Silver Belles-Santi, Baby Chapter 45

Pero hindi mahahalata sa fit na fit na katawan ni Bell na pagkain ang ikinabubuhay nito. Kahit araw-araw nasa loob ng restaurant at napapaligiran ng masasarap na pagkaing isini-serve sa Josephine’s Cuisine, hindi mo iyon makikita sa katawan ni Bell. At hindi iyon dahil katulad niya ito na mabilis ang metabolism kaya kahit ano’ng takaw sa pagkain ay hindi pa rin tumataba. Ang totoo, nasa lahi nina Bell ang pagiging tabain base na lang sa ilang mga kamag-anak nito na nakilala na niya. Iyon nga rin ang dahilan kung bakit si Marie ay parang ibon at kambing kung kumain, kakarampot na nga lang, puros gulay pa. Takot na takot kasi ang babae na lumobo ng husto tulad ng ibang kamag-anak nito.

Pero kabaligtaran ni Marie si Bell. Pareho kasi sila ni Bell na matakaw at malakas kumain. Pero dahil mahilig ang lalaki sa kung ano-anong sports at daig pa nito ang kiti-kiti sa likot, hindi nagtatagal sa katawan nito ang mga fats. Tennis, basketball, swimming, running, boxing at biking ang ilan sa mga paboritong gawin ni Bell kaya kahit hindi ito mag-araw-araw sa gym tulad ng ginagawa ng karamihan sa mga kalalakihang may pangangatawan ng tulad nito, fit na fit pa rin ito. Well defined ang biceps, forearms, mga balikat, likod at mga binti nito.

At minsang bumisita siya kay Lola Josephine sa bahay ng mga ito ay hindi sinasadyang nabosohan niya si Bell nang madatnan niyang nagsi-swimming sa swimming pool ng mga ito. Kaya naman nalaman niya na eight-pack ang abs ng binata. Take note, hindi lang six-pack ang abs ng binata kundi eight-pack! Pero sabi ni Chrisma, hindi raw counted sa bilangan ng abs ang pectorals kaya anim pa rin iyon. Pero ilalaban niya hanggang sa Supreme Court na hindi niya isinama sa bilangan ang pectorals ni Bell. Basta very sure siya na eight-pack ang abs ng binata. Very sure talaga siya dahil kung hindi lang niya napigilan ang sarili nang mga sandaling iyon, dudutdutin na sana niya ng daliri ang abs ni Bell para maktiyak na hindi siya namamalik-mata lang. Buti na lang nakapagpigil siya dahil kung hindi, baka nilunod na niya ang sarili sa kahihiyang tinamo.

Sa pagkaka-alam ni Jing-jing, bukod sa Business Administration na tinapos ni Bell ay nag-aral din ito ng culinary arts. Kaya hindi lang ito marunong kundi masarap pang mag-bake at magluto. He still lives with his grandmother and his younger sister in the same old house he grew up in. And it was not because he couldn’t afford to buy his own house but because he didn’t want to leave his family.

Anumang oras kaya na nitong bumuhay ng pamilya kahit na bata pa naman ito sa edad na twenty-seven. Kung tutuusin, perfect boyfriend material talaga ang loko. Ang nakapagtataka lang ay kung bakit lagi na lang na ito ang hinihiwalayan ng mga nagiging girlfriends nito imbes na ito ang mang-iwan sa mga iyon. Sabi naman ng Kuya Ace niya na mas malapit dito, mabait naman daw sa ibang babae si Bell. Sa kanya lang daw maaskad ang lalaki. Loyal, thoughtful at generous din daw si Bell sa mga nagiging girlfriends. Pero nakakatatlong seryosong relasyon na ito at lahat ang ending, babae ang nakikipag-break dito. Ano kaya ang posibleng dahilan at laging sawi sa pag-ibig ito? Posible kayang tulad ni Bruce ay beki rin ito kaya iniiwan ng mga ex nito?

Nilagyan ni Jing-jing ang picture na in-upload niya sa Instragram niya ng caption na: PERSONAL MECHANIC, JUST RING THE BELL!

“Hey, Bell! Umamin ka nga sa akin, bekimon ka ba?” hindi na niya napigilang isaboses ang tanong na sa tuwina ay pinipigilan siya ng Kuya Ace niya na itanong kay Bell.

Biglang napa-angat ng ulo si Bell at marahas na napalingon sa kanya. Salubong ang mga kilay nito at kung nakakatusta lang ang nag-aalab na titig, malamang tostado na siya ngayon.

“Ano?! Anong bekimon?!” gilalas pang sambit nito.

“Bekimon, beki, bading, gay, bakla---“

“I get it, I get it! What I don’t get is where you got that stupid idea!” asik nito sa kanya.

“Eh kasi lagi kang iniiwan ng mga ex mo. Siguro may natuklasan silang berdeng lihim mo. Kaya alin lang sa dalawa, bekimon ka o psycho ka.”

“I’m not gay!” mariing tanggi nito. Para bang natutuksong isubsob ang ulo niya sa ilalim ng hood ng kotse niya mapaniwala lang siyang hindi ito beki.

“Okay, okay, fine. Hindi kung hindi. Pero ibig sabihin nun, inaamin

mo na psycho ka?” seryoso kunwari ang anyo at tono niya.

“I probably will be if it means I can kill you and bury your body in your own backyard!” anito na pinaningkitan siya ng mga mata.

Sa halip masindak ay inismiran lang niya ito.

“Parang gusto ko nang palitan ang name mo sa phonebook ko. Parang mas bagay sa iyo ang Governor kaysa Shane. Nagtraydor lang kasi si Shane kay Rick dahil sa pagseselos niya kay Lori. Pero si Governor ang tunay na psycho,” aniya na muling nagpipindot sa cellphone niya.

Bakit ba hindi niya agad naisip na mas bagay ang moniker na Governor kay Bell kaysa iyong Shane? Ah, naaalala na niya, noong unang episodes kasi ng WALKING ZOMBIES ay crush niya si Shane. Pero later on, nang lumabas na kontrabida at traydor pala sa bidang si Rick Grimes si Shane, hindi na niya nagustuhan ang karakter ni Shane. Halos pareho sa sitwasyon nila ni Bell ang nangyari kina Rick at Shane. Minsan kasundo niya si Bell, minsan mortal na kaaway naman. Kaya Shane ang napili niyang ibigay na pangalan kay Bell sa phone book niya.

Pero hindi niya sinasabing crush o naging crush niya si Bell. No, wala siyang sinasabing ganoon. Saka malayo naman ang hitsura ni Bell sa aktor na gumanap na Shane.

“Weh? ‘Di nga? Kahit sa likod ng isip mo lang, hindi sumagi na kaya mo binansagan si Bell na si Shane sa WALKING ZOMBIES kasi crush mo si Bell tulad ng pagkaka-crush mo noon kay Shane?”

“Umamin ka na, Jing, iyang galit-poot-muhi mo kunwari kay Bell ay very, very like ang katumbas deep inside you, ano?”

Bigla ay naalala ni Jing-jing ang panunuksong iyon sa kanya nina Chrisma at Lucibelle na tinugon lang niya noon ng malakas at aliw na aliw na halakhak. Kahit ano pang pang-aalaska ng mga kaibigan niya sa kanya, hindi siya aamin. Kasi wala naman talaga siyang aaminin. Hindi siya naniniwala na udyok ng subconscious mind niya na kaya niya napili si Shane bilang pangalan ni Bell sa phone book niya ay dahil crush din niya si Bell tulad ng pagkaka-crush niya noon kay Shane.

“If I’m going to be the Governor, then you’re either Rea or Misha. Kung ikaw si Rea, magkakaroon tayo ng relasyon pero sa huli tatraydurin mo rin ako. Kung ikaw naman si Misha, which I must say you really resemble, then that means right from the start you doubted me and even managed to take one of my eyes,“ komento ni Bell na nananatiling nakayuko sa makina ng kotse niya.

Mulagat at awang ang bibig na napatitig si Jing-jing sa nakatagilid sa kanyang mukha ni Bell.

“Bell!!! Nanonood ka na rin ng WALKING ZOMBIES?! Kailan pa? Nakailang episodes ka na? Natapos mo ba ‘yung Season Five? Sino’ng favorite character mo?” tuwang-tuwa at excited na excited na bulalas niya.

Sa kauna-unahang pagkakataon, may kakilala na siyang nanonood din ng WALKING ZOMBIES. Kahit sino kasi sa mga kabanda niya o kahit sa mga kuya niya ay wala siyang mahikayat na manood rin ng WALKING ZOMBIES. Nakokornihan sa naturang TV series ang mga kuya niya samantalang ang mga kabanda naman niya ay hindi makatagal na makapanood ng mga bangkay na naglalakad at kumakain ng tao. After one or two episodes, sumusuko na ang mga ito. Pero base sa sinabi ni Bell, naka-abot na ito sa Season Four ng TV series!

“Yeah, I’ve seen a few episodes. It’s interesting. I can see why you got hooked on it,” kaswal na tugon nito sabay sulyap sa kanya mula sa sulok ng mga mata nito.

“See? I knew it. Maganda, ‘di ba? Ayaw lang nila maniwala sa akin pero nakaka-adik talaga iyon. Kaya I’m sure isang episode pa, makukumbinsi ko na rin si Darrell na---“

Biglang dumiretso ng tayo si Bell at inalis ang tukod ng hood saka malakas na isinara iyon.

“Tapos na? Gawa na?” takang untag niya rito.

Hindi siya nito sinagot. Sa halip ay binunot nito ang face towel na nakasuksok sa bulsa nito at ipinunas doon ang magrasang mga kamay nito. Iminosyon ng kamay nito na sumakay na siya ng kotse saka siya nito inutusang i-start iyon. Nabuhay na ulit ang makina. Sa katuwaan niya ay napasuntok pa siya sa hangin sabay sigaw ng: “Yes! Galing mo, Bell! Idol!”

“I wanna tell you what’s wrong with your car but I’m pretty sure you won’t---“

“Hindi ko rin magi-gets kahit pa gumawa ka ng graph at iakto mo pa ang explanation.”

“I know. That’s why I said I won’t tell you anymore. Pero kailangan mo nang dalhin sa autoshop ito. Temporary fix lang ang ginawa ko.”

“Okay,” tango niya. Akmang magpapasalamat na siya rito pero tinalikuran na siya nito at binalikan ang bike nito. “Bell---“

“Hey, Jing-jing, why do only 10% of women make it to heaven?” biglang tanong ni Bell na huminto sa paglalakad at lumingon ulit sa kanya.

Napa-arko ang mga kilay ni Jing-jing sa gulat.

“Ano?!“ nagtatakang bulalas niya. Ano’ng pinagsasasabi nito?

“Because if they all went to heaven, it wouldn’t be heaven at all. It will be hell.”

Noon niya na-realize na binirahan na nga siya nito ng lumang joke, pasimpleng gumanti pa sa pag-aakusa niya rito kanina na isa itong beki. Akala pa naman niya may pag-asa nang mag-bonding sila dahil sa panonood na rin nito sa WALKING ZOMBIES pero mali pala siya. Dahil heto at balik na naman ito sa pang-aasar sa kanya. Naiikot niya ang mga mata kasunod ng malakas na pagpalatak.

“Really, Bell? Really? Hindi ka ba makaisip ng mas bago namang joke? Talo ka sa akin kung magko-contest tayo ng paramihan ng jokes ngayon mismo.”

“Go ahead,” malakas ang loob na tugon naman nito sa hamon niya.

“Why do men like smart men? Because opposites attract. What should you give a man who has everything? A woman to show him how to work it. What's a man's idea of honesty in a relationship? Telling you his real name. What's the best way to force a man to do sit-ups? Put the remote control between his toes,” sunod-sunod na bitaw niya sa mga jokes na nabasa niya lang lahat mula sa isang site sa Internet.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.