Soju Trilogy: Tipsy in Jeju Chapter 2

ILANG beses na tiningnan ni Yana ang sarili sa salamin ng restroom. Nag-reapply siya ng powder at lipstick at muling ipinusod ang buhok. Nagpalit din siya ng peach na blouse kapalit ng cream blouse na suot niya habang may klase siya.

“May date kayo ni Dong Uk?” tanong co-tutor na si Pamela.

Ngumiti lang siya sa babae. No. I am going to a war.

Buong araw na kumukulo sa loob niya ang inis sa mga sinabi ni Gideon. Habang nakangiti sa mga estudyante at matiyagang nagtuturo ng tamang paggamit ng adverb buong araw, iniisip naman niya kung anong gagawing approach sa lalaki. Pero di siya uuwi ng bahay sa araw na iyon hangga’t di sila nagtutuos.

Paglabas ng restroom ay tumuloy siya sa opisina ni Gideon. Huminga muna siyang malalim bago kinatok ang pinto. “Come in!”

Binuksan niya ang pinto at sumilip. Mukhang seryoso pa ito sa binabasa sa laptop. Technically, opisina iyon ng lola ni Carson na may-ari ng English tutorial school. Pero dahil wala ang matandang babae, si Carson ang gumagamit ng opisina. He looked out of place with the pink interior of the room.

“Sir, do you have time? Gusto ko sana kayong makausap.”

Inangat nito ang ulo. “Pasok. Take a seat,” utos nito at inilahad ang palad.

Sinamantala niya ang ilang segundo para pagmasdan ang kaguwapuhan nito nang may pinindot ito sa laptop at itinupi iyon. Hindi ito mukhang typical Korean. Mas nakuha ito ang pagiging moren ang mga Filipinang ina at ang mata nito na may mahahabang pilik-mata.

He was too young to be a school administrator, albeit temporary, but he was way too strict for his own good when it comes to his employees. Di katulad ng lola nito na palaging nakangiti at approachable sa mga tauhan.

“Do you want coffee or tea?” alok nito at akmang tatayo.

“Salamat na lang po, Sir.” Umupo ito at saka lang niya ipinagpatuloy ang pagsasalita. “Gusto ko lang malaman kung may problema kayo sa akin, Sir.”

Umiling ito at dinampot ang ballpen. “Nothing. You got glowing reviews from your students. They love you. And you are our top tutor. Maganda ang result ng oral at written exams ng mga estudyanteng hawak mo. You got recommendations left and write. My grandmother adores you.” Pinagsalikop nito ang palad. “Gusto ka nga niyang ampunin.”

“Not professionally but personally. May problema kayo sa akin, Sir?” mas mariin niyang tanong dito.

Nagsalubong ang kilay nito. “What do you mean?”

“Bakit sinisiraan ninyo ako kay Dong Uk?”

Bahagya nitong inilayo ang katawan sa mesa. “Excuse me?”

Nagngangalit ang ngipin ni Yana dahil nagmamaang-maangan pa ito. “Narinig ko ang usapan ninyo ni Dong Uk sa pantry. Pinalalabas ninyo na gold digger ako…”

Itinaas nito ang isang palad para patigilin siya. “Hey! Eavesdropping is rude. I thought you are better than this.”

Wow! Siya pa ang babaligtarin nito ngayon. “Ano ba ang mas rude? Di ba ‘yung palabasin n’yo na high maintenance ako na parang kilalang-kilala ninyo ako.”

“I never said that,” kaila nito at lalong naging seryoso ang mukha.

Itinaas nito ang dalawang kamay. “Okay. Sabi mo na high maintenance ang mga Filipina.”

Nagkibit-balikat ito. “A very general comment.”

“At kapag nagka-girlfriend o asawa siya ng Filipina, gagawin lang siyang gatasan ng buong angkan niya,” dagdag niya at ibinuka ang bisig.

“Hindi nga ba?” naghahamong tanong ng lalaki.

“Hindi ko alam sa iyo pero kultura na ng mga Filipino na tulungan ang mga pamilya nilang nangangailangan. Ano ang masama sa pagtulong sa pamilya? Dapat ba pabayaan ko na lang sila katulad ng ginagawa ng ibang foreigner diyan sa pamilya nila? Iyon ba ang kultura na gusto mo?”

He gave her a lazy smile as if her outburst was nothing. “Yana, your loyalty to your family is admirable. Pero hindi lahat ng lalaki papayag sa ganyang set up. I am just saying.”

“Dong Uk is understanding. Supportive siya sa pamilya ko.”

Nakilala na ni Dong Uk nang magkahiwalay ang pamilya ng nanay at tatay niya. At bungad pa lang ng panliligaw sa kanya ng lalaki, ipinaliwanag na niya dito na ang mga ito ang priority niya. At gusto rin niya ng lalaki na may pagpapahalaga sa pamilya. Mula noon, nagpakatino na ang happy-go-lucky na si Dong Uk. Naging maingat na ito sa padalang allowance ng magulang at di na gumi-gimmick.

Ngumisi si Gideon na parang mabangis na lobo na naghahandang lumapa ng kalaban. His eyes were intense. Na parang galit ito sa kanya. “Yes. Kaya nga naubos niya ang allowance niya sa buwan na ito para ibigay sa nanay mo na kailangan daw ng pampa-injection sa kapitbahay nilang nakagat ng aso nila at nagbigay din siya ng pera sa tatay mo para sa pang-tuition ng stepsister mo.”

Nanlaki ang ulo ni Yana sa ikinuwento ng lalaki. “Ano? Nanghiram sila ng pera kay Dong Uk? Hindi ko alam iyan.” Paano nangyari iyon? Walang sinasabi sa kanya ang nanay niya na may kapitbahay na nakagat ang aso nito. At kabibigay lang niya ng partial payment para sa tuition ng stepsister para makapag-exam na ito. Anong nangyari sa perang ibinigay niya.

“Tawagan mo sila para kumpirmahin ang kwento ko.”

Umiling si Yana. Hindi na niya kailangan pang tumawag. Walang rason si Gideon para magsinungaling. Wala itong mapapala.

Inalahad ni Gideon ang palad. “See? Sa akin pa nanghiram ng pera si Dong Uk at nakikikain ng instant noodles dahil wala na siyang pera. Malamang nga hulog ng langit sa kanya ang bigay mo na hopia kanina.”

Naisubsob ni Yana ang mukha sa mga palad. Naiiyak na siya sa sobrang kahihiyan. “Bakit ginawa iyon nila Nanay? Ano ba bang gusto nila?”

Halos wala nang natitirang pera kay Yana dahil ibinigay niya sa mga magulang. Ginagawan naman niya ng paraan para maibigay ang lahat sa mga ito. Bakit pati si Dong Uk idinamay pa? Kaya naman pala ganoon na lang kung magsalita si Gideon sa kanya. May dahilan ako para di siya magustuhan.

“Estudyante pa lang si Dong Uk. Di pa siya nagtatrabaho at umaasa pa sa magulang niya. Alam mo rin na di mayaman ang pamilya niya sa Korea at iginagapang nila para makapag-aral siya dito sa Pilipinas,” paalala ni Gideon.

“Siyempre naman alam ko iyon.” Hindi lahat ng galing ibang bansa ay may kaya. “Hindi ako gold digger. Di ako aasa sa kay Dong Uk at di ko iaasa sa kanya ang pamilya ko. Kaya kong magtrabaho…”

“Your family thinks otherwise. Kahit pa gaano kalaki ang pera na ibinigay mo sa kanila, iisipin pa rin nila na mas malaki ang makukuha nila kay Dong Uk.”

There was a smug look on his face. Na parang napakababa niyang tao dahil sa klase ng pamilya niya. Oportunista. Baka nga di pa ito naniniwala na wala siyang ideya sa pangungutang kay Dong Uk ng magulang niya. Maayos ang buhay ni Gideon Lee. Di naman nito alam kung anong pinagdaanan ng mahirap na tulad niya.

“Alam mo, may pera ka kasi kaya madali sa iyo na manghusga. Di ka siguro nagkaproblema sa pera at di mo kailangang tumakbo sa ibang tao. Maswerte ka kasi maganda ang buhay mo pero wala kang karapatan na mang-apak ng ibang tao at manghusga,” angil niya sa binata. Wala siyang pakialam kahit boss niya ito. Hindi siya papayag na maliitin na lang nito.

“Yana, hindi ako matapobre. Nagsasabi lang ako ng totoo. I am protecting a friend. I know this is personal. At pakiramdam mo siguro nanghihimasok ako sa relasyon n’yo ni Dong Uk. Pero ano na lang ang iisipin ng magulang ni Dong Uk kapag nalaman ito? Instructor ka dito. Kakalat iyan sa iba at pati reputasyon ng eskwelahan ko maaapektuhan.”

Umikot ang mga mata niya.“You are blowing this out of proportion.”

“I don’t want to take my chances. I have a business to run. Isa pa, sa akin mismo ihinabilin ng magulang niya si Dong Uk. Gusto nilang turuan na maging mas responsable. And then this?”

Hinamig niya ang sarili. Kahit na ano pang depensa niya sa reputasyon niya, mukhang nahusgahan na siya ng lalaki. Ano pang magagawa niya? Totoo naman na nangutang ng pera ang magulang niya sa nobyo. At gaya ng dati, siya na naman ang apektado sa problemang nilikha ng mga magulang.

“I am sorry. I understand where you are coming from. Titiyakin ko po na hindi na mauulit ito para di naman malagay sa alanganin ang reputasyon ng eskwelahan na ito. Goodnight, Sir.”

Hindi na niya hinintay pa ang permiso ng lalaki na umalis dahil sasabog na ang puso niya sa sama ng loob at kahihiyan. Kailangang ayusin niya ang problema bago pa maapektuhan pati ang relasyon nila ni Dong Uk.

“YOU have been quiet lately. What’s wrong?”

Matabang na ngumiti si Yana at pinalis ang kanin na nasa baba ni Dong Uk. Nakakamay itong kumakain ng inihaw na manok na parang isang taon na nitong hindi natikman. Inilibre niya sa isang barbeque house ang lalaki. Sinabi niya na may bonus siya kahit wala pa para lang maikain niya ito nang masarap. Nagdala siya ng bigas, instant noodles at kape kay Gideon at nakiusap na ipakain kay Dong Uk kapag dadayong kumain sa bahay nito. Hindi kasi tatanggapin ng nobyo kapag direkta niyang ibinigay dito. Gusto talaga niyang makabawi.

Huminga siya ng malalim. Hindi lang pamilya niya ang problema kundi ang pagbabalik ng lalaki sa Korea. “Just thinking… what will happen to us when you get back to Jeju?”

“I can take you with me. We can get married and you can work there,” anang lalaki na nagningning ang mga mata.

Hinaplos niya ang pisngi nito. “It is not that simple, Dong Uk. Your parents are still supporting you. You can’t just marry me.”

He was still like a child sometimes, kahit pa nga twenty-four na ito. Parang wala pa itong sense of responsibility. Siguro dahil spoiled ito sa magulang.

“I will start a business as soon as I get back to Korea. I want to put up a black pork burger restaurant and use my grandmother’s recipe.”

“And you need to focus on your business,” paalala niya sa binata. “Your parents are counting on you.” At hindi siya magpapakasal basta kung di pa stable ang business nito. Hindi ganoon kasimple ang bumuhay ng pamilya.

“Okay. How about join me in Korea at least for a vacation? We don’t have to get married yet. My parents will give me money to start my own business. Maybe I can provide some for your travel expenses.”

Umiling agad si Yana. “No! Don’t do that.”

“Why?”

Bumuga siya ng hangin. “Because it is for your business. Your parents won’t approve.”

“They don’t have to know.” Binigyan niya ng nagbababalang tingin ang nobyo. Pinapungay nito ang mga mata. “Don’t you want to be with me?”

“I want to be with you. You know I do. But if I am going to Korea, I want to do it with my own money.”

Mahabang sandali siyang pinagmasdan ng lalaki at nakipaglabanan siya ng tingin dito. “You have so much pride,” usal na lang ng nobyo kalaunan at uminom ng softdrinks.

“That’s all I’ve got. I want to be a partner, an independent woman and not someone to depends on you for money. Some people already don’t think highly of me because they thought I only want to be with you for money…”

Natigilan ito sa pagsubo ng barbecue. “You heard my conversation with Jin Woo. Don’t let him affect you. We both know that I am not really rich and you are not after my money because I don’t have any.”

“You gave money to my parents,” walang gatol niyang sabi. “You shouldn’t have. Or you should have at least told me first.”

“Your family is my family.”

“I do appreciate that but I don’t want you to sacrifice for me.” Naluluhang pinisil niya ang balikat nito at braso. “Look! You are already thin. What will your family say? That I don’t know how to take care of you?”

“Don’t worry much about me. Besides, your family needs it. And it makes you happy.”

“I will pay you back. Soon.” Sinermunan na niya ang pamilya niya tungkol doon pero pareho lang siyang pinagtawanan ng magulang. Aanhin daw niya ang foreigner na boyfriend kung di mapapakinabangan ng mga ito. Kahit nang sabihin niya na di mayaman si Dong Uk, at least daw di kasing hirap nila.

Sinapo nito ang mukha niya. “Yana, I am your boyfriend. I really want to help and to provide for you.”

“Please. I will pay you back before you go. I will spend my own money to get me to Korea. This means a lot to me. Self-worth is really important to me. I work so hard so I don’t have to depend on other people. Do you understand?”

Ngumiti ang binata. “You are the boss. I will wait for you. But make it soon. I really want to be with you. I don’t want to miss you that much.”

Pupunta siya sa Korea sa sarili niyang paraan. At patutunayan niya kay Gideon Lee na mali ito ng tingin sa Filipina na tulad niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.