“Anong nagustuhan niya sa akin?”
Sinapo niya Yana ang isang pisngi nito at malamlam ang mga mata itong pinagmasdan. “You are a good grandson. Alam mo naman na solo parent lang ang nanay niya nang palakihin siya at malapit siya sa lola mo. Nakita niya kung paano ka magmahal. You will be a good provider for you family. After all, para sa kanya, isang phase lang ang pagiging fuck boy mo. Titino ka rin.”
Naging seryoso ang mukha nito na may pag-aalala sa mga mata. “Kaya mo bang mahalin ang katulad ko?”
“Bakit naman hindi? Kung wala lang Dong Uk sa buhay ko, magugustuhan kita. Di nga lang kita hahabul-habulin tulad ni Sang Hee.”
“Paano kapag nag-break na kayo ni Dong Uk, iko-consider mo ba ako na maging boyfriend mo?”
“Gideon, ang tanong doon kung iko-consider mo ang seryosong relasyon sa akin bilang girlfriend mo. Di pang-one night stand lang. Gusto ko ng lalaki na mananatili sa tabi ko at aalagaan ako. Kaya mo bang maging lalaki na iyon?” Bumuka ang bibig ng lalaki para sumagot pero inunahan na niya. “O! Hypothetical question lang iyon. Di mo kailangang I-assume na seryoso ako sa tanong ko. Baka mamaya isipin mo pa na may pagnanasa sa akin.”
He flashed her a naughty smile. Ipinatong nito ang kamay sa kamay niyang nakasapo sa pisngi nito. “I actually like that idea. Na may pagnanasa ka sa akin.”
Binitawan niya ang pisngi nito at itinakip sa bibig nito. “Shut up!”
Natawa ang binata. “Paano kung sabihin ko na pagdating sa iyo, papayag akong magpakumbinsi na maging seryoso?”
Hindi agad nakapagsalita si Yana. Malay ba niya kung seryoso ito o joke lang. “B-Basta kapag na-in love ka na, magiging masaya ako kapag nag-take ka ng chance. Salamat kasi pinagbigyan mo ako na kausapin si Yana. Salamat kasi nag-sorry ka rin sa kanya at nagkaroon siya ng closure.”
Hinapit nito ang baywang niya at kinintalan ng halik ang noo niya. “Aniyo,” tanggi nito. “Ako ang dapat magpasalamat sa iyo. You taught me how to be brave. That it’s okay to forgive. It’s okay to ask for forgiveness. You are changing me and it is a good change.”
Ngumiti lang si Yana at hinayaan ang binata na yakapin siya. She closed her eyes and inhaled his scent. She was getting used to this. Having him near her. Having his arms around her.
Pakiramdam ni Yana na may nagbabago rin sa kanya. Pakiramdam niya, hindi sila nagpapanggap lang ng binata.
PAKANTA-KANTA si Yana habang nililinis ang bintana ng bar ni Gideon. Kausap ng binata ang business partner na si North Hyun na kagagaling lang sa backpacking sa Europe at bumalik na sa wakas sa Korea. Tumulong na lang siya sa paglilinis para libangin ang sarili.
“Yana, bakit ang tagal mong maglinis ng bintana? Parang kanina ka pa diyan bago magsimula ang meeting namin two hours ago,” puna ni Gideon nang lapitan siya. May hawak itong baso ng tubig.
“Grabe ka. One hour lang. Ang ganda kasi ng bintana n’yo. Parang wala ako sa sa bar. Mukhang nasa cafe ako.”
“We want people to chill when they come here. Wholesome. I don’t want it to look like my customers will do something sleazy everytime they come here. Gusto ko na ma-enjoy lang nila ang ambiance kasama ang pamilya at kaibigan nila.” Hinaplos nito ang dulo ng ilong niya. “And to lure pretty good girls like you.”
“Di dahil mabait na, di na pwedeng uminom ng alak. Di na pwedeng maglasing o magwala paminsan-minsan. We also want to have fun. We also feel pain so we want to drink. Pero di ibig sabihin, nakabawas iyon sa pagiging good girl namin. Di rin dahil may mga taong magwalwal, masama na sila.”
“Walwal means…”
“Nagwawala. Umiinom, nagmumura, naglalasing or even one night stands.”
Tumaas ang kilay ng lalaki. “Di ba nakakasira sa good image ang mga iyon?”
Iba ang imahe sa totoong kalooban ng tao. May mga tao na mukhang mababait at perpekto pero masama naman ugali. May mga mahilig uminom o mag-enjoy sa buhay pero wala naman silang sinasaktan na tao. Parang ikaw.”
“I agree,” sabi ni North nang lapitan sila. May hawak ito na baso ng red wine sa isang kamay. “Jin Woo is actually a lamb in wolf’s clothing. He is meek.”
“See?” nakangising sabi ni Yana.
Isang half-Filipino, half-Korean din ang business partner ni Gideon. Habang gusto ni Gideon na mag-settle sa Jeju Island kaya nagtayo ng bar, gusto lang ni North na may investment ito na babalikan sa Korea. Hindi rin naman napipirmi ang lalaki sa isang lugar. Kaya si Gideon ang nagma-manage ng bar.
Sa dami ng taong nakilala nito, malamang ay alam nito na di lahat ng taong mukhang maamo ay totoong mabait. At di lahat ng taong mukhang sanggano o masungit ay kontrabida sa tunay na buhay.
“In Filipino, under the saya siya,” anang si North at humalakhak.
“I’m not!” tanggi ni Gideon na biglang namula sa inis.
“Tapusin na ninyo ang meeting ninyo. Maglilinis lang ako dito.”
“Jin Woo-na!” iritadong tawag ni North sa lalaki. “Iuwi mo na ‘yang girlfriend mo. Mapupudpod ang bintana natin dahil sa kanya. Magbakasyon ka hanggang gusto mo. I swear, hindi malulugi ang bar natin. Have some quality time together. Just take her away from the damn window!”
“Ang sungit naman! Natutuwa lang naman ako sa bintana ninyo,” bulong ni Yana nang lumabas ng bar.
“That decal window design was designed by his first love. Nabasted ‘yun kaya window painting na lang ang alaala niya.”
“Oh!” usal niya at tumango. “Hindi ko ine-expect na may pagka-sentimental siya o ayaw pa rin niyang I-let go ‘yung first love niya. Pero gusto ko talaga ‘yung window painting na iyon. Di ko naman magagawa sa apartment namin sa Maynila. Jalousie ang design ng bintana namin. Tapos maalikabok pa.”
“Doon mo gawin sa kuwarto mo sa bahay ko.”
Natigilan siya. “B-Bakit ko naman gagawin iyon?”
“Bahay mo iyon habang nandito ka sa Jeju. Gusto ko at home ka. Treat it as your own. Perks of being my girlfriend.”
Nilingon niya ang lalaki. “Ayokong maramdaman ko na ini-invade mo ang bahay mo at ang buhay mo.”
“Just do what makes you happy. Bilang girlfriend ko, normal lang na mag-adjust ako sa iyo at may baguhin ka sa buhay ko.”
“Baka masabihan ka na naman na under the saya ni North.”
Napailing ang lalaki. “Siya ang under kamo. Kahit na nabasted iyon, isang sutsot lang ng first love niya, parang asong pupunta iyon nang kumakawag ang buntot.” Ihinimpil nito ang Gabolo. “Anong gagawin natin dito?”
“Bibili tayo ng decal decoration para sa kuwarto mo. At di ako ang under the saya dahil ako ang masusunod. Araasso?”
Umikot ang mata niya. “Arasso yo.” Wala naman silang panalo dito.
Hindi nga lang niya maintindihan kung bakit okay lang dito na mag-decorate siya. As if naman siya ang first love nito katulad ni North sa artist na nag-decorate ng window design ng bar. Pero excited siya dahil pinagbigyan siya ni Gideon.
“Ano kayang maganda?” tanong ni Yana.
“Cherry blossom? Kasi nalagas na ngayon,” suhestiyon ng lalaki.
“Pero gusto ko rin ang tulips.” Itinuro niya ang isa pang design. “Snowflake? Par kahit spring may snowflake. Di pa ako nakakita ng snow.”
Tumawa ang lalaki. “I-decorate mo rin ang kuwarto ko at ang sala. Do whatever makes you happy. Maraming bintana ang bahay ko.”
The decal sticker is temporary. Katulad ko na pansamantala lang sa buhay ni Gideon. Madaling baklasin pagdating ng panahon at walang iiwang bakas.
“Anneong! You two are shopping here?” bati ni Eu Jin na basta na lang sumulpot sa kung saan.