaw ang pangalan ko, pwede mo namn akong tawagan, pabo!! (idiot)

James: ayy!! oo nga noh, bakit hndi ko yun na isip

Tracy: kasi wala kang utak

James: grabe sya!!

Tracy: BTW what do you need ??

James: gusto ko lang hingiin no. ni Caitlin

Tracy: baliw kaba?? bakit ko namn sayo ibibigay no. ni Caitlin

James: Please

Tracy: ayaw ko!! magagalit sa akin yun atsaka bakit mo ba gustong hingiin no. ni Caitlin??

James: kasi....Kasi

Tracy: kasi??

James: kasi gusto ko syang maka usap

Tracy: at ano namn ang sasabihin mo sa kanya??

James: sa amin na yun

Tracy: may gusto ka dun nohh??

James: panu kung sabihin ko 'oo' ibibigay mo??

Tracy: hndi

James: bakit??

Tracy: kasi...Kasi...May boyfriend na sya!!

James: ANO!! bakit wala syang na banggit sa akin

Tracy: ewan ko, basta un ang alam ko ang gwapo nga ng BF nya ehh

James: hay naku!! wala na pala akong pag asa

I smirked at her response.

James: sige papasok na ako sa room

Tracy: sige babye!

Uto uto talaga yun, may gusto pala sya kay Caitlin. Matawagan ko nga sya.

[yoboseyo?]

"Yoboseyo"

[bakit anong kailangan mo?]

"May sasabihin ako sayo"

[Ano yun??]

"May g-gusto sayo si.....James"

[Hahaha niloloko mo ba ako]

"Hindi hahh totoo hinihingi nya sa akin no. mo "

[Hiningi lang may gusto agad]

"totoo nga umamin sya sa akin na may gusto daw sya sayo at balak nyang umamin sayo"

[Seryoso ka??]

"Hehehe joke lang pero totoo umamin sya sa akin"

[Ok binigay mo ba??]

"Hindi"

[Buti naman]

"Atsaka sinabi ko sa kanya na tigilan ka na kasi......May.....Boy....Friend....ka na"

[ANO!! ANONG SINABI MO TRACY!!]

"hehehe sinabi ko sa kanya na may BF kana"

[baliw kaba!! bakit mo namn yun sinabi]

"kasi nga pinipilit nya ko na ibigay ehh alam ko na pagbinigay ko sesermonan mo nanamn ako"

[hay naku!! paano yan, sino ang sasabihin ko sa kanya na BF ko at sino ang mag papanggap]

" ahhhmmm.....Si.........Alexander, yun nalang"

[Bkit sya??]

"Kasi sya gwapo, matalino, mabait at gentleman pa atsaka may gusto rin sayo yun"

[Pati sya may gusto sa akin]

"Oo dati pa"

[Bakit hndi ko alam]

"Kasi manhid ka"

[grabe sya]

"So? payag kana?"

[Hindi ko alam atsaka nasa States sya nag aaral]

"Oo nga nohh, tatawagan ko nalang sya at ako na ang mag sasabi ng lahat, sigurado ako papayag yun"

[ sigurado ka hahh pag hindi papatayin kita]

"oo na! bye!!"

Binaba ko ang phone ko sigurado papayag yun si Alex, mamaya ko nalang sya tatawagan.

Crystal's POV

Hay naku!! papatayin ko talaga si Tracy, bakit nya kasi sinabi yun!! nakaka inis,pwede namn iba nalang ang dahilan nya boyfriend talaga ang naisip nya bwisit.

James POV

Nakaka inis may BF na pala sya pero bakit hnd alam ni Andrew, balak ko sanang umamin sa kanya na may gusto ako kaso lang wala na akong pag asa, sino kaya ang BF nya sabi ni Tracy gwapo daw,mas gwapo daw sa akin grabe sya!! sino kaya yun nohh matanong nga mamayang lunch si Andrew.

Naglalakad na ako papunta sa PR. Pagdating ko agad kong binuksan at hinanap si Andrew, ayun sya sa may sofa katabi ni Nathan.

James: Andrew!!

Andrew: hhmmm

James: may BF na ba si......Caitlin??

Andrew: ewan

James: bakit hndi mo alam!!

Andrew: kasi hndi kami close....Bakit mo ba tinatanong?

James: sabi kasi sa akin ni Tracy may BF na daw si Caitlin

Kyle/Josh/Nathan: ANO!!

Josh: sino daw??

James: ewan! hndi ko natanong

Nathan: bakit hndi mo tinanung?

James: hehehe nakalimutan ko

Kyle: ang bata bata mo pa makakalimutin kana

James: edi shing!!

Vince: alam nyo kung gusto nyong malaman, pumunta kayo sa PR ng mga babae??

Kyle: oo nga noh, sige pupunta na ko

James: hoy!! hndi ka manlang mang hihintay

Nathan: oo nga

Josh: halika na nga Kyle iwan na natin yan, sumunud na lang kayo!!

Agad namang umalis ang dalawa at kami dalawa ang naiwan kaya agad akong lumabas at pumunta na doon.

Crystal's POV

Katatapos palang namin kumakain at nag kwekwentuhan kami dito. Biglang may kumatok at binuksan namn ni Bianca ang pintuan at ang niluwa nito ay sina Kyle, ano kaya ang ginagawa nila dito.

Bianca: Anong kailangan nyo? Bakit kayo nandito?

James: Andyan ba si Tracy?

Bianca: Andito, bakit nyo sya hinahanap?

Josh: may itatanong lang

Bianca: ahhh ganun ba!! sige pasok kayo!!

Pinapasok ni Bianca sina Kyle at umupo ito sa bakanteng sofa.

Bianca: Tracy gusto ka daw nilang maka usap

Tracy: ha-hahh a-ako??

James: oo ikaw, gusto namin ikaw maka usap

Tracy: a-ano bang g-gusto nyong pa-pag u-usapan

Josh: gusto lang namin alamin kung totoo na may BF si Caitlin

Girls: BOYFRIEND??

Nathan: oo boyfriend, bakit hndi nyo alam

Beatriz: hndi never pa syang nag kaka boyfriend

Jessica: oo nga wala syang na kweni kwento sa akin, di ba Crystal??

Crystal: ha-hahh??

Kyle: so walang boyfriend si Caitlin

Girls/Crystal/Tracy: Wala!! / Meron!!

James: hahh? wala o meron?

Crystal/Tracy: meron

Girls: Bakit hndi namin alam??

Napatingin nalang kami ni Tracy sa isa't isa, ako nalang kaya ang mag sabi o kaya so Tracy.

Tracy: ikaw nalang mag sabi Crystal

Crystal: anong ako? ikaw nalang?

Tracy: ikaw na

Crystal: hndi ikaw

Tracy: ikaw na

Crystal: ika-

Beatriz: SABIHIN NYO NALANG SA AMIN KUNG SINO!!

Jessica: oo nga

Bianca: ikaw nalang kaya Crystal

Maye ann: oo nga dhil mas close kayo ni Caitlin kisa sa amin

Oh my!! lagut ako si Tracy naman kasi ehh bwesit.

Crystal: aa-aahmm....s-si A-A-le-lex-an-ander, yun si Alexander ang Boyfriend ni Caitlin

Girls: WHAT??

Julia: kailan mo I mean ni Caitlin na naging Boyfriend si Alexander??

Crystal: no-nung....La-last mo-mo-month, I think??

Thea: are you sure??

Crystal:ye-yes

Daisy:bakit hndi mo sinasabi sa amin??

Crystal: ka-ka-si...

Tracy: KASI!!akala nya nasabi ko na sa inyo kaso lang sa akin nya lang sinabi at nakalimutan kong sabihin sa inyo

Girls:aahhh

Thea: sabagay bagay naman silang dalawa

Julia: oo nga gwapo naman si Alexander

Maye ann: gentleman pa

Beatriz: matalino pa

Bianca: mabait din

Rachel: at higit sa lahat kababata pa ni Caitlin si Alexander kaya possibleng sila ang mag kataluyan at magkagustu sa isa't isa

Daisy: bagay din sila

Nathan: alam nyo kung makapag salita kayo parang wala kami dito?

Josh: oo nga

James: alam nyo bang may nasasaktan dito sa pinag sasabi nyo

Kyle: oo nga

Rachel: may gusto kayo kay Caitlin nohh??

James: ako Oo pero ewan ko sa kanila

Nathan: ako rin oo

Josh: oo rin

Kyle: slight lang

Beatrsiz: nag seselos kayo?

Boys: OO!!

Thea: kaya pa pala eehh

Daisy: kaso nga lang wala na kayong pag asa may mahal ng iba si Caitlin

Beatriz: oo nga kawawang bata

Josh: ok lang marami pa namang iba na pwedeng magpa ibig sa akin

Nathan: oo nga ako rin atsaka sa gwapo kong ito maraming pwede pa ibigin at mag pa ibig sa akin

Kyle: ako patuloy ko syang mamahalin kahit hnd ako ang mahal nya

James: ako din

Maye ann: kyaahhh kinilig namn ako sa mga sinabi nyo

Daisy: oo nga nakakakilig

Rachel: sigurado ako infatuation lang ang nadarama mo James!

James: bakit namn??

Rachel: kasi sigurado ako marami ka na ng sinabihan na babae na ganyan kasi babaero ka

James: bakit hndi ba ako pwedeng magbago

Rachel: pwede pero ang sinasabi ko lang nagustuhan mo lang sya dahil sa maganda sya, diba? kasi kung pangit sya hndi mo sya magugustuhan, am I right?

James: maganda man sya o panget mahal ko pa rin sya

Rachel: talaga, kahit na kasing pangit nya si Crystal

*wow!! ako talaga*

James: O-o-oo

Rachel: bakit ka nauutal?

James: wala lang

Rachel:buking ka na James!!

James: so what? if I like her

Rachel: sasaktan mo lang sya samantalang si Alexander ay mamahalin sya Fo-re-ver

James glared at Rachel.

Rachel: so, wala na kayong kailangan di ba? Alis!!

Nathan: sige alis na kami

Josh/ Kyle: Bye!!

Umalis na ang apat at grabe anong sasabihin ko kay Alexander at......Sa parents ko at sa kapatid....Ay!! patay ako nito...Panu kung malaman nila ito, hwaaahh!! papagalitan ako ni appa.

Bianca: ehem

Napatingin namn ako kay Bianca ng nag pekeng ubo.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.