Natanggal ang sapatos at medyas ni Gideon pero suot pa rin nito ang maroon silk polo shirt nito na nakadikit sa katawan nito. T-shirt ang suot nito kanina. Sa bar na marahil ito nagpalit ng damit para sa pagdalo sa birthday celebration.
Bumuntong-hininga si Yana. Kailangan niyang hubarin ang damit ng lalaki para mapunasan ito. Kaya ko ito. Walang malisya.
Akmang kakalasin niya ang butones ng polo nito pero hinawi agad ni Gideon ang kamay niya. Hinalihaw din nito ang kamay para sigurado na di niya ito mahahawakan o makakalapit dito. “Majima! Don’t touch me. I want my girlfriend! I want Yana. Si Yana lang ang makakahawak sa akin. Hindi ako katulad ni Dong Uk. Hindi ko siya sasaktan. Nangako ako sa kanya.”
Sinapo niya ang mga kamay nito. “Gideon! Si Yana ‘to.”
Tumigil sa paglaban si Gideon. Dumilat ito at pilit na nag-focus sa kanya ang mga mata. "Yana?"
"Yes. Ako 'to."
Naniningkit ang mata siya nitong pinagmasdan. "Hindi ka nagpapanggap na girlfriend ko?"
"Errr..." Paano ba niya iyon sasagutin? Nagpapanggap naman talaga siya na girlfriend nito. "Basta ako si Yana. Bibihisan lang kita at pupunasan para maging komportable ka ha? Okay lang ba?” malumanay niyang tanong.
"Okay," sabi nito . Animo’y binigyan niya ito ng permiso na gawi ang kahit anong gusto niya. Nanginginig ang kamay niya habang kinakalas ang butones ng polo nito at unti-unting nahantad sa kanya ang katawan nito.
His muscles were lean and defined. Pero di nakakatakot tingnan. Sapat lang para ipakita na may disiplina ito sa katawan.
She remembered that time in the rooftop when he let her caress his body. He made her feel all-woman. Akala niya noon, siya ang babae na di basta-basta nadadala ng magandang katawan o guwapong mukha. Pero may ginising ito na apoy sa pagkababae niya.
How her lips touched his tough chest, and how she wanted to go lower. He made her want to explore the woman in her. I want him.
Iba sa pagmamahal na nararamdaman niya kay Dong Uk.
What she felt for Gideon was basic. It was physical. May nararamdaman siyang pagkagutom na mas malaki pa kaysa sa pagmamahal na nararamdaman niya kay Dong Uk. At parang di siya matatahimik hangga’t di niya napagbibigyan ang pagkagutom na iyon.
Matapos tanggalin ang polo nito, dumako ang kamay niya sa ibabaw ng sinturon ng pantalon nito. “Gideon, tatanggalin ko ang pantalon mo, ha?”
“Okay,” sabi naman ng lalaki habang nananatiling nakapikit. Malakas na malakas ang kaba sa dibdib niya nang kalasin ang sinturon. Parang sasabog ang tainga niya nang dahan-dahan niyang ibaba ang zipper ng pantalon.
Na-trap sa lalamunan niya ang hangin nang makita ang imprint ng family jewels nito sa itim na brief na suot nito. He was well-endowned down there. Kasya kaya sa kanya ang pinusuang brief na binili ko?
Kinastigo niya ang sarili. Yana, huwag mong pagnasaan ang isang lasing. You are not an animal. Hindi rin ito lesson mo na may permiso ka na gawin ang gusto mo sa kanya. Di mo siya dapat samantalahin kahit sa isip mo. Alagaan mo siya.
"Yana?" ungol ni Gideon.
"Yes!" aniya at biglang tinakpan ng kumot ang baywang nito pababa. Shit! Baka naramdaman ito na nakatitig siya sa kayamanan nito.
Pero nakapikit ang lalaki at mukhang walang kamalay-malay sa tumatakbo sa isip niya. Muntik na siyang atakihin sa puso doon. Obvious ba na guilty siya?
“Huwag mo akong iwan,” pakiusap ng lalaki.
“Hindi kita iiwan.” Inilapit niya ang palanggana na may tubig at dinampot ang basang tuwalyita. “Pupunasan kita para maginhawahan ka na?”
Umungol lang ang lalaki pero nananatiling nakapikit. Magaan lang ang pagkakadampi niya ng tuwalyita dahil ayaw niyang masaktan ito o mairita. May mga lasing na sensitive.
Pinilit niyang kontrolin ang pagnanasa dito at pinunasan ito. Inisip na lang niya na batang paslit ito na may sakit. Walang malisya.
"Hindi ko hinayaan ang kahit sino na hawakan ako o hubarin ang damit ko. Gusto ko ikaw lang,” parang pakanta pa ang tono nitong sabi.
"Okay,” sabi niya sa malamig na tono habang pinupunasan ng tuwalyita ang dibdib nito pababa sa abs.
"Hindi ako interesado sa ibang babae. Gusto ko ikaw lang. Faithful ako, di ba?"
"Oo naman,” kaswal niyang sabi at di nilingon ang lalaki.
"Huwag kang magagalit sa akin kahit lasing ako, ha? Ayoko kasing magalit ka sa akin. Good boy talaga ako,” sabi nito habang nakalabi.
Hinaplos niya ang buhok at pisngi ni Gideon. Isang sex god ang tingin niya dito. Nakakapaso. Too hot to handle. Tapos ngayon ay good boy ito?
"Gideon, magpahinga ka na. Di ako magagalit sa iyo,” sabi niya sa magaang boses. “Thank you dahil hindi mo pinatulan ang ibang babae para sa akin. Thank you kasi hindi mo ako gustong masaktan.” Nakangiti ito habang nakapikit. Di na ito kumibo o gumalaw man lang. Nakatulog na ito marahil. Inayos niya ang kumot nito at kinintalan ng halik sa noo. “Goodnight, Gideon. Sweet dreams.”
Palabas na siya ng kuwarto nito nang marinig niya ito na magsalita. “Jeongmal saranghaeyo, Yana-ssi.”
Natigilan si Yana. I really love you, Yana.
Sabi nila, may mga tao na nagsasabi daw ng totoo kapag lasing. Ibig sabihin mahal ako ni Gideon? Paano nangyari iyon?
Hindi siya makahinga at pinakiramdaman ang lalaki. Pero di na ito kumibo o tuminag man lang. Kalokohan. Paano naman siya nito mamahalin samantalang takot nga itong ma-in love? “Lasing ka nga talaga, Gideon.”
“SSIBAL! Ssibal! Ssibal!” Napamura si Gideon nang paulit-ulit nang magising siya na parang ginugulpi ng sampung gangster. Parang inuumpog ang ulo niya sa pader at sunud-sunod ang tadyak sa sikmura niya.
“Bakit ba ako napasok sa sitwasyon na ito?” angil niya at isinubsob ang mukha sa unan.
Kasalanan talaga ng soju bomb iyon at isinusumpa niya kung sinumang sugo ng impyerno na naka-imbento no’n.
May-ari siya ng bar. Nabubuhay siya sa alak at sa mga umiinom. Itinuturing niyang ginto ang alak. He loved drinking. Di siya basta-basta natutumba. Pero may kahinaan siya - si Yana at ang soju bomb.
Sa bar niya nag-celebrate ang regular customer na si Ji Soo. May mga bisita itong babae na interesado sa kanya.