Soju Trilogy: Tipsy in Jeju Chapter 19

“Ano? Cute ako?” tanong ni Gideon sa kay Yana na inangat ang tingin mula sa plastic bag ng pinamili nila.

“’Yung apron. Parang mas bagay sa akin iyan,” palusot ni Yana at hinugasan ang gulay na inilabas nito.

“That apron looks good on you. Canola flower field. Iyan ang dahilan kaya gusto ni halmoeni dito sa Jeju Island. Pakiramdam daw niya bata ulit siya. May mga canola siyang tanim sa labas. Malapit nang mamulaklak iyon.”

“Oo nga pala. Spring na dito sa Jeju Island. The most romantic time of the year.” Nangako sa kanya si Dong Uk na ipapasyal siya sa Jeju at pupuntahan nila ang canola fields. Pero parang malabo nang mangyari iyon ngayon.

“Bakit bigla kang nalungkot? Naiisip mo ba si Dong Uk?” tanong ni Gideon na bakas ang pag-aalala sa mukha.

“Paano kung di ko siya mabawi? Parang nakakalungkot na magtagal sa Jeju at puntahan ang canola fields tapos sawing-sawi naman ako.”

“Then I am coming with you. Ako ang kasama mong mamamasyal sa canola fields. Kung gusto mo I-remake pa rin natin ang mga eksena sa canola fields para naman di sayang ang punta mo dito.”

“That is so nice of you.” At dama niya na sinsero ang lalaki na tulungan siya. Awa siguro iyon pero naa-appreciate niya ang tulong nito. “Hindi ka ba natatakot sa akin?”

“Hmmmm….?” tanong nito habang hinihiwa ang gulay. “Bakit?”

“Kasi mabait ka sa akin. Ikaw ang tatayong boyfriend ko. At kahit di ko mabawi si Dong Uk, nandiyan ka pa rin para sa akin. Baka bigla akong ma-in love sa iyo lalo na’t nakikita ko ang ibang side mo at nagpapanggap kang boyfriend ko. Paano kung madala ako?”

His forehead crinkled. He gave her a puzzled look. Di yata nito nagustuhan ang tanong niya. Baka iniisip nito na interesado siya dito o nadadala siya sa pagpapanggap nila. Gusto niyang kutusan ang sarili. Baka bigla itong mag-back out sa kasunduan nila.

Bigla itong tumawa nang malakas. “Di naman ako naniniwala na ipagpapalit mo si Dong Uk sa akin. Come on. I am the proverbial fuckboy. You wont fall in love with me. Mas matalino ka naman kaysa diyan.”

“Minsan tanga ang puso. Parang ako. Ipaglalaban ko pa si Dong Uk samantalang niloko na nga ako. Di ba tanga lang?”

“May ipaglalaban ka sa kanya. Minsan ka niyang minahal. Malay mo kapag nagkita ulit kayo, malaman mo na ikaw naman talaga ang mahal niya. Pero kung alam mo nang wala kang mapapala sa akin at mai-in love ka pa, parang kumuha ka lang ng lubid na ipinambigti sa leeg mo.”

“Paano kung ikaw naman ang ma-in love? Di mo ilalaban?” tanong niya.

“No. Maisip ko pa lang, daig ko pa ang kumain ng buhay na octopus,” maasim ang mukha nitong sabi. “Can we change topic? Like kung ano ang sasabihin natin kay Halmoeni kung paano mo ako naging boyfriend?”

“Uhmmm… hindi ko alam. Hindi naman kasi tayo… close.”

“Then we’ll be secret friends. Then we sort of fell in love just a few weeks ago. At nandito ka sa Jeju Island dahil gusto kong ma-experience mo ang romantic spring kasama ako. I will give you that Koreanovela dream.”

Ngumisi si Yana. “Nice. Para sa isang lalaki na di kailangan ng romance sa buhay niya, mukhang alam mo kung ano ang gusto ng mga romantic na babae.”

“I know women. Alam ko kung ano ang gusto ang gusto ninyo. Di ko nga lang maibibigay lahat. After all, I only cater to women who are not into real relationships.”

“Oo na. Ikaw ang Lalaking Walang Forever. But can you pull this off?”

“Just trust me. Sa sobrang galing ko, hihilingin mo na sana ako na lang ang boyfriend mo.”

Pinagtawanan lang niya ito. Habang nagluluto ay ihinahanda ni Yana ang sarili sa sasabihin sa lola ni Gideon. Sana lang ay magawa niyang maging convincing. Pero kaya ba ni Gideon na umakto na devoted boyfriend?

NAKAABANG na sa labas ng bahay sina Yana at Gideon nang pumarada ang taxi sa harap niyon. Kakawag-kawag naman ang buntot ni Moody habang nakatayo sa tabi niya pero tumakbo papunta sa taxi para salubungin si Mi Su.

Dali-daling lumapit ang binata sa sasakyan para alalayang bumaba ang lola nitong si Mi Su. “Anneong, halmoeni! How’s your trip?” tanong ng lalaki.

“The party was wonderful. The canolas are starting to bloom.” Hinaplos nito ang ulo ng aso nito. “I would love to extend my stay in Udo but I am excited to meet your girl.” Nakangiting ibinuka ni Mi Su ang bisig. “Yana-ssi!”

“Anneong hasaeyo, sangjang-nim,” magalang na sabi na bati niya dito. Nagmano siya sa babae na nakagawian na niya kahit noong nasa Pilipinas pa siya.

Tumawa ito at hinalikan siya sa magkabilang pisngi. “How are you? Did my grandson treat you well?”

Sinulyapan niya si Gideon na parang kinakabahan sa isasagot niya. “Nee, sangjang-nim. We prepared dinner for you.”

Sa kanya na kumapit ang matandang babae. Hirap itong maglakad dahil marahil sa pagod Malaki rin ang ipinayat nito kumpara sa isang taon nilang pagkikita. Dahil daw iyon sa chemotherapy ayon kay Gideon. Maigsi rin ang buhok nito na dating mahaba. Nagpakalbo ang matandang babae matapos maglagas ang buhok nito pero tumutubo na ulit. At sa kabila ng sakit, masayahin pa rin ito.

Tinapik ng matandang babae ang kamay niya. “Forgive this old woman. I should be the one fixing dinner for you.”

“No big deal. I have lots of time and I don’t have so much to do. It is my vacation after all. And I enjoy helping Gideon cook.” Ang binata naman talaga ang nagluto at alalay lang siya. He was fascinating to watch when cooking. Parang iba itong tao. At alam nito kung ano ang ginagawa nito.

Napaungol siya nang matikman ang sabaw ng seafood hotpot. Pati ang inihaw na mackerel at tteokboki ay sumakto din sa panlasa niya. Di masyadong maanghang gaya ng mga nakagawian ng mga Koreano.

“Not too spicy today? It is a bit sweet,” reklamo ng nurse ni Mi Su nang tikman ang tteokboki.

“Tteokboki Filipino style. I know she doesn’t like very spicy food because it makes her cry. I don’t want to make my gilfriend cry,” sabi ni Gideon sa kanya at pinunasan ng hinlalaki ang gilid ng labi niya na may sauce.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.