Soju Trilogy: Tipsy in Jeju Chapter 23

“Open your eyes,” anang hair stylist ni Yana.

Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata. Nag-adjust ang mga mata niya at napanganga nang makita ang bago niyang anyo. Mula sa pagiging boring black ay naging espresso ang kulay ng buhok niya. Pinutol ang hanggang balikat niyang buhok at naging long blunt bob . She also had side swept bangs now. Nagmukhang maliit ang buhok niya at maaliwalas. Hinaplos niya ang buhok niya. It was soft. Kusang dumudulas ang palad sa buhok niya. Ngayon lang niya nakita na ganito kaganda at ganito kakinang ang buhok niya.

“You like it?” tanong ng hairstylist sa kanya.

“Nee!” Tumayo siya at yumukod sa babae. “Kamsahamnida!” At niyakap niya ang babae. “I feel more beautiful.”

Iba pala talaga ang nagagawa ng bagong hairstyle. Nakaka-boost ng self-confidence. She felt like a new person. Naiintidihan na niya ngayon kung bakit nagpapa-make over ang mga bigo sa pag-ibig.

Nang malaman niya na may ibang babae si Dong Uk, bagsak na bagsak ang self-confidence niya. Naiisip niya na di siya ang pipiliin ni Dong Uk sa huli lalo na’t nakita niya kung gaano kaganda si Eu Jin. Ito ang tipo na sinundan ng tingin ng mga lalaki - maganda mula ulo hanggang paa, magandang manamit at alam sa sarili na maganda ito. Na makukuha nito ang lahat ng gusto nito.

Di naman niya kayang pantayan ang ganda ni Eu Jin sa ngayon pero kahit paano ay may laban na siya sa buhok.

“Wala ba akong hug, girlfriend?” tanong ni Gideon at ibinuka ang bisig.

Kusa siyang humakbang papaloob sa bisig ng binata. And she closed her eyes when she felt his arms around her. Parang natural lang sa kanya na ihilig ang pisngi sa dibdib nito. “Kamsahamnida, oppa,” pasasalamat niya dito at nakangiting tumingala dito.

Natigilan ito habang nakatitig sa kanya. As if he was looking at her for the first time. “You like it?”

“Yes.” Lumayo siya dito at ipinilig ang ulo dahilan para gumalaw ang buhok niya. “Parang model ako ng shampoo o sikat na salon o…”

“Bida sa isang teleserye,” dagdag naman ng lalaki at hinatak siya papunta sa counter. Nakita niya na may isinilid ang salon attendant sa paper bag na shampoo, conditioner at hair mask saka inabot kay Gideon. “Gamitin mo daw ito para ma-maintain ang buhok mo.”

Inabot na lang basta ng binata ang credit card nito at hindi na nagtanong kung magkano ang babayaran. Sinubukan niyang silipin kung magkano ang charge dito pero ihinarang agad ng binata ang likod sa kanya para di niya makita at itinabi agad ang resibo sa wallet nito.

“Huwag mo nang tingnan. I got it covered,” sabi ng lalaki. “I am sure, matutuwa si Halmoeni kapag nakita ka. Makikita niya na alagang-alaga kita.”

“Okay. So saan ang next destination natin?” tanong niya.

“I am sure you will like it.”

“SHOPPING? Ipinag-shopping ka ni Gideon Lee?”

Ilang sandaling naka-freeze ang mukha ni Yulia sa screen ng cellphone ni Yana kaya akala niya ay nag-hang na ng video chat nila. Nasa loob siya ng fitting room ng isang boutique at isinusukat ang light blue floral dress na ipinasukat sa kanya ni Gideon. Kung ipapakilala daw siya nito bilang girlfriend nito, kailangan daw buil ng damit na babagay sa new hairstyle niya.

Marahan siyang tumango. “Oo. Gusto daw niya na manghinayang si Dong Uk kapag nakita ako at gusto siguro niya na maipagmalaki ako sa ibang babae bilang girlfriend niya.”

“Oo naman. Wala nga namang maniniwala na girlfriend ka ni Gideon at patay na patay siya sa iyo kung mukha kang losyang na may sampung anak at iniwan ng asawa. Baka isipin pa ginayuma mo si Gideon.”

“Sira ka talaga. Kaso masyadong mahal ang mga bilihin dito at ginto ang presyo ng mga services. Alam mo ba na lampas twenty thousand won ang dress na ito? Isang libo! Ang dami nang mabibili nito sa atin.”

Kung tutuusin, di naman nalalayo ang damit na suot niya sa mga dala niyang damit galing sa Pilipinas. Gusto lang yata talagang magtapon ng pera ni Gideon. Parang gusto nitong ubusin ang laman ng bank account nito.

“Tapos magkano na lang ‘yung presyo ng buhok ko pati ‘yung mga binili namin sa Innisfree kanina para lang isalpak sa mukha ko. Baka isang buwan ko nang sweldo ‘yung nagastos niya sa akin sa isang araw.”

“Ano naman ngayon? Libre naman niya iyan. Di ka naman niya sinisingil sa lahat ng ginastos niya para sa iyo, di ba?”

“Hindi. Parang ako ‘yung girlfriend na gold digger. ‘Yung may sugar daddy na bilmoko doon, bilmoko diyan at pati pagpaparetoke sagot ng boyfriend nila.” Di sa nanghuhusga siya sa mga babaeng ginagastusan ng mga lalaki. Mabigat lang talaga sa dibdib niya dahil malaki ang gastos ni Gideon sa kanya. As if he was buying her.

“Tanggapin mo na lang. Pareho naman kayong makikinabang diyan. Siyempre kailangan niyang ipakita sa lola niya at doon sa babaeng naghahabol sa kanya na alagang-alaga ka niya at di siya interesado sa iba.”

“Nakaka-guilty nga na malaki na ang gastos niya sa akin.” Di naman biro ang pera na iyon. Pinaghirapan pa rin iyon ni Gideon.

“Okay. Para manahimik ‘yang pride mo, e di galingan mo na lang ang pagiging girlfriend niya. Gawin mo kung anong ginagawa mo kay Dong Uk bilang boyfriend mo. Higitan mo pa. ‘Yung ipinagdadala mo ng pagkain kahit na wala ka nang pera, ‘yung may mga sweet reminders, at ipinaglalaba mo ng brief.”

“Di ko naman ipinaglaba ng brief si Dong Uk.”

“E di ipaglaba mo si Gideon.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Ay grabe siya o!” Natutop niya ang bibig nang maalala kung ano ang nasa ilalim ng brief nito.

“Uy! Bigla kang natahimik at namula. Gusto mo ang idea ‘no?”

“Puro kalokohan naiisip mo! D-Di ko pag-iisipan ng ganoon si Gideon. Nakakahiya sa kanya. Ni minsan di siya nag-take advantage sa akin.”

“Maglalaba ka lang ng brief pero ang dami mong sinabi. Basta galingan mo lang ang pagiging girlfriend niya at ipakita mo kay Dong Uk na wala na siya sa buhay mo dahil may mas guwapo at mas hot ka nang boyfriend.” Pinanlakihan siya ng mata ng pinsan. “Ngayon pa lang maging sweet at clingy ka sa kanya. Di ‘yung kung kailan nandiyan si Dong Uk, saka ka pa aarte. Di mukhang natural iyon. Simulan sa pagtawag ng “oppaaaaa” kay Gideon. Okay na ‘yang damit mo. Wag mo nang hubarin para sure na babayaran na ni Gideon. Bye!”

Di rin ito nakatulong sa kanya. Di rin niya pwedeng limitahan ang pagiging generous sa kanya ni Gideon. Kailangan niya iyon sa role niya bilang nobya nito. Tama si Yulia. Galingan na lang niya bilang girlfriend nito para magmukhang natural at convincing sa harap ng ibang tao. At sisimulan na niya paglabas pa lang ng dressing room na iyon.

Nakita niya ang lalaki na may hawak na sapatos na kulay old rose. Gusto ba nitong bilhin ang sapatos para sa kanya? Sabagay lahat naman ng damit na pinapasukat sa kanya at binibili mula kanina ay si Gideon mismo ang namili. Mukhang wala itong tiwala sa taste niya sa fashion.

Humakbang siya palapit dito nang isang blonde na Caucasian ang humalik sa pisngi nito. “How are you, Gideon?”

“Anneong!” bati naman ng binata pero di naman nito hinawakan ang babae.

“Fancy meeting you here. Are you shopping for your grandmother?”

“S-Sort of,” anang binata.

Yana’s lips twisted. Na-deflate ang magandang mood niya. Sa ganda kong ito, lola levels na ako? Ibang klase!

Naging malagkit ang tingin ng babae dito at kinagat ang pang-ibabang labi. “I haven’t seen you in a while. I miss hanging out with you.” Nilaro nito ang kuwelyo ni Gideon at tumingkayad para mailapit ang mukha. “Last time, you promised to give me a good time if I will return to your bar. How about you fulfill your promise?”

Ngumisi si Gideon. “Well…”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.