Nakapikit ang dalaga habang nagha-hum. Sana lang ay makatulog ito agad. Bukas na nila pag-usapan si Dong Uk. Ayaw talaga niyang maipit sa gulong ito.
Makalipas ang sampung minuto ay ihinimpil niya ang kotse sa harap ng bahay niya. Binuksan niya ang backseat para makalabas si Moody. Sumunod naman ay ginising niya si Yana. “Yana, nandito na tayo. Kailangan mo nang bumaba.” At kinalas niya ang seatbelt nito. “Kaya mo bang bumaba mag-isa?”
Dahan-dahan itong dumilat at umungol. Inalalayan niyang bumaba ang babae. “Bahay na ba ito ni Dong UK? Dito ba niya idinala ang babae niya? Pwede ko bang sabunutan kapag nakita ko?”
“Aniyo!” tutol agad niya.
Sinitsitan nito ang aso. “Doggie, ikaw na lang ang kumagat sa babaeng iyon. Eu Jin ang pangalan niya. Dati pa siya nagpapadala ng sexy na pictures kay Dong Uk ko. Akala niya di ko alam ha? Dapat sa ganoong babae, pinapalapa sa aso.”
“Huwag mong idamay ang aso ni halmeoni,” saway niya sa babae at isinukbit sa balikat ang shoulder bag nito. Mamaya na lang niya kukunin ang maleta ng babae. “Di iyan bahay ni Dong Uk at wala diyan si Eu Jin.”
“Kanino ba kasi itong bahay?” reklamo pa ng babae habang inaalalayan niya papasok sa bahay. Siya na rin ang nag-alis ng sapatos nito at sinuotan ito ng pambahay na tsinelas.
“Bahay ko. Dito ka muna tutuloy.”
“Bakit di mo na lang ako dalhin sa bahay ni Dong Uk?”
“It is late.” Humakbang ang babae sa hagdan at muntik nang umurangod kaya binuhat niya ito. “You should rest.”
Humilig ito sa dibdib niya at sininghot-singhot siya. “You smell good. Parang orange.”
Ipinasok niya ito sa kuwarto niya. Hindi pa niya naihahanda ang guestroom. “Dito ka muna,” sabi niya sa dalaga at inupo ito sa kama. In her ruffled state, he didn’t know why she looked good in his bedroom. A damsel in distress on his dark blue bed. Ipinilig niya ang ulo. Silly thought. “Kukunin ko lang ang maleta mo at ihahanda ko ang guestroom. May bagong toothbrush sa cabinet sa restroom kung gusto mong gamitin. Gusto mo ng kape o tubig?”
“Si Dong Uk ang gusto ko. Gusto ko siyang makausap. Pwede mo ba siyang tawagan? Kasi di na nagri-ring ang number niya sa akin.”
Hinaplos niya ang buhok ng babae. “Bukas na natin pag-usapan si Dong Uk.”
“Ikaw na lang ang sumagot ng tanong ko.” Nangilid ang luha nito kasabay ng panginginig ng labi. “Bakit niya ako niloko? Konting panahon na lang naman ang palugit ko, di pa niya maibigay sa akin. Sana di na lang niya ako tinaningan ng two years kung gagaguhin lang din naman niya ako.” Humiga ito sa kama at humagulgol. “Sana sinabi niya sa akin. Di na sana ako umasa.”
Umuklo siya sa tabi g babae. “Baka di niya sinasadya. Baka malungkot siya. Baka natukso siya. We’ll never really know, Yana. Malungkot siya mula nang di ka natuloy sa Korea.”
“Tutuloy ako. May coat na nga ako. Nakabili na ako sa ukay-ukay. Kaso ‘yung gaga kong stepsister sa tatay na pinapaaral ko ng college, nabuntis at nanganak. Tapos caesarian pa. Saan pa sila tatakbo kundi sa akin? Ako ang nagbayad.” Bumangon ito at hinampas ang kama. “Tang ina! Sa kanila ang sarap. Tapos kapag sa hirap ako ang sasalo. E ako nga itong walang sex life. Puro ako trabaho para sa kanila.”
Ngumiwi siya. Hindi pa niya narinig na magmura ang babae. She had always been a lady. At naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi nang banggitin nito ang kawalan ng sex life.
“You are a good daughter,” nausal na lang ng binata.
“Hindi na. Ayoko na. Sawa na akong maging mabuting anak. Last week, na-confine ako sa ospital. Nababad ako sa baha kahit na walang tulog at pagod sa trabaho. Saka ko lang na-realize na di naman ako mahal ng magulang ko. Kailangan lang nila ako kasi may pera ako. Alam mo mula nang maghiwalay sila di na nila ako inalagaan. Mahal lang nila ‘yung pamilya nilang bago. Bigay ako nang bigay kasi akala ko mamahalin din nila ako. Sila ang inuna ko na lang ang sarili ko. Ang tanga-tanga ko kasi e. Gusto ko lang naman maging parte ng pamilya nila pero ATM ang tingin nila sa akin. Hindi anak nila. Hindi kapamilya nila.”
Huminga siya ng malalim at hinaplos ang buhok nito. He couldn’t resist. Alam naman niya noong una pa lang kung paano itong magsakripisyo para sa pamilya nito pero di niya alam na ganito kalala. “May mga tao talaga na mapagsamantala. Kapag mahal sila ng isang tao, uubusin nila ang lahat sa taong iyon. Wala silang ititira pero wala rin silang gustong ibigay.”
“Sa palagay mo ba ayaw na sa akin ni Dong Uk dahil virgin pa ako?”
“Huh?” What the fuck, Yana. That is too much information. It was supposed to turn him off. He was not into virgins. Tipsy virgins. Brokenhearted virgins. Sapat na iyon para magmistula siyang binuhusan ng malamig na tubig. But he starting to go hot and hard.
“Siya ang first boyfriend ko. Siya ang nagturo sa akin na humalik. Hanggang doon lang. Pero nakita ko sila ni Eu Jin kanina. Parang nagse-sex na sila sa public at parang wala silang pakialam kung sinuman ang nakakita. Alam ko naman naibibigay niya kay Dong Uk ang di ko maibigay dati.”
“Itulog mo na lang iyan, Yana. Di ko masasagot ang mga tanong mo.”
Hinawakan nito ang kamay niya at isinapo sa pisngi. “Tulungan mo ako, Sir Gideon. Tulungan mo ako kung paano magiging confident katulad ni Eu Jin. Teach me how to kiss. Teach me how to lose my inhibitions. Teach me how to be a good lover.” She whipped her dress off. Kasunod ang bra nito. Naestatwa na lang ang binata habang pinapanood ito.
Fuck! She looked so fine. Yana was more on the voluptuous side. Pero alam niyang di niretoke ang dibdib nito. Maliit ang baywang nito. Her skin was light brown. Nakasuot ito light brown na panties. More on granny underwear. He preferred women in lace underwear. Sino pang babae ang nagsusuot ng panglola na underwear? Walang lalaki na maaakit dito… except him.
Tipsy, brokenhearted, granny underwear and a virgin. Nasa turn off list iyon ng binata pero pinagpapawisan siya nang malapot. Parang alay ang dalaga sa kanya. At gusto nitong turuan niya ito kung paano mang-akit ng lalaki para mabawi si Dong Uk? No. Kailangan niyang tumakbo na palabas ng kuwarto.
“Gabi na. Bukas na ang lesson na ganyan,” sabi na lang niya sa magaang boses at tumalikod para lumabas na ng kuwarto. Kailangan niya ng cold shower bago niya dalhin sa kuwarto ang maleta mamaya.
Niyakap siya nito mula sa likuran. “Please. Hindi ko mababawi si Dong Uk kung wala akong alam.”
He could feel her breasts against his back, searing him. Lalo siyang nanghihina. A primal part of him wanted to surrender to his desire. “Yana, no!” Kinalas niya ang braso nito sa baywang niya at hinarap ito.
“Yes.” Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito, tumingkayad ito at hinalikan siya.
Inosente pa nga itong humalik. Tentative yet addicting She tasted like sweet nectar that he wanted to taste. And he found himself kissing her back, coaxing her how to kiss properly.
She became more aggressive. Naramdaman na lang siya na nakahiga siya sa kama. She was on all-fours above him. Bumaba ang labi nito sa leeg niya.
“Am I doing this right?”
Umurong siya dahil pababa iyon nang pababa. Inangat ng kamay nito ang T-shirt niya at pumailalim. Mas agresibo na ang kamay nito nang haplusin ang tiyan niya at umakyat sa dibdib niya. Shit! This virgin is on fire.
It was wrong. She was buzzed. Di nito alam kung ano ang ginagawa nito. Wala ito sa sarili. So, he was a playboy. He was a first class fuckboy. Pero hindi siya nagsasamantala sa mga babaeng lasing o nakainom at di alam ang ginagawa ng mga ito. In his book, that would be considered as rape.
Hinawakan niya ang kamay nito. “Yana, we have to stop.”
Tumigil ito sa pagbalik sa collar bone niya at malungkot na inangat ang tingin sa kanya. “You are rejecting me. Hopeless na ba talaga ako?”
“No. That is enough lesson for now. Sleep. Kapag di ka natulog, hindi kita tuturuan,” babala niya dito.
Sa halip na humiga sa tabi niya at ng malawak niyang kama, dumapa ito sa ibabaw niya sa ibabaw niya. “Huwag mo akong iiwan. Ayokong mag-isa.”
Her almost naked body sprawled over his hard body. Inalalayan niya ang baywang nito para di ito malaglag mula sa katawan niya. Pero kuyom niya ang palad para pigilan ang sarili na hawakan ito.
Mariin siyang pumikit habang pigil ang hininga. Ipinatong nito ang kamay sa dibdib niya at hinaplos iyon. Then she started humming a song. And her voice vibrated through his manhood, making him harder.
Mariing nagdikit ang labi niya at pinigilan ang kamay ni Yana. “Stop!”
“Okay,” sabi lang nito at di na nakipag-argumento pa. Then she kept on humming.
Napaungol na lang si Gideon. Ipinadala ba talaga ang babaeng ito para I-torture siya? “Yanaaaa, wag ka nang kumanta. Matulog ka na.”
“Di ako kumakanta. N-Nilalamig kasi ako,” sabi nito at saka niya naramdaman na nangangaligkig ang hubad na katawan nito.
Minura niya ang sarili sa isip. Sa kagustuhan niyang protektahan ang sarili mula kay Yana, nawala sa isip niya na malamig ang panahon at walang damit si Yana. Baka magkasakit pa ito. Dali-dali niyang tinakpan ng thermal blanket ang dalaga. And he realized another mistake. Dalawa na silang nabalot ng kumot at di niya basta-basta maiaalis ang sarili sa ilalim ng binata.
Parang nasa loob sila ng mainit na cocoon. Tuluyan nang ipinikit ng dalaga ang mga mata at maya maya pa ay narinig niya ang mahinang paghinga nito. Dapat ay ibaba na lang niya ito sa kama at iwan itong mag-isa. But he couldn’t let her go. Kapag gumalaw siya ay magigising ito.
She needed his comfort more than anything. He just needed to ignore his hard dick. It would be a long, long night for him. This is pure hell.. and heaven. Tumingala siya. Dong Uk, ayusin mo ang gulong ito. Take her off my hands.
Hahayaan lang niya itong makatulog. Then he would leave her alone. If only that was easy.