“NAIPASA n’yo na ang thesis n’yo, `di ba? So it means, maluwag na ang schedule mo. Hinihintay n’yo na lang naman ang final defense n’yo, right?”
“Yep, why?” tanong ni Berrie sa personal assistant at road manager niyang si Boo nang hindi inaalis ang tingin sa phone niya. Katabi niya lang ang PA pero hindi niya iniintindi ang mga sinasabi nito. May cameo role siya sa isang drama kaya hatid-sundo siya ni Boo buong-araw.
Ini-stalk kasi niya si Stacy, ang bagong fuck buddy ni Nathan. Sa isang taon na pag-o-observe niya sa lalaki, natutunan na rin niya ang pattern nito pagdating sa mga babae. May flavor of the month ito dahil buwan-buwan, iba-ibang girls ang inuuwi ng lalaki sa condo. Minsan nga, dalawa ang pinagsasabay nito sa isang buwan. Sigurado siyang hanggang kama lang ang relasyon ni Nathan sa mga babaeng iyon dahil tuwing gabi lang naman niya nakikita ang mga karibal niya.
Natigilan si Berrie nang makita ang isang picture sa Instagram ni Stacy. Nakalingkis ang lintik na babae sa leeg ni Nathan na nakangiti pa. Wow. Ngayon niya lang nakitang nakangiti si Nathan.
Naiinis na inihagis niya ang phone sa pinakalikod na bahagi ng van kung saan siya kasalukuyang nakasakay. “Nakakainis ang girl na `yon. Natikman na niya ang Nathan ko. Eh, kung sa ganda lang, mas maganda naman ako. Mas malaki lang ang boobs niya nang very light.”
“`Kaloka `tong babaeng `to,” iiling-iling na sabi naman ni Boo. He was gay and fat, thus the nickname Majin Boo, a reference from a famous animé series which featured a cute and big character with pink skin. Pero cute si Boo dahil parating naka-man bun ang buhok nito. Maputi rin ito at singkit. Kaya nga ganoon ang tawag dito. “Kanina pa `ko dada nang dada rito, hindi ka naman pala nakikinig.”
Parang batang pumadyak si Berrie, saka siya humalukipkip. “Nakakainis naman kasi si Nathan. May bago na naman siyang flavor of the month. Akala ko may chance na `ko after he dumped Karen. Pero ilang days pa lang ang lumilipas, may Stacy na siya.”
“`Te, remind lang kita, hindi mo siya jowa. It’s none of your business kung may bago siyang fubu kaya huwag kang mag-emote d’yan,” sermon ni Boo.
Dahil matagal na niyang kasama si Boo, naging close friends na rin sila. Kaya nga nakakapagsalita ito nang ganoon sa kanya.
“Saka hindi ka pa nasanay. Sa isang taon mong pagsunod-sunod sa lalaking `yon, never naman siyang nabakante nang matagal, `di ba? May pagka-fuck boy din `yang teacher mo, eh. In all fairness, hindi halata sa unang tingin. Mukha kasi siyang good boy.”
“Hindi ko na teacher si Nathan,” naiinis na sabi ni Berrie. “Anyway, I don’t want to talk about his women. Ano nga pala `yong sinasabi mo kanina?”
“Ngayong maluwag na ang schedule mo, gusto ni Miss Ariella na tanggapin mo na `yong movie offer sa `yo. `Yong sexy horror film,” sabi ni Boo na ang tinutukoy na Miss Ariella ay ang talent manager niya. “Matagal na raw ang two-year hiatus mo. Gusto uli niyang maging active ang career mo ngayong ga-graduate ka na.”
“I do TV guestings naman,” katwiran ni Berrie. “Kumikita pa rin naman siya sa `kin, `di ba? Saka I don’t want to accept that movie offer. Nabasa ko na ang script at nakita kong may super passionate bed scene akong kailangang gawin na wala namang kinalaman sa ikagaganda ng movie.” Sumimangot siya nang may maisip. “Saka alam ko naman ang plano ni Miss Ariella. Gusto niyang maging sexy ang image ko dahil feeling niya, malalaos na `ko kung hindi pa `ko magle-level up, tulad ng ginawa niya sa iba niyang talent.”
“Eh `di ba, gusto mo rin namang maging mature na ang image mo?” maingat na tanong naman ni Boo. “Sabi mo before, sawa ka na sa pa-tweetums mong mga role. Saka ayaw mo na ring gumawa ng rom-com. So bakit ayaw mo pang tanggapin ang movie offer?”
“Boo, iba naman ang pagiging sexy sa paghuhubad sa harap ng camera just to save my career,” katwiran niya. “It’s a very desperate move. It’s not like palaos na `ko. Ako naman ang nag-decide na mag-hiatus. Makakabalik naman ako kapag gusto ko. Masyado lang paranoid si Miss Ariella. And she’s too greedy. Kahit anong role na lang, ipipilit niya sa talent niya para lang magkaro’n siya ng commission. Gumaganti lang siya kasi feeling niya, nalugi siya sa `kin no’ng nag-hiatus ako.”
Ang network na may hawak sa kanya, supportive sa desisyon niyang mag-aral muna. Hindi naman kasi niya tinalikuran ang mga project niya. Nagpasya siyang mag-break noong time na hindi na ganoon karami ang naka-line up na trabaho para sa kanya kaya wala siyang naging problema.
Ang tumutol lang nang bongga sa desisyon ni Berrie ay ang manager niyang si Miss Ariella. Pero wala naman itong nagawa dahil nakausap na niya ang mga big boss nila. Kaya siguro ngayong hindi na siya busy sa school ay gusto na agad siyang pakinabangan ni Miss Ariella. To make up for lost time, perhaps.
“`Buti sana kung maganda ang dahilan kung bakit kailangan kong gumawa ng bed scene,” pagpapatuloy pa rin ni Berrie sa hinanakit niya. “Eh, hindi naman. My character will die after making love to her boyfriend. So what’s the point of including that scene in the film? Obviously, they want me to show too much skin kasi feeling ni Miss Ariella, `yon ang effective way para maging sexy agad ang image ko.”
Bumuntong-hininga si Boo at binigyan siya ng tinging puno ng simpatya. Iyon ang dahilan kung bakit ang lalaki (o gay) ang pinili niyang maging PA at road manager. “All right, gets naman kita. Hindi ko rin naman gusto ang ipinapagawa sa `yo ni Miss Ariella.”
Binigyan niya ng apologetic na ngiti ang kaibigan. “Sorry din kung sa `yo ko naibuhos ang inis ko, Boo.”
“Wala `yon, `no,” natatawang sabi naman nito. “Anyway, sasabihin ko na lang kay Miss Ariella na sobrang busy mo pa rin kaya hindi mo pa siya mapupuntahan. But I’m telling you, hindi ko na mapapatagal pa ang pag-delay sa pakikipag-meeting mo sa kanya.”
Bumungisngis si Berrie at niyakap si Boo. “Thank you, Boo! You’re the best!”
“Bolera,” natatawang sabi nito, pagkatapos ay tumingin sa paligid nang huminto na ang van. “O, nandito na tayo sa building mo. Gusto mo bang ihatid kita sa unit mo?”
“Nah, I can take it from here,” nakangising sabi naman ni Berrie. “Bibisitahin ko pa si Nathan ko, eh.”
Napairap si Boo. “See you tomorrow, baby girl.”
“Bye,” sabi lang niya, saka bumaba ng van habang isinusuot ang kanyang face mask.
Well, alam naman ng mga ka-building niya na siya ang artista na si Berrie Diaz. Nakasanayan na lang niyang magsuot ng ganoon. Plus, she liked her chic and cute masks. This time, kulay-black ang suot niyang maskara na may disenyong plump red lips. Trademark na niya ang pagsusuot ng ganoon.
Naglalakad na si Berrie papunta sa underground elevator nang mapansin niya ang kotse ni Nathan. Sa isang taong pag-o-observe niya sa lalaki, kabisado na niya pati ang plate number at brand ng sasakyan nito. Balak lang sana niyang hawakan ang kotse ni Nathan na madalas niyang gawin. Para lang madama ang bahagi ng pagkatao nito. Pero natigilan siya nang makitang nasa loob pa ng kotse ang lalaki.
Ibinaba ni Berrie ang suot na maskara. Napangiti siya nang magtama ang mga mata nila ni Nathan. Kinawayan pa niya ito. “Hi, Sir Nathan!”
As usual, tiningnan lang siya ng lalaki.
Kumunot ang noo ni Berrie sa pagtataka. Sa kakatitig niya kay Nathan, kabisado na niya ang iba’t ibang klase ng pagsimangot nito. His frown right now meant he was problematic. Hindi rin niya alam kung paano niya nasabi.
Mabilis siyang lumapit sa kotse at marahang kinatok ang salaming bintana. “Hey, Sir Nathan. What’s wrong?”
Hindi siya nito tiningnan.
Nagulat si Berrie nang bigla na lang na-unlock ang pinto ng passenger seat. She took it as an invitation kaya sumakay na siya. Kung normal na pagkakataon iyon, baka malaswang rason na ang naisip niyang dahilan ni Nathan dahil first time siya nitong imbitahan. Pero hindi, eh. Kasi alam niyang may problema ito.
Nahalata niya ang amoy ng alak na humalo sa mabangong amoy ng kotse ng lalaki.
“You’re drunk?” kunot-noong tanong ni Berrie.
“Nakainom lang ng kaunti,” tanggi ni Nathan, saka sumandal sa headrest at pumikit. Napansin niyang namumula ang mukha nito. Ah, lasing nga. Mabuti nakapagmaneho pa ito nang maayos.
Napansin din ni Berrie na bukas ang tatlong butones ng polo ng lalaki kaya lantad na lantad ngayon ang maputi at halatang matigas nitong dibdib. Napalunok siya, parang biglang nanuyo ang kanyang lalamunan. Ipinaraan tuloy niya ang dila sa ibabang labi. But only if she could, she would rather run her tongue on his chest, and all over his obviously rock-hard body.
Lord, ang yummy po niya.
Nagtuloy-tuloy ang paglalakbay ng mga mata niya sa forearms ni Nathan na makikita naman dahil nakatiklop sa mga siko nito ang suot na tailored polo. Mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa manibela kaya siguro lumabas ang mga ugat sa mga braso nito. It only made his arms look sexier.
Mabilis na pumikit si Berrie at umiling-iling. Kinalma niya ang sarili dahil kung hindi, baka dambahin niya si Nathan. She was close to jumping all over him. Sobrang hot naman kasi ng lalaking ito!
“Berrie, I might have STD. Worst case scenario, I might be a father soon.”
Biglang nagmulat si Berrie dahil sa sobrang gulat. Sumalubong sa kanya si Nathan na nakatingin na pala sa kanya. Halatang problemado ang guwapo nitong mukha. “Excuse me?”
“Last night, while Stacy and I were doing it, the condom fell off,” halos pabulong na pagkukuwento ng lalaki, may bahid ng takot sa boses. “Pero hindi agad kami huminto. I withdrew before... before you know. But I can’t be too sure. I can’t even remember what exactly happened between us.”
“Bakit hindi ka nag-iingat?!” naiinis na tanong niya. “Withdrawal is still dangerous, Sir Nathan.”
Namula ang mukha ni Nathan at nag-iwas ng tingin. Napahiya yata ang lalaki dahil napakamot ito sa batok. “I know. But I was too horny and too drunk last night to think straight. No’ng nahimasmasan na ako kaninang umaga, do’n ko na-realize ang mali ko. What if Stacy’s not clean? Worse, what if I get her pregnant? She didn’t mention being on birth control.” Naiinis na tinapik nito ang busina dahilan para mag-ingay nang ilang segundo ang kotse. “Shit. That was so stupid and so careless of me.”
Tumango-tango si Berrie. She was seriously bothered by the possibility of Nathan fathering a child. Mabuti sana kung siya ang ina. Pero hindi, eh. Mahirap pagnasaan ang lalaking may anak na. Sa karibal pa niya!
Ngumisi nang mapait si Nathan. “Hindi ko rin alam kung bakit sa `yo ko `to sinasabi. I don’t know who else to turn to. My friends would just probably laugh at me.”
Biglang natauhan si Berrie. Sinabi sa kanya ng lalaki ang problema nito. Imbes na isiping wala lang itong choice, inisip na lang niya na baka may tiwala ito sa kanya. Mabilis gumana ang isip niya sa paggawa ng paraan para matulungan si Nathan. “First things first. Kailangan muna nating makasiguro na wala kang nakuhang kahit anong sakit, since hindi n’yo naman pala napag-usapan ni Stacy kung regular ba ang pagpapa-check up niya. How about you?”
“I do regular check-ups,” mabilis na sagot naman nito. Nang muli itong magsalita, pansin niyang may takot na naman sa boses ng lalaki. “Though I’m... I’m kinda scared to do that now. Natatakot ako na baka mag-positive ako sa STD.”
“Naiintindihan ko ang fear mo, Sir Nathan,” maingat na sabi ni Berrie. “Pero ikaw ang may gawa nito sa sarili mo. Hindi mo na mababago ang nangyari so you have to face this. Ngayon mo mas kailangang magpa-check kung malinis at safe ka pa. If ever mangyari man ang kinakatakutan mo, makakagawa tayo ng paraan para maagapan `yon, `di ba?”
Nanatili lang nakatitig sa kanya si Nathan. This time, she couldn’t read his emotion.
“I mean, mas okay `yon kaysa sa maglasing ka uli, `di ba?” biglang bawi niya, just in case masyado na siyang naging commanding. “Baka mamaya kasi, makipag-unprotected churvahan ka na naman nang hindi planado. Makaka-jackpot ka na talaga kapag naulit pa `yon.”
Napakurap-kurap ang lalaki pagkatapos, bigla itong tumawa. Malakas, buhay na buhay, at masarap sa pandinig. Wow, even his laugh was sexy.
Kumunot naman ang noo ni Berrie. “May nakakatawa ba sa sinabi ko?”
Mabilis namang umiling si Nathan. Mukhang nahimasmasan na ito, pero hindi na nawala ang magandang ngiti sa mga labi. When he turned to her, his smile turned grateful. “Natatawa lang ako sa sarili ko dahil natakot ako sa bagay na hindi pa naman nangyayari.” Ipinatong nito ang kamay sa ibabaw ng ulo niya. “Thank you, Berrie. Salamat kasi hindi mo `ko pinagtawanan sa problema ko. You also encouraged me to do the thing I was afraid of. Dahil sa `yo, kumalma na `ko.”
Ngumiti lang si Berrie. In all fairness, for the first time, she felt something else aside from lust. Nag-init uli siya, pero sa dibdib na. Parang sasabog ang puso niya sa sobrang saya, idagdag pa ang pangingiliti ng kung ano sa kanyang tiyan. Hindi na siya teenager pero kinilig pa rin siya. Ang cute kasi ng ngiti ni Nathan. Saka nakakatuwang malaman na napagaang niya ang loob nito.
Pero umaasa pa rin siya na sa susunod, sa ibang parte naman ng katawan niya maramdaman ang mainit at malaking kamay ni Nathan...
Stop, saway ni Berrie sa sarili. He needs a friend right now, okay? Control your hormones.
Tinanggal na ng lalaki ang kamay nito sa ulo niya. “Would you like to have coffee with me, Berrie?”
NAKAPALUMBABA si Berrie habang masama ang tingin sa mataas na baso ng kape niya. Naiinis siya sa sarili dahil tinanggihan niya ang offer na kape ni Nathan noong isang linggo, pagkatapos, nakuha pa niyang mag-coffee ngayon. Bakit ba kasi tinanggihan pa niya ang lalaki?
Eh, kasi po, kung nagtagal ka pa with him, baka hindi mo na nakontrol ang sarili mo.
Just talking to him that night already made her so wet. In fact, when she got home, she has to touch herself before she could concentrate on anything. Ganoon kalakas ang epekto ni Nathan sa kanya. Pati hormones niya, baliw na baliw sa lalaki. Not that she could blame her hormones. He was a six feet male of pure hotness. Every inch of him screamed sex. Great sex, at that.
Baka kung nagtagal pa siya sa kotse ni Nathan nang gabing iyon, dinamba na niya ang lalaki. Baka ma-trauma pa ito sa kanya at layuan siya. Kung kailan pa naman kinakausap na siya nito.
Pero pinagsisisihan talaga ni Berrie ang pagtanggi niya kay Nathan. Walang araw sa isang linggong lumipas ang hindi siya nanghinayang. Nagkataon pa na sobrang busy naman siya sa pagpa-practice ng thesis defense kasama ang mga kagrupo at may mga taping naman siya ng mga TV guesting niya sa gabi kaya hindi na siya nakakasilay sa kasexyhan ng former instructor niya.
Heto siya ngayon sa favorite coffee shop ni Nathan, ang Hot & Cold. Tuwing umaga kasi, dumadaan doon ang lalaki kaya umaasa siyang magkikita sila bago siya pumasok sa university. Pero isang oras na siya roon, ni anino ng lalaki ay hindi pa rin niya nakikita. Kailangan pa naman niya ng inspirasyon at good luck charm bago ang thesis defense nila mamaya.
“Hi, Berrie.”
Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa gulat. Today, she wore her white mask with a stitched mouth design. Pero hindi ang pagkakakilala sa kanya ang ikinagulat niya. Nagulat siya sa kung sino ang walang paalam na umupo sa bakanteng silya sa tapat niya. Hinubad niya ang mask. “Alexis.”
Ngumisi si Alexis at sumaludo. “I’m flattered na kilala mo pa rin ako.”
Sumimangot lang si Berrie at hindi niya iyon pinagkaabalahang itago.
Ang Hot & Cold Café ay coffee shop na malapit sa condo building na tinitirhan niya. Karamihan sa mga customer doon ay kapitbahay niya kaya immuned na ang mga ito sa kanya, pati ang mga staff. Meaning, hindi siya tinatrato bilang celebrity. She was a normal resident in their area, which was totally fine with her. Gusto niya ang katahimikan dito kaya naiinis siya na may taga-showbiz na bigla na lang siyang guguluhin.
Si Alexis, isang matandang showbiz reporter na nasa late fifties na, ang pinakamalaking buwisit sa buhay niya. Mula noong sumali siya sa TNTR, wala na itong isinulat na maganda tungkol sa kanya. Hindi kasi siya nagbabayad ng press para lang magsulat ng PR article para sa kanya.
Noong nag-hiatus si Berrie, isinulat nitong si Alexis na buntis siya at may nakakita sa kanya sa isang ospital kahit na noong araw na iyon ay kausap niya ang dean ng college para sa pagbabalik-school niya.
This is showbiz, ladies and gentlemen.
“I heard you’re having a comeback movie,” pagpapatuloy ni Alexis nang hindi siya nagsalita, nakangisi pa ang matanda. “A sexy horror movie, at that. May eksena ka raw na maghuhubad ka?”
Naikuyom ni Berrie ang mga kamay. Kilala si Alexis bilang pinakataklesang showbiz reporter kahit na lalaki ito kaya hindi na siya nagulat sa bastos na lumabas sa bibig nito. Pero nakakagalit pa rin. Still, she composed herself and smiled sweetly. “I heard you have a daughter that is around the same age as me. Hindi ka ba natatakot na siya ang makarma sa kabastusan mong `yan sa ibang babae? Sana lang, walang masamang mangyari sa kanya dahil sa kasalanan ng daddy niya.”
Nagtagis ang mga bagang ni Alexis. “Huwag mong idadamay dito ang nag-iisa kong anak.”
Ngumisi lang si Berrie. Kontento na siya na nasira na niya ang araw ng matanda. At least, nakaganti na siya sa pagsira nito ng umaga niya. “Never ka namang naging credible reporter kaya hindi na `ko nagulat kung bakit mali rin ang tsismis sa `yo ng source mo.” Tumayo na siya at tiningnan pababa ang matanda na masama ang tingin sa kanya. “Have a good day. Mukhang kailangan mo kasi ng magandang araw para naman hindi mo naiisipang magsulat ng kuwento na nakakasira sa buhay ng iba.”
Nagmura si Alexis.
Umirap lang si Berrie at naglakad na palayo. Itinapat niya uli sa kanyang bibig ang chic face mask, saka siya naglakad na parang beauty queen. Todo-sway ang baywang niya at talagang pinapatunog niya ang takong ng kanyang pump shoes sa marmol na sahig. Kahit naka-corporate attire siya, sexy pa rin siya sa suot niyang black blazer at pencil skirt. Hindi siya mukhang teacher, hindi gaya ng iba niyang blockmates. Nakita niya kasi ang selfie ng ilan sa mga kaklase niya sa Instagram.
“Berrie Diaz!”
Hindi huminto si Berrie sa paglalakad kahit na narinig niya ang galit na pagtawag sa kanya ni Alexis. Bigla lang siyang napahinto nang hawakan ng matanda ang braso niya at pilitin siyang pumihit paharap dito. Dahil sa biglaang pag-ikot niya, nawalan siya ng balanse. Sa taas ng mga takong niya, natapilok siya at bumagsak sa sahig. Tumama ang mga tuhod niya sa magaspang na kalsada, pero ang mas nagpangiwi sa kanya ay ang paghila ni Alexis sa braso niya na hawak pa rin nito nang subukan siguro nitong itayo siya. Pero lalo lang siyang nasaktan sa ginawa ng matanda.
“Hey!”
Nabigla si Berrie nang bigla siyang bitawan ni Alexis. Bago siya bumagsak sa kalsada, naitukod niya ang mga kamay sa magaspang na daan. Pero lahat ng sakit na naramdaman niya ay nawala nang makilala niya ang boses na iyon. Nang tumingala siya, kinilig siya nang bongga nang makita si Nathan. Well, nakatalikod ito at kaharap si Alexis. Pero siguradong siyang ang lalaki iyon.
Bumaba ang tingin ni Berrie sa round and hard butt ni Nathan. Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil. Heto nga’t nakaluhod na siya sa kalsada at may sugat pero kung ano-ano pa ang naiisip niya. Though come to think of it, kung haharap lang si Nathan sa kanya ngayon, perfect na sana ang posisyon niya para hawakan ito sa matitigas nitong hita at bigyan ito ng...
“Alam mo bang harassment ang ginawa mo kay Miss Diaz ngayon lang?” iritadong tanong ni Nathan kay Alexis. Kahit nakatalikod, halata sa boses nito ang inis kaya siguradong nakasimangot ito.
“Wala akong ginagawang masama, ha,” mabilis na kaila naman ni Alexis. “Aksidente ang nangyari,” paliwanag nito, saka nagmamadaling umalis.
Sa gilid ng mga mata niya, nakita ni Berrie ang matanda na tumakbo papunta siguro sa kotse nito.
“Berrie, are you hurt?” tanong naman ni Nathan nang lumuhod ito sa tabi niya. “I’ll help you get up.”
Pinigil ni Berrie ang sariling mapaungol sa sarap nang akbayan siya ni Nathan at akayin patayo. Ang titigas ng mga braso nito! Sinadya rin niyang sumandal sa dibdib ng lalaki, at wow, heaven. Matigas din! Solid na solid ang katawan ng lalaki. Ganito rin kaya katigas ang junior ni Nathan?
Hindi na niya napigilang mapabungisngis dahil sa naiiisip niyang kalaswaan. Hindi na talaga siya makapag-isip ng hindi bastos tungkol kay Nathan. Nagiging pervert siya dahil sa lalaking ito.
“Sa lahat ng nasaktan, ikaw lang ang kilala kong masaya pa,” iiling-iling na sabi ni Nathan habang tinutulungan siyang umupo sa baitang ng hagdan ng front porch ng café.
“Alam mo naman siguro kung bakit,” masaya pa ring sagot ni Berrie. Sa sobrang kilig niya, hindi na niya nararamdaman ang hapdi ng kanyang mga sugat. “First time mo `kong niyakap, eh. Kung ganito ang reward tuwing guguluhin ako ng mga makukulit na reporter, I will embrace them with open arms.”
“Hindi kita niyakap,” kaila naman ng lalaki saka ito lumuhod sa harap niya habang nakatingin sa kanyang mga tuhod, partikular na sa kanan na namumula dahil sa sugat. Pumalatak ito. “May gasgas ka sa tuhod. `Buti hindi napunit ang stockings mo.”
“Hindi ako nakasuot ng stockings,” tanggi naman ni Berrie. “Mukha bang fake ang kinis at puti ko?”
“Hindi ka talaga naka-stockings?”
Nag-angat siya ng tingin kay Nathan na nakakunot pa rin ang noo. “Hindi nga. Bakit ba kasi?”
Tumingin ang lalaki sa mga binti niya. Napalunok ito bago magsalita. “Your skin... looks perfect.”
Kinagat ni Berrie ang ibabang labi para pigilang mapaungol. Ang init kasi ng tingin ni Nathan sa mga binti niya. Pati tuloy siya, biglang nag-init. Pasimple niyang itinaas ang naka-bunch up nang skirt para mas malaking bahagi ng hita niya ang ma-expose sa mga mata ng lalaki. “Thank you, Sir Nathan. My skin also feels perfect. Gusto mong i-try?”
Nag-angat uli ng tingin si Nathan. Pero nananaway na ang tinging ibinigay nito sa kanya ngayon. “Wait here, Miss Diaz. Manghihiram lang ako ng first-aid kit.”
Napasimangot si Berrie. Ibinaba na niya uli mula sa pagkaka-bunch up ang skirt niya. “Yes, Sir.”
Tumayo na ang lalaki at pumasok sa loob ng Hot & Cold.
Si Berrie naman, ipinatong ang mga siko sa kanyang mga hita at nangalumbaba. Habang tumatagal, napapansin niyang hindi na naiiwasan ni Nathan ang tumingin sa katawan niya pero halata rin namang matindi pa rin ang pagpipigil nito. Her hard work was slowly paying off. Pero ano kaya ang kailangan pa niyang gawin para tuluyan nang bumigay ang lalaki sa pang-aakit niya?
Pero magandang sign na na hindi na niya ma-resist ang panse-seduce ko, `di ba?
That made her feel good. Muli, napabungisngis siya.
“Talagang masaya ka pa na nasugatan ka, ha?”
Tumingala si Berrie kay Nathan na nakabalik na. May dala nga itong first-aid kit. “`Buti meron silang first-aid kit sa café.”
“Siyempre, hindi naiiwasan ang aksidente sa mga coffee shop. Lalo na `yong mga natatapunan ng kape kaya may first-aid kit sila,” paliwanag naman nito, saka lumuhod uli sa tapat niya habang binubuksan ang box. “Saka kilala ko si Dustin, `yong owner ng café. Boy Scout `yon, eh, laging handa.”
Tumango-tango siya. “Ohh. Friends pala kayo ng owner nitong Hot & Cold. Kaya pala parati kang dito nagkakape.”
“Stalker,” biro ni Nathan habang binabasa nito ng alcohol ang cotton ball na hawak.
Ngumiti si Berrie, pero agad din siyang napangiwi nang marahan nang idikit ng lalaki ang cotton ball sa sugat sa tuhod niya. Umungol siya sa sakit.
“Did it hurt? Sorry,” mabilis at apologetic na sabi naman nito. Pagkatapos, bahagya itong yumuko para marahang hipan ang sugat niya.
Okay, nawala na ang hapdi na naramdaman ni Berrie.
Mainit ang hininga ni Nathan na tumatama sa sugat niya. Effective nga iyon para mawala ang sakit. Pero dahil sa ginagawa nito, kinikilabutan siya sa kakaibang paraan. Sa pag-ihip ng lalaki, bigla siyang nag-init. Na-imagine kasi niya na ganoon ang pakiramdam kapag sa ibang bahagi ng katawan niya tumama ang hininga nito. Gaya sa sensitibong bahagi ng leeg niya. O sa pagitan ng mga hita niya. Look, him kneeling down before her was a perfect position if he would go down on her.
Napaungol uli si Berrie. Pero puno na ng pagnanasa ngayon ang boses niya.
Biglang natigilan si Nathan sa ginagawa at kunot-noong nag-angat ng tingin. “You’re making weird sounds now, Miss Diaz.”
Kinagat niya ang ibabang labi at mas idiniin pa ang pagkakadikit ng mga hita niya. Nag-iinit ang kanyang mga pisngi hindi dahil sa pagkapahiya, kundi dahil sa matinding pagnanasa na maramdaman ang lalaki sa parte ng katawan niya na namamasa na ngayon. “You’re making me feel weird, Sir Nathan.”
Nabigla si Nathan dahil sa sinabi niya. Nang nakabawi, tumikhim lang ito at itinuloy na ang ginagawa. Iniba na rin nito ang topic. “Nagpa-check na `ko no’ng isang araw. Hinihintay ko na lang ang resulta. Sana, wala akong maging problema.”
Nanghinayang si Berrie na binago ng lalaki ang topic kaya bigla ring nawala ang pag-iinit na naramdaman niya. Pero masaya naman siya sa narinig niya kaya okay na rin. “That’s good. I’m sure na negative `yon kaya relax ka lang, okay?”
“I can do that now, thanks to you,” sinserong sabi naman ni Nathan.
Pagkatapos linisin ang sugat niya, maingat naman nitong nilapatan iyon ng Band-aid. Pagkatapos, nag-angat ito ng tingin. “Okay na. Hindi na mai-infect ang sugat mo.”
“Thank you, Sir Nathan,” ngiting-ngiting sagot niya.
“I don’t have teaching duties today so you don’t have to be formal,” sabi ng lalaki. Iminuwestra pa nito ang sarili at noon lang niya napansin na imbes na polo, long-sleeved shirt ang suot nito. Mas kaswal kaysa sa madalas nitong attire sa university. “May klase ako sa grad school ngayon. In fact, may exam pa kami kaya for today, I’m a student like you.”
“Oh,” tumatango-tangong sabi ni Berrie. Muntik na niyang makalimutang pumapasok sa grad school si Nathan habang nagtuturo. “May thesis defense naman kami ngayon. Wish me luck.”
Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi ng lalaki. “Break a leg.”
Tumingin si Berrie sa sugat sa tuhod niya. “I almost did.”
Natawa si Nathan. Iyong tawang sexy na naman.
Napatingin siya rito. Wow, lalo palang gumuguwapo ang lalaki kapag nakatawa. Napangiti siya. Nakaka-two points na siya sa pagpapasaya rito.
Nahimasmasan na si Nathan sa pagtawa pero nakangiti pa rin ito habang nakatingin sa kanya. “Gusto mo bang isabay na kita sa pagpasok sa university?”
Marahang umiling si Berrie. Nakakahinayang dahil ngayon lang nag-offer ang lalaki ng ganoon. Pero may importante pa siyang kailangang gawin. Hindi naman puro pang-aakit lang kay Nathan ang nasa isip niya. Mahalaga rin sa kanya ang pag-aaral niya. “Thank you for the offer but I brought my car today. Saka dadaanan ko pa ang mga thesismate ko, eh. Magpa-practice pa kasi kami uli bago ang mismong defense namin mamaya.” Tiningnan niya ang wristwatch niya. “Speaking of which, I have to go.”
Hindi siya sigurado pero nang mawala ang ngiti ng lalaki, parang dumaan din ang pagkadismaya sa guwapo nitong mukha. “Oh. Is that so?”
Tumango si Berrie, pagkatapos ay tumayo na. Hindi niya ininda ang mahapdi pa ring sugat sa tuhod. “Thanks for cleaning my wound, Sir Nathan.” Kumaway siya gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay ginamit niya para itapat uli sa bibig ang kaninang suot na mask. Kaya nang magsalita uli siya, muffled na ang boses niya. “Bye-bye.”