Dahan-dahang hinila ni Yana ang maleta palabas ng guestroom. Masyado siyang nag-enjoy sa rain shower sa banyo ni Gideon dahil parang minamasahe ang pagod niyang katawan. Na-relax din siya sa green tea shower gel na gamit. Nakatulong iyon para mabawasan sa hangover niya. Kung di lang niya gustong tumalilis na, gusto pa niyang magbabad sa shower.
Naplano na niya sa utak ang gagawin pagkatapos kumain. Hahanap agad siya ng bus na maghahatid sa kanya papunta sa Jeju International Airport at magtsa-chance passenger na lang siya sa flight pabalik ng Pilipinas. Parang may kamalasang dala sa kanya ang Korea. Kung matatagal pa siya doon, baka tuluyan nang mawasak ang buhay niya. Kailangan din niyang dumistansiya kay Gideon.
Di na siya nag-abala na mag-make up o mag-powder man lang. Wala na siyang oras. Wala rin siya sa mood. Ganoon siguro kapag bigo. Di na rin niya pinatuyo pa ang buhok. Sinuklay lang niya at hahayaan na lang niya iyon na matuyo sa biyahe mamaya. It was pathetic. She was not in the mood for anything. Pakiramdam niya ay wala siyang ibang dahilan para magpaganda.
Nagulat si Yana paglabas ng kuwarto. Naabutan niyang nakahalukipkip si Gideon sa dingding sa tapat ng pinto ng guestroom. Animo’y hinihintay siya. “Saan mo dadalhin ang maleta mo?”
“I-Ibababa ko na sana…”
Inagaw nito ang maleta sa kanya at ibinalik sa kuwarto. “No. You are not leaving yet. Hindi ka pa nga kumakain ng agahan. And besides, alam mo ba kung saan ka pupunta? Kung saan ka tutuloy?”
“Not exactly,” marahan niyang sagot. Tiyak na magpa-panic ito kapag sinabi niyang sa airport na siya tutuloy at uuwi na ng Pilipinas.
“Mamaya mo na isipin iyan. Sa palagay ko mas lilinaw ang utak mo kapag nakakain ka na,” anang lalaki at inalalayan siyang bumaba ng hagdan.
Pagbaba ng hagdan ay sinalubong siya ng aso. “Hi! May aso ka pala.”
“Si Moody, alaga ni halmoeni. Ako lang ang nag-alaga sa kanya habang nasa Udo Island pa si halmoeni. Nakausap mo na siya kagabi,” anang binata.
“Nakausap?” tanong niya habang hinahaplos ang ulo ng aso.
“Oo. Tinanong mo siya kung iba ang kalendaryo sa Korea at sa Pilipinas.”
Umungol ang dalaga. Pati pala aso ay kinakausap niya kagabi. Magaan pa iyon kumpara sa ibang kabaliwan na naaalala niya. Idinala siya ni Gideon sa dining area matapos niyang maghugas ng kamay. Awtomatikong kumalam ang sikmura niya nang makita ang ramyeon sa malaking clay pot. May kahalo iyon na binating itlog. May chocolate drink din sa tabi niyon.
“Unahin mo ang ramyeon. Tapos isunod mo ang chocolate drink. Tanggal ‘yang hangover mo,” utos ng lalaki.
“Salamat,” usal niya at tahimik na kumain.
Seryosong-seryoso si Yana sa pagkain ng ramyeon noodles. Buwis-buhay. Di pa siya tapos makibaka sa hangover, may bagong pakikibaka na naman siya . Lumabas na ang lahat ng luha at sipon niya sa sobrang anghang ng kinakain niya pero kailangan niyang tapangan ang loob. Pampamanhid ng sakit sa puso niya.
Pinunasan ni Gideon ang luha sa mata niya. “Brave.”
“Ganoon yata talaga kapag nandito sa Korea. Kailangan maging matapang. Parang mula nang tumapak ako dito, puro kamalasan na ang dinanas ko.”
“Naalala mo na lahat ng nangyari kagabi?”
Marahan siyang tumango. “Yes. Nakita ko si Dong Uk na may ibang babae. Di man lang niya sinabi sa akin. Parang tanga lang ako sa sorpresahin siya. Kailangan ko pang gumastos para malaman na niloloko niya ako.”
Nang maramdaman niyang maiiyak na naman siya ay humigop siya ng sabaw ng ramyeon. Napaiyak na lang siya sa anghang. Mabuti nang iyon ang iyakan niya kaysa si Dong Uk.
“Easy,” sabi ni Gideon at inabot ang chocolate drink sa kanya.
“May alam ka ba sa relasyon nila?” pagalit na tanong niya sa lalaki.
Itinaas bigla ng binata ang dalawang kamay na may hawak pang chocolate drink ang isa. “Hey! Hindi mo ako kaaway dito, Yana. Ang alam ko lang, nagkalabuan na kayo ni Dong Uk mula nang di ka matuloy sa Korea. Kung anuman ang status ng relasyon ninyo, wala na ako doon. Di ako nakikialam sa relasyon ng mga kaibigan ko. Kayo lang ni Dong Uk ang dapat na nag-uusap tungkol sa inyong dalawa.”
“Sorry,” hinging paumanhin niya. “Tama ka. Dapat si Dong Uk ang magsabi sa akin. Ikaw na nga ang tumulong sa akin, sa iyo pa ako magagalit. Siguro wala lang si Dong Uk dito at naghahanap ako ng paliwanag, ng masisisi.”
Inabot nito ang chocolate drink sa kanya at inabot iyon. “I can’t blame you. Pinaghirapan mo para makarating dito. Tapos ganoon ang maaabutan mo. Yana, gusto ko lang malaman mo na hindi ko ito-tolerate ang ginawa ni Dong Uk. I am not a fan of cheaters, even if he is my friend.”
“Talaga?” di makapaniwala niyang tanong. Hindi ba playboy ito at papalit-palit ng babae?
“Don’t give me that look. I don’t cheat. Dahil di naman ako nakikipag-relasyon. I like my women warm, willing and temporary. Walang masasaktan. Walang iiyak. All I can give them is pure pleasure for one night only. Just pleasure.”
Nahigit niya ang hininga ang mag-flashback na naman sa kanya ang mga nangyari nang nagdaang gabi. Di siya aalis ng Korea hangga’t di malinaw kung hanggang saan sila umabot ni Gideon. “Ano… may nangyari ba sa atin kagabi? Kasi paggising ko kaninang umaga…”
Tumaas ang kilay nito. “Bukod sa naghubad ka ng damit at hinalikan mo ako, wala nang iba. Nakatulog ka na agad. And I left you alone afterwards.”
Nagsalubong ang kilay niya. “Sigurado ka?”
“Yana, I like my women willing and sober.”
Tumirik ang mga mata niya. “Women.” Fuckboy.
“At kung may nangyari sa atin, mararamdaman mo iyon. Being a virgin that you are and given my size, you will feel me inside you for days.”
Kasusubo lang ni Yana ng noodles at natigilan siya. Wala siyang pakialam kahit naglawit pa sa bibig niya ang noodles. Inangat niya ang tingin kay Gideon. Nakatitig ito sa kanya. It was hot, smoldering. Parang tumatagos sa kaluluwa. Na parang napasok na nito ang kaloob-looban ng cells niya. She could feel him between her legs, taking her.
Bigla niyang nailuwa ang noodles at pinunasan ang bibig. Mas mainit pa ang binata kaysa sa ramyeon. Hindi niya ito kinakaya. So, she was a prude. Siguro dahil natatakot siya sa physical intimacy. Ayaw niyang gumawa ng mga desisyon na pinatatakbo lang ng libido. Ayaw niyang magkamali katulad ng nangyari sa magulang niya na nagpakasal nang maaga dahil nabuntis ang nanay niya sa kanya. May mas importante sa kanya kaysa sa pisikal na aspeto ng relasyon. Nagustuhan niya si Dong Uk dahil sa ugali nito at di dahil sa panlabas na anyo. Di rin siya komportable na ibigay ang sarili dito kung di pa sila kasal. Iyon din ang dahilan kung bakit nagtalo sila bago sila umalis ng Pilipinas.
Pero iba si Gideon. Walang kwenta ang harang na inilagay niya sa sarili niya. Tumitibag ito ng pader at walang habas kung magbukas ng gate. Sasabihin nito kung anong gusto nito at walang siyang ibang pagtataguan. Wala naman na akong maitatago sa kanya. Nakita na niya ang lahat sa akin.
“That is crass,” iritadong sabi ni Yana dito.
Nagkibit-balikat lang ito na parang wala itong pakialam kung namumula man siya sa hiya. “Just stating a fact. You are an adult now, Yana. Hindi ka na minor. And besides, you are safe with me. I don’t do virgins.”
“Oh!” nausal niya bigla. Aray! Di niya alam kung bakit parang insulto iyon sa kanya. Di ba ako kagusto-gusto? Kaya ba ako ipinagpalit ni Dong Uk?
“Virgins are too messy. Kapag ako ang unang lalaki sa buhay niya, iisipin niya na ako na rin ang makakasama niya habambuhay. I am not that kind of man. I want my women wild, ready for action and ready to take me anyway I want to.”
“Oo na. Di mo na kailangang ipamukha sa akin.” Huminga siya ng malalim. “Napagtalunan na namin ni Dong Uk iyan dati. Gusto niyang may mangyari sa amin bago siya bumalik ng Korea. Sabi ko, gusto ko kapag kasal na kami. It is important to me. Siguro pagod na siyang maghintay.”
“Pinagsisisihan mo ba na di mo ibinigay ang sarili mo sa kanya?” tanong nito.
“No. May dahilan ako kaya di ko ginawa iyon.”
Nakatitig lang sa kanya si Gideon. Hinintay niya na I-virgin shame siya nito, na laitin nito ang paniniwala niya. Na sisihin siya nito kung bakit naghanap si Dong Uk ng iba. “Sorry if my friend cheated on you.”
“Hindi ka ba natutuwa? Di ba ayaw mo naman talaga sa akin para kay Dong UK?”
“Ang tagal na no’n. And besides, di ako ang magdedesisyon kung sino ang gusto at di gusto ng kaibigan ko. Kapareho nang wala siyang pakialam sa desisyon ko sa buhay ko.”
“Di mo ba ako sisisihin dahil hindi ako pumayag na ibigay agad ang sarili ko sa kanya?” tanong niya. Alam niyang liberated si Gideon. Pinagtatawanan lang ng mga ito ang tulad niya na di basta-basta ibinibigay ang sarili sa lalaki.
“Yana, katawan mo iyan. Buhay mo iyan. Walang karapatan ang kahit sino na I-virgin shame ka. If you want to be a virgin forever, that is cool. Kung gusto mong ibigay ang sarili mo sa kahit na sino mo gusto, walang pwedeng manghusga sa iyo. Walang magsasabi sa iyo kung tama iyan o mali. Ikaw lang.”
Natigagal siya. “O-Okay lang sa iyo?”
Tumango ito. “Yes. Di ka dapat pilitin sa mga bagay na di ka komportable at di ka rin dapat maliitin sa mga desisyon mo. Kaya kalokohan din ang slut-shaming.”
Ngumiwi siya. Guilty naman siya doon. Di ilang beses niya itong nahusgahan dahil sa pagiging babaero nito. Kung wala nga naman itong sinasaktan na babae, sino ba siya para manghusga? Mahirap talagang manghusga lalo na’t di niya alam ang totoong katauhan ng isang tao.