Hindi alam ni Wayne kung ano ang iisipin habang nagmamaneho patungo sa bahay nina Xander. Kaninang tanghali ay tumawag si Chrisma na papunta na raw ito sa opisina niya sa main branch ng Indigo Bookstore. Pero makalipas lang ang ilang minuto ay tumawag ulit ito at sinabing sa bahay na lang nina Xander sila mag-usap ngayong gabi. Hindi niya tuloy malaman kung good news ba o bad news ang ipababatid nito sa kanya.
Pero alinman sa dalawa ang magiging pasya ni Chrisma, iisa lang ang natitiyak niya, wala siyang balak isuko ang relasyon nila. Alam niyang nasaktan si Chrisma sa nalaman nito tungkol sa unang plano niya. Hindi niya ito masisisi kung mabawasan ang tiwala nito sa kanya. But he swore he would do everything to make her trust him again. He was not giving her up this time. This was his second chance with her. Hindi niya alam kung may pangatlo pa at ayaw niyang sumugal. Kahit taon pa ang bilangin ulit, handa siyang suyuin at ligawan si Chrisma.
Pagparada niya sa garahe ng bahay nina Xander ay bumaba siya bitbit ang binili niyang bungkos ng mga bulaklak para kay Chrisma.
But he immediately knew something was wrong when he entered the house. Bagamat sinalubong siya ng mga pamangkin niya sa pinto pa lang, hindi naman kasama ng mga bata si Chrisma na sumalubong sa kanya. Sa halip kinailangan pa niyang hanapin sa buong bahay ang dalaga. At natagpuan niya ito na nakatayo sa tapat ng bintana sa loob ng silid nito. And she looked like she’d been crying. Napabilis tuloy ang pagpasok niya sa silid. At halos iitsa niya sa kama ang hawak na bungkos ng mga bulaklak.
Hangos na lumapit siya kay Chrisma.
“Chrisma? Chrisma, what’s wrong?” nag-aalalang untag niya sa dalaga.
“Ano ba ako sa iyo, Wayne? Tapatin mo na ako. Huwag mo nang patagalin pa ito. Pinagtitiyagaan mo lang ba ako dahil may libreng yaya ka para sa mga bata? O pinaiikot mo lang ako hanggang sa masiguro mong kahit ano gagawin ko para sa iyo?
“Kahit pa ang kusang isuko ang karapatan ko sa mga pamangkin natin? Lahat ng mga sinabi mo kagabi, bahagi lang ba iyon ng palabas mo dahil alam mong malapit na kitang mabuko gayong hindi pa sapat ang mga pekeng ebidensya ninyo ng Mama mo laban sa akin?!” matigas ang tono ni Chrisma nang magsalita.
Pero nang harapin siya nito ay halos mapauklo siya sa sakit dahil sa nababasang kamiserablehan sa mga mata nito. Hindi na nga lumuluha ang mga mata nito pero malinaw na malalim ang sugat sa kalooban na iniinda nito. Halos manginig ang mga kamay niyang maingat na dumapo sa mga pisngi nito.
“What are you talking about?! Chrisma, sinabi ko na ang totoo sa iyo kagabi. Please, maniwala ka sa akin,” samo niya sa dalaga.
“Why did you have to make me fall for you? Why did you have to break my heart? Why---oo, alam ko sounds familiar ang mga sinasabi ko. Nabasa ko yun dun sa isang librong pinabasa mo sa akin! Pero seryoso ako, galing sa puso ko ‘yun!”
“Chrisma---“
“Patapusin mo muna akong magsalita! I love you! I love you! I love you! I’m so in love with you! Iniirog kita! Iniibig kita! Ano pa? Gusto mo tumiwarik pa muna ako bago ka maniwalang mahal kita?!”
Saglit na natigilan si Wayne. Pagkuwan ay kusang umangat ang isang sulok ng mga labi niya. Pamilyar sa kanya ang mga linyang sinambit ni Chrisma dahil galing din ang mga linyang iyon mula sa parehong librong binanggit ni Chrisma kanina. Binibiro lang siya ng dalaga. Samakatwid, napatawad na siya nito. Pinaniniwalaan siya nito! Kahit siguro lumundag siya mula sa tuktok ng Mt. Everest ay maggagawa niya dahil sa sobrang kagalakan niya.
“When you say it like that it makes it hard for me to believe you, you know?” nakangising aniya.
“Wayne, naman! Limang taon na tayong magkakilala. Hanggang ngayon ba naman hindi mo pa rin nari-realize na ang mga pagbibiro ko ay defense mechanism ko lang para itago ang totoong damdamin ko? Limang Pasko na ang dumaan, nasa Chapter One pa rin tayo hanggang ngayon dahil hindi mo pa rin ako kilala?!”
Isang matamis na ngiti ang biglang sumilay sa mga labi ni Wayne.
*******
Bumilis ang pagkabog ng puso ni Chrisma nang masilayan ang ngiti ni Wayne.
“And here I thought we were already on Chapter Ten,” ani Wayne sabay hapit sa baywang niya. Ikinawit nito ang isang kamay sa batok niya saka ito yumuko upang sakupin ng mga labi ang mga labi niya. Marubdob siyang hinalikan nito. “Does that feel like I’m just using you as nanny to the kids? Does that feel like I don’t feel anything for you?”
“Hmmm? Hindi ko sure. Isa pa ulit kiss, please?”
“Sure.” Agad na pinagbigyan naman siya ni Wayne. Muli nitong siniil ng halik ang mga labi niya. Hanggang sa humantong sila sa kama. At magdamag siya nitong binigyan ng pruweba na hindi lang basta tagapangalaga sa mga pamangkin nila ang silbi niya sa buhay nito.
After countless kisses, hugs and orgasms, she blissfully sighed and used his bare chest as her pillow. At habang nakatitig siya sa malamlam na liwanag na nagmumula sa table lamp sa ibabaw ng bedside table, isang bagay ay natiyak niyang totoo. Walang kapantay ang ligayang hatid sa kanya ng direksyong tinutungo ng buhay niya ngayon.
Kaya mistulang abong tinangay na nang tuluyan ng hangin ang natitirang mga agam-agam niya na idinulot ng pagkikita at pakikipag-usap sa kanya ng ex-wife at ina ni Wayne. Hinarang kasi siya ng dalawang babae nang makita siyang pababa mula sa sasakyan niya matapos niya iyong iparada sa parking lot sa harap ng building ng Indigo Bookstore.
“Hindi nga ako doktora tulad ng ex-wife mong adik sa pabango pero lamang pa rin ako sa kanya. Ako ang kasama mo. But just saying, may utak din ako ‘no! Hindi nga lang ako kasintalino niya. At hindi cheap, hindi baduy at hindi trabahong bobo ang pagiging housewife! So what kung handa akong iwanan ang pagbabanda ko kung iyon ang mas makabubuti para mas maalagaan ko ang pamilya ko? So what kung mas gusto kong alagaan ang asawa’t mga anak ko? So what kung masaya na akong magluto, maglinis at maglaba para sa pamilya ko? Dahilan na ba iyon para isipin niyang hindi ako fulfilled bilang isang babae?!” saad niya.
Huli na nang mapansin niya ang biglang paninigas sa tensyon ni Wayne sa ilalim niya. Napangiwing dahan-dahang tiningala niya ang lalaki. Ang tabil talaga ng dila niya! Kung kaya lang niya ay binatukan na niya ang sarili.
“When did you talk to Jemma, Chrisma?” salubong ang mga kilay na untag ni Wayne.
“Um, oh, hey! Look at the time! Madaling-araw na pala. Tulog na tayo. May pasok bukas ang mga bata, maaga pa tayong gigising!”
“Chrisma!”
“Fine, fine! Kaninang tanghali. Nakipagkita siya sa akin sa coffeeshop malapit sa Indigo. Magkasama sila ng Mama mo na in-ambush ako. And FYI, hindi tayo titira sa iisang bahay kasama ang Mama mo, okay? Malakas ang feeling ko na magiging Monster-in-law siya.”
“Bakit hindi mo sinabi agad sa akin na kinausap ka nila? Dapat tinawagan mo agad ako!”
“Hindi naman na kailangan. Wala namang sampalan o sabunutan na nagganap. Ininsulto lang nila ako from head to foot. Kaya ininsulto ko rin sila bilang ganti. Kaya sana maunawaan mo kung bakit medyo mainit ang dugo ng Mama mo sa akin next time na magkita kami. Which would be in the after life.”
“Chrisma! Stop joking about it.”
“Relax, Wayne. Hindi naman kailangang tawagan kita kada oras na may hindi ako makasundong tao.”
“Kailangan. I don’t want Jemma, my mother or anyone else harassing you or hurting you in any way, not even with their words. They don’t get to do that. Not with you. I won’t allow it!” bakas ang galit sa anyo at boses ni Wayne. Bahagya pa itong bumangon at hinagip ng kamay ang pantalon nito. Kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa at akmang ida-dial ang numero ng ina nito. Pero maagap niyang inagaw iyon mula rito at ipinatong sa side table sa gilid niya.
“Chrisma, kailangan kong kausapin si Mama para tigilan na niya ang kalokohang ito. Ayokong pinagbabantaan ka niya o iniinsulto. Gusto ko ring malaman kung bakit isinama pa niya si Jemma para komprontahin ka. Sumosobra na siya!”
At iyon, iyon ang isa sa mga pinakamalaking dahilan kung bakit kahit ano’ng sabihin at kahit na ano’ng isipin ni Jemma tungkol sa kanya ay dedma lang siya. Wayne would always have her back. He’d always support her and protect her even if she doesn’t really need him to do it. Hindi iyon nangangahulugan na mahina siya. Nangangahulugan lang iyon na mahalaga siya rito.
“Balewala naman sa akin lahat ng sinabi ni Jemma. Bitter ampalaya lang ang ex mo kaya siya ganun. Apparently, magdi-divorce na sila ng asawa niya. Kaya siguro akala niya pwede ka niyang balikan. Hah! Asa pa siya more. Para namang papayagan ko siya!”
“Still doesn’t make it right. Sa susunod, sabihin mo agad sa akin kapag tinawagan ka pa niya para guluhin.”
“Okay. Pero huwag mo nang pagsabihan ang Mama mo. Pag ginawa mo iyon, lalo lang lalaki ang gap sa pagitan namin. Hayaan mo na akong umayos sa relasyon namin.”
“Sigurado ka?”
“Oo.”
May palagay rin kasi si Chrisma na nangangamba lang si Tita Cory na tuluyang mawala na rin dito ang kaisa-isang anak na natitira dito kung magkakatuluyan sila ni Wayne. Nauunawaan niya ang babae. Isa pa, noong bandang huli naman na ng komprontasyon nila ni Jemma ay nahalata niyang naaasiwa at hindi na sang-ayon si Tita Cory sa nangyayari. Halata ring hindi naman talaga nito gusto si Jemma pero dala ng pangangailangan ay tiniis na pansamantalang makipag-kampihan sa babae.
Isang mahabang buntung-hininga ang pinakawalan ni Wayne. Iniunan nito ang isang braso habang masuyong hinahaplos ng isa pang kamay ang braso niya.
“It was so damned hard to try loving Jemma again when we got married. It was too damned hard to live with her when all I wanted was to be with you.”
“Wayne---“
“I fell in love with you five years ago, Chrisma. But just when I was ready to tell you about how I feel, saka ko naman nalaman ang tungkol kay Jemma at Maddie. And I knew I had to marry her, be there for her and my kid.”
“Wayne,” sambit ni Chrisma na marahang hinagod ang dibdib ng binata saka buong suyong kinintalan ng halik ang braso nitong nakayakap sa kanya.
“And now I’m afraid, Chrisma. I’m scared of this second chance with you. With the kids. It hurt like hell losing Maddie to her real dad. Paano kung mawala ka ulit sa akin? Kayo ng mga bata? I don’t think I could bear losing you again especially now that I know what it’s like being with you.”
“You won’t lose me again. Itong second chance na ibinigay sa atin, hind Niya ito ibibigay kung babawiin ka lang ulit niya sa akin. I love you so much, Wayne.”
“I love you, Chrisma.”
“Namamasko po!” koro nina Chrisma at ng mga bata kay Wayne nang pagbuksan sila nito ng pinto ng opisina nito dito sa Indigo Bookstore.
Iiling-iling na napangisi si Wayne. Iminosyon ng lalaki na pumasok na sila. At tulad noong nakaraang taon, may Christmas decorations na ang buong Indigo Bookstore. Ilang araw na lang kasi ay Pasko na. Siyempre pati ang opisina ni Wayne hindi nakaligtas sa mga dekorasyon. Pero karamihan niyon ay sina Chrisma at mga staff ni Wayne ang naglagay, hindi si Wayne mismo.
“Surprise!” medyo nahihiya ang ngiting bati ni Chrisma sa nobyo nang magtama ang mga mata nila. Hindi kasi alam ni Wayne ang pagpunta nila ng mga bata sa opisina nito ngayon. Galing sila sa pagki-Christmas shopping. Pero biglang nagyaya sina Matt at Rachel na gusto raw ng mga itong makita ang tiyuhin.
They’ve been together for a year now. And each day she falls more deeply in love with her man. Ang good news, magkasundo na sila ni Tita Cory. Bumalik na ng States ng luhaan si Jemma at hindi na ulit nanggulo pa ulit sa kanila. Ang bad news, hanggang ngayon ay wala pa rin siyang suot na engagement ring. Mas nauna pang magkaroon ng singsing si Lucibelle kaysa sa kanya gayong mas matagal naman ang ipinaghintay niya sa kanyang true love.
Bahagyang napangisi si Wayne nang umatras palayo sa kanya nang akmang yayakapin at hahagkan niya ito bilang pagbati. Napakunot-noo sa pagtataka siya. At mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo niya nang senyasan ni Wayne ang mga bata. Tumakbo naman ang mga bata palapit rito at tila ba matagal nang pirnaktis ng mga ito ang gagawin na sabay-sabay na nagsiluhod sa isang tuhod ang mga ito. Biglang pumailanlang ang ‘Christmas in Our Hearts’ sa silid.
“Wayne,” halos walang tunog ang pagkakabigkas niya sa pangalan ng nobyong nakaluhod at nakaumang ang kamay sa kanya. May hawak itong engagement ring. Pero hindi lang ang singsing ang iniaalok nito sa kanya kung hindi ang buong puso at buong buhay nito.
“Will you marry me, Chrisma?”
“Yes, yes, yes!”
END OF CHRISMA AND WAYNE'S STORY
NEXT IS JING AND BELL'S STORY