Soju Trilogy: Tipsy in Jeju Chapter 35

DALI-DALING tumalikod siya Yana para kunyari ay maglinis ng mesa. Mabuti na lang at binati na ito ng isa sa mga waiter at iginiya sa mesang bakante. Nanginginig ang buong katawan niya at muntik nang bumigay ang tuhod niya na makitang nang harapan ang kataksilan ng lalaki.

Alam na niya ang totoo pero masakit pa rin pala. Akala ni Yana ay nakokonsensiya ang nobyo dahil kinukumusta pa siya nito at handang magpadala na pera para pampagamot niya. Pero patuloy pa rin ang kataksilan ng lalaki. Ano kaya ang gagawin ni Dong Uk kapag nalamang nandoon siya sa Jeju?

“Yana-ssi, sangjang-nim’s friends are asking about you,” bulong sa kanya ni Jae Eun nang lapitan siya. “They want to meet the girl on the video. They saw someone share your video.”

Yana could feel the blood rushing to her head. Napanood na ni Dong Uk ang video nila ni Gideon sa cherry blossom festival. Nakilala ba niya ako? Hindi naman siguro dahil iba na ang itsura niya. Paano ba aako ttakas nito? Parang di ko pa kaya na harapin si Dong Uk at ang babae niya. Baka bigla na lang akong matulala at umiyak katulad ng dati. Masisira ang lahat ng plano namin ni Gideon.

Ikiniling ni Jae Eun ang ulo at pinagmasdan siya. “Are you okay?”

“Ha?” tanong niya at napilitang tumango. “Nee. Yes, I’m okay.”

“You look pale. Or maybe you are nervous to meet sangjang-nim’s friends. You haven’t met his friends?” tanong ng babae.

Tumikhim siya at ipinunas ang namamasa sa pawis na kamay sa apron. “Just nervous. I mean, I look like a mess.”

Inaasahan niya na nakaayos siya kapag kaharap si Dong Uk at ang babae nito. Na taas-noo niyang titingnan sa mga mata nito at di siya mukhang aligaga. Na siya na ang bagong Yana. Sa halip na isa sa magagandang dress na binili ni Gideon sa kanya, naka-plain black pants at white long sleeve polo siya at may black apron. Nakatirintas lang ang buhok niya at di niya alam kung maayos pa ang buhok niya. Malamang ay hulas na rin ang make up niya.

Pinisil nito ang braso. “Don’t worry. You will be fine. Fighting!” sabi nito at kinuyom pa ang palad bilang pagpapalakas sa loob niya.

“You really don’t believe that I have a girlfriend?” tatawa-tawang tanong ni Gideon, papalapit ang boses nito.

Nakupo! Mapapalaban nga yata talaga siya. Gideon, wag muna ngayon. Please. Paghandain mo na ako.

Pumitlga siya nang hawakan ni Gideon ang balikat niya. “Sweetheart, my friends want to meet you.”

Huminga muna siya ng malalim bagong ngumiti at pumihit para harapin ang mga bangungot niya. Hindi na ang Yana na uto-uto at inapak-apakan ng mga ito ang humarap kundi ang Yana na hindi magpapatalo at palaban.

“Anneong hasaeyo,” bati niya sa dalawa at bahagyang yumukod. Ipinakilala din niya ang sarili sa Korean. “Jeoneun Yana-imnida. Cheoeum boepgesseumnida.”

“Yana? Your name is Yana?” tanong ni Eu Jin na naging alanganin ang ngiti.

Nanlalaki ang mata ni Dong Uk habang nakatitig sa kanya. “Y-Yana?”

MATAPANG na sinalubong ni Yana ang mga mata ng nobyo at ngumisi nang sandaling nakilala nito kung sino ang kaharap nito. “Hello, Dong Uk! Long time, no see.” Tumingkayad siya at hinalikan ito sa pisngi. “How are you?”

Hindi nakakibo ang dating nobyo at naramdaman niya ang paninigas ng buong katawan nito. She didn’t feel any love at the moment. Ni hindi siya makaramdam ng sakit o kahit pagmamahal. She could feel the acid of betrayal flowing in her blood. At nakadama siya ng tagumpay dahil na-caught off-guard ito. Nakangisi siya habang di inaalis ang tingin dito, na alam niya ang pagtataksil nito.

Saka nakangiti siyang bumaling kay Eu Jin. Mukhang di pa rin siya nito nakikilala hanggang ngayon dahil sa pagbabago ng anyo niya. “Anneong! I am Yana, Gideon’s girlfriend.” Kinamayan niya ito.

“Hi! I’m Eu Jin, Dong Uk’s girlfriend,” anito na bagamat marunong mag-English ay matigas pa ang Korean accent.

Parang sampal sa kay Yana ang kumpirmasyon na nobya ni Dong Uk ang babae. Ginagago talaga siya nito. Pero di siya kumibo dahil pinaupo siya ni Gideon sa isa sa mga bakanteng upuan doon. Mabuti na lang dahil nasa limitasyon na ang tuhod niya at baka basta na lang bumigay. May hangganan ang bravado niya.

Dama niya ang tensiyon sa katawan ng bawat isa maliban kay Eu Jin. Wala itong kamalay-malay kung sino ang kaharap nito. Nakangiti siya pero kumukulo ang dugo niya habang nakaupo sa harap ni Dong Uk at ng babae.

Kumapit ang babae sa braso ni Dong Uk. “You know each other?”

“She used to be my teacher in the Philippines,” sabi ni Dong Uk na kumuha pa mismo ng menu para ibigay sa kanila.

“And his girlfriend,” dugtong ni Yana habang nakatingin kay Dong Uk. Still is. Di pa kami nagbe-break.

“That Yana. I… I didn’t know you are coming. I thought…” usal ni Eu Jin at bumagsak ang balikat.

Right, girl. Ako nga ‘yung Yana na akala mo di na pupunta ng Korea kaya patuloy lang kayo sa kalokohan ng boyfriend ko. Kapal mo!

Inakbayan siya ni Gideon. “But she’s here in Jeju for me. She surprised me.” Animo’y ina-assure ang dalawa na di siya banta sa relasyon ng mga ito.

Nakita niya ang mariing pagdikit ng mga labi ni Dong Uk. Insulto nga naman dito na dati niyang tinatanggihan ang pagpunta sa Korea para makita si Gideon pero walang pag-aalinlangan na sumugod sa Jeju.

“That is so romantic! She must be really in love with you,” kinikilig na sabi ni Eu Jin na biglang naiba ang mood. Masaya na ito dahil wala nang hadlang dito at kay Dong Uk. “I saw your video at the internet. You look so taken with each other. Right, Dong Uk-na?” At siniko pa ang lalaki.

“Nee,” matamlay na sagot ni Dong Uk na nagbabasa ng menu. Subalit napansi niya na pasulyap-sulyap ito sa kanya. Humilig siya sa balikat ni Gideon at nagkunwaring walang pakialam sa dating nobyo. Nakita niya ang paniningkit ng mga mata nito. Nagseselos ba ito? Para namang may karapatan siya sa akin.

“Too bad we missed the cherry blossom festival because of work. Dong Uk has lots of customers at his black pork burger restaurant,” kwento naman ni Eu Jin. “Do you know about his black pork burger restaurant?”

“Of course. I was with him when he was planning about it,” nakangising sabi ni Yana. “And he told me that he is busy because he is dedicated with his restaurant.” Busy siya siya pero may oras pa na magtaksil sa akin. Hayup!

“But he is also a dedicated boyfriend. We get to spend the weekend and watch the azalea blooms at Hallasan. Just the two of us. It is our two hundredth day together.” At kinintalan ng babae ng halik sa labi si Dong Uk.

“Two hundredth day. Wow!” Kung sa Pilipinas ay uso ang monthsary, sa Korea naman ay ipinagdiriwang ang kada isandaang araw ng relasyon ng mga ito.

Two hundred days? Di pa kami nagkakalabuan ni Dong Uk. Naka-set pa ang flight ko na ipina-book mo pero nagpapakasaya ka na sa kandungan ng iba.

“Two hundred days must be great,” usal ni Yana. Dalawang daang araw na ginagago siya nito. Habang nagpapakahirap siya sa pagtatrabaho para makarating sa Jeju, may iba na pala itong karelasyon.

“Don’t worry, Yana-ssi. We will get there. We will make it two hundred years if you want,” sabi ni Gideon at kinintalan ng halik ang palad niya.

“Reformed playboy. Who would have thought that Jin Woo would find the girl of his dreams. Everyone’s happy,” kampanteng sabi ni Eu Jin. Nakahinga ito ng maluwag na di siya magiging banta sa relasyon nito kay Dong Uk.

“We should celebrate then for Yana’s arrival and our love,” sabi ni Gideon at ginagap ang kamay niya. “And for your relationship of course.”

“Tequila sunrise jusseyo,” request ni Yana.

“You are in South Korea. You should try soju,” anang si Dong Uk.

Nakipaglaban siya ng tingin dito. “Is there a law that says that you must only drink soju in Korea?”

Napamaang si Dong Uk. Di inaasahan na kokontra siya. “Dong Uk only wants you to experience Korea,” pagsegunda naman ni Eu Jin dito.

“I want tequila sunrise, Jin Woo oppa,” aniya kay Gideon sa malambing na boses at pinapungay ang mga mata.

“Anything you want, Yana. Anything,” sabi naman ng lalaki. Kailangan lang niya ito sa tabi niya para matagalan ang gabing iyon kasama sina Dong Uk at Eu Jin. Kakayanin ito ng puso basta hawak ni Gideon ang kamay niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.