Soju Trilogy: Tipsy in Jeju Chapter 41

NAPIRMI si Yana sa kinatatayuan niya nang makitang yakap-yakap ni Sang Hee si Moody na kanina ay kasa-kasama lang niya. Luhaan ang mga mata ng babae at bakas ang lungkot sa mga mata habang nakaluhod sa harap ng aso. Mukhang close ang mga ito. Maging si Mi u ay maluha-luha.

“A-Aneong hasaeyyo!” alanganing bati ng babae at bahagyang yumuko.

“H-Hi,” usal niya. Ano kayang ginagawa ng babae doon matapos siyang saktan nito? “Uhmmm.. sorry for the bother. Maybe I should leave. I will just return later.”

Siya ang nailang. Out of place siya doon. Malapit ang pamilya ni Gideon kay Sang Hee pati ang aso ng lola nito. Habang pekeng girlfriend siya ng binata. She didn’t really belong. Panggulo lang siya sa masayang relasyon ng mga ito kay Sang Hee. Ang magagawa lang niya sa mga oras na iyon ay dumistansiya para makasama ng mga ito si Sang Hee.

“Aniyo! Please don’t go,” pakiusap ng babae at dahan-dahang tumayo. “I-I came here to say sorry. I am sorry for hurting you.”

“I… I…” Hindi maituloy ni Yana ang sasabihin. Ang totoo, ano ba ang dapat niyan sabihin sa taong nanakit sa kanya pero wala itong ideya na may kasalanan din siya dito. Hindi niya alam kung paano hihigi ng tawad.

“She’s not a bad person, Yana-ssi. She… she is a good girl like you,” paliwanag ng lola ni Gideon. Naipagkamali nito ang pananahimik niya sa di pagtanggap sa paghingi ng tawad ni Sang Hee. “She just loves Jin Woo so much. I am partly the reason why she was disappointed. I kept on pushing her to Jin Woo-na. Please, she came here to make it up to you. Listen to her first…. for me.”

Hindi alam ni Yana kung paanong haharapin ang babaeng sinaktan niya dahil sa pagpapanggap bilang nobya ni Gideon at pananakit niya sa kalooban nito. Binigyan niya ng bala ang binata para itaboy si Sang Hee. Nakaka-guilty.

Nang di agad siya nakasagot, lumuhod bigla si Sang Hee sa harap niya. “Mianhamnida, Yana-ssi.”

Nanlaki ang mata niya. Mataas na uri ng pagpapakababa ang pagluhod. Ibinibigay lamang iyon sa mga taong nagawan ng matinding pagkakamali. “No! You don’t have to kneel down.” Hindi siya karapat-dapat sa ginagawa nito.

Umiling ito. “No. I am wrong. I just love Gideon so much. I did everything to make him like me. I… I stepped over the line and invaded his privacy. He told me over and over again not to love him anymore. I didn’t listen. I couldn’t accept that he will like someone else. I… I didn’t mean to hurt you.”

“Please get up,” pakiusap niya at hinawakan ang balikat nito para itayo ito pero pumiglas ito.

“Not until you forgive me,” tigmak ang luha nitong sabi.

Lumuhod siya sa harap nito at niyakap din ito. “I didn’t mean to hurt you, too. I forgive you.”

Naramdaman niya ang sakit ng puso nito kaya hinayaan lang niya itong humagulgol ng iyak. Umasa ito at nagmahal nang totoo sa loob ng ilang taon. Alam niya ang pakiramdam na ibinigay ang buong puso sa isang lalaki pero sa huli ay hindi pa rin sapat. Hindi pa rin sila ang pinili sa huli. Ang kaibahan lang, tanggap na nito na di ito ang mahal kahit na masakit. Pinatay na niya ang pag-asang iyon. Di niya alam kung sino ang mas maswerte sa kanila - ito na nabubuhay na sa realidad o siya na nabubuhay pa rin sa kasinungalingan. Tinatanggap niya ang paghingi ng tawad ng isang babae na totoong nagmamahal, habang nagpapanggap siya na mahal ang lalaking mahal nito.

Minsan di talaga patas ang mundo. Heto ako, nilalamon ng konsensiya ko.

Hindi alam ni Yana kung gaano katagal niyang yakap si Sang Hee hanggang humupa ang pag-iyak nito. “How can I make it up to you?” tanong nito nang makabawi na sa wakas.

“You don’t have to.” Siya na nga ang nakapanakit, ito pa ang babawi sa kanya.

“I know you find it hard to trust me. But please give me a chance to prove that I am not a bad person.”

“Sang Hee-ssi, maybe you can teach Yana-ssi how to cook dishes the way Jin Woo-na likes it,” nakangiting sabi ni Mi Su.

“Nee! Arasso!” anang babae sa nagniningning na mga mata. “Is it okay if I teach you how to cook Jin Woo’s favorite?”

Awkward. Pero ngayon lang niya nakita na nagningning ang mga mata nito. “Y-Yes, of course. So what dish will you teach me?”

“JIN WOO-na likes radish kimchi so much. Ahjumma Mi Su said he is fine with eating radish kimchi he whole day. The secret is in the fresh radish and the radish kimchi base that you have to do from scratch,” paliwanag ni Sang Hee habang namimili sila sa Seogwipo Olle Market ng ingredients sa napili nitong iturong dish para sa kanya - radish kimchi at myeolchi-bokkeum o dried anchovy side dish. Pareho daw paborito ni Gideon ang mga naturang side dish.

Dapat daw niyang unang matutunan ang paggawa ng side dish gaya ng kimchi, radish kimchi at iba pa dahil hindi iyon nawawala sa mesa ng kahit sinong Koreano. Umaga, tanghali at gabi ay may kinakain ng mga Koreano. Sa tradisyon ng mga Koreano, dose daw ang ihinahain na side dish kada kumakain kaya kailangan daw niyang matutunan ang mga iyon. Naniniwala pa rin daw ito na “the best way to a man’s heart is thru his stomach”.

Nakikinig nang mabuti si Yana sa mga sinasabi ng babae. Big deal sa mga Koreano ang pagkain. Di niya iyon iniinda dati. Wala namang masyadong demands si Dong Uk sa kanya nang maging nobyo niya ito. Praktikal kasi siya pagdating sa pagkain. Alam din ng lalaki na wala siyang panahon na mag-aral na magluto ng santambak na side dish ng mga Koreano. Wala siyang oras at wala siyang pera. Si Dong Uk ang mas madalas mag-impress sa kanya lalo na’t ito ang nanligaw. At bilang naging teacher ng lalaki, mas naka-focus siya sa pag-aaral nito. Marahil ay nabalewala niya ang simpleng bagay na iyon.

Bilang nobya ni Gideon ngayon, kailangan niyang mag-level up. Competitive at napaka-attentive sa pangangailangan ng binata si Sang Hee. Ibang klase ang dedication nito. Nahihiya siya na marami itong alam tungkol kay Gideon at parang mahirap I-justify na siya pa rin ang nagustuhan ng binata. Ayaw niyang maramdaman ni Sang Hee o ni Mi Su na di siya ganoon ka-deserving bilang nobya ni Gideon. Siyempre, gusto niya na ipakita din kay Dong Uk na handa siyang mag-adapt sa kultura nito. Na di nakakahiya na iharap sa pamilya nito.

Di nagtagal ay bumalik din ang dalawang babae sa bahay ni Mi Su at nagtrabaho sa kusina. Mistulang atsarang labanos ang gagawin nila.

“I am excited. Radish kimchi is also my favorite,” sabi ni Yana kay Sang Hee habang ihinahanda ang kimchi base. Naghihiwa siya ng mansanas at ang babae naman ay hinuhugasan ang labanos na gagamitin. “Thank you for helping me and telling me a lot of things about Gideon. This really means a lot to me.”

Kumunot ang noo ng babae. “I thought you know each other a long time ago. Ahjumma Mi Su told me that you used to teach in their English school.”

“N-Nee,” napipilitan niyang sagot. “O-Of course I know his favorite dishes when he was in the Philippines.”

Marahan itong tumango. “Arasso.”

Hindi pamilyar na teritoryo sa kanya ang Korean dishes. Sinubukan niyang gawan ng cabbage kimchi si Dong Uk dati dahil miss na miss nito pero napintasan lang nito. It disheartened her. Mas gusto daw nito ang timpla ng isa sa Korean teachers na gumagawa ng kimchi para sa klase nito. Doon din naman niya kinuha ang recipe pero siguro di lang umayon sa panlasa ng nobyo. Di na niya pinilit. Pagkaing Pinoy na lang ang pinapakain niya dito. Naimpluwensiyahan ito ni Gideon.

“Kamsahamnida,” pasasalamat ni Yana sa babae nang nakabalik na sila sa kusina ng bahay ni Mi Su. “I really want to surprise Gideon.”

“You don’t cook for him and treats you like a princess?” tanong ng babae na may bahid ng inggit. “No. I should thank you. You forgive me even if I hurt you. If someone else did that to me, I won’t be so forgiving.”

“When I decided to follow Gideon in Korea, I just want to love him and be happy. I didn’t mean to hurt anyone. Are you okay with this? I mean you are still helping me out even if I am Gideon’s girlfriend and he chooses me over you,” nananantiyang tanong ni Yana dito.

Mapait itong ngumiti at ihinilera ang anchovy sauce at rice flour. Sensitibo ang topic na iyon pero kailangan niyang malaman kung komportable ito sa pagtulong niya o hindi. Di naman niya ito pipilitin. “I am doing this for Jin Woo-na. I want to make him happy in my own way. So if you can make him happy, I will respect that. So I want to help you make him happy.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.