Soju Trilogy: Tipsy in Jeju Chapter 8

Really? Who needs a wife? Kaya naman niyang magluto para sa sarili niya. Di niya kailangan ng pagmamahal ng iba dahil mahal niya ang sarili. Hindi siya emotionally dependent na isang babae lang ang kukumpleto sa buhay niya. No. He didn’t care about that shit. Mas miserable ang buhay ng mga nai-in love.

Ayaw niyang magaya sa tatay niya na minahal nang todo ang nanay niya pero iniwan kung kailan bagsak na bagsak ito. He won’t be a victim like his father.

Nangangalahati na siya sa kimchi stew nang mag-ring ang cellphone niya. “Jin Woo-na, is Sang Hee taking care of you?”

Mariin siyang pumikit nang marinig ang malambing na tanong ng lola na si Mi Su. “Halmeoni, please stop. She invaded my privacy. Do you know that I can report her to the police?”

“But she is a nice girl. You need a nice girl around.”

“Halmoeni… not again.”

It was becoming tiresome. Parang obligasyon niya sa mundo na mag-asawa at magkaanak. Habang maraming nasa relasyon at may pamilya ang miserable.

“I am old and sick, Jin Woo. I don’t want to leave you alone in this world. I want you to settle down with a nice woman who will take care of you and give you kids. I want to play with my grandchildren,” anang lola niya sa seryosong boses. Her grandmother was sick. Kahit gusto niyang pagbigyan ang lola, di madali na ibigay ang gusto nito. Maisip lang niya na mag-settle sa isang babae, nangangati na siya.

“We will get there, halmoeni. I just don’t want to see Sang Hee here, invading my house as if she owns it. I feel violated.”

“Okay. I won’t. But please open your heart. The one for you might be just around the corner but you are too busy playing around.”

“Enjoy the party, halmeoni.” Gusto na lang niyang matapos ang pag-uusap na iyon. Hindi effective ang pagiging matchmaker ng lola niya.

“Oh, by the way, remember Teacher Yana?”

“Yanamarie from the Philippines? Nee. Your favorite tutor and the sweetest thing on Earth.”

Umikot ang mga mata niya. Yana was naturally sweet and nice. Gusto ito ng lahat. Muntik na nga itong ampunin ng lola niya. Wala itong nakaaway o nakagalit noong nasa tutorial school - maliban sa kanya.

“She’s here in Jeju right now.”

Parang nakasinghot siya ng chili powder sa nalaman at napaubo. “What? S-She’s here in Jeju Island?”

“She called me a while ago. She told me that she’s at the airport and will surprise her boyfriend. It means she and Dong Uk are still together. I didn’t expect that they are still together after a long time. I thought Dong Uk has a girlfriend.”

“I am not sure.”

“Oh! Love can really wait. So romantic. She’s really brave and she really fulfilled her promise to come here.”

Napamura siya sa utak. Isang sorpresa na sumunod sa Jeju Island ang babae. Ang alam niya, nagkalabuan na ito at si Dong Uk mula nang di natuloy ang flight na kinuha ng kaibigan para dito. Limang buwan na ang nakakaraan nang sabihin ni Dong Uk na may nangyari dito at sa kababata nitong si Eu Jin. At na-realize nito na gusto nitong gawing pormal ang relasyon sa kababata dahil malabong puntahan pa ito sa Korea ni Yana. Nawalan na ng pag-asa ang lalaki. Malaking problema ito dahil mali ng sapantaha ang kaibigan.

“D-Do you have her number, halmeoni? I just want to check up on her and make sure that she is safe,” tanong ni Gideon sa lola.

Ipinadala ng lola niya ang numero sa cellphone niya matapos silang magkausap. Hindi na niya natapos ang pagkain sa labis na tensiyon.

Una muna niyang tinawagan si Dong Uk para bigyan ito ng warning. Ang alam niya ay may date ito at si Eu Jin. Paano kung magpang-abot ang dalawang babae? Malaking gulo iyon. Sa kasamaang-palad ay naka-off ang cellphone ng lalaki.

“Baka nagkarambulan sila. Sakit talaga ng ulo ang mga relasyon na iyan. Pati ako namomoroblema dito.”

Sumunod niyang tinawagan si Yana. Sana lang ay hindi pa nito nakikita si Dong Uk. Baka magawan pa niya ng paraan para hindi dumanak ang dugo. Yana looked like a gentle girl. Mukhang babasaging kristal. Pero alam niyang may pangil ito. Kapag ito ang tinapak-tapakan, di ito papayag na manahimik na lang sa isang tabi. She would fight back. She won’t stop until she had proven she was right.

Na-ring ang cellphone nito. “Yana, don’t do anything stupid. Don’t. Kumalma ka lang.”

Sa wakas ay may sumagot sa phone. “Hello. Sino ka?”

“Yana, this is Lee Jin Woo.”

“Sino?” tanong nito.

Huminga siya ng malalim. “This is Gideon Lee,” aniya sa pormal na boses. Sa Pilipinas lang siya tinatawag na Gideon at ng mga customer sa club na di nabubulol sa Korean niya.

“Gideon Lee? Ah! Boss, ikaw pala iyan.” Humalakhak ito. “Ex-boss! ‘Yung guwapong may papandesal lagi tapos babaero.” Humina ang boses nito pero naririnig pa rin niya. “Wag kayong magulo. Kausap ko boss ko dati. Guwapo ito kaso parang galit sa akin.”

“What?” bulalas niya. Nasa katinuan pa ba ang babae? She didn’t sound like herself. At sino ang kausap nito? Bakit itsini-tsismis siya sa ibang tao? Di iyon ang importante ngayon. May mas importante siyang pakay. “H-How are you? Sabi ni Lola nasa Korea ka para makita ang boyfriend mo.”

Kailangan muna niyang tantiyahin ang mood ng babae. Dapat ay di siya magpahalata na nagpa-panic siya, na may alam siya sa relasyon nina Eu Jin at Dong Uk. Shit! Baka pati ako maipit dito.

“Oo. Pumunta ako sa Korea, nahilo ako sa turbulence papunta dito, walong oras na biyahe para makapunta ng Jeju Island, tapos ano lang ang aabutan ko dito sa Korea? Nakita ko na si Dong Uk. Nakita ko na siya na may kahalikang ibang babae sa labas pa ng cafe. Ang sakit! Sobrang sakit, Sir Gideon. Two years. Sabi niya maghihintay siya ng two years. Nandito na ako tapos iyon lang ang makikita ko?” At humagulgol ito ng iyak. She was really in pain and he could feel it eminating from her voice. “Bakit? Mahal na mahal ko naman siya.”

“Yana, nasaan ka na? Kasama mo ba si Dong Uk?” Paano kung nasa prisinto na ito dahil sa pagsugod kay Dong Uk at Eu Jin?

“Wala si Dong Uk. Bago ko pa sila nalapitan, sumakay na sila ng kotse. Pinatay din niya ang phone niya. H-Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong tutuluyan k-kasi akala ko si Dong Uk ang bahala sa akin,” anito at humikbi. “Hindi ko alam kung anong gagawin ko.”

Tumanaw siya sa labas. Malakas ang ulan. Mag-isa ito sa Jeju Island habang malakas ang ulan at wasak ang puso. Di niya ito pwedeng pabayaan. “Nasaan ka? Pupuntahan kita,” sabi niya at nagmamadaling umakyat ng kuwarto para magbihis.

“Nandito ako sa bar na nagpapanggap na coffee shop. Kasama ko ang mga bagong kaibigan ko at tinutulungan nila ako na mag-practice para mabawi si Dong Uk sa patpating babaeng iyon. Hindi ako papayag na basta-basta lang siyang mabawi sa akin ng babaeng iyon. Alam ko ako pa rin ang mahal ni Dong Uk. Hey, chinggu! Soju jusseyo!” May tinawag itong kaibigan at nag-request ng soju.

“Nee, gongju-nim.” Gongju-nim? Princess. Someone called her princess. Boses ng lalaki. Lalaki ang kasama nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.